/68/ I See Fire

"THERE are seventy of them," estimate ni Eliza sa bilang ng dami ng Sentinels na nakapaligid sa'min."There are no signs of any Peculiar. I think you can easily knock them all." Sabi niya kay Jing.

"Alam ko," mataray na sagot ni Jing atsaka tumayo, nakipagpalit kay Cloud ng pwesto. "Nahati ko nga yung dagat kahapon eh, ito pa kayang pitumpung tao." Pagkapalit nila ng pwesto ni Cloud kaagad nagpaulan ng bala ang mga kalaban. Predictable na yung mga sumunod na pangyayari, Jing easily deflected the bullets.

Bago pa ulit sila makaatake, by Jing's powers hinawi niya na parang papel yung mga sasakyan para magbigay ng daanan, then Cloud quickly drift the jeep. Nagawa naming makalabas mula sa pagkapalibot nila but the struggle is not over yet. Nakasunod sila sa'ming lahat, kataka-taka na bigla na lang silang sumulpot mula sa kung saan at...bakit? Bakit ngayon pa sila biglang nagpakita?

Si Jing ang pumuprotekta sa'min habang hinahabol nila kami. Bigla ulit tumunog yung telepono, inabot 'yon sa'kin ni Cloud at sinagot ko ang tawag na mula sa San Carlos.

"Jing!" si Pascal ang nagsalita. "Naririnig niyo ba 'ko?"

"Pascal, ano ng nangyayari?" hindi ko maiwasang kabahan sa mga nangyayari lalo na ngayon. Sabi ko na nga ba... May mangyayari't mangyayari na hindi maganda.

"K-kailangan niyong bumalik dito, kailangan namin ng tulong niyo." Sabi nito, "Pakiusap, bumalik kayo." Medyo humihina yung signal kaya hindi ko na maintindihan yung mga sumunod niyang sinasabi.

"Pascal?" at katulad kanina biglang naputol yung tawag. Then we heard a boisterous sound, at nakita ko na umiikut-ikot sa ere yung isang kotse na humahabol sa'min, pagkatapos ay bumagsak iyon sa isa pang kotse kaya nagkasunud-sunod silang nagbanggaan until they all explode. We're pretty far from them but we can still feel the heat and impact, pinreno ni Cloud yung jeep at muntik na kaming mapasubsob nila Eliza sa harapan.

I could hear our gasps, akala ko hihimatayin si Jing katulad ng nangyari noon, shortly after niyang ibuhos lahat ng kapangyarihan niya sa paghati niya ng dagat, pero hindi, she's breathing heavily.

"W-what the hell?" narinig kong sabi ni Vince, nashock din sa mga nangyari. Nakatingin kaming lima sa likuran, ang nagliliyab na eksena at makapal na itim na usok nito papuntang langit.

"Paano nila nalaman..."

"Hindi na dapat tayo magtaka kung makorner nila tayo kahit saan. They're Memoire." Sagot ni Eliza sa'kin. "Unless..."

"Unless?" pero hindi na niya dinugtungan yung sasabihin niya, ayaw magbitaw ng mga salitang hindi sigurado.

"Kailangan na nating bumalik ng San Carlos," napatingin kami kay Jing na nagsalita. "Cloud, bilisan mo."

Bubuhayin pa lang ni Cloud yung makina ng jeep nang umapila si Eliza. "We're not going back. Ang goal natin ay makarating sa Sentral city as soon as possible."

"Shut up," pero seryoso na talaga si Jing, for real. "Sabi ko nga kanina wala kang karapatan na bigyan ako ng utos." But being serious like this makes her mad like shit, and I don't like the atmosphere, ang tensyon na namumuo sa pagitan ni Jing at Eliza. "Babalik tayo sa ayaw at gusto mo."

Mukhang natakot si Cloud dahil binuhay niya na yung makina ng jeep at niliko iyon pabalik. Pero hindi pa rin natinag si Eliza, ni hindi man lang natakot kay Jing.

"It'll take four and a half hours bago tayo makabalik ng San Carlos, we do not know kung anong nangyayari doon and it might—"

"Wala akong pake. Kaya nga tayo babalik 'diba?" Naiintindihan ko si Jing, may mga naiwan kaming kasamahan sa San Carlos na nanganganib ang buhay, and they need our help, or mas tamang sabihing kailangan doon si Jing nila Finnix. While Eliza is being logical as usual, mas priority niya yung goal naming makarating kaagad ng Sentral city sa lalong madaling panahon. Both sides are reasonable yet I don't know where to take stand. But as an important 'piece' in this 'game', I need to decide.

Hindi na kumibo si Eliza at isa lang ang ibig sabihin non, talo siya kay Jing at mukang alam niya na iyon din ang nasa isip namin nila Cloud, kailangan naming bumalik dahil kailangan kami. Hindi ko na alam, may isang panig sa isip ko na sumisigaw na wag, at sa kabila nama'y dapat.

Ito na yata ang pinakamahabang biyahe na naranasan ko sa buong buhay.


*****


PALUBOG na ang araw. Ilang metro na lang ang layo namin mula sa entrada ng San Carlos. Malayo pa lang ay kitang-kita na namin ang maitim at makapal na usok, naging mapula ang paligid. Halos paliparin ni Cloud yung jeep.

"Itigil mo na rito." Sabi ni Jing, hindi pa kami nakakaabot sa pinakaentrada dahil kitang-kita ng dalawang mata ko ang kalunus-lunos na sitwasyon ng San Carlos. Bumaba kami ng jeep.

It was dreadful; I could hear screams and shouts of help. The peaceful village turned into a living hell. Nasusunog halos lahat nang makita mo sa paligid. Bigla akong nanghina.

"Hey," may umalalay sa likuran ko dahil parang matutumba ko sa lupa. "Are you alright?"Umiling ako kay Cloud, alam naman niya siguro na hindi okay ang lahat, hindi maayos ang lahat. How dare him para itanong 'yon sa'kin?

Patakbo kaming pumunta sa loob nito, hindi ko alam kung anong uunahing gawin. I could feel my chest pounding. Sa dami ng emosyon, takot, lungkot, pagsisisi, galit sa sarili, hindi ko alam kung ano ang nangingibabaw. Sa mga oras na 'to pakiramdam ko kasalanan ko na naman ang lahat, kasalanan ko na namang may mga inosenteng nadamay ng dahil sa'kin.

"Guys!" biglang sumulpot sa harapan namin si Dean, may pasan-pasan siyang bata na injured, "Hindi ko alam kung dapat bang nandito kayo pero ginagawa ko ang lahat para tulungan yung iba pang mga residente rito." Hingal na hingal siya atsaka binaling yung tingin sakin, umiiling na mas lalo kong ikinabahala. Pagkahinga niya ng malalim kaagad siyang nawala kasing bilis ng kidlat.

"Let's go." Sabi ni Jing at umusad kami, hindi alam kung saan magsisimula, sa bandang huli nagkahiwa-hiwalay kaming lima.

Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan yung ganito, yung ganitong aktwal na parang impyerno na nasa lupa, mga dagat ng apoy na umaalun-alon, at yung silakbo katulad nang nakita ko noon sa panaginip ni Finnix, but this time everything's freaking real.

Naghanap ako ng mga tao na pwede kong tulungan, naririnig ko yung mga boses nila pero hindi ko sila mahanap. Nakakalanghap na ko ng usok, pero hindi ako natinag kahit na nauubo at masakit sa mata. Maya-maya tila umulan, naramdaman ko na may bumuhos na tubig mula sa itaas, pagkabagsak sa lupa'y unti-unting namatay yung mga apoy. Nakita ko si Jing sa di kalayuan, siya yung pumatay ng apoy.

Naging malinaw na yung paligid dahil nawala yung mga usok at apoy. Nakita ko sa malapit sa isang poste, may nakahandusay na katawan, hindi ko alam kung bakit parang may nag-udyok sa'kin na lapitan 'yon.

"C-cecilia." Tuluyan nang nanghina ang dalawang tuhod ko, kaagad ko siyang dinaluhan. "A-anong nangyari?" sinubukan ko siyang tulungan ibangon pero nakita ko na may malala siyang burn injury sa balikat.

"J-jill..." nagawa pa niyang makapagsalita nang makita ako, "A...ako...na ang humihingi ng tawad..."

"Sandali lang, Cecilia, tatawag ako ng tulong, kailangan kang magamot ni Palm." Sabi ko at akmang tatayo pero hinawakan niya 'ko sa braso, naramdaman ko sobrang init nito. "Tatawag lang ako ng tulong."

"Jill." Hindi ko alam kung gaano kalakas yung tibok ng puso ko, pero ayaw niya 'kong bitawan, "Sa ikalawang pagkakataon...patawad."

"Cecilia." hindi ko rin gaanong maunawaan kung anong ibig niyang sabihin, kung bakit siya humihingi ng tawad...sa ikalawang pagkakataon? Hindi na siya sumasagot.

"Morie?!" napalingon ako at nakita si Vince papunta sa kinaroroonan namin.

"Vince! Tulungan mo ko!" binilisan niyang maglakad. Maging siya ay nagulat nang makita ang kalagayan ni Cecilia, "Nasaan si Palm? Kailangan ko si Palm ngayon na!" Tumayo ako at niyugyog ko yung balikat niya dahil natulala lang siya.

"Pero Morie...hindi na siya..."

"Hahanapin ko si Palm! Dito ka lang, wag mo siyang iiwan." Sabi ko sa kanya at kaagad akong umalis.

"Morie, sandali!" tawag niya pero hindi ko siya nililingon, tumakbo ako para hanapin kung nasaan man si Palm. Kailangan niyang magamot si Cecilia. Wala na kong pake kung gaano na kalayo yung narating ko at nasaan ako napadapad, hindi ko pa rin nakita si Palm at kahit isigaw ko yung pangalan niya, walang sumasagot.

Hanggang sa nakita ko sila Pascal, Otis, Finnix at Jing na nakatayo malapit sa isang puno ng Balete. Hindi nila kaagad napansin yung presesnya ko, "Hey." Tawag ko sa kanila at sabay-sabay silang lumingon, si Pascal pa nga ay parang pusang nagulat nang makita 'ko, yung payasong maskara ni Otis nalusaw ng kaunti yung kanang parte, si Finnix na walang emosyon ang mukha at si Jing na naalerto.

"Nasaan si Palm?" tanong ko sa kanila, "Si Cecilia—"

"Ilayo niyo siya rito." Kahit mahina yung pagkakasabi ni Jing narinig ko pa rin 'yon. Bakit? Bakit kailangan nila 'kong ilayo? Hinawakan ako sa magkabilang braso ni Otis at Pascal at nagsimulang kaladkarin palayo roon pero nagpumiglas ako.

"Bakit? Bakit niyo 'ko ilalayo?" tanong ko sa kanilang dalawa pero hindi sila sumasagot, "Pascal, si Cecilia, kapag hindi siya kaagad binigyan ng tulong—"

"Wala na tayong magagawa." Pero iyon ang sinabi niya kahit hindi pa tapos yung sasabihin ko.

"Bitawan niyo 'ko!" sabi ko at pilit na kumakawala sa kanilang dalawa, malakas si Otis pero nagawa ko silang matulak ni Pascal. Nagkatinginan silang dalawa nang mapaatras sila. Kaagad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Jing, nang makita niya 'ko ay mabilis niya 'kong hinarangan.

"Ano ba, Jing! Ano bang itinatago niyo?!" pero nagawa ko rin siyang mahawi at makahabang paused ng ilang hakbang, tsaka ko biglang napatigil nang makita ang eksena nila.

"Mabuhay ka... Mabuhay ka..."

"Palm, utang na loob tama na."

"Wag mo kong awatin, Dean."

"Palm!"

"Lumayas ka! Hindi ka naman nakakatulong!"

"Patay na sila Palm! Hindi mo na sila mabubuhay!" pilit na itinatayo ni Dean si Palm pero sa huli'y pareho silang sumalampak sa lupa, sumunod na narinig ay ang impit ng pag-iyak nito, walang ibang nagawa si Dean kundi yakapin siya, habang katabi nila ang tumpok ng mga tao...na walang buhay.

Nanginginig ang buong pagkatao ko. Humakbang ako ng dalawa, dahan-dahan. Napatingin silang dalawa nang makita ako.

"Morie..." umiiyak na sabi ni Palm. Tsaka ko lang nakita kung sino yung tao na pilit niyang binubuhay.

"B-baldo?" nakita ko si Baldo katabi lang halos nila Palm na nakaluhod lang at tahimik na umiiyak, natulala.

"Huli na kayong dumating. Halos lahat ng tao sa San Carlos..." napatingin ako kay Finnix na nagsalita, "...patay na. Kabilang yung mga HGP...at kaibigan mo." Tinutukoy ba niya si Stephen...at si Miss M?

Sunud-sunod na pumatak yung luha ko sa sinabi niya. Bakit? Bakit sobra-sobra yung sakit? Umiling ako kay Finnix, hinihiling na sabihin niya na hindi 'yon totoo kahit na nakita ko na kung anong totoo sa paligid ko.

Nakita ko paparating si Vince, pasan-pasan si Cecilia, pagkarating niya ay hindi niya magawang makatingin ng diretso sa'kin.

"I'm sorry, Morie. Pero..." pagkasabi niya' umiling na lang siya at inihiga sa damuhan ang wala ng buhay na si Cecilia, kaagad itong dinaluhan ni Jing.

"Cecil? Cecil?!" kahit anong tawag niya hindi na 'yon gumagalaw o dumidilat. "Bakit niyo hinayaang mangyari 'to?" lumingon siya kila Finnix, "Ha?! Bakit?!" pero hindi sila kumibo o ano pa man.

"Hindi pa huli ang lahat." Pare-pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Si Seraphina! Nakapasan siya kay Cloud at kasunod nila si Eliza. "May paraan pa para maayos ang lahat ng 'to."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ng medyo nakalapit na sila.

"S-seraphina." Si Finnix, "Mabuti na lang, buhay ka pa." hindi makapaniwalang sabi nito.

Bumaba si Seraphina sa pagkakapasan, katulad ni Cecilia may matindi rin siyang tama sa balikat pero nagagawa pa rin niyang makagalaw.

"Anong paraan Seraphina?" tanong ko ulit.

"I can restore this place back... and their lives as well."

"Sandali lang!" tumayo si Jing, "Sinasabi mo bang—"

"Oo, Jing. Ibabalik ko ang oras nila, kapalit ang buhay ko. Ako lang ang tanging Peculiar na makakagawa nito, alam mo yan."

"Seraphina hindi mo pwedeng gawin 'yan!" sigaw ni Finnix, "Hindi ka pwedeng mamamatay!"

"Ito ang tama, Finnix, hindi mo na 'ko mapipigilan ngayon." Tumingin siya sa'kin pagkatapos, "Pero bago ako mawala, gusto kong sabihin, Morie, patawad sa ikalawang pagkakataon." Nabigla ako dahil iyon din yung sinabi ni Cecilia, "Mag-iingat ka." Inilabas niya sa mumunti niyang palad ang isang pocket watch, yung lagi niyang dala.

Magic. Ang sumunod na pangyayari ay lubhang kamangha-mangha. Gumalaw ang mga bagay sa paligid, parang umiikot. Dahil mga Peculiar kami, hindi kami naapektuhan sa time restoration na ginagawa ni Seraphina. Animo'y isang pelikula na nagpeplay pabalik.

"Paano si Cecilia?" tanong ko sa katabi kong si Jing, iling lang ang sinagot niya, nangangahulugang hindi na siya mabubuhay, dahil Peculiar siya.

"Magbabayad ang may gawa nito." Bulong ni Jing, damang dama ko yung hinanakit niya. Pakiramdam ko tuloy dapat akong humingi ng sorry sa kanya dahil sa nangyari.

Nagtapos sa isang pagsabog ng liwanag ang mahika ni Seraphina. Kitang-kita ko kung paano siya kumaway bago unti-unting naglaho na parang abo. She sacrificed herself for the sake of others, dahil iyon lang ang paraan, dalawang buhay ang kapalit para sa mas maraming buhay.

Dapat magbayad ang may gawa nito, katulad ng sinabi ni Jing. Cecilia...Seraphina... We just lost...them. Hanggang sa huli lumaban sila...hindi lang para sa kapakanan ko. Naramdaman ko yung luha na umaagos sa pisngi ko, at panginginig ng dalawang tuhod ko. Pero kung tutuusin may kasalanan din ako, kahit na sabihin nilang wala.

"Live well. Jill Morie." At tila may bumulong sa hangin bago nang mawala ang liwanag.


*****


SERAPHINA restored everything, nabalik sa dati ang San Carlos, yung mga nasira ay muling nabuo, yung mga namatay ay muling nabuhay. Funny, dahil noong ikinuwento namin lahat kay Don Miguel ang nangyari, hindi siya makapaniwala, wala siyang ibang maalala kundi yung mga nangyari bago magkaroon ng atake.s

Kahit na inikot ni Seraphina yung oras nila, hindi nabago yung oras sa totoong mundo. Magdidilim na. Nakatayo kaming sampu sa harapan ng puntod. Binigyan namin ng makatarungang libing si Cecilia. Si Seraphina na bigla na lang naglaho sa hangin. Nag-alay kami ng dasal at bulaklak sa kanila. Umiiyak si Finnix, katabi sila Otis at Pascal. Samantalang si Jing ay ni hindi ko man lang nakitang pumatak ang luha kahit butil.

Naramdaman kong may pumisil sa kamay ko, nasa tabi ko siya, "Jill."

"Hmm?"

"Hindi kita iiwan." Hinawakan ko rin ng mahigpit yung kamay ni Cloud. Mahigpit. Parang ayaw naming bumitiw sa isa't isa, somehow sa ganitong paraan nararamdaman ko na dapat pa rin akong magpakatatag, as long as there's someone...who's willing to hold your hand even though it quivers.

"Promise."


*****


BUMABYAHE na ulit kami gamit ang old minibus na ipinahiram ni Kap, kapalit ang pag-iwan namin sa Wrangler Jeepney, hindi na kasi kami magkakasya dahil kasama na namin sila Dean, Palm, Otis, Pascal at Finnix. Naiwan pa rin sa San Carlos ang mga dating HGP, kasama si Baldo, personal na maghahatid sa kanila yung staffs ni Kap at nangako ito na walang mangyayaring masama sa kanila. Pumayag kami, dahil according to Eliza, tinatarget kami ng Memoire kaya posibleng kung mananatili pa yung isa sa'min doon ay maulit yung nangyari, magulong paliwanag.

Si Otis yung nagmamaneho. Tahimik kaming lahat, kahit na si Vince natanggal ang kulit. May sari-sarili kaming mga mundo sa loob ng isipan hanggang sa...

"Maglaro naman tayo," Biglang nagsalita si Cloud, binasag ang nakakariniding katahimikan. Lahat kami napatingin sa kanya, napamaang.

"Sounds fun." Sabi ni Vince. "Anong laro?"

"Hulaan ng traydor."

"Ano bang sinasabi mo, Cloud?" tanong ko, sinamaan siya ng tingin. Hindi ko gusto 'yung sinabi niya.

"There's a traitor among us." Suddenly, the atmosphere changed, mararamdaman na nag-iba ang timpla ng hangin sa loob ng sasakyan.

"Traydor?" si Dean, natatawa. Cloud could read minds, kung sa sinasabi niyang may traydor kaming kasama...dapat akong maniwala sa kanya...

"Sino?" tanong ko, pero ngumiti lang siya ng nakakaloko, but behind that smile there's something.

"I don't want to spoil everyone. Guess who." Bigla siyang kinuwelyohan ni Jing dahil galit ito.

"Wala akong oras para sa mga kagaguhan mo, Cloud." Sabi ni Jing, "Sino?!"

"Why don't you figure it out yourself?" biglang sumabat si Eliza, nakadekwatro at nakahalukipkip, parang nang-iinis. Binitawan ni Jing si Cloud at nilapitan si Eliza. May alam si Eliza, hindi siya magsasalita ng ganun kung wala siyang alam.

"Siguro, ikaw yung traydor." Duro ni Jing sa kanya, "Una sa lahat ikaw yung nagplano na maghiwalay hindi ba?! Sinet up mo kaming lahat dahil may koneksyon ka sa Memoire—" isang matunog na sampal ang iginawad ni Eliza, tumahimik bigla. Gumanti si Jing. "Hah! Sabi ko na nga ba!" tumayo si Dean para awatin si Jing, pero hindi siya tumitigil sa pagdakdak. Si Eliza nakangisi lang, ganon din si Cloud.

"Stop it, Jing." Saway ko, huminto naman siya, "I think...alam ko kung sino." This time napatingin silang lahat sa'kin.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top