/66/ The Aftermath
"WHERE exactly are we?" tanong ko sa kanila habang bumabyahe, mag-dadalawang oras na rin siguro ang nakalilipas magmula nang makatakas kami sa Mnemosyne Institute. Until now, medyo hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa naming makatakas.
The view is really breath-taking, kakalagpas lang namin sa isang tulay at ngayon nama'y napapalibutan kami ng bundok at mga matatayog na puno. Sure thing na malayung-malayo ang lugar na 'to ng kabihasnan, the Sentral city, everything's about nature at walang ibang dumadaan sa kalsadang hindi pa platada kundi kami lang.
"At...saan talaga tayo pupunta?" halos dalawang oras na ring walang nagsasalita sa'min, kahit boses ni Eliza sa intercom-wala. Ngayong matagumpay kaming nakatakas ng MIP, what now?
Tiningnan ko si Jing na nakasandal sa upuan ng driver's seat, tulog, na-drain 'ata masyado yung energy sa ginawa niyang 'himala' kanina-oh, she just moved the sea. Si Cloud wala ring imik, kahit sa isip hindi 'ko binubulabog, I wonder why. Maya-maya'y narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dean.
"Morie," nagsalita siya, nainip na rin siguro. "Gusto ko sanang humingi ng sorry sa mga sinabi ko kanina."
"Wala 'yon." Nagkibit balikat kong sagot.
"Over acting lang siguro ako. Atsaka hindi kasi ako makapaniwala na ikaw mismo, hinayaang mangyari 'yon," sabi niya pa. "Ang ibig kong sabihin, hindi ba kapatid mo siya? Bakit hinayaan mo lang siyang gawin yung gusto niya kahit na alam mo kung anong pwedeng mangyari sa kanya."
Gusto ba talaga niyang malaman yung dahilan ko? O sadyang concern lang siya para kay Ate Karen? "It's complicated." Honestly, I don't want to talk about it, ayokong isipin na dapat ba kong magsisi, manghinayang at malungkot.
"Okay." At pagkatapos ay itinuon ulit niya yung atensyon sa pagmamaneho, dismayado ata. Hindi pa rin nasasagot yung dalawang tanong ko kanina sa kanila, kung nasaan kami at kung saan kami pupunta. Ipapasuyo ko pa lang kay Dean na pindutin yung intercom nang tumunog 'yon.
"Guys, kamusta kayo?" boses ni Vince.
"Ahh...mabuti naman." Sagot ni Dean.
"Ako, nagugutom na," saad nito. "Seryoso. Iyon pa naman ineexpect kong isasagot mo, Dean. Hindi ba kayo nagugutom?"
"Vicente, ano ba namang klaseng tanong 'yan."
"Dean, ang aga-aga nating nagising! Walang almusal-almusal, nakipagbakbakan tayo ng madaling araw. Tao lang din naman tayo 'diba, nagugutom. Tanungin mo si 'Moses' kung nagugutom siya."
"Sinong Moses?"
"Si Moses, yung humati ng dagat!"
Medyo natawa ko sa sinabi ni Vince, buti na lang at tulog 'tong si Jing dahil kung hindi lalamunin siya ng katarayan nito.
"Dean? Morie?" si Eliza na yung narinig naming nagsalita. Nauuna pa rin yung jeep nila, kasunod yung cargo truck habang nahuhuli kami.
"Yes, Eliza?" thank goodness dahil natigil na rin sa pangungulit si Vince. Now, I don't know what to say.
"Sawakas, Eliza, kanina pa kita hinihintay magsalita. Mukang gutum na gutom na yung kambal mo ah. Pusta, gutom ka rin ano?" parang nang-aasar pa na sabi ni Dean.
"Sorry kung ngayon lang ako nagsalita, nakatulog kasi ako," wow, nagawa niya ring makatulog? Bakit ako hindi? Kahit anong pikit ko kanina hindi ko magawang maidlip sa kabila ng mga pangyayari. "And yeah, nakakagutom nga. Dalawang oras na tayong bumabyahe."
"Eliza, alam mo ba kung nasaan na tayo?" tanong ko.
"Region one, near the Western ocean," nagulat naman ako nang si Cloud ang sumagot, nagsalita na rin siya. "Palacos province." What? Hell. No way. "Hindi tayo pwedeng dumaan ng expressway dahil posibleng may koneksyon ang Memoire doon kaya naman diretso lang tayo rito sa main road."
"Saan tayo papunta? Sa Sentral?"
"Uh, that's the problem,"sabi ni Eliza. "Sentral city is eight hundred and ninety-five kilometers away."
"Alam ko kung gaano kalayo 'yon, Eliza, we can't travel that long without anything, like...food." Narealize ko rin na nagugutom na rin ako katulad ni Vince, hindi, kaming lahat nagugutom na panigurado.
"I know that too, Morie. We need a place to stay for a while. And besides... may mga HGP tayong kasama-"
"They're not HGPs anymore." Maging ako ay nagulat sa ginawa kong pagputol sa pagsasalita ni Eliza, "I'm sorry to cut you, but I think we shouldn't address them like that. Ngayong wala na tayo sa MIP, they're no longer HGPs."
Napasipol si Dean at sinabing, "Tama ka, bata."
"Okay. I understand." At nagpatuloy si Eliza, "Hindi naman natin basta-bastang pwedeng dalhin sa Sentral city yung mga evacuees, I suggest na kailangan muna natin sila mai-evacuate sa isang lugar."
"May alam ka bang pwede nating puntahan?"
"I'm afraid na hindi namin kabisado ang pasikut-sikot around here. Perhaps, Finnix and his friends might know some place dahil agents sila ng MIP."
"Oh Eliza, we were agents too, diba nagtrabaho ka rin sa Beehive?" sumingit sa usapan si Vince.
"I know that. What I mean is, sila yung mga frequent na nakakalabas pasok sa MIP, while us, nakulong ng anim na taon sa Bastille."
"May alam akong lugar." Si Finnix, nagsalita na rin sa wakas. "Sa San Carlos."
"Sigurado ka, Finnix?" napatingin ako sa kanya, kanina pa ba siya gising? "Sigurado kang gusto mong bumalik doon?" hindi ko maunawan yung sinabi ni Jing.
"What? Anong meron?" tanong ko.
"San Carlos, ang lugar na pinaggalingan ko."sagot ni Finnix mula sa intercom, "At...ang lugar na muntikan ko ng gawing abo."
*****
ISANG oras pa ang muling lumipas bago namin tuluyang marating ang San Carlos. Vince constantly complained his hunger, while we just remained silent after Finnix taught the direction. Hindi ko na namang maiwasang mamangha sa lugar dahil napapalibutan pa rin ng bundok at mga puno ang daanan, almost mystical.
Sumalubong ang isang arko na may lumang karatula ng San Carlos sa itaas. This place is literally hidden, ni hindi ko nga alam na nag-eexist pala sa mapa ang lugar na 'to, the village is like in the middle of the forest that no one could easily find.
Somehow, I feel safe.
Huminto ang mga sasakyan namin sa isang gilid, bumaba kaming apat ng jeep. Nakita ko na bumaba rin sila Eliza, pero sila Otis na nasa truck hindi muna sila bumaba.
Sumipol si Dean at nang napagmasdan kong mabuti yung lugar, it feels like we're in a different era. The houses, establishments are medieval, may mga carriages pa na dumadaan. Amazing, what kind of place is this? Heck, pwede itong maging tourist attraction!
"So this is Finnix's hometown." sabi ko, namamangha pa rin.
"Mukha lang out-dated yung lugar pero updated pa rin naman siguro yung sibilisasyon ng mga tao rito." Sabi naman ni Jing, sagot ata sa sinabi ko.
"Sino kayo?!" sabay-sabay kaming napatingin sa sumigaw at nakita ang grupo ng mga armadong kalalakihan, tinutukan kami ng mga baril nila. Automatic na napataas kami ng kamay to show that we mean no harm. Lahat na pala ng atensyon ng mga tao na sa amin, at mas malala, napapalibutan nila kami.
"We're from Mnemosyne Institute-"
"Eliza!" pero huli na para matakpan ni Dean yung sinabi niya. Nagsikasahan ng mga baril yung mga armadong lalaki at handa ng ipaputok yung mga bala.
"Paano kayo nakarating dito?!" galit na sigaw ng nagsisilbing leader nito. Magpapaliwanag pa lang kami pero biglang lumutang sa ere yung mga hawak nilang baril, gulat na gulat sila, pati kami.
"Jing!" tumingin ako sa kanya at nakitang siya nga ang may kagagawan nito.
"Pwede bang pakinggan niyo muna yung paliwanag namin?!" sigaw ni Jing. "Wala kaming intensyong masama!"
"H-halimaw." May bakas ng takot na sabi ng isa, umugong ang bulungan ng mga tao.
"Hindi kami mga halimaw," sabi ko, medyo nasaktan sa sinabi ng isa sa kanila. "Nandito kami para humingi ng tulong."
"Anong kaguluhan ito?" isang malalim at malaking boses mula sa kung saan, humawi yung mga armadong lalaki at nagbigay daan sa isang matandang lalaki, balbas sarado at sa suot pa lang alam mo ng may magandang reputasyon at may bakas ng awtoridad.
"Kap," tawag nung isang lalaki sa matandang dumating m"Nanggaling sila sa Mnemosyne Institute." Dahan-dahang lumapag ang mga baril sa lupa, binaba na ni Jing "At mga hindi sila pangkaraniwang nilalang."
"Anong kailangan niyo at bakit kayo nandito?" sabi nung matanda at maya-maya'y napahinto, nakita kong nakatingin siya kay Finnix. "Aguil?" Augil who? Si Finnix?
"Ninong." Sabi ni Finnix na ikinabigla naman namin, "Tumakas ho kami ng Mnemosyne Institute. Kailangang-kailangan ho namin ng tulong."
*****
MATAPOS naming maipaliwanag ng mabuti kay Don Miguel, o mas kilala bilang 'Kap' o Kapitan sa lugar na 'to kung ano ang mga pinagdaanan namin sa MIP, maluwalhati niya kaming pinatuloy sa mansyon niya na nagsisilbi ring headquarters ng San Carlos.
Ang mga taong nilikas namin, o mga HGP noon, ay nasa isang malaking hall ng mansion para gamutin ni Palm at ng iba pang mga doktor at nurse na naka-assign sa San Carlos. Tama nga si Jing, yung itsura lang ng mga lugar, bahay, at establishments ang out-dated pero makabago na rin ang kultura ng mga tao pero sa simpleng paraan lang.
Nang sumapit ang tanghalian, kasalo namin sa mahabang hapag si Kap, kasama yung dalawang anak. Hindi namin naiwasang hindi magkamayaw sa pagkain, kung may patay gutom sa mga oras na 'to-kami siguro 'yon. Sinulyapan ko si Cloud na matamlay pa rin habang tahimik lang na kumakain, hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya.
Habang kumakain kami, nagkukwento rin si Kap tungkol sa kasaysayan ng San Carlos, pati na rin kung bakit tago ito at maraming mga sundalong nagbabantay. He never mentioned anything related to Finnix, napansin ko na iniiwasan niyang mapunta roon ang usapan. Kay Finnix na mismo nanggaling kanina na minsan na niyang muntikang gawing abo ang San Carlos, perhaps ito yung biggest regret na nakita ko sa panaginip niya, Jing and the others knew about it.
Matapos ang tanghalian, binigyan kami ni Kap ng kanya-kanyang silid para makapagpahinga. Wala kaming masabi sa kabaitan nito, at masasabi kong hulog ng langit ang lugar na 'to, Don Miguel is willing to help us in any way he could, but we can't stay here forever.
Three o'clock in the afternoon, nasa opisina kami nila Eliza, Jing, Dean, Pascal at Finnix ni Don Miguel para pag-usapan yung tulong na kailangan namin. Sa totoo lang wala pa kong naiisip na plano kung papaano ang gagawin namin ngayon. Too bad, mukang nakasalalay na naman ang lahat sa mga kamay ni Eliza, pero tinitingnan ko siya kanina pa, usually hindi na siya magpapaliguy-ligoy at sasabihin na agad kung anong nasa isip niya. Tahimik lang din siyang nakikinig.
*****
MALAPIT ng dumilim nang matapos yung pag-uusap namin sa opisina ni Don Miguel. Nang mapagpasyahan kong dumalaw sa hall kung saan ginagamot ang mga tinakas naming mga tao sa MIP.
"Palm," I called her. "Kamusta sila?"
"Morie, ikaw pala," nakaupo siya sa isang tabi, nagpapahinga. "Mas mabuti naman na yung kalagayan nila."
"Hay, kung alam mo lang ang pinagdaanan namin sa loob ng truck," biglang lumitaw si Cecilia sa tabi namin. "Mabuti na lang at okay na ngayon." No, hindi pa okay ang lahat, gusto ko sanang sabihin sa kanya.
"Nasaan si Seraphina? Kamusta na siya?" tanong ko, tumingin sa direksyon na yon, nagmistulang ward yung hall dahil sa dami ng mga kama at mga pasyente na nakahiga rito.
"Natutulog. Pero okay na okay na siya, nakakapagsalita na." masayang sabi ni Cecila, "Kaso...yung iba sa kanila...hindi na makakapagsalita kahit kailan." Biglang lumungkot ang tono niya. Tsaka ko lang naalala ulit na ang ilan sa kanila ay pinutulan ng dila sa MIP, may iba pa nga na mga binulag para manahimik sila habambuhay.
"Pero alam ko na masaya sila na nagawa nating makatakas sa MIP. Hindi ko man nakikita, nararamdaman ko." si Palm, pinapanatiling positibo ang sarili.
Nagpaalam ako sa kanilang dalawa para hanapin sila Stephen. Itinuro naman ni Cecilia kung nasaan sila. Pagdating ko, nakita ko rin si Baldo, nakaupo sila pareho sa sahig, nakasandal.
"Jill." Sabay pa sila ni Stephen, tumayo at sinalubong ko silang dalawa ng yakap, hindi ko alam kung gaano katagal o kung gaano kahigpit. I don't know what to say, hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag sa kanila lahat, they knew everything now, kung ano talaga ako and the worst part is nadamay na sila sa gulong kinasasangkutan ko ngayon.
"Guys..." kumawala ako sa yakap ko sa kanila atsaka sila hinarap, "Everything's going to be fine." Without assurance by me, sinabi ko yon sa kanila. I don't know if we can go back to our normal lives after all these happenings. "Sorry, kung nangyari sa inyo 'to."
"Wala kang dapat ihingi ng sorry." Sabi ni Baldo.
"May kasalanan din kami, Jill." Si Stephen, "Kung sinabi ko lang kaagad sa'yo yung totoo tungkol sa blog noon pa man, hindi na aabot sa ganito yung mga mangyayari. Kung hindi lang ako pumayag noon sa offer nila sa MIP..." pinigil ko siya sa pagsasalita, umiling ako.
"We should stop blaming ourselves, wala namang may ginusto na mangyari 'to sa'tin." Sabi ko.
"Nasaan nga pala si Miss Karen, Jill? Pati si...Morris?" tanong ni Baldo.
"Naiwan sila." Hindi sila nakaimik, sinubukan kong i-cheer up yung sarili ko, "They'll be back soon." Para paniwalaan yung bagay na malabong mangyari.
Ilang saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan naming tatlo, nagpapakiramdaman. Napabuntong hininga si Baldo, hindi rin siya makapaniwala hanggang ngayon.
"Malapit na magpasko." Sabi niya, hinugot lang kung saan. "Ano kayang ginagawa nila Aya ngayon, siguro nag-aaway lang sila ni Tadeo. Okay na kaya si Penelope?"
Hindi ko alam, Baldo. Hindi ko alam.
"Gusto ko ng umuwi." Si Stephen. "Namimiss ko na yung bahay namin."
"Sino bang hindi diba?" sagot ni Baldo rito.
"Guys. Listen." Tumingin sila sa'kin, "Kanina lang napag-usapan namin kung anong susunod na gagawin. By the help of Don Miguel, nagpatawag siya ng reinforcements sa military, tomorrow may mga susundo sa inyo rito para tulungan kayong makabalik kung saan kayo nanggaling."
"Paano kayo?"tanong ni Baldo.
"Well, I don't know yet, pero ang alam ko kailangan din naming makabalik sa Sentral city bukas."
"Hey, Jill," tawag ni Stephen. "Kapag tapos na ang lahat ng 'to, magkikita-kita tayo nila Aya, ha?"
Ngumiti ako atsaka tumango, "Yeah, right."
Sana.
*****
Kinagabihan. Magna-nine pa lang pero mukhang tulog na ang buong San Carlos. Hindi ako makatulog, lumabas ako ng kwarto at kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto kong magpahangin. Papunta 'ko sa balkonahe ng mansyon, madilim na madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.
"Can't sleep?" muntik na kong mapatalon sa gulat nang marinig ko yung boses niya, napalingon ako at nakita siyang nakapamulsa.
"Cloud."
"Yoh."
"Okay ka lang ba?" sabay kaming naglakad papunta sa balkonahe di kalayuan. "Kanina ka pa tahimik."
"Sus, namiss mo naman kaagad kakulitan ko." base sa tono niya mukang bumalik na ulit yung sigla niya.
"Hey, seryoso, okay ka na ba?"
"Bakit?" Hindi ba niya alam na nag-aalala 'ko para sa kanya?
"Do I have to answer? Kung alam mo naman kung anong nasa isip ko?"
"Ouch, ganon ba talaga tingin mo sa'kin?" nag-inarte pa siya na nasaktan ng todo sa sinabi ko.
"Ewan ko sa'yo." Narinig ko yung mahinang pagtawa niya.
"You don't have to worry about me, Jill. I'm fine, promise."
"Oh, akala ko ba hindi mo alam-"
"I know you're worried. Kanina ka pa kaya tingin ng tingin sa'kin, kala mo di ko nakikita?"
"Bahala ka." Binilisan ko yung lakad ko.
"Wait lang. Eto naman oh." Mukang okay na siya ngayon dahil bumalik na yung pagkahyper niya.
"Oh, mukhang pare-pareho tayong di makatulog ah."napahinto kami ni Cloud nang marating namin yung entrada papuntang balkonahe. Nakita namin sila na nakatambay doon, nakatingin din sila sa'min ni Cloud.
"Sino ba naman kasing makakatulog sa ganitong sitwasyon?" sabi ni Cecilia, pero hindi niya kasama si Seraphina, katabi niya sila Finnix, Otis, Pascal. Sa isang mahabang kahoy na upuan naman nandoon si Eliza at Palm. Sa poste di kalayuan, nakasandal si Jing. Nandoon din sila Dean at Vicente.
"Great, bakit hindi kaya tayo magmeeting ngayon?" suggestion ni Vince na nilalaru-laro yung halaman na katabi niya, sinaway siya ni Dean na katabi lang din niya.
"So, what now?" tanong ko, umupo sa isang bakanteng silya, ganon din si Cloud.
"Any plans? Eliza?" si Dean.
"Wait lang ha." Biglang sumingit si Jing, "Kailan pa siya naging leader dito?" tanong niya at tinuro si Eliza, pagkatapos ay pumanewang naman, "At kailan pa nagkaroon ng ganitong grupo?" hindi naman siya galit, parang lang.
"Kaninang madaling araw lang actually." Si Pascal ang sumagot, "Mahabang kwento."
"Yeah, and we call our group, Team Morie." Sabi naman ni Vince.
"Team Morie?" nakakunot noong sabi ni Jing atsaka siya tumawa. "Ayos ah, ang korni."
"So, ano na nga ang balak natin?" tanong ko ulit para maputol yung kalokohang pinagsasasabi nitong ni Jing. "Nasabi ko na kila Baldo na bukas may mga susundo sa kanila para ibalik sila sa kanya-kanya nilang hometown, paano tayo?"
"Sigurado bang magiging okay sila kung iiwanan lang natin sila rito?" tanong ni Finnix.
"What? Sino bang may sabi na iiwanan natin sila rito?" si Dean.
"I was thinking," si Eliza, nagsalita na rin, "We have no choice but to go at Sentral city." Yun nga rin yung pinag-usapan namin kanina pero hindi pa malinaw.
"Para saan, Eliza?" tanong naman ni Palm.
"I hate to say this...we might suffer the consequences" medyo naguluhan kami sa sinabi niya pero mukhang alam ko na ang ibig nitong sabihin.
"She's right." Nagsalita si Cloud, "They won't stop tracking us down."
"Well, mukhang alam niyo naman siguro kung ano talaga ang mangyayari pagkatapos nating makatakas diba?" sabi ni Jing habang nakahalukipkip.
"And so? Ano ang dahilan kung bakit sa Sentral tayo pupunta, the fact na nandoon halos lahat ng connections nila." Si Finnix.
"It's either we fight or we hide."sabi ni Eliza. "At alam niyong lahat na hindi natin kayang magtago habambuhay."
"Nakukuha ko na yung punto mo." Sabi ko, "But how can we fight them?"
"We'll expose them." Napatingin ako kay Cloud dahil siya yung sumagot, "There are no other way to fight them."
"Exactly." Si Eliza,
"I-eexpose natin ang Memoire? Paano natin gagawin 'yon?" tanong naman ni Jing.
"May naisip ako." Sabi ko sa kanila, "Why don't we make a video? Parang documentary, iinterview-hin natin yung mga naging HGP na nakuha nila, kumbaga sila yung magsisilbing witness. Pati tayo."
"Are you nuts?" kontra ni Dean sa idea ko, "Para mo na ring sinasabi na ieexpose natin yung mga uri natin, mga Peculiars."
"Well, we need to think about it first, Morie." Sabi ni Eliza, "Pero I consider that idea. May naisip na kong paraan. Dean, Vince, yung mga bag na nakuha niyo sa Beehive na sa inyo pa diba?"
"Oo, nasa jeep."
"Good. We'll expose them by the Helexia. At kapag nalaman ng government ang tungkol don, baka makagawa sila ng countermeasures."
Tumango yung mga kasama ko. Right.
"Kinabukasan ng tanghali dadating yung mga tinawag na tulong ni Kap. Pero may mauuna na papunta sa Sentral city." Wika ni Eliza.
"Why? Bakit kailangang may mauna?" tanong ko. "Hindi ba pwedeng sabay-sabay tayong umalis dito?"
"Let's just say na parang chess ang lahat ng 'to, and you're the King piece, once na makuha ka ng kalaban, game over."
"Me? King piece?"
"You're the most valuable piece here. They need you in their latest project." Sabi ni Dean.
"Tama siya, Jill Morie," si Jing, "Ikaw ang pinakakailangan nila rito, hindi kami o ang mga HGP na 'yon. Malaki ang chances na matatrack nila kung nasaan ka kaya hangga't maaari kailangan mong umalis dito dahil kung hindi madadamay ang San Carlos."
Sumang-ayon kaming lahat sa naging plano ni Eliza at bumuo ng dalawang grupo. Ang unang grupo, ang mga mauuna sa Sentral city para ipahatid sa kinauukulan ang tungkol sa Memoire, kasama ako, si Cloud, Jing, Eliza at Vicente. Ang isang grupo naman ay sila Dean, Palm, Cecilia, Seraphina, Pascal, Otis at Finnix, sila yung mag-eescort sa mga evacuees.
Matapos ang pag-uusap, pare-pareho na kaming hindi makatulog hanggang sa abutin na kami ng madaling araw.
We're not sure if this plan is going to work.
Faith, it is.
*****
IT'S December 23. Hindi pa gaanong sumisikat ang araw, pare-paerho kaming kulang sa tulog. Napupuno pa ng hamog ang daanan, sobrang lamig. Mabuti na lang at nasobrahan sa kagandahang loob si Don Miguel dahil pinahiram niya kami ng mga damit. Sinabi na rin namin sa kanya yung plano naming magdadalawang grupo at wala namang problema sa kanya. Binigyan din kami ni Kap ng ilang supplies para sa byahe namin, pera, pagkain, damit, at isang cellphone.
Pinuntahan ko si Baldo at may ibinilin ako sa kanya. Kinausap ko si Miss Marcel at sa kanya ipinakiusap na gumawa ng interview video sa mga evacuees, pumayag naman siya, hindi alam nila Eliza na pinagawa ko yon. Pagkatapos nagpaalam na 'ko sa kanila, kay Baldo, Miss M at Stephen, sinabi ko sa kanila na kailangan ko ng mauna sa Sentral.
Nasa tapat kami ng mansyon, inaayos na ni Jing yung jeep na sasakyan namin.
"Mag-iingat kayo, Morie." Sabi ni Palm. Tumango lang kami, matapos magpaalamanan sumakay kami, umandar ang sasakyan at tinatanaw sila papalayo habang papalabas kami ng San Carlos.
Si Jing yung nagmamaneho, si Cloud yung nasa tabi niya, nasa likod kaming tatlo. Nang tuluyan na kaming makalabas ng San Carlos biglang may nilabas si Vince.
"Saan mo nakuha yan?" tanong ko, may hawak-hawak siyang malaking radyo.
"Haha, hiniram ko kay Kap. Vintage boom box. Boring ang byahe kapag walang music. Kaya rak na ito!" may pinindot sya atsaka tumugtog yon.
Narinig kong natawa si Jing "Haha, gago 'tong batang 'to, the final countdown talaga pinatugtog."
We're leaving together, but still its farewell.
And maybe we'll come back, to earth, who can tell?
I guess there is no one to blame
We're leaving the ground
Will things ever be the same again?
It's the final countdown.
"The final countdown!" Jing, Cloud, and Vince chorused.
Oh, hell.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top