/65/ Meet the Dawn

ASTOUNDED for a moment, I can't believe on what just happened. Binaril ni Ate Karen si Cairo, kung paano at saan niya nakuha ang baril...pati ang lakas ng loob-hindi ko alam.

"W-what the..." I don't know if it's good thing that he's not dead yet. "K-karen?" maging siya ay hindi makapaniwala, he didn't see this coming too. Unconsciously lying next to him is Jing, and then I saw Eliza beside her, may syringe na itinurok sa braso nito. I guess it's the anti-dote she mentioned earlier.

Muntik ko nang makalimutan si Margaux na nasa stage, tinutukan ko ulit siya ng baril pero hindi siya nagpakita ng kahit anong takot bagkus ay humalukipkip lang at tumingin sa kinaroroonan ko.

"Look what have you done, Jillianne." Itinuro niya ang paligid, tuluyan na ngang nagkakagulo sa loob ng amphitheatre, sa pagitan ng mga nagrebelde at mga loyalista sa Mnemosyne Institute.

Some of them were really moved on what I told them, but some still chose to believe on this institute's ideals. "Tuluyan mo nang inubos ang pasensya ko." dahan-dahan inalis niya ang bilog na itim na salamin. Gulat na may halong kaba ang naramdaman ko nang makita ko ang mga mata niya, her right eye's sclera is black and the color of its iris is red. So...ito ang dahilan kung bakit palaging natatakpan ng itim na lente ang mga niya.

"This is the end of you." Saad ni Margaux, napaatras ako nang makita ko ang tila pulang enerhiya na namumuo galing sa kanang mata niya. Tsaka ko lang napagtanto kung ano yon. I thought it's too late to run when she blasted the energy from her eyes towards me, napapikit lang ako pero nang wala akong maramdaman ay tsaka ako dumilat to found out na may parang invincible force shield kaya hindi ako natamaan nito.

No, hindi 'yon invincible force shield or what. Tumingin ako sa direksyon nila then I saw Jing! Nakatayo na siya, siya yung kumuntrol sa energy na nanggaling sa mga mata ni Margaux. Kahit na hindi pa lubos na nauunawaan ang nangyayari she still saved me.

"Jing!" tawag ko.

"What the fuck is going on here?!" sigaw niya, walang kaalam-alam at tulirong-tuliro. Well, welcome back to reality, Jing. Hindi ko alam kung paano ieexpress ang kasiyahan na nagbalik na siya sa sarili niya. "At sino ka naman?!" tanong niya pa sa katabing si Eliza. Naramdaman kong hinila 'ko ni Ate Karen pabalik sa kinaroroonan nila ni Eliza. Nagulat din si Jing nang makita si Cairo sa sahig na nakahandusay habang nahihirapan at naglalawa sa dugo.

Nasa stage pa rin si Margaux, this time, humarap siya sa pwesto namin.

"You," duro ni Jing dito. "Bitch! Matapos mo kong turukan ng Helexia! Ha?! Ano tong pinasuot mo saking basahan?!" tinuro pa ni Jing ang suot niyang itim na bestida na may puting balabal, "Muka akong black lady!"

"Jinnie, this is not the time for some stupid arguments." Saway ni Ate, pero inismiran lang siya ni Jing.

"Nasaan si Morris?" tanong ko sa kanila ni Eliza.

"Hindi namin siya nahanap don." Sagot nito. "That's why we immediately came here dahil sa mga narinig ko." Tumingin ako kay Ate Karen, may sasabihin sana ko sa kanya pero naputol 'yon nang magsalita si Margaux.

"Hinding-hindi ko kayo hahayaang makatakas ng Mnemosyne Institute!" sigaw niya. Her eyes terrifies me. Kasing bilis ng kurap ay may enerhiya na namang nanggaling sa mga mata niya ang papunta sa'min, pero mabilis si Jing dahil sa kapangyarihan niya ay buong pwersa niya 'yong ibinabalik kay Margaux. Habang nagpapalakasan silang dalawa, kinausap kami ni Eliza.

"We need to get out of here." Seryosong pahayag niya, "Malapit nang makarating dito lahat ng forces ng Sentinels from the North. Narinig ko na sila Dean sa entrance ng Sanctus, naghihintay na sila, nasakay na rin nila Otis yung mga HGPs sa cargo truck."

"Pero we can't leave without Cloud, Finnix and Morris." Sabi ko naman at pagkatapos ay nag-aalangang tumingin sa kinaroroonan niya-ni Cairo. Nakita ko sa peripheral vision ko ang panginginig ng kamay ng ate ko, alam ko sa kaloob-looban niya na kinailangan niyang gawin 'yon para iligtas si Jing.

"Nasesense ko na sila Cloud and Finnix na papunta rito, mukhang natalo nila yung dalawang babae kanina." Saad ni Eliza, "But that Morris guy, I don't know where to find him."

"You will go without me." Gulat akong napatingin sa katabi ko, "I'm staying here." Gustong magpaiwan ng ate ko?

"What?! No! Hindi ka namin pwedeng iwanan dito!" galit kong sabi.

We're interrupted by a loud explosion, napatingin kami kila Jing at Margaux, the ceiling was damaged, probably because of the blasts from Margaux's eye. Nakita namin kung paano umangat sa ere si Margaux habang nasasakal, Jing's telekinetic won over Margaux's power.

The other Peculiars are uncontrollable, the children are really afraid and crying while being evacuated by the staffs. Everything's completely a mess right now. I didn't even imagine this could happen. Tiningnan ko sila, nagsasakitan, nag-aaway-hindi ito yung ginusto ko.

"No!" napatingin kami nila Eliza sa bagong dating, si Cloud, nasa likuran niya si Finnix, parehong hingal na hingal. "Don't kill her!"

"Stop trying to get inside my head!" sigaw naman ni Jing. Pero bigla niyang binitiwan si Margaux, bumagsak sa sahig halos maubusan ng hininga, galit niyang hinarap si Cloud, "You!" pinigilan ko si Jing na susugod kay Cloud, umiling ako sa kanya, alam ko na alam niya na nanay pa rin ni Cloud si Margaux.

"Guys, kailangan na nating makaalis, ngayon na." nagsalita ulit si Eliza. "I'm serious, kapag hindi pa tayo umalis dito ngayon, tuluyan na nila tayong mapapaligiran at hindi na tayo makakaalis ng Mnemosyne Institute ever." Diniinan pa niyang mabuti yung huli niyang sinabi.

"Jill. Umalis na kayo."

"Why?" Sabi ko, "Why for all of people ikaw pa ang naging kapatid ko."

"I'm sorry." Nabigla ako nang niyakap ako ni Ate Karen, at habang hindi pa siya kumakalas sa pagkakayakap ay bumulong siya, "We missed a lot of years, Jill. I'm so sorry sa lahat."

"Just promise me one thing-we'll see each other again."

"Got it." Bumitaw siya sa pagkakayakap, "Morris is still my student too, I feel responsible for him kaya hindi ako babalik ng White Knights hangga't hindi siya kasama." Alam ko na mas may malalim pang dahilan kung bakit gusto niyang magpaiwan, "Go, umalis na kayo." And as a sister I must understand her-even though it sounds irrational.

"Are you really sure?" Eliza doubtfully asked.

"Yes."

Tumango na lang si Eliza bilang pagtugon, sinenyasan niya kami ni Jing na sumunod sa kanya, pero bago kami umalis, nagulat din ako nang niyakap din ni Jing ang kapatid ko.

"Isa kang malaking gaga," Jing said but my sister just smiled. "Tara na." patakbo kaming umalis doon, sumabay na sa'min sila Cloud na katulad ko ay napalingon din sa kinaroroonan ng mga naiwang mahal sa buhay. This time wala akong magagawa kundi magtiwala sa naging desisyon ng kapatid ko, at pati na rin sa ma ipinangako niya.

Soon I will see her and Morris again. Maybe.

Nasa lobby na kami nang matanaw namin sa labas ang dalawang Jeep Wrangler open-top, isang kulay asul at kulay pula, mukhang kanina pa naghihintay. Si Dean ang driver ng kulay asul na Jeep, habang si Vince naman yung sa isa.

"Sakay na!" sigaw ni Dean nang makita kami. Sumakay si Cloud sa front seat, kami ni Jing sa likuran, sila Eliza at Finnix naman ay sa Jeep ni Vince lumulan. Mabilis pinaandar ni Dean yung sasakyan dahilan para mapakapit ako sa gilid.

"Teka, hindi ko yata nakita yung kapatid mo, si Karen?!" kinailangang sumigaw ni Dean dahil sa lakas ng tunog ng pagharurot ng Jeep.

"Nagpaiwan-"

"Nagpaiwan?! Bakit?! Bakit mo hinayaang magpaiwan?! Alam mo, Morie, na hinding hindi na siya makakalabas ng buhay dito!" galit na galit nitong sabi, hindi ko maiwasang mainis sa kanya dahil kailangan pa ba niyang ipamukha 'yon sakin?

"Alam ko!" sigaw ko rin sa kanya, "Alam ko pero ginusto niya 'yon, hindi mo naiintin-"

"Sa lahat 'ata ng kapatid ikaw 'ata ang pinakatanga!" bigla niyang niliko yung manibela, dahil sa lakas ng impact humampas kami ni Jing sa gilid, "Babalikan natin siya!"

"Dean, stop it!" mula sa isang intercom na nakakabit sa Jeep narinig namin yung boses ni Eliza, "Kapag bumalik kayo, maabutan na kayo ng mga Sentinels!"

"Hoy!" nakita ko si Jing na galit na, "Tangina ka, kung magalit ka akala mo ikaw ang kapatid eh! Sino ka ba?!" hinawakan ko si Jing sa braso, inawat ko siya.

"Dean, irespeto mo ang naging desisyon ni, Karen, okay?" iyon ang huling sinabi ni Eliza at nawala na ang boses nito . Mukhang natauhan naman si Dean, huminga ng malalim at ibinalik sa tamang direksyon ang pagmamaneho. Nauuna na yung sasakyan nila Vince.

"Sorry, Dean." Sabi ko sa mahinahon na paraan, "It's a sister thing that you won't understand. Alam ko yung possibility na hindi na siya makakaalis dito. Pero kagaya nga ng sinabi 'ko, iyon yung gusto niya." To spend her lifetime with her loved ones, iyon yung nakita kong greatest desire sa puso niya. Yeah, we missed a lot of years, pero she still chose to be with him until the end, she loves him more than anyone else-even though I am her real family.

Nanahimik na si Dean, hindi na siya sumagot. Habang si Jing, iiling-iling na umismid.

'Jill...' si Cloud, 'That's really brave.'

'It's nothing.' I wonder kung anong iniisip niya ngayon. Ineexpect kong magrereply siya sa sinabi ko pero hindi na siya nagsalita sa isip ko.

We finally passed through the Southern gate na parang dinaanan ng malakas na lindol, the tower and the huge gate were torn down. Hindi ko maiwasang mapahanga dahil nagawa nila Otis. Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahats, nakita ko na may mga itim na sasakyan ang mabilis na sumusunod sa'min.

"Shit! Nasa likuran na natin sila!" sabi ni Cloud. Halos ilang metro ang layo ng mga humahabol sa'min. Mga pwersa na nanggaling pang Hilaga.

"Kumapit kayong mabuti!" saad ni Dean, patadyak na tinapakan ang accelerator. Ramdam na ramdam ko yung bilis lalo na't pababa ng bundok at pazig-zag na daan ang tinatahak namin.

"Whoooohoooo!" narinig pa namin si Vince na tuwang-tuwa pa sa mga nangyayari. Mabuti na lang at two-way yung daanan, balak 'ata ni Dean mag-over take. Maya-maya'y muling tumunog yung intercom.

"Dean, wag 'kang makipag-unahan, please lang." si Eliza, "This is not a racing game, mag-ingat ka." Yeah, kailangan talagang mag-ingat ni Dean dahil kaunting pagkakamali lang niya pwede kaming bumulusok pababa ng cliff na nasa gilid lang namin, may mga poste ng ilaw ang nagsisilbing liwanag dahil medyo madilim pa.

"Alam ko, alam ko." naiinip na sabi ni Dean.

"Pantayan mo lang yung bilis ni Vince."

"The hell, ang kupad-kupad naman niyang magmaneho."

"Hoy, Dean, 'wag ka ngang magpadala sa init ng ulo."

Tumingin ako sa kanila, kapantay na namin yung sasakyan nila.

"Finnix and I will distract them." Sabi ni Jing at pagkatapos ay nagsenyasan sila. She lifted her hands at mula sa gilid ng bundok ay pinagulong ni Jing yung mga malalaking bato roon. "Finnix!" pagkatawag na pagkatawag ay siniklaban ni Finnix ng apoy yung mga bato.

May isang kotse na natamaan at nahulog sa bangin, pero hindi namin inaasahan na ganon karami pa pala yung mga sumusunod sa'min. Inulit nila Jing yung ginawa nila, ngunit hindi parin iyon naging sapat para matinag sila.

This time, gumanti ang kalaban, may mga sumungaw mula sa mga bintana ng kotse at nakita kong naglabas sila ng machine gun.

"Shit!" inulan nila kami ng mga bala kaya nagpagewang-gewang yung pagtakbo namin, nabangga pa namin yung sasakyan nila Vince dahil katabi lang namin sila. Nang diretso na ulit yung pagmamaneho ni Dean, tumayo na si Jing, at nang nagpaulan na naman ng bala ang mga kalaban-kinontrol 'yon lahat ni Jing. Huminto sa ere ang mga bala at maya-maya'y buong pwersa na pinaulan ito sa mga kalaban.

Because of Jing and Finnix nagagawa naming maiwasan lahat ng bala nila, they even launch a missile but due to Jing's power sa ere niya pinapunta 'yon. Malapit na na kaming makarating sa paanan ng patag na parte ng bundok, sa ibaba nito ay ang buhanginan-dalampasigan. Naghihintay doon yung cargo truck kung saan nila isinakay yung mga HGP. Pero bakit? Bakit sila nakahinto?

"Si Pascal 'to." Tumunog ulit galing sa intercom, "Jill, Eliza, sinara na nila yung gate ng Hermoso bridge."

"Hermoso bridge?" hindi ko alam na may tulay pa pala kaming dapat tawirin, tsaka ko lang naalala na napapalibutan nga pala ng dagat ang bundok na kinatitirikan ng MIP.

"Iyon lang ang daan na pwede nating daanan para makapunta sa kabilang dalampasigan."

"Shit. Shit. Shit." Si Dean na tila nauubusan na ng pasensya at pag-asa.

"May iba pa bang paraan para makaalis tayo?" kalmado pero nag-aalalang tanong ko.

"Dalawa lang ang paraan, tatawid gamit 'tong mga sasakyan natin sa tulay o sasakay sa pandagat na sasakyan."

"Well, obviously, ito lang ang sasakyan na meron tayo." Sabi ni Cloud. Hanggang sa maabutan na namin sila, huminto kami sa gilid ng cargo truck. Natanaw na namin yung Hermoso bridge, sarado at bantay sarado ng maraming armadong Sentinels.

"Paano kung sirain natin yung gates?" tanong ni Dean. "Katulad ng ginawa natin sa Southern gate. Tapos makakatawid na tayo."

"That's not possible." Sabi ni Cloud, "Kahit na sirain niyo yung gates at malagpasan sila...hindi pa rin tayo makakatawid."

"Bakit?" tanong ni Eliza sa kabilang linya.

"These past six years, they developed that bridge-it's foldable."

"Foldable?" sabay-sabay na sabi nila, with disbelief.

"Paanong natutupi?" si Vince na tatawa-tawa at pagtingin ko sa kanila'y nakasandal yung noo niya sa manibela.

"It's a top secret security of Mnemosyne Institute. Nahahati sa gitna yung daanan nito para hindi ka makarating sa kabilang side ng basta-basta." Paliwanag ni Cloud, "Kaya naman even if we managed to knocked those guards, hindi pa rin tayo makakarating sa kabila."

"Ano ng dapat nating gawin?" narinig ko si Cecilia sa kabilang linya.

"May plano ka ba, Eliza?" tanong ni Dean pero tumingin ako kila Eliza pero tahimik lang siyang nakatingin sa malayo, nag-iisip, pero hindi alam kung anong sasabihin. Dapat na ba kaming mawalan ng pag-asa dahil naubusan na ng plano si Eliza? O dahil kahit isa sa'min walang maisip na paraan.

Natahimik kami pare-pareho. We managed to come all this way, tapos dito lang magtatapos ang lahat? Dalawang minuto na ang nakalilipas pero wala pa rin kaming naiisip na paraan. Ilang sandali na lang, kapag hindi pa kami kumilos, maaabutan na kami ng mga humahabol sa'min at tuluyan na kaming makocorner dito.

"May paraan pa." napatingin ako kay Jing na nagsalita, ngumiti siya, "Hindi lang ako sigurado na lahat kayo sasang-ayon sa plano ko."

"Kahit ano, kahit anong paraan basta makaalis lang tayo rito." Sabi ni Vince.

"Pupunta tayo sa baba." Tinuro ni Jing yung dalampasigan, "And there, we'll cross the sea-literally."

Saglit na katahimikan hanggang sa binasag 'yon ng tawa ni Dean at Vince.

"Jing, seryoso ka ba sa sinasabi mo?" tanong ko naman.

"Seryoso." Tiningnan ko siya at nakita ko ngang hindi naman nagbibiro yung itsura niya, "Kung kinakailangan kong hatiin ang dagat para lang makatawid tayo, gagawin ko." huminto sila Dean at Vince sa pagtawa, narealize na seryoso nga talaga si Jing sa plano niya.

"But the sea...Jing, it's too dangerous, besides, can you really do it?" si Cloud. "Kaya mo bang hatiin ang dagat? That sounds absurd."

"Are you underestimating me, Cloud?"

"No, pero hindi ka rin naman namin pwedeng i-overestimate. The sea is too big, you know that, paano kung nasa gitna tayo at hindi mo kinaya? Pare-parehas tayong mamamatay." Pahayag ni Cloud.

"Alam ko."

Pero wala ng ibang paraan.

"Pero wala ng ibang paraan." She exactly said what's inside my head. "It's either mahuhuli nila tayo or we'll die." Nakita ko na nakakuyom yung mga palad niya, hindi dahil galit siya, pero pinipilit niyang maging malakas, "Hindi ko kayo pinipilit. All I'm asking is... your faith-kung meron mang natitira." Sinadya niya atang tumingin sa'kin nang banggitin niya yung 'faith', "Pero kung ako lang, mas pipiliin kong malunod sa dagat kaysa mabulok sa MIP habambuhay."

"Let's go." Sabi ko, "She's right. This is the only way." Hinihintay ko sila sumagot mula sa intercom. Tiningnan ko sila Eliza, nakatingin sila sa'min, si Pascal na nakadungaw sa bintana ng truck.

"Alright." Si Cloud. Pinaandar ni Dean yung sasakyan, at kagaya ng naisip ni Jing, dumiretso kami sa dalampasigan, sumunod sila Vince at ang cargo truck nila Pascal. Mukang desperado na rin sila kaya pumayag sa plano ni Jing. Kahit hindi ko man nababasa ang mga nasa isip nila, alam kong kinakabahan at natatakot din sila.

"Jing." Tawag ko, tumingin siya sa'kin, "Do it." She smirked then she tapped my head, tumayo siya.

"Pascal, naririnig niyo ba 'ko?" sabi niya.

"Oo."

Itinuro ni Jing yung formation, mauuna sila Vince, nasa gitna ang cargo truck habang kami ang nasa likuran.

"Ihanda niyo ang mga sarili niyo," sabi ni Jing atsaka bumwelo, "...dahil makakakita kayo ng himala." She devilishly smiled, atsaka itinaas sa harapan ang mga braso. Pumikit siya at huminga ng malalim.

Napalingon kami nila Cloud nang marinig ang tunog ng mga sirena, malapit na kaming maabutan ng mga Sentinels.

"Jing, nandito na sila." Si Cloud.

"Be quiet." Saway nito, nakapikit pa rin.

Nang dumilat si Jing, dahan-dahan niyang ibinubuka ang mga braso niya, naramdaman namin na parang umuuga yung paligid.

"What the..." at pare-pareho naming nasaksihan, ang unti-unting paghawi ng tubig kasabay ng paghawi ng mga braso ni Jing. 

Halos malula kami ng tuluyan iyong nahawi dahilan para magbigay ng daan. Mabilis na umandar ang sasakyan nila Vince na sinundan nila Otis at pagkatapos ay ni Dean.

"Holy shit..." si Dean.

"Dean, calm down." Sabi ko.

Jing fully spread her arms; she chinned-up to the sky as if asking some powers in heavens. The sea continued to divide, kasing taas ng buildings na nasa magkabilang gilid, we can even see the creatures in it, para kaming nasa loob ng aquarium park. I know I'm not the only one who's amazed and at the same time afraid right now. We're literally crossing the sea. Just. Wow.

Pero may sunud-sunod na pagputok ng barik ang umalingawngaw galing sa likuran namin.The Sentinels! Nahabol na nila kami at ilang metro na lang uli ang layo nila. At hindi lang 'yon, may spotlight na umilaw sa'min at sa himpapawid may tatlong chopper ang tumutugis din samin.

Damn. Tiningnan ko si Jing at parang nasa trance state siya, yung consciousness niya ay masyadong naabsorb ng kapangyarihan niya. She can't protect us again, dahil kapag nawala siya sa concentration pare-pareho kaming mamamatay.

"Cloud, press the intercom." Utos ko na kaagad niyang sinunod, "Finnix, can you handle those choppers?"

"Akong bahala, paano yung mga sumusunod sa likuran?"

"Gagawan ko ng paraan." Iyon yung sinabi ko kahit na ang totoo hindi ko alam kung paano ko sila mapoprotektahan. Maya-maya'y nakita namin sa ere ang sunud-sunod na bolang apoy ni Finnix dahilan para mag-crash yung isang chopper.

"I can help, I'm going to get inside their heads." Sabi ni Cloud. Mukha namang nagawa niya dahil sa di maipaliwanag na dahilan biglang lumiko yung isang humahabol na sasakyan para magkabangga sila ng katabi nila, pero marami pang itim na kotse ang sumusunod sa'min.

Kinuha ko yung baril ko at pinagbabaril sila-pero naubusan na 'ko ng bala.

"Cloud!" tawag ko para humingi ng saklolo.

"There are too many of them, Jill!"

Napalingon ulit ako at nakita sila na sabay-sabay nagpaputok ng bala sa direksyon namin. Hindi pumipikit, automatic kong itinaas ang isa kong kamay na para pigilan sila kahit na alam ko namang walang silbi.

Pero may kung anong himala na naman ang nangyari. Ilang segundong huminto sa ere ang mga bala hanggang sa bumalik iyon sa kanila.

'H-how did she...' narinig ko na naman yung boses ni Cloud. Tumingin ako kay Jing pero nasa matinding concentration pa rin siya. Posible kayang-

"Malapit na tayo!" sigaw ni Dean parang umiiyak na 'ata. Tumingala ulit ako kay Jing at nakita ko ang namumuong butil-butil ng pawis sa noo niya, katulad noong nasa dilemma kami ng tren, dumadaloy na yung dugo mula sa ilong niya.

Malapit na. Hindi pwedeng bumigay siya ngayon. Napatingala ako nang makita ang pagsabog ng dalawang chopper na humahabol sa'min-Finnix made it. Hanggang sa unti-unti kaming umaahon mula sa kalaliman ng dagat-until we reached the shore.

That's when Jing came back, kasabay ng pagbagsak ng mga braso niya ay malakas na bumagsak din ang tubig ng dagat-wiping out all those cars, Sentinels.


We made it.




******



WE'RE all standing in the cliff near the shore, ako, si Jing, Cloud, Eliza, Vince, Dean, Palm, Otis, si Cecilia na pasan pa rin si Seraphina, Otis, Pascal at Finnix. Malakas ang hangin at rinig na rinig ang malakas na hampas ng alon sa bangin na kinatatayuan namin at mula rito ay tanaw na tanaw namin ang Mnemosyne Institute, narinig ko yung bulong ni Eliza.

"We finally met the dawn." At nakita namin ang unti-unting pag-sibol ng araw na nagbigay sa'ming lahat ng pag-asa.

Pero alam naming lahat na hindi pa rito nagtatapos ang lahat.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top