/63/ Against all odds


"Tatlo!" in a blink of an eye, Vicente threw the multiple smoke bombs in his hand. The white smoke covered us, and we can't almost see anything from it. Nanatili lang kaming nakatayo sa kinaroroonan namin, nakikiramdam sa paligid-kahit kaluskos mula sa kalaban ay wala kaming naramdaman. We're expecting them to attack after our first move.

"Poor souls," pare-pareho kaming napapitlag nang marinig namin yung boses ni Cairo, ang akala namin nasa likuran o harapan na namin siya pero sinenyasan ko sila Vicente na huwag munang gumalaw, his voice is just roaming inside our heads. "First, I'd like to congratulate all of you for making up to this point. Again... we underestimated you my little sister, Jillianne." Despite my little debt of gratitude to him, for saving me from Margaux and for removing the collar, I can't erase the fact that I still despise this man. "But I must say... hanggang dito na lang kayo, you're not allowed to leave this place." He changed the tone of his voice from mockery to authoritative. "You only have two choices..." nagkatinginan kaming lima, "You will surrender or... all of you will die."

"Napapalibutan na nila tayo." Narinig naming nagsalita si Pascal, napatingin kaming lahat sa kanya, "Nararamdaman ko." kahit natatakpan ng usok yung buong paligid, malakas ang kutob naming lima na tama yung sinabi ni Pascal.

"I need your answer now. Susuko kayo ng mapayapa o mamamatay kayong lahat?" I saw Finnix gritted his teeth, Vicente's hand gripped, while Otis and Pascal remained in their usual composure state.

"Vicente-"

"Just, Vince, please." I frowned at him. Seriously, he still got time to give himself a nickname?

"Prepare your clones."

"Copy."

"Kailangan natin silang labanan." Si Pascal ulit, napamaang si Finnix.

"Ang plano natin lilituhin sila, kaya nga nandito si Vicente-"

"It's Vince."

"Tsk! Pascal, lima lang tayo, hindi natin alam yung eksaktong bilang nila, mahihirapan tayo." Finnix got a point, there's too many of them, kahit na sabihin na kasama namin si Vince, may limitations din yung powers niya, he can surely copy our looks and voices but he can't copy our abilities, that's why nakadepende rin sa combat skills ang kayang gawin ng clones niya.

"Alam ko, Finnix, pero paano tayo makakapunta sa North kung ganito sila karami? Kakailanganin pa rin natin silang harapin lahat." Pero mas may punto si Pascal sa iniisip niya.

"Finnix." Hinawakan ko siya sa balikat, "He's right. We just can't run away from them." Running away and escaping won't work this time, they have weapons, and they are ready to kill us, "Eliza entrusted this mission to us." We can't fail her―no-we can't fail them.

"Naiintindihan ko, Jill." We nod at each other then we positioned ourselves, preparing to fight for our lives.

"Then, you leave me no choice." Narinig ulit namin yung boses ni Cairo, "Adieu." At pagkatapos ay muling namayani ang katahimikan sa buong paligid.

"Guys-"

"Dapa!" it was Finnix's shout, lahat kami biglang napasubsob sa lupa at sunud-sunod na narinig ang paputok ng mga baril, nang mawala iyon ay kaagad kaming tumayo.

"Jill! Sa likod ka lang namin!" they circled up at pinilit akong papuntahin sa gitna nito, "Kahit anong mangyari, Jill dyan ka lang!" si Finnix, kasabay nilabas ang mga apoy sa kamay. Nakita ko si Vince na lumilikha ng maraming clone, isa na nahati sa dalawa, hanggang sa hindi ko na mabilang sa daliri.

"I gotta go, guys. Akong bahala manglito sa kanila." Paalam ni Vince at nagsimulang magscatter yung mga clones na ginawa niya, nawala siya sa paningin ko. Nakita ko si Pascal na tumingala sa langit at pumito, the next thing I saw was a flock of birds flying around us, inatake ng mga 'to yung mga Sentinels na sumusugod sa pwesto naming apat. Otis began to fight by brawling, nakita kong pinaghahagis niya yung mga Sentinels. Samantalang ako, nakatayo lang sa likuran ni Finnix, habang pinapanood sila na nakikipaglaban.

Shit. I hate to think that I'm useless here, may dahilan si Eliza kung bakit isinama niya 'ko sa grupo na 'to. She leave riddles na ako lang 'ata ang nakapansin, Finnix and the others won't mind because they trust Eliza's plan, pero...hindi sa sinasabi ko na wala akong tiwala kay Eliza, it's just that...

"Jill!" naramdaman ko na lang ang malakas na pagtulak ni Finnix, kasabay ng pagkasalampak ko sa damuhan nakita kong natamaan siya ng bala.

"Finnix!" then he threw fire to the Sentinels behind us, "Finnix your arm-"

"I'm fine! Daplis lang 'to!" pagkatapos ay tinulungan niya 'kong tumayo at binilinan na huwag aalis sa likuran niya kahit anong mangyari.

Damn, I can't just stand behind his back, kailangang may gawin din ako para makatulong sa kanila...at iyon nga ay hanapin ang mga sagot sa mga palaisipang binitiwan ni Eliza.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ibibigay sa'yo ang sagot, Morie." Right. My purpose here is to decipher the real plan. Tatakbo na ko palayo sa kanila nang tawagin ako ni Finnix.

"Saan ka pupunta, Jill?!"

"Finnix." Huminga ako ng malalim, "I need to do something. I can protect myself, don't worry." I don't know where it comes from, ayoko lang naman na masyado silang nag-aalala para sa buhay ko, kaya ko ring protektahan ang sarili ko at pati na rin sila.

"Jill! Masyadong mapanganib pag humiwalay ka sa'min ngayon. Ano bang iniisip mo?!" sabi niya habang patuloy sa pakikipaglaban, "Nahihibang ka na ba? Paano mo mapoprotektahan ang sarili mo?!"

"Fuck shit! May ammo sila!" si Vince, tumatakbo sa direksyon namin, nagulat ako nang bigla 'yong pumutok na parang bula, isa lang pala sa clones niya.

"Finnix." Buo na yung desisyon ko, "I'm sorry. I just need to figure things out." Pagkasabi ko'y hindi ko na pinakinggan yung sunud-sunod na pagtawag nila ni Pascal sa pangalan ko. Dirediretso lang akong tumakbo, hinahawi ang puting usok na unti-unti nang humuhupa at numinipis.

Ngayon lang ako tumakbo ng ganito kabilis sa tanang ng buhay ko, my legs automatically lead me somewhere and I can feel my entire system... The gunshots are everywhere and it's dreadful-it's too late to be scared anyway. Running in the middle of ceasefires is not really cool at all, one shot and you're good as dead meat.

Tumigil ako sa pagtakbo nang makita ko ten meters away ang isang Sentinel, may hawak-hawak itong revolver at nakatutok iyon sa'kin. I just stared at him, as I deepen my gaze; I suddenly remember some incident way back at my homeroom. Napangisi ako nang naalala ko na minsan kong matitigan ng ilang segundo ang mga mata ng isa sa mga nambully sa'kin noong panahong napunta ako sa rank forty. Binato ako noon ni Ayton ng bola habang nakatalikod pero naiwasan ko yon.

And this is pretty much the same this time.

He pulled the trigger and it feels like everything slows up. I saw the few seconds of the future in his eyes, the speed, time, velocity and acceleration of the bullet; I predicted it already that's why I easily avoided it. Halos malaglag sa sahig yung panga niya nang makitang naiwasan ko 'yon, pero hindi pa nagtatapos doon, nakita ko rin sa mga mata niya may susunggab mula sa likuran ko. Ang mga sumunod na pangyayari ay lubos kong hindi inaasahan, bago ako masunggaban ng isa pang Sentinels ay kaagad akong pumaikot para maiwasan ito, nakarinig ulit ako ng putok ng baril papunta sa direksyon ko kaya kaagad kong ipinantabla yung Sentinel na sumubok na sumunggab sa'kin.

T-this is what I saw in future a while ago. At katulad nang nakita ko, dinampot ko yung baril nitong Sentinel na hawak ko na wala ng buhay, atsaka pinaputok ang bala papunta sa kalaban, bumagsak ito sa lupa at hindi ako nag-aksaya ng oras, tumakbo ako muli hanggang sa marating ko yung building ng elemental department.

Dirediretso akong umakyat sa hagdanan at humanap ng silid. Pagkapasok ko sa loob ng isang lab room, biglang nanlambot yung dalawang binti ko. Napaupo ako sa sahig atsaka ko lang napagtanto kung anong ginawa ko...

I...I just...I just killed....

Hindi ako makapaniwala na nagawa ko 'yon...Pero iyon yung nakita ko sa mga mata nung Sentinel, without realizing mabilis na gumalaw yung katawan ko. This is the first time...that...that I murdered someone. Kung hindi ko 'yon nagawa...ako ang namatay. But still... I already dirtied my hands.

Nanginginig yung buo kong katawan at parang nahihirapan akong makahinga. If I continue like this, walang mangyayari, Finnix, and the others will die out there. I need to get myself together.

"We are counting on you, Morie."

Pumunta ko rito para makapagisip ng mabuti tungkol sa mga sinabi ni Eliza. Pinilit kong huminga ng maayos at ibalik sa kundisyon ang bilis ng tibok ng puso ko. Come on Jill, I can't let fear conquer me again.

"Kailangan mapalabas niyo na sa South kayo pupunta, pero ang totoo sa North ang target exit niyo."

We all know na ang pinakamahigpit na gate security ay nasa North. Sinabi lang ni Eliza na lilituhin namin sila through the use of Vince's clones para makalusot kami papuntang Northern gate. Honestly, noong narinig ko yon, I found it lame. Una sa lahat, Eliza has enhanced senses that's why I assumed na alam niya na maraming Sentinels ang nag-aabang sa amin sa itaas, pangalawa, alam niya rin kaagad na si Cairo-wait-si Cairo...

"Morie, you know the deputy headmaster well...his power...sa'yo nakataya ang laro, Morie. And I need you to remember this...'deceive the heavens to cross the ocean'"

Oh my god.

How oblivious we were! Gusto kong pukpokin yung ulo ko dahil ngayon ko lang narealize. Nakuha ko na. Nakuha ko na lahat ng punto niya. Cairo is a telepath; basically, he can read everyone's minds. The moment that we step at the grounds, I am one hundred percent sure that he already read what's going on inside our heads, he already knew that we're going to trick them, and that truth that we're going to North instead of South. It's pointless to fight out there because they won't let us advance towards the main gate.

At hindi lang nagtatapos ang lahat diyan. In order to deceive Cairo, Eliza needed to trick us first. Ang totoong objective namin ay sa South! If Cairo had already known na sa North kami papunta, lahat ng forces ng tauhan niya ay nandoon, kaya naman malaki ang chances namin sa South dahil walang masyadong defense na manggagaling doon if ever na malaman man ni Cairo na sa South talaga ang target namin it will be too late for him to attack us.

"Believe me...I'm lying."

Eliza's one of a hell badass genius.

She put a lot of pressure upon us para hindi kami makakontra sa sinabi niyang plano at para hindi ganon makapagconcentrate sa pag-iisip sila Finnix. How could she put this much trust upon me? I can't imagine. Again, isinaalalay niya na naman sa mga kamay ko ang mga buhay nila.

Teka. May isa pa siyang sinabi kanina.

"Kung may mangyari mang masama, tumingin lang kayo sa main building ng MIP..."

What does she mean by 'mangyaring masama'? Is she referring to what happening now? Anong meron sa main building ng MIP?

Hindi kaya...nandoon siya? Pero... she's with Ate Karen and with the HGPs.

"Jill!" nagulat ako nang makita ko yung sarili ko sa pintuan. Muntikan ko ng makalimutan na gawa lang din yon ni Vicente. Kamukang kamuka ko yung clone at kaboses. "Anong ginagawa mo dyan?!" Kaagad akong tumayo nang lumapit siya sa kinaroroonan ko, "Mabuti na lang at pinasundan ka sa'kin nila Finnix, mamataymatay sila sa pag-aalala sa'yo!"

"Kailangan kong pumunta sa main building ng MIP."

"What?! Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado pag lumabas ka na naman sa grounds at magtatakbo sa gitna?!"

"Vince-"

"I am your clone, don't call me Vince."

"Whatever, si Vince pa rin ang kumukuntrol sa inyo." Nagpatuloy ako kahit na di ko maiwasan na parang nananalamin lang ako, "Alam ko na yung totoo."

"Yung totoo?"

"Baligtad yung plano. Sa South tayo papunta."

"A-anong―"

"Kailangan masabihan na natin sila Finnix, wala silang mapapala kapag dumiretso sila papuntang North, mas malaking pwersa ang naghihintay don."

"Teka, Jill!" kaagad kaming lumabas ng silid na yon at tumatakbo.

"You, ikaw na ang magsabi sa kanila dahil kailangan kong pumunta ng main building, paikot lang naman tong building around the grounds, I'll find a way here papuntang main."

"Sige!"

Sabay kaming tumakbo sa hallway, nasa second floor na kami nang biglang pumutok na parang bula yung clone ko,napalingon ako at nakita ang dalawang Sentinels. Shit. Wala akong ibang choice kundi harapin na naman sila.

Pero mabilis akong tumakbo sa hallway, hinahabol nila 'kong dalawa, lumiko ako sa kanan at huminto. Saktong may fire extinguisher, kinuha ko 'yon at inabangan sila. Nang dumaa'y mabilis kong inihampas sa isa yung hawak ko, bumagsak ito sa sahig. Humugot nang baril yung isa pero mabilis kong nasipa yung kamay niya kaya tumalsik yung hawak niyang baril. Nagulat ako sa ginawa ko, parang natural lang na nagrereact yung katawan ko sa nangyayari.

I didn't realize that I raised my fists, like a boxer who's insisting a fight. The Sentinel smirked and copied me, it's like he accepted my challenge of brawling. Just what the hell I am doing, I'm supposed to be running away because hell I don't even know how to fight! Tsamba lang yung kanina. It's too late to run now.

He swung a punch but I bent backward and felt his knuckles swish past my nose. He attacked again but I found myself dodging and for some unknown reasons, hindi ko alam kung paano ko nagagawa 'to. Nawala ako sa konsentrasyon kaya natamaan ako ng suntok dahilan para mapaupo ako sa sahig. Hindi kaagad ako nakabawi nang itinayo niya ko at hinampas sa pader. I grunted because of the pain, he then wrapped his hands around my throat but I struggled, sinusubukan kong magpumiglas hanggang sa sinipa ko siya, he loosened his hands on my neck and without pausing I managed to kick him again in his chest dahilan para mapaatras siya, I grabbed his shoulder then I elbowed him in his face. I saw blood dripping down in his nose.

The strength...where is it all coming?

And before he attack again, I threw a round-kick at his head. Bumagsak ito sa sahig, wala ng malay. I let out a sigh. Tiningnan ko yung dalawang kamay ko, iniisip ko kung anong nangyayari sa sistema ko.

Naramdaman kong may gumagapang at nakita kong inaabot nung Sentinel na hinampas ko ng fire extinguisher yung baril na tumalsik kanina. Tinapakan ko yung kamay niya at pinulot ko yung baril na kukuhanin niya.

"Ayun!" napalingon ako sa mga boses na narinig ko, at nakita kong papatakbo sa kinaroroonan ko ang mas marami pang Sentinels na hindi ko alam kung saan nanggaling. Kaagad akong tumakbo papuntang hagdanan at bumaba ako sa first floor. Kailangan kong makapunta ng main building kahit anong mangyari.

Pero mas maraming Sentinel ang nadatnan ko ron, hindi ko na sila makakayanang makalaban isa-isa katulad nang ginawa ko kanina.

"Hoy!" napatingin ako sa entrance at nakita ang sangkatutak ng clones ko. Lumapit yung isa sa'kin at sinabing, "Kaming bahala, lilituhin namin sila, pumunta ka na sa dapat mong puntahan." Sabi nito. Hindi na ko nagtanong at walang pasubali'y kaagad akong tumakbo, kumilos din yung Sentinels kasabay nito ang pagkilos ng mga clones, naghiwa-hiwalay ng direksyon kaya naman nahati sa maraming grupo yung Sentinels. Tumakbo ako pabalik sa grounds ng walang nakakapansin, isang malaking pasasalamat sa mga clones ni Vince. Bumalik ako sa pwesto nila Finnix, hanggang ngayon pala hindi pa rin sila nakaka-advance dahil sa dami ng umaatake sa kanila.

"Jill! Saan ka galing?!" galit na tanong ni Finnix.

"Vince?" nakita ko si Vince na nakaluhod habang may iniindang sakit, "Anong nangyari sa'yo?" nakita kong may dugo yung damit niya kaya nagsimula akong mabahala para sakanya.

"Wala to, konting tama lang." nakuha pa niyang mag-ok sign.

"Are you sure?"

"Yeah." Tumayo siya at muling pinuwesto ang sarili.

"Alam mo ba kung nasaan si Cairo?" tanong ko.

"Hindi na siya nakita ng mga clones ko kahit saan." Right, posibleng nasa North na siya at doon nag-aabang, mukhang tama nga ang conclusion ko tungkol sa plano.

"Guys. I want you to know about the real plan."

"Real plan?"

"We're going to South."

"South?! But my sister said―"

"Please! We don't have much time, kaya hindi ko muna mapapaliwanag. It's part of Eliza's plan too, ito yung totoo, sa South tayo pupunta. Okay?!" sabi ko sa kanila habang tuloy lang sila sa ginagawa nila, "Vince, use your clones to advance towards North para hindi nila mahalata na papunta tayong South. Guys, kailangan niyo ng magretreat papuntang South. Pupunta lang ako sa main building."

"Pero―"

"No more buts and questions!" sabi ko atsaka tumakbo ako ulit papunta sa katapat ng elemental department, hindi ko alam kung anong tawag sa building na 'to pero alam kong may daan dito papuntang main.

Napalingon ako at nakitang sumusunod sa'kin yung mga clones ko. Bumulong ako ng pasasalamat para kay Vince dahil hindi niya pa rin nakalimutan na wag akong pabayaang mag-isa.

"Hi, Jill. My name's Jill." Sabi nung isang clone ko habang tumatakbo kasabay ko. Ngumiti lang ako at napailing, tsk, Vince, hinahawaan niya pa rin ng kalokohan yung mga clones niya.

May makakasalubong na naman kaming grupo ng Sentinels, "Alam mo na, Jill." Sabi nung isa pang clone sa'kin. Naghiwa-hiwalay kami ng direksyon para lituhin ulit sila, at muka namang nagtagumpay kami dahil nakalusot akong mag-isa nang walang humahabol sa'kin.

Nakarinig ako ng ilang paputok ng mga baril pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo, kapag naubos sila tiyak kong malalaman nila na naisahan ko sila.

Nakalabas na 'ko ng building na 'yon, at natatanaw ko na yung pinaka main building ng MIP. Biglang may tunog ng pagsabog na mula sa kung saan, lumingon ako at inalala sila Finnix na naiwan, sana kaagad na silang kumilos papuntang South. Sana.

Nang makapasok ako sa lobby, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi man malinaw sa sarili ko ang rason kung bakit ako pumunta rito...pero malakas ang pakiramdam ko na tama ang naging desisyon ko. Pumunta ako sa kanang bahagi at nadaanan ko yung mga portraits ng mga naging chairman ng MIP, mula sa pinakakauna-unahan hanggang ngayon sa kasalukuyan.

Vittorio Hermoso IV, the current chairman of Mnemosyne Institute. The distinct aura of his might, power and wealth as I stared at his portrait was felt. I don't know why but hate is the sure thing I do have for him right now. Malaki ang pananagutan niya sa lahat ng 'to at malaki rin ang dapat niyang pagbayaran.

Nagpatuloy ako hanggang sa mamalayan ko na lang yung sarili ko na nasa harapan ng headmistress office. Subconsciously akong dinala ng mga paa ko rito...hanggang sa bigla kong naalala, nang minsang nanggaling ako sa pakikipag-usap kay Dr.Irvin, sinundo ako ni Cairo at dumaan kami sa shortcut ng Beehive papunta rito. Right, may underground elevator sa office of the headmistress.

Walang pasubaling pumasok ako sa loob nito at tumambad sa'kin si Eliza na nakaupo sa swivel chair ni Margaux.

"You're just in time." Sabi nito at pagkatapos ay mabagal na pumalakpak, "I knew you could made it."

"Eliza." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon, "How could you?"

"There's no other way. I am glad that you're here now." Sabi niya atsaka tumayo. "Let's go." Sabay kaming lumabas ng office na 'yon kahit na naguguluhan pa rin ako.

"Nasaan na sila? Narating niyo ba yung safety exit?" nag-uusap kami habang naglalakad kahit na hindi ko alam kung saan kami papunta, sinusundan ko lang si Eliza.

"No."

"What?"

"Hindi kami sa safety exit pumunta. Alam mo na nabasa na ng deputy headmaster na doon kami papunta." Right, if Cairo knew it in the first place ipapadala niya kaagad yung mga tauhan niya, "Sa underground sewer kami dumaan."

"You mean, sanitary sewer?" hindi ko makapaniwalang sabi,

"Yes, from underground sewer to sea shore." Mukang kabisadong kabisado nga ni Eliza yung MIP kahit na nakulong siya ng anim na taon sa Bastille.

"Sea shore?" kung saan binabagsak lahat ng wastes, storm water at kung anu ano pa. Ibig sabihin nasa pinakalabas na ng matataas na pader yung mga HGP kasama sila Baldo?

"Mabuti naman silang lahat don. Heavy duty vehicles are needed there so that we can escape from here."

"And where can we find it?"

"Sa South." Medyo napanatag ako ng kaunti, "My, my, Morie, nakalimutan mo na ata ang pinakahuli nating goal." Tsaka ko lang naalala matapos niyang sabihin yon. Irerescue namin si Jing, Cloud...at Morris. "Dyan pa lang sa mission na yan mahahalata mo na kaagad na sa South talaga ang objective natin, I can't blame the others dahil masyadong occupied ang isip nila. But certainly you, Morie, alam kong mapapaisip ka sa mga sinabi ko."

"Honestly, I don't know if I'm going to hate you or not for making me do such things." She just chuckled.

"It's fine to hate me." Sumulyap siya sa'kin, "I'm used to it." Magsasalita pa sana ko pero inunahan niya ko, "Anyway, yung narinig mong pagsabog kanina galing yon sa safety exit, nagset-up kami ng ilang patibong para sa mga Sentinels na ipapadala ni Cairo doon." Awed by what she said, gusto ko sanang sabihin na she's a badass genius.

Naglalakad kami palabas ng lobby nang magsalita ulit si Eliza, "Fifteen meters."

"Huh?" maang kong tanong.

"Fifteen meters, it's the deputy headmaster."

Lumabas kami ng lobby, sa pinakaentrance ng main building ng MIP, natanaw namin si Cairo na naglalakad papalapit sa amin, huminto kami ni Eliza, natanaw din namin ang ilang Sentinels na nasa likuran niya.

"Bravo." Sabi nito, pero hindi katulad ng kanina, may bakas ng inis ang kalmadong tinig, "I can't believe that you deceived me."

He's going to read our minds! Napatingin ako kay Eliza, magtatanong ng susunod na gagawin, pero walang anu-ano ay bigla niya kong niyakap.

"What, Eliza―"

"Kumapit kang mabuti sa'kin." Bago pa ko makapagsalita nakaramdam ako ng mabilis na parang kidlat, sa isang kisap, bumitaw si Eliza, bumagsak ako sa lupa, dina-digest ang mga nangyari.

"Okay ka lang?" nag-angat ako ng tingin at nakita siya.

"Dean!" so it was him, kaya ako niyakap ni Eliza kasi...

"How's the trip? Nahilo ba kayo?" tanong nito.

"Oo." Si Eliza nakita kong sapo ang sentido. Pakiramdam ko parang bumaligtad yung sikmura ko, para kong maduduwal, nadaig pa yung roller coaster rides sa mga amusement park. Kaagad akong tumayo atsaka napansin kung nasaang lugar kami.

"Where are we?"

"Nasa likuran tayo ng Sanctus." Sagot ni Eliza.

"Pero si Cairo-"

"Don't worry, I assure you, bago pa man niya mabasa yung isip natin naagapan ni Dean." Pero hindi ko na napigilan at naduwal ako sa damuhan.

"Yikes." Gusto kong suntukin si Dean kung di lang dahil sa magandang dulot ng ginawa niya.

Pagkatapos kong sumuka, nakita ko sila Finnix, Pascal, Otis at Vince na nakasalampak din sa damuhan, at kagaya ko mukhang dumuwal din sila.

"Pati sila?"

"Oo, sabi ni Eliza eh. Ang bagal kasi nila kaya isa-isa ko silang dinala rito." Sagot ni Dean.

"Wow, kasalanan pa namin na mabagal kami, ikaw kaya makipagbakbakan don?" si Vince na napipikon.

"Sorry, sorry na." natatawang sabi ni Dean.

"Hindi ko nasabi sa'yo kanina, Morie, kasama ko si Dean na umakyat dito, pati pala yung kapatid mo." Pagkasabi ni Eliza'y umakbay sa'kin si Dean at bumulong.

"Sorry kung nayakap ko rin yung ate mo." He said while grinning, tsaka ko siya siniko sa sikmura, napaluhod si Dean at tinawanan siya nila Vince. Pagkatapos hinanap ng mga mata ko si Ate Karen, nakita ko siya di kalayuan, pagkakita niya sa'kin ay kaagad siyang lumapit tsaka yumakap.

"Are you hurt?" tanong niya, umiling ako.

"Ako dapat yung tanungin mo kung nasaktan ako sa ginawa ng kapatid mo." I glared at Dean.

"Now." Napatingin kaming lahat kay Eliza, "No more time to waste. Nandito na tayo sa Sanctus. Cairo knew na nandito na tayo sa South, so magpapadala na siya ng reinforcements dito as soon as possible to catch us, the good news is, hindi niya alam na sa shore na yung mga HGPs outside these walls."

Eliza discussed the next plan. Dean was assigned to take a large vehicle from the parking space near Sanctus para dalhin sa shore kung nasaan ang mga HGP. Otis, Vince, Pascal, will take down the Southern gate's security, sisirain din nila using Otis' strength yung gate. While me, my sister, Eliza and Finnix will go inside para sa misyong itakas sila Jing.

Forty minutes is the estimated time limit. Bago pa makarating sila Cairo dito kailangang makaalis na kami or else...kailangan naming iwanan sila Cloud kung sakaling hindi namin kakayaning humabol sa oras o pare-pareho kaming mahuhuli.

Kumilos na sila Dean at nawala na sila sa paningin namin. May alam na secret door si Eliza sa likuran ng Sanctus kaya kami nandito, kinakapa niya yung batong pader hanggang sa maramdaman niya ng bumukas ang lihim na pinto. Matagumpay kaming nakapasok doon at natuklasang isang lumang chamber ito. Mayroong gamot na nakuha si Eliza sa bag ni Dean na naggaling kanina sa Beehive, isang anti-dote sa Helexia. At kailangan naming maturukan si Jing para makabalik siya sa sarili.

Kasalukuyang nagkakaroon ng meeting lahat ng Peculiar student at staffs sa pangunguna ni Margaux sa amphitheatre kaya ang inisip na plano ni Eliza...

"Finnix will start a fire."

"Ano?" nagulat kami pare-pareho, nag-iba ang timpla ng mukha ni Finnix, hindi gulat, kundi takot.

"We don't have any other choice, marami sila at iba't ibang klase ng mga Peculiars, we cannot fight them all."

"But that's too dangerous." Sabi naman ng ate ko, kontra sa iniisip na plano ni Eliza. "Maaaring mapahamak ang mga inosente at walang kinalaman dito."

"They're all Margaux's pets anyway, they already dirtied their hands-"

"No. They're just a victim, just like us. We can't just stake their lives here, they're also human beings."

"H-h-hindi ko kayang gawin yon," nagsalita si Finnix, parang maiiyak. "H-hindi ko...kaya." Sa tingin ko merong masamang alaala si Finnix. He can't commit arson because of some painful past, I can clearly feel and see it in his eyes...

Eliza's plan is rational; spreading a fire is the only way para madistract silang lahat at makapagfocus kami sa misyong iligtas sila Cloud, Jing at Morris. But my sister, Karen, is right, wala na rin kaming pagkakaiba kila Margaux kung gagawin namin yung plano na sunugin ang Sanctus.

"I-"

"Hanggang dito na lang kayo." Naputol ang sasabihin ko nang may boses na dumating. Sabay-sabay kaming napatingin doon at nakita si Magnus. "I got a call from Lord Cairo, and he ordered me to stop you at any cost..." He grinned devilishly and he begin to cast his spell...

His power of illusion.



-xxx-



QUESTION: The question is about Eliza's current plan: Ang sunugin ang Sanctus, do you think okay lang talaga yon para maaccomplish yung plano nila? But Miss Karen said na they're human too at maaaring mamatay sila. What do you think? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top