/6/ Serenade


"GOOD morning Morie!" kulang na lang ay mabasag ang mga bintana sa tinis ng boses ni Aya.

Balik na naman ulit sa ang sistema rito sa loob ng classroom, kagaya nitong maingay na pagsalubong sa'kin ni Aya. Pumasok na ko sa loob, sumunod naman siya sa'kin at sabay naupo sa kanya-kanya naming pwesto. Nagsimula na namang magdadakdak ng kung anu-ano si Aya, pero hindi ko naman siya iniintindi, sadyang ganun lang sya kadaldal at sanay na syang hindi ko siya pinapansin.

Minsan gusto ko siyang tanungin kung hindi pa ba siya nagsasawa sa kakadaldal, dahil nagmumuka lang siyang ewan kasi hindi ko siya pinapansin.

"Morie alam mo ba, ldkaasjldld, abalhaslkld hahaha, ajskajd, hahaha." Mas naiintindihan ko pa yung tawa niya kaysa sa mismong pinagsasabi niya, basta nagkukwento lang siya ng nakakatawang bagay na nangyari sa kanya kanina o di kaya'y may nakasalubong siyang gwapo o kaya naman may napanood siya. Random. Sobrang random ng kwento ni Aya, siguro tinitingnan niya kung saang topic ako magkakainteres kaya kung anu-anong topic ang binabato niya.

"Hoy Martinez! Pwede bang manahimik ka? Nakakairita ka, napakadaldal mo eh!" may sumaway sa kanya na kakapasok lang sa loob ng room, "Abot hanggang second floor yang boses mo!", si Roman Tadeo, counterpart ni Aya sa kaingayan, payat ito, matangkad, ang bagsak na buhok ay minsa'y nakababa o nakataaas, magulo. Napatayo naman si Aya.

"HOY KA RIN TADEO! ANONG NAKAKAIRITA KA DYAN?! NAGSALITA ANG HINDI MADALDAL!"

"OH SIGE, SINONG MAS MAINGAY SA'TING DALAWA?! PUTAK KA NG PUTAK, PARA KANG MANOK!"

"ANONG MANOK?! KAPAL MO TSONG. SA GANDA KONG TO, MUKA KONG MANOK? HUH!"

"HINDI KA BA KINIKILABUTAN SA MGA SINASABI MO? SAANG BANDA KA MAGANDA?!"

"Pareho kayong manok,"  nagsitinginan kami sa bagong dating na pumasok sa loob ng klase, si Senji Tamaki, taas-taas pa rin ang buhok at mas dumami pa yata ang benda sa braso at mga band-aid sa muka, he's the 'baddass gangster' type, at hanggang ngayon hindi namin alam kung talagang may lahing banyaga ang pamilya niya dahil nga sa kanyang pangalan. Mahigit isang linggo na siyang hindi sya pumapasok at himalang ngayon lang ulit siya nagpakita.

"SENJI MEN! BUHAY KA PA PALA!" masiglang bati ni Tadeo, sila-sila kasi ang magkakasama palagi.

"Oh, Tamaki, buti naisipan mo pang pumasok." biglang sumabat ang class representative, si Lord James Ireneo III, biglang tumahimik ang lahat at sigurado akong dahil 'yon sa nililikhang tensyon sa pagitan nila ni Tamaki. Matagal ng mainit yung dugo nila sa isa't isa. Isa pa, si Ireneo ang pinakamaimpluwensyang tao sa loob ng klase na 'to, kaya lahat ng sabihin nya ay pinaniniwalaan ng lahat.

 "Papasok ako kung kelan ko gusto." sabi nito at pumunta sa sariling pwesto, sinipa pa yung nadaanang bakanteng table.

"Omg, si Senji."

"Ba't pumasok pa yan."

"Tsss..Oo nga."

"Pampagulo lang yan dito eh."

Wala silang ibang iniisip kundi gulo ang maidudulot nya rito. Senji, the deliquent, was neglected by this society. Lalo na rito sa loob ng eskwelahan. Well, wala naman akong pakialam sa kung anong gusto niyang gawin sa buhay.


*****


8:01 AM na, pero hindi pa dumadating ang first period teacher, si Miss Karen. Kadalasan, one minute before the time nasa klase na siya. 

"Guys, absent si miss Italia." anunsyo ng isa kong kaklase na kakagaling sa labas. At di katulad ng ibang mga estudyante na natutuwa kapag walang teacher, ibahin niyo ang klase namin.

"Malapit na malapit ng ang exams, tsaka pa aabsent si mam. Tsk."

"Lalo akong mapag-iiwanan sa cram school ko."

"Ako rin, maghahabol pa ko sa review ko para sa entrance exams."

Ganyan sila kauhaw sa kaalamang pang-akademya. At kung sino ang may responsibilidad kung bakit sila nagkakaganito ngayon...

"In this country, out of fifty people, only three will be happy." She said that to us, noong first day of school, sinabi sa'min ni Miss Karen na hindi patas ang buhay sapagkat hindi lahat magiging masaya. She easily influenced our class na mag-aral ng mabuti, a good news though, pero may mali, hindi naman lahat ng bagay nakabase lang sa makukuha mong magandang grado hindi ba?

 And because of her... ang society sa loob ng klase na 'to ay hindi rin pantay-pantay. School caste system is not funny and cool at all, kapag may maganda at matataas kang grado, ay may sarili kang benepisyo, at kapag mababa at nahuhuli ka, is aka sa apatnapu't pitong hindi magiging masaya.


*****


"LOOK, dadaan ang social climber b*tch."  Narinig kong sabi ng isang estudyanteng babae nang dumaan si Alexi Sabina sa harapan nila. Poor Sabina, as I watched her sitting alone in the cafeteria while suffering oppression from those girls. She really looks miserable. Nawala lahat ng mga kolorete nya, she even lost her "friends" na galing pa sa ibang section,  See, wala talagang permanente, things just come by and go. Seasons change and people will grow, sabi nga. 

Matapos kong sabihin ang mga bagay na yun kay Baldo, napaisip ako kung lahat ba talaga may karapatang magmahal ng sinuman. Kung hindi siguro, walang magdurusa, but heck, Sabina deserve that. Hindi ko sinasabing tama yung ginawa ni Baldo pero kailangan din naman niyang matuto at malaman na hindi lang materyal na bagay ang importante sa mundo.

Last night, nagpost ng bagong status yung web blog :"You sure could talk a lot huh. Jill Morie, you really don't know anything." Yeah, wala naman talaga kong alam. Kung pwede lang mabuhay ng walang alam.


*****


"Hey, people of White Knights!." boses ng isang lalaki mula sa mga speakers sa buong campus ang umalingawngaw dahilan para mapatigil yung mga estudyante sa corridor, malapit na kasing matapos yung lunch break, papabalik pa lang ako sa classroom.

Nasurprised yung ibang students sa pagbabalik ng Student Amateur Radio Club. Bibihira na lang silang mag on-air dahil mas pinahahalagahan na ng school ang academic system kaysa sa mga extra curriular-activities. Meron na lang silang fifteen minutes para mag on-air dahil malapit ng mag ala una at magresume ang klase.

Maya-maya'y nagplay ito ng live na bandang kumakanta.

I'd love to know just what you're thinkin'
Every little river, runnin' through your mind
You give and you take, You come and you go

Nagtilian ba naman yung mga babae na kasabay kong naglalakad.

You leave me here wonderin' if I'll ever know~
~How much you care or how much you don't
Whatever you need, whatever you want~


"Mygaaad si Cloud!"

"Ang pogi pogi ng boses nyaaa."

"Kyaaaaa

If you're gonna be somebody's heartbreak
If you're gonna be somebody's mistake

If you're gonna be somebody's first time,

Somebody's last time, baby be mine
If you're lookin' to be somebody's 'just friends

Baby, baby, baby, be mine, all mine

If you're gonna break someone's heart, yeah

Hey, Jill Morie

Might as well, might as well...

be mine

 Hindi ko inaasahan na isasama ni Enriquez ang pangalan ko sa lyrics na kinakanta niya. Lahat tuloy ng tao sa corridor ay napatingin sa'kin. Urgh. That annoying guy. Bakit ba hindi niya ko tantanan?

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top