/59/ Rebel
"Jill."
"Jill!"
"Huh?"
"Earth to Jill! Hello! Anong nangyari natulala ka?"
"A-aya?"
"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Huy!" winagayway ni Aya yung dalawang palad. "Kuuu, kung saan-saan lumilipad yang utak mo."
"S-saan tayo pupunta?"nilibot ko yung paningin ko.What...am I doing here? And...Why is she...
"Basta." She held my hand and then she smiled at me like she used to. I can feel her hand's warmth; I can look directly at her eyes without any future. "Kanina pa sila naghihintay sa taas."
"Sino?"
"Makikita mo." Tumakbo kami paakyat ng hagdan, at sa pinakahuling palapag, binuksan ni Aya yung pintuan. Liwanag ang bumungad, I can' see anything. "Nandito na sila. Jill."
We took a step forward while Aya's still holding my hand. Tsaka ko lang napansin na nasa rooftop kami ng White Knights, ang lugar kung saan tinatanaw ko ang langit sa tuwing nag-iisa. The blue sky and breeze are still the same, this place... feels like home.
"Yoh! Jill men!" sumaludo si Tadeo habang kaakbay niya si Tamaki, pareho silang nakangiti. At katulad ng nakagawian, pagkatapos niya 'kong batiin ay nag-inisan na kaagad sila ni Aya na parang aso't pusa, nagbatuhan kaagad ng asar sa isa't isa. Si Tamaki naman, mukhang nabawasan na yung benda at band-aid niya sa katawan, hindi na siya amoy sigarilyo at hindi na yata siya nagbubulakbol katulad ng dati, maybe because of Lucille who's living inside his memory, the girl who believe in him. Tamaki continued to live for her.
Nakabitaw na ko mula sa pagkakahawak ni Aya tiningnan ko siya habang nakikipag-asaran kay Tadeo. Aya, no matter how painful the past she has, she keeps moving forward, ngumingiti kaahit iniinda ang sakit, hindi siya sumuko para sa'kin. It's all thanks to her that I was able to smile gradually before.
"It's been awhile Jill," ang sumunod na nakita ko ay si Ireneo, he's also smiling. Beside him is Sabina who nods then gave her best smile, both of them extends their hands, hindi ko alam kung bakit pero bigla ko na lang 'yon tinanggap. Sabina, I realized that I'm grateful that I was bored before-no, I just hate to admit before that it wasn't just because I'm bored, way back then hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpanggap, pero ngayon alam kong tinatama niya na yung mga pagkakamali mo noon.
"Oy." May tumapik sa balika ko, lumingon ako pero nakasundot yung hintuturo sa pisngi ko, "Belat."
"Baldo." You bastard, akala mo hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa mo, dito mismo sa rooftop tinraydor mo ko.
"I'm sorry, Jill." Sabi niya at biglang yumuko.
"Stupid." Nangiti ako dahil parang iiyak na siya. Baldo. Alam kong ginawa mo 'yon para sa mas nakararami, sinabi mong mas mabuti kung nasa Memoire ako kung hindi pa sila madadamay, I understand, Baldo. I am too selfish. Maraming nadamay ng dahil sa'kin, if I were in your position, I would even consider Memoire's offer. It was a hard decision for you, pero dahil iniisip mo yung kapakanan ng mga kaibigan natin. You're kind.
"Oh, Baldy bakit ka umiiyak?"
"Gago, hindi ako umiiyak."
"Haha, umiiyak si Baldy!"
"Yikes Baldo! Ultra gay!"
"Letse kayo Mariah, Tadeo, pag-untugin ko kayo eh!"
"Jill?" Lumingon ako at nakita siya.
"P-penelope." Parang naumid yung dila ko, I don't know what to say, my heart began to beat fast, my knees are trembling because... because I'm happy. "Penelope."
"Hmm?"
"You're back." Hindi ko na napigilan yung sarili ko na yumakap sa kanya, narinig ko yung mahinhin niyang pagtawa, alam kong nakangiti siya habang hinahagod ang likod ko, "Penelope." Kaagad din akong bumitaw sa kanya. "I'm glad... you're here." I didn't made a wrong decision to save you from that incident before, Penelope, wala akong pakialam kung nasira ko man yung flow na sinasabi ni Dr. Irvin, ang importante...ang importante... you're still...here.
"Eh? Jill, okay ka lang? Namumutla ka, kumakain ka ba?" bakas sa boses niya ang pag-aalala, the usual Penelope.
"I guess."
"J-jill." Sa likod ni Penelope nakita ko siya na nakatungo habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.
"Stephen." I still remembered the day that he almost gave up his life; I can still recall what I told him, that I did stop him not because to save him, but to break the caste. I am glad... that Stephen is not giving up yet.
"So, andito na si Jill, kumpleto na tayo." Narinig kong sabi ni Baldo. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nandito silang lahat at kung bakit nandito ako. Nakatingin silang lahat sa'kin at masayang nakangiti. All this time I've been thinking, paano kaya kung hindi ko binago yung sinasabing flow ni Dr.Irvin... These guys... magiging parte pa rin ba kaya sila ng buhay ko.
And then I realized...this is not real, even though I felt their warmth. Everything is surreal but I can feel them. Hindi ko man gustong maniwala na panaginip lang 'to, pero ayoko munang magising, kahit saglit lang.
"Jill?" Si Penelope, nagtataka at nag-aalala. "Bakit ka... umiiyak?"
At hindi ko nga namalayan ang pagpatak ng mga luha ko, if this is a dream bakit totoong totoo yung nararamdaman ko, ang init ng luha na dumadaloy sa pisngi ko.
"Kasi..." naghihintay sila sa sagot ko. "kasi masaya 'ko... na nandito kayo." Hindi sila sumagot, they just smiled and nod their heads. I really don't understand...this bizarre feeling.
Parepareho kaming nagulat nang tumunog ng malakas yung bell ng White Knights, it means that the class has begun, na para bang mas binigyan ako ng pag-asa na hindi 'to panaginip.
"Tara na, malelate na tayo!" nakita ko sila na nagkukumahog papunta sa pintuan, wala akong ibang nagawa kundi sumunod sa kanila.
Parang nagslow motion ang takbo ng oras, umaalingawngaw sa buong paligid ang masasayang tinig nila pati na rin ang mga yabag na nag-uunahan. Hinahawi ang bawat estudyante sa hallway, nadaanan namin yung Gryffinclaws, may teacher na pumito, lumiko sa kaliwa, pagbukas ng pintuan ng homeroom, alam namin na naghihintay siya, naghihintay si Miss Karen.
Pero nang humakbang ako papasok sa loob, bigla akong nahulog sa walang katapusang kadiliman.
Everything is just a dream and it's time to wake up.
This is my painful reality.
"Lady Morie?" sunud-sunod na pagkatakot at pagtawag mula sa pintuan, hindi ko 'yon pinansin. Bumangon ako at humarap sa salamin ng malaking tokador.
Tsaka ko lang napagmasdang mabuti ang sarili ko, hindi ko na namalayan na hanggang balikat na pala yung haba ng buhok ko. At katulad nga ng sinabi ni Penelope sa panaginip, ang putla ko, well...I am really pale in the first place, pero iba ngayon, dahil sa putla ng balat ko mas nangibabaw yung kulay ng mga mata ko. It's all because of these eyes, Culomus. Memoire wanted this power badly, that's why they did everything to take me here.
"Be ready for tomorrow Jill Morie. The show is just starting." Today is the day huh.
Inaasahan kong bubungad silang lahat sa dining area pero wala akong nadatnang tao kahit isa. Sumulyap ako sa grandfather's clock, masyado pang maaga para pumunta sa MIP. Kagabi ko pa sila hindi nakikita, hindi dahil sa namimiss ko sila o ano pa man, nagtataka lang ako kung bakit
"They already assembled there earlier." Lumingon ako sa kinaroroonan ni Cairo, nakasandal siya malapit sa hagdanan habang nakatingin sa orasan. "Good morning."
"Assemble?"
"For the upcoming special event."
"I don't get it."
"Let's just say na may pinaghahandaan ang buong MIP staffs and students-"
"Staffs and students?" nang-uuyam kong sabi, "Baka lab rats."
"-para sa isang espesyal na okasyon." Medyo nainis ako ng hindi niya pinansin yung sinabi ko. "Don't feel bad na hindi ka kaagad ginising ng maaga para sumama sa preparation, consider yourself lucky dahil exception ka little sister." Little sister your damn face.
"At ano namang okasyon?"
"Hmm..." nag-isip pa siya kunwari ng matagal, pasimple at painosente, "For Christmas."
"Christmas?"
"Yes."
"Niloloko mo ba 'ko-"
"Cairo." Naputol yung pagsasalita ko nang bigla siyang dumating. "The car is waiting outside. It's time to go." Miss Karen. I won't call her sister not until she remembers me.
"Bea. Come here." Walang alinlangang sumunod naman sa utos niya ito. "This is Jill Morie. She's-"
"Stop it!" Damn you Cairo, hanggang kailan mo kami pahihirapan ng ganito. Hindi ka pa ba kuntento na nakikita ko kung paano mo pinasusunod sa'yo ang kapatid ko ng walang kalaban-laban? You don't deserve my sister's love, pagkatapos ka niyang mahalin noon ganito pa rin ang gagawin mo sa kanya? You are the lowest human being-no, hindi ka nga pala tao, you are a heartless monster.
Alam kong nababasa niya kung anong iniisip ko ngayon, alam kong damang-dama niya yung poot sa dibdib ko. Hindi niya na tinuloy kung ano man yung sasabihin niya, hindi siya tumawa o ngumisi katulad ng parati niyang ginaganti sa'kin, natameme lang siya at bumulong sa hangin.
Kahit na mabilis hindi nakaligtas sa paningin ko yung pagbuka ng kanyang bibig. Did he just said... sorry?
Heh, sorry? Baka namamalikmata lang ako.
"Let's go, Jill Morie, may importante kang appointment ngayong araw, baka nakakalimutan mo." Sabi niya, nauna silang naglakad habang ako tahimik lang na sumunod sa kanila.
The worst scenario that I would ever imagine, ang magkakatabi kaming tatlo sa kotse, pinapagitnaan nila 'kong dalawa. This is so suffocating. Kahit na nasa tabi ko lang si Miss Karen, pero hindi naman niya 'ko kilala, wala rin akong magagawa. I... I need to save her. No. I need to save them, sila Stephen.
"Don't think of unnecessary things." Nagsalita si Cairo na nasa kaliwa ko. "Kung susunod ka lang kay Margaux, hindi mo na kinakailangan pang sumailalim sa Helexia. May natitirang oras ka pa para magbago ng isip, Jill Morie."
Are you kidding me?
"Kung magiging masunuring bata ka sa MIP katulad ng iba pang elites na kasama mo, hindi na kinakailangan pang lagyan ka ng Helexia, naiintindihan mo ba?"
"And why should follow the headmistress, and this institution is nothing but full of evil deeds." Hindi ko rin maintindihan kung paanong naaatim ng mga ibang estudyante rito katulad ng mga elites na magtagal sa lugar na 'to, sa lugar kung saan wala namang ibang gagawin sa kanila kundi gamitin sila sa kung anu-anong hindi makataong bagay.
"You don't quite understand, do you?" bakas sa tinig ni Cairo ang pagkadismaya, "This institution...is the only place for them, they only belong here, dito lang sila tanggap sa kung sino sila. Naiintindihan mo ba? You don't know what they've been through outside these walls, society is too ignorant to accept Peculiar people, instead sila yung mga sinusumpa at tinatawag na sa salot sa lipunan, halimaw, malas. Ang Mnemosyne Institute lang ang tanging lugar para sa mga uri natin."
"Pero para ano? Para gamitin sila sa hindi tama-"
"We have no choice," putol niya sa sinasabi ko. "We have no choice but to follow. That's the only way because we are chained here forever."
Hindi na 'ko kumibo sa sinabi niya, hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makarating kami mismo sa Mnemosyne Institute. Nang makaibis kami ng sasakyan ay sumunod lang ako sa kanila, at mukhang tama nga ang hinala ko na dadalhin nila 'ko sa EXP RM, kung saan tuturukan na nila ko ng Helexia.
Maya-maya'y nakita kong papasalubong sa'min si Georgina, pero nang magkasalubong kaming dalawa ni hindi man lang niya 'ko tinapunan ng tingin. Anong nangyari sa kanya? Nalaman kaya ni Margaux na siya yung humingi ng tulong sa'kin para tingnan si Klein?
"Yes." Biglang sumagot 'tong si Cairo na naglalakad sa unahan ko, katabi niya si Miss Karen.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa harapan ng EXP RM.
"Pumasok ka na sa loob. Margaux will take over later." Sabi ni Cairo, "Don't think of unnecessary things, Jill Morie. There's no way for you to escape. And, incase na magbabago ang isip mo, pwedeng pwede mo pang kausapin si Margaux mamaya, just beg for forgiveness and she'll give you another chance."
Beg for forgiveness para hindi ako turukan ng Helexia? Great.
"Then, we'll go ahead." Umalis silang dalawa ni Miss Karen nang bumukas ang sliding door ng EXP RM, bumungad sa'kin ang isang babae na naka-uniform katulad ng mga scientist sa Beehive, nakasuot ng lab mask at lab gown.
Pinaupo niya 'ko sa isang operating chair, atsaka ko lang napansin na hindi lang ako ang nasa silid na 'to...
"Jing!" mga limang metro ang layo ko mula sa kanya, naka-upo rin siya sa operating chair, hindi siya nakakagalaw dahil nakalock sa arm rest ang dalawa niyang braso, ganon din ang binti niya, at may busal sa bibig. Sa tabi niya, sampung metro ang layo, si "C-cloud!" magkapareho sila ni Jing, at malamang sa malamang ay igagapos din nila ko sa operating chair na 'to.
Kitang kita ko sa mga mata ni Cloud ang pag-aalala nang makita ako, gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa dahil sa takip sa bibig. Nakatingin din sa'kin si Jing at may gusto ring sabihin.
May pinindot yung babae para malock yung braso ko sa arm rest, ganon din sa mga binti ko, lalagyan niya na ng takip yung bibig ko nang magsalita ako.
"The deputy headmaster told me that I could still talk to the headmistress."
"Yes, tatanggalin din naman mamaya kapag dumating na si Miss Margaux, for now, they ordered us to do this para raw maiwasan ang unnecessary communication." The lady coldly said.
Wala akong ibang nagawa, natakpan na yung bibig ko at hindi ko sila makakausap dahil parepareho kaming nakagapos.
Cloud... Cloud! I know you could hear my thoughts! Cloud. We need to escape here now. Kailangan nating makagawa ng paraan.
"Jill!" C-cloud? "Jill, listen. Do you hear me?"
"Y-yes." Sagot ko sa isip ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa ni Cloud.
"Don't look at me, mahahalata nila na nag-uusap tayo through telepathy." Sinunod ko siya, tumingin ako sa kaliwa para hindi makita ng tatlong scientist na kasama namin.
"Pero...paano tayo nakakapag-usap? I'm not a telepath like you. I can't read minds!"
"Don't worry about that, okay? My mentor didn't know about this kind of specialty in my powers. I can transmit my thoughts through telepathy kaya tayo nakakapag-usap, on the other hand hindi ko naman pwedeng maitransmitt yung thoughts niyo ni Jing sa isa't isa kaya tayong dalawa lang yung nakakapagpalitan ng thoughts, pero nakakausap ko rin siya ngayon."
"Okay, naintindihan ko na. Kailangan nating magplano."
"Yan din yung pinag-uusapan namin ni Jing kanina pa."
"What are we going to do? Kapag dumating na yung headmistress wala na tayong kawala."
"I... I know. This is difficult pero may naisip ako."
"Ano?"
"I'll talk to her. I'll talk to my mother."
"Mother? Who?"
"The headmistress."
"W-what? Pero paano nangyaring nanay mo-"
"Listen Jill! We don't have much time! Tsaka ko na lang ipapaliwanag. Ang mahalaga mapagplanuhan muna natin okay?"
"O-okay." Nakakunot yung noo nung babae sa gilid ko dahil nakita niya na gulat na gulat yung facial expression ko, nag-iwas ako ng tingin.
"This is the plan, mamaya kapag dumating siya, tatanggalin tong takip sa bibig natin para makausap siya, I'll buy time to talk to her while Jing will control the syringe para iinject mismo dito sa mga scientists so that the both of you can escape from the chair, that time makikita niya na kayo kaya siguradong ilalabas niya yung remote na nagkocontrol sa electric shock ng collars sa leeg natin but Jing will stop her. Kapag nakuha natin yung remote makakatakas na tayo."
Medyo nag-alangan ako sa plano nila, "Are you sure about that, sa tingin mo malilibang mo si Lady Margaux para makakuha ng chance si Jing na kontrolin yung syringe?"
"Duda rin ako sa plano na 'to pero wala tayong ibang pagpipilian. It's a 'do or die', once na mapasailalim tayo sa Helexia na 'yon, our freewill is totally gone."
"I guess... we don't really have a choice. Let's do this." Tumingin ako sa kanya.
"I... missed you Jill."
Sa sinabi niya iniwas ko ulit yung tingin ko sa kanya. Naramdaman ko biglang may bumayo sa dibdib ko.
"I'm scared... Ang buong akala ko hindi na kita makikita ulit." Nagsalita ulit siya.
"Hey, stop it. We need to get out of here first."
"I know. Hinihintay ko lang naman yung I missed you too mo eh." At nagawa pa niyang tumawa sa ganitong sitwasyon.
"For heaven's sake Cloud."
"What?"
"I missed you too." Tumingin ako sa kanya. "Cloud-"
"She's here!" parepareho kaming napatingin sa pintuan, bumukas nga 'yon at pumasok si Lady Margaux, kasama ang dalawang lalaki na para bang body guard. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko kanina, she's Cloud's mother?
"Any last words?" Tinanggal nila yung mga takip sa bibig natin.
"Wow, akala mo naman mamamatay na kami." Sumagot si Jing, umismid lang si Lady Margaux atsaka humarap sa'kin.
"Miss Morie, I know it wasn't really your fault kung bakit ka napunta sa HGPs RM, Georgina told me everything and I gave her the punishment she deserves, kaya naman it is considerable na hindi ka lagyan ng Helexia, however, you need to promise me that you will be a good girl inside the campus."
"I'd rather die than to follow you."
Ngumiti siya, "Then I have really no choice." Sinenyasan niya yung dalawang scientist na iinject na sa'min ni Jing yung Helexia. Nakita kong nilabas nila yung manipis pero mahaba na color silver na syringe.
"Ma." Narinig kong nagsalita si Cloud, "I'm sorry."
"Cloud, dear."
"Ma, please..."
"Can you really promise me that you will never do that again?"
Ituturok na sa braso ko yung syringe, bakit hindi pa rin 'to kinokontrol ni Jing?
"Simula nang ipinanganak ako, wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa gusto ng institution na 'to, ma, I am really happy na sa'kin nila binigay yung mission na imonitor ang kalagayan ni Jill, kasi finally makakalabas na 'ko sa kulungan na 'to. I always wanted to see the world outside, ma." Naramdaman ko na yung tulis ng dulo ng syringe pipikit na sana ko dahil akala ko tuluyan na itong ibabaon sa braso ko, pero... Nakita kong nanginginig yung kamay nung babae, tumingin ako sa kanya, nagtataka yung itsura niya dahil hindi niya magawang itusok sa braso ko yung injection. Si Jing! Nasilip ko na pinipindot na nung scientist yung lock ng operating chair niya. "Sorry ulit, ma, kung hindi ko kayang sumunod pa sa inyo."
Kinukontrol na ni Jing yung kamay nung babae, biglang itinusok sa sariling braso yung syringe. Sinenyasan ako ni Jing na wag magpapahalata at kumalma lang, inginuso niya yung scientist sa tabi ko.
"Tanggalin mo yung lock sa braso at binti ko." mahinang utos ko at sumunod kaagad 'tong babae. Sa kamalas-malasan nga naman ay biglang sumigaw yung isa pang scientist na mag-iinject kay Cloud, nakita niyang nakakawala na kami ni Jing sa operating chair, nadistract sila Cloud at Lady Margaux kaya lumingon siya sa'min¸mabilis si Jing, gamit ang kapangyarihan niya naiturok sa sarili nung scientist na sumigaw sa sarili yung Helexia. Sinugod ng dalawang body guard si Jing pero kaagad niya 'yong napatumba.
Tumakbo ako sa kinaroroonan ni Cloud para pakawalan siya, nakita kong nilabas na ni Lady Margaux yung remote, "Jing!" nakuha 'yon ni Jing, napakawalan ko na si Cloud. Tumakbo kami papunta sa pintuan.
"I'm sorry ulit, ma." Sabi ni Enriquez at bumukas na yung pinto.
Tumatakbo kami ngayong tatlo, hindi alam kung saan pupunta.
"We did it!" sigaw ni Cloud.
"It's not over yet, ano na? Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Tangina ang epic ng plano, what now ha, magrered alarm sila, hahaha habulin nila tayo putragis!" napansin kong may hawak-hawak na baril si Jing,
"Saan mo nakuha yan?" tanong ko sa kanya. Nagulat ako kasi bigla niya sa'king binigay.
"Dun sa kalbong bouncer kanina."
"Bakit mo binigay sa'kin?"
"I can protect myself." Sabi niya. Ito yung unang pagkakataon na nakahawak ako ng baril, and the worst thing... parang she's asking me to kill if necessary.
Nakalabas na kami sa mula sa underground tsaka ko lang naalala na nasa baba pa yung mga HGP, sila Stephen at Miss Marcel.
"We need to go back." Sabi ko.
"What?! Bakit?!" si Jing, naghihisterikal dahil nagsisitunugan na yung mga alarm na akala mo may sunog.
"Kailangan natin silang iligtas, yung mga HGP."
"Dios mio, Jill Morie, kapag bumalik na tayo sa baba hindi na tayo makakatakas!" hinihila niya na 'ko at wala akong nagawa kundi tumakbo na rin.
Shit. How can I save them? Kung bumalik man kami paano naman namin sila maililigtas?
"Wala tayong magagawa for now, Jill, we'll figure out kapag nakatakas na tayo." Sa sinabi ni Cloud mas nawalan ako lalo ng pag-asa na maligtas sila.
Buong MIP yata nag-aalarm yung red alert system, at ngayon paano naman kami makakatakas sa lugar na 'to? Shit lang ulit. Nakita kong hinahabol kami ng mga guards na nakasuit and tie. Lumiko kami papunta sa malawak na grounds.
"Stupid! Bakit tayo dumaan dito?!" nagsisising sabi ni Jing. Maaari nga naman kaming mapalibutan dito, pero wala na, unconsciously kaming dinala ng mga paa namin sa lugar na 'to. Pag tingin ko sa itaas may bumubulusok na apoy, just what the hell! "I'll cover you! Dumiretso lang kayo ng tingin!" si Jing yung sumasalag sa apoy. May mga Peculiar sa building na pinaggagalingan ng apoy, marami sila, at puro katulad ni Finnix ang kapangyarihan nito, "Just how many fire benders are there?!"
"Pfft... Fire benders? They are pyrokinetics." Si Cloud na natatawa pa. "And too bad, that building is the elemental department." Hindi namin magets ni Jing yung sinabi ni Cloud, maya-maya'y umuuga naman yung lupa, parang lumilindol. Okay, elemental department, kung saan kaya nilang kumuntrol ng four elements, water, earth, fire and wind. Cool.
"Fire bender, Earth bender, pyrokinetic, wala akong pake!" sabi ni Jing. Nang marating namin yung dulo ng grounds, nasa loob na ulit kami ng hallway, tumigil na yung mga apoy at pag-uga ng lupa.
"Alam ko na kung paano tayo makakatakas." Si Cloud, "Sa rooftop, merong helicopter don, I know how to drive it." Tumango lang kami ni Jing at pinauna namin siya sa pagtakbo. Sa pinakamain building ng MIP kami napadpad, paparami na ng paparami yung tumutugis sa likuran namin at kung sinu-sinong Peculiar na yung pumipigil sa'min, pero buti na lang kayang-kaya ni Jing 'yon, she can control almost everything.
Nang marating namin yung hagdanan papunta sa itaas, huminto si Jing, "Mauna na kayo sa taas, ako na muna bahala rito."
"What? No, hindi ka namin pwedeng iwanan!"
"Masyado silang marami, patutumbahin ko lang yung ilan sa kanila, dalian niyo na! Kaya ko ang sarili ko!" the usual Jing, bossy and hot-headed. Nagpatuloy kami ni Cloud sa pagtakbo papunta sa itaas, hinawakan niya yung kamay ko para masiguradong hindi ako maiiwanan.
Narating namin ni Cloud yung roof top, bumitaw ako sa pagkakahawak sa kanya, nakita namin yung helicopter, patakbo pa lang kaming lalapitan ito nang bigla 'yong umandar at unti-unting umangat sa sahig hanggang sa tuluyang lumipad pataas. Anong nangyayari?
Nakarinig kami ng dahan-dahang palakpak, pareho kaming napalingon ni Cloud sa kinaroroonan nito.
"Good job." Si Cairo kasama na naman niya si Miss Karen. "As expected, Jill Morie and my boy."
We... we lose.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo, Jill Morie? You can't escape from this place anymore." Tumingin siya kay Cloud, at maya-maya nakita ko na lang na nakasalampak na siya sa sahig, namimilipit sa sakit habang nakahawak sa ulo.
"Hindi ka na nagtanda, Cloud." Nakita kong nag-iba yung kulay ng mga mata ni Cairo.
"J-jill." Narinig ko sa isip yung boses ni Cloud, nahihirapan na siya.
"Stop it." Sabi ko, kinasa ko yung baril at itinutok sa kay Cairo. Tumigil siya sa ginagawa niya kay Cloud, atsaka dahan-dahang tumingin sa'kin. "Or else I'll shoot." Nangiti lang siya sa sinabi ko, kitang kita niya siguro na nanginginig yung kamay ko.
Pero naglaho yung ngiti niya nang itutok ko sa sarili ko yung baril, itinutok ko mismo yung lagusan ng bala sa kanang mata ko.
"Put it down." Utos niya.
"No. I won't." sabi ko, "Itong mga matang 'to ang kailangan niyo diba?"
"I'm warning you, Jill Morie. Put the gun down."
"No, hindi ko-" b-bakit ganon? Unti-unting binaba ng kamay ko yung baril? P-paano? Pag tingin ko sa likuran ni Cairo nandoon si Jing, sa isang iglap napunta sa mga kamay niya yung baril. Anong nangyari kay Jing? Hindi kaya...
"You caused a lot of trouble today, Miss Morie." At sumunod na umeksena si Lady Margaux, kasunod ang mga iba pang Peculiar. "You have nowhere to go. Napapalibutan ka na namin."
"Bakit hindi niyo na lang ako patayin?"
"Kung pwede lang matagal na sana naming ginawa, dear. But the board ordered not to harm you at any cost, that's why..." may lumapit na dalawang scientist sa'kin, hindi ako makagalaw dahil kay Jing, napasailalim na siya ng Helexia. Hindi maaari...
Naramdaman ko yung tumusok sa balat ko at likidong dumaloy sa loob ng ugat. Wala akong ibang nagawa kundi magkuyom ng palad at yumuko.
"Now, you need to follow and obey me and this institution's-"
"No."
"What the-"
"I won't follow you."
Nag-angat ako ng tingin.
"What happened to her?" tanong niya dun sa nag-inject ng Helexia.
"I-I don't know, mabilis na kakalat kaagad sa katawan niya yung Helexia pero mukhang..."
"Mukhang ano?!"
"... her cells... denies the Helexia."
Ngumisi ako. A miracle indeed. Wala namang nagbago sa sistema ko matapos akong turukan ng Helexia. I don't know how pero siguradong sigurado ako na nakukontrol ko pa yung isip ko.
"I am the freewill. That's why... Hinding-hindi niyo 'ko makukontrol."
Kitang kita ko ang galit sa ugat ni Lady Margaux, namumutok at parang sasabog kahit anong oras. Nakita ko si Cairo na nakakunot lang ang ulo at... si Miss Karen... Na nag-aalala at parang... Teka... Kung napasailalim siya ng Helexia bakit―
"I have no choice." Naglabas ng baril si Lady Margaux, at tinutok sa'kin. "Mga mata lang naman ang kailangan namin sa'yo."
"Margaux!" sumingit si Cairo at pilit na inagaw ang baril, "Are you out of your mind?! You can't kill her!" because of the board's order, minsan naguguluhan ako kay Cairo, hindi ko alam kung dapat ba kong magpasalamat sa kanya dahil minsan pinipigil niya yung mga desisyon ng headmistress.
"How I wish I could change her mind and I know I can't actually do that to her." Sinabi ni Cairo yun kagabi. Paano kaya kung hindi naman talaga niya pinasailalim sa Helexia yung ate ko...
"The other order of the board, Margaux, we will extract the Culomus from her para ibalik ulit kay Karen. But they clearly said we can't kill her."
Walang ibang nagawa si Lady Margaux kundi tumalikod at umalis, hinagis ang baril sa sahig.
"I have no choice but to bring you to the Bastille." Sabi ni Cairo sa'kin
"Bastille?"
"Underground prison cell for troublesome Peculiars... like you."
-xxx-
QUESTION: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na makausap ang isa sa mga tauhan ng TPT, sino, bakit at ano angsasabihin mo sa kanya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top