/56/ Behind the Scenes
FLASHBACK
[Cloud Enriquez's POV]
"LISTEN. Kailangan nating umalis dito. I don't have much time to explain. Wala kang dapat ibang pagkatiwalaan kundi ako, Jill, you need to trust me. Runaway with me."
"Trust you? Runaway with you? Enriquez sa tingin mo maloloko mo 'ko? You're one of them, taga Memoire ka! Isa ka rin sa mga taong gustong dumukot sa'kin noon at ngayon."
"Jill—"
Bigla siyang tumakbo papalayo, hindi ko na siya napigilan, hahabulin ko pa sana siya pero hinarangan nila 'kong dalawa, sila Otis at Cecilia. Matagal-tagal na panahon ko ring silang hindi nakita, magmula noong pinayagan akong makaalis sa Mnemosyne Institute―na isang kahilingan.
"Cloud. Ikaw yung nagpadala ng bulaklak kay Jill Morie 'diba? Ikaw yung nagbigay sa kanya ng Begonia." Ang unang sabi sa'kin ni Cecil, may himig ng pang-aakusa.
"So what?" napakunot ako.
"C-cloud, alam mo naman siguro yung sitwasyon ngayon 'diba? Kailangan nilang makuha si Jill Morie, kailangan siyang maidala sa Mnemosyne, kapag nalaman nila Lord Cairo yung ginawa mo malalagot ka."
"Alam ko 'yon. Pero bakit kailangan niyo 'tong gawin sa kanya? Bakit kailangan niyo pa siyang lokohin? Alam mo Cecil na masasaktan si Jill kapag nalaman niya na kayo na tinuturing niyang kakampi ay tatraydor din pala sa kanya sa dulo."
"Ito yung misyon na naatas sa'min―"
"I need to protect her, I'm not afraid of them anymore. Magmula nang ipinanganak ako sa institusyong 'yon wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanila, hindi ko gugustuhing maging manika lang nila si Jill." They didn't respond, nakatitig lang sila sa'kin kaya naman wala akong inaksayang oras, tumakbo ako para hanapin si Jill.
I tried to locate her through my mind. Paakyat siya ng roof top, she's with her friend, that friend who will betray her. I began to run again but then I stopped when I heard someone's thoughts. Ito yung isa sa problema ng kapangyarihan ko, being a mind-reader, I can't help it but to unintentionally hear thoughts because of powerful emotion.
"Thousands of stabs, shots, needles and the torturous operation weren't enough to define what my pain was. The agony inside my heart kills me, gusto ko siyang makita, gusto kong malaman kung bakit nagawa niya sa'kin 'yon, gusto kong tanungin si Cairo kung minahal niya ba talaga ako."
Palakas ng palakas yung signal na nanggagaling sa thoughts senyales na malapit na ito sa kinaroroonan ko. I knew who it was. It's from Karen Italia, who is also coincidently connected to Jill Morie. Sawakas narating ko yung harapan ng faculty, binuksan ko kaagad yung pinto at nakita ko siyang nagsusulat sa table niya. Her emotions are too powerful kaya tuloy narinig ko ng hindi sinasadya ang nasa isip niya.
"Miss Karen." Ni hindi man lang siya nagulat nang makita ako, huminto siya sa ginagawa niya.
"Who are you?"
"I'm Cloud Enriquez." I said between my breath, "Your... your sister... Jillianne is in danger." After hearing what I've said she quickly stood up and walk towards me. Hindi ko dapat sinabi 'yon, I'm expecting her to ask kung paano ko nalaman pero mukhang mas importante sa kanya ang buhay ni Jill.
"Nasaan siya?" napalitan ang blangkong emosyon niya ng pag-aalala, she's really her sister.
"Follow me." Lumabas kami pareho ng Faculty room at habang naglalakad hindi ko pa rin maiwasang marinig at mabasa kung anong nasa isip niya.
"Miss Karen, Nakita ko sa panaginip ko... I know this is too much to ask but... will you look after to our class when I died? Will you look after to my friends? Kapag binigay mo kay Jill ang mga mata mo, you can have mine when I died." I see, she's reminiscing.
"Memoire's here and they'll get her now." Sa sinabi ko mas lumakas lang yung emosyon na dinudulot niya, mas lumakas yung naririnig ko na nasa isip niya, she's full of regrets and anxieties, hindi ko maiwasang mapabilib sa katatagang meron siya, yung katatagang bumubuhay sa kanya hanggang ngayon.
"Cloud!" bigla kaming napatigil, naglalakad si Gidget papunta sa'min, she's with the other kids, sila Igor, Sydney, at Pilar "Nasaan na si Jill Morie?"
"Miss Karen, mauna ka na sa taas, ako ng bahala sa kanya. Nasa loob siya ng storage room." She just nod then she run away.
"Hindi niyo siya makukuha." Sabi ko nang harapin ko sila.
"Don't be stupid, Cloud. Alam mo na—"
"How's my little buddy?" napahinto si Gidget sa pagsasalita nang dumating bigla si Lord Cairo. "Mukhang masyado ka ng nag-eenjoy sa bakasyon mo, Cloud. And what's with this thing na hindi mo hahayaang makuha namin si Jill Morie?" naglakad siya palapit sa'kin "Why? Because you love her?"
Hindi na 'ko magtataka kung alam niya kung anong nasa isip ko. My master laughed, yes, he's my mentor since I was a little child, dahil nga magkapareho kami ng kapangyarihan, siya na yung nagturo sa'kin kung paano 'yon gamitin.
"And if I do?"
"What a stupid boy." Sabi niya sa'kin umiiling, "Sasama ka na rin sa'min sa pagbalik sa Mnemosyne Institute—"
"We're just the same. We're both stupid."
"What are you talking about?" This time ako naman yung natawa, naglaho yung ngiti sa labi niya.
"You fell in love with her too right?" biglang sumama yung tingin niya sa sinabi ko, "Hindi ba't habang nasa kalagitnaan ka rin ng misyon mo minahal mo siya—minahal mo si Karen Italia." I always knew, noon pa, nababasa ko lagi ang nasa isip ng mentor ko, walang araw na hindi niya iniisip ang babaeng mahal niya.
"Alam mo kung anong kaibahan natin, sir?" I can clearly see his rage now, pero itutuloy ko pa rin kung anong gusto kong sabihin, "Mahal ko si Jill pero hindi ako natatakot sa kanila, hindi ako natatakot sa Memoire. Mahal mo si Karen Italia pero takot ka, kaya hinayaan mo lang na mahirapan siya, you didn't save her just because of your fear of losing what you have. Pero hindi mo alam na mas malaking kawalan pala siya sa buhay mo, kaya ngayon nagsisisi ka na hinayaan mong mangyari sa kanya 'yon, nagsisisi ka na nawala yung anak niyo. And now you will get her back no matter what kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin siya."
I'm expecting him to punch me or punish me through mind pain pero hindi niya ginawa. He just leered at me while gritting his teeth. Few seconds later he composed himself again and said, "Fight me."
Pumayag ako, kahit alam ko na mas tripleng mas malakas siya kaysa sa'kin. Pain inducement, isa sa mga skills na tinuro niya sa'kin noon, where we can create mental illusion of pain inside a mind through telepathy.
Wala pang isang oras bumagsak ako sa sahig, I can't believe I lose quickly. Pinipilit kong tumayo pero hindi ko magawa, damn it! Pumipilipit sa sa'kit yung ulo ko, parang hinahati, parang pinupukpok. Kaagad itong humupa nang tuluyan akong hindi makatayo.
"Let's go, we will finish our business here. Maya-maya may kukuha sa'yo rito Cloud, we will go back to Mnemosyne." Umalis sila, at naiwan akong nakasalampak sa sahig. I need to recover fast para mapigilan ko sila, pero mukang imposible.
I am serious. I love her. I love Jill. I'll do anything, anything just to save her. I know that people think that Cloud Enriquez is just goofing and playing around...but I'm actually not. Hindi ko na matandaan kung paano at kailan ko naramdaman na gusto ko si Jill, more than that gusto ko siyang protektahan,, simula nang malaman ko na na sa kanya na pala yung hinahanap nila Lord Cairo.
"Hey. Are you alright?" maya-maya naramdaman ko na lang na may tumatapik sa pisngi ko. Nagmulat ako at nakita siya, si Karen Italia. "Anong nangyari?"
"W-where's Jill?" nanghihina pa rin ako.
"She ran away, she just can't trust me."
"Let's find her."
"Kaya mo bang tumayo?"
"Yeah," tinulungan niya 'kong makatayo at inalalayan habang naglalakad, "I can feel them, five hundred meters away, let's go outside." Nakita namin yung fire exit at lumabas kami roon, pero bigla akong bumagsak dahil hindi ko pa rin talaga kaya. Nararamdaman kong may iba pang Peculiar dito malapit sa'min, I can sense it but I can't read it's mind, maya-maya bigla 'yong nawala, probably one of the Memoire.
"Find her." Sabi ko kay Miss Karen.
"I just can't leave you here, you look awful, sinong may gawa nito sa'yo?" I didn't answer, she's too kind and altruistic, hindi na 'ko magtataka kung bakit nagkagusto sa kanya si Lord Cairo, "At... gusto kong malaman, kung paano mo nalamang magkapatid kami ni Jillianne. You're also a Peculiar, the time was frozen, nakakagalaw ka pa rin, it means..."
"Yes. I'm also a Peculiar. Katulad mo, Miss Karen."
"Miss Karen," naputol yung pag-uusap namin nang biglang may dumating. Si Jill! "Anong nangyari sa kanya?"
"J-jill."
"Anong nangyari sa'yo, Enriquez?"
"Umalis na kayo."
"Paano ka?"
"Don't mind me. Go. Go! Alis na!"
Pinikit ko yung mga mata ko, hoping that they'll be fine. Kasalanan ko ba kung mahal ko siya? Alam ko mamaya lang dadating sila para kuhanin ako, ibabalik na nila 'ko ron, at dahil nga may ginawa akong kasalanan at pagsuway sa utos, sigurado akong may naghihintay na parusa.
*****
[Jing Rosca's POV]
"JING?"
"Jill, nasaan kayo?"
"Anong nangyari sa inyo?"
"Tumakas sila, hindi naman kumalat yung sunog," They didn't actually escaped, at wala naman talagang sunog na kumalat sa White Knights, iyon lang yung naisip kong alibi, the truth is after they ran away kaagad din kaming umalis doon, hinang hina si Seraphina dahil sa sobrang paggamit ng kapangyarihan, humingi ng sorry sa'kin yung batang si Pilar kanina dahil nasugatan ako ng apoy niya. "Okay lang ba kayo ni Karen?"
"Oo.
"Nasaan kayo?"
"Sa inn malapit sa Daambakal." So talagang sigurado talaga na aalis sila ng city. Bilib din ako sa accuracy ng predictions nitong ni Cairo ha, alam na nila kung anong susunod na move ng target, and now they want Jill Morie to take by leaving her no choice—sa pamamagitan ng isang plano―isang dilemma.
"Sige, mag-iingat kayo, call me kung may kailangan kayo."
"Okay."
Binaba ko yung tawag, at humarap sa kanila, "Malapit sila Daambakal, nasa isang inn."
"Good."
"Don't you ever call me again in my first name, Cairo." Dinuro ko pa siya.
"Sure, sure, sorry na Jing, pinipikon lang naman kita kanina during the 'play' sa atrium, nasugatan ka pa tuloy ng apoy."
"Shut up. So, ano ng susunod?" sa totoo lang naiinip na 'ko.
"Pupuntahan ko sila."
"Ikaw lang mag-isa?"
"Nah, I'm just going to scare them off, para pumunta kaagad sila sa train station."
"How stupid, bakit hindi na lang kasi natin kaagad sila kuhanin doon sa inn para matapos na 'tong lintik na misyon na 'to." Sabi ko. "Kanina sa White Knights pwedeng pwede naman na nating kuhanin si Jill Morie bakit ba pinapatagal pa?"
"Patience, Jing. Remember, kung anong misyon niyo, misyon niyo lang na kuhanin ang tiwala ni Jill Morie."
"Alam ko, alam ko, ang hindi ko maintindihan bakit ba kailangan pa silang pasakayin sa tren at gawin 'tong train dilemma plan mo, Cairo, madadamay pa yung ibang normal na tao kung sakali!" hindi ko lang masabi sa kanya na tutol ako sa plano but the hell lang alam ko namang nababasa niya kung anong nasa utak ko! They are going too far, hindi naman na kailangan pang madamay yung mga walang kamalay-malay para lang sa lintik na Jill Morie-abduction mission na 'to!
"We need to follow this manual." Manual? Pinakita niya sa'kin yung isang libro,punumpuno yun ng drawings at sketches.
"What the hell is that?"
"Sketchbook."
"Alam ko, ano bang akala mo sa'kin tanga? Ang ibig kong sabihin ano naman ang purpose ng sketchbook na 'yan?"
"That sketchbook contained the future of Jill Morie." May iba pang nagsalita, nakita ko siyang paparating, oh, the psychotic mode of this kid again.
"Good timing, Sio. Say hi to Jing."
"Hi, Jing." I rolled my eyes.
"Mga baliw. Oh, ano naman ngayon kung 'yan yung mga hinaharap na mangyayari kay Jill Morie, kailagan ba talaga ifulfill at gawing makatotohanan lahat ng nakadrawing dyan?"
"Yes." Sagot nitong ni Sio.
"We'll be moving now, Jing kailangan niyong makababa ng train before Sta.Helena station, or else parepareho kayong malulunod kapag dumaan kayo sa sirang tulay."
"How about her?"
"What?" tanong ni Cairo, hindi kagad nakuha kung sino yung tinutukoy ko.
"Si Karen." Kunwari pang patay malisya 'tong lalaking to.
"Of course, kailangan mo rin siyang mapababa. Wag kang magkakamali Jing" aba at pinagbantaan pa 'ko ng walangyang to. Tsk.
And so, pumunta ako ng Daambakal para abangan sila, makalipas ang kalahating oras ay nakita ko silang dumating, mula rito sa pinagtataguan ko kitang-kita ko sila, kitang-kita ko si Karen—si Beatrice, ang kababata ko at nag-iisang matalik na kaibigan.
Dumating na yung tren para sa unang byahe, nakita ko si Jill Morie na lumilinga linga at siguradong hinahanap niya 'ko, pero hinila na siya ni Karen at sumakay sa loob, sumakay na rin ako ng hindi nila nakikita.
Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit ako pumayag sa misyon na 'to in the first place. Masama ang loob ko kay Tito Richard, alam kong walang kasalanan si Jill Morie para ibunton lahat sa kanya ng kinikimkim ko. Ngayon pa lang naaawa na 'ko sa sasasapitin ng batang 'yon, paano kapag nalaman niya na isa kaming traydor at pawang ang lahat ay kasinungalingan lang. Magiging katulad ko rin siya, mamumuhay ng may galit at poot sa dibdib. Wala akong magagawa. Hawak nila kami sa leeg, hawak kami ng Memoire, literal sa leeg.
"Jill Morie. Ssshh."
"Paano ka—"
"We will get off in the next station."
"Ano? Bakit?"
"Basta. Sumunod ka na lang."
"Sandali, kasama ko si Miss Karen, pupuntahan ko lang siya."
"Jill Morie, kailangan na nating bumaba. Ngayon. Na." pero matigas ang ulo ng batang 'to, mabilis siyang nakaalis at kaagad ko naman siyang sinundan.
"Jill Morie!" tawag ko sa kanya ng maabutan ko siya pero kaagad din akong natigilan nang makita siya, "Beatrice."
"Jinnie?" oh great, ngayon lang pala ulit kami nagkita at ang alam nitong ni Jill si Karen yung humingi ng tulong sa'min sa Carnies, shit I'm tired of playing this games!
"Kailangan na nating bumaba,"
Hinigit ko na siya sa kamay pero matigas talaga si Jill Morie, talagang desidido siyang iligtas yung iba pang mga tao. Damn! Imposible yon!
"Nandito na tayo. Jill Morie, utang na loob, kailangan na nating bumaba. Kung ikaw, Karen, ang nasa sitwasyon ngayon ng kapatid mo, anong dapat mong gawin? Sa tingin mo may magagawa ka rin?" sabi ko sa huling pagkakataon at sa mahinahon na paraan.
"Wala. Pero ikaw. Meron."
"Are you telling me to—"
"We need your help, Jinnie. You could stop the train before it crossed the bridge."
"This is ridiculuous." This time hindi ko mapigilang matawa, she's asking me to save those people, those strangers, I just simply wanted a normal life, a normal life with riches, and now she's asking me to become the hero this time?
"Naniniwala ako na kaya mo, Jinnie."
"I said stop calling me 'Jinnie'! Kung ayaw niyong bumaba ng tren, pwes, ako ang bababa, kung gusto niyong iligtas yung ibang tao rito, go ahead!"
"Sandali lang, Jing!" bumaba ako sa sumunod na istasyon ng hindi lumilingon sa kanila, ayaw nilang bumaba, wala akong magagawa, iyon ang sasabihin ko kay Cairo then I'll quit in this freaking mission.
"Jinnie! Hindi ka pa rin nagbabago. What? Running away again? Katulad noon? Nang hindi ka inampon ni Tito Richard anong ginawa mo? Tumakas ka." Hah, this bitch, wala kang alam sa nararamdaman ko, Karen! Wala kang alam! Palibhasa lagi na lang ikaw ang bida, lagi na lang ikaw!
"Shut up."
"I know, we're powerless, but unlike you, we're not afraid of what may happen, even if it cost our lives there is certainly a way, giving up is not an option. At least we're not running away from this fate."
Huminga ako ng malalim, narinig ko na sumara na yung tren at unti-unting umandar. Sinong tumatakas? Ako? Memoire will surely kill me kapag tinulungan ko sila. Gulung gulo na 'ko mga letse sila. I want to shout out loud fuck you all people! Bakit sa dinami-rami pa ng tao sa mundo ako pa yung pinanganak ng ganito? Tangina lang.
Memoire already set this up, nasira na nila yung tulay at dalawa lang ang pagpipilian, it's either we all die or they will die.Kasalanan 'to ng Memoire eh, bakit kailangan pa nilang idamay yung ibang tao at bakit ba kailangan nilang kuhanin ang batang 'yon? She's just seventeen for heaven's sake! Hindi ko lubos maisip kung anong kapalarang sasapitin niya sa mga kamay ng Memoire kapag nakuha siya. Karen already had enough! They did terrible things to her at ngayon kapatid naman niya yung gugutayin nila na parang guinea pig?! Hindi makatarungan, hindi makatao! Oo tao pa rin kaming mga Peculiar at hindi hayop na pinag-aaralan!
Hinabol ko yung tren at pilit kong binuksan ang pinto nito, nagulat yung mga tao sa loob, tinulungan ako ni Jill Morie makasampa bago umabot sa pinakadulo ng platform. Istupida ka talaga Jinnie. Gaga, gaga , gaga.
Wala na 'kong pake kung papatayin ako ng Memoire, tutal wala naman ding kakwenta-kwenta 'tong buhay ko, wala namang nagmamahal sa'kin at wala rin naman akong ibang mahal kundi pera, uubusin ko na lang yung natitirang oras ko para gumawa ng kaunting kabutihan bago ako mawala sa mundo.
Matapos akong yakapin nitong ni Karen dali-dali akong pumunta sa driver's cabin para pahintuin yung tren. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para pahintuin 'yon pero nawawalan na 'ko ng pag-asa nang matanaw kong papalapit na yung tren namin sa tulay. Naghihintay na ang kamatayan. Pero hindi pa rin ako sumuko.
Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari, dirediretsong bumulusok ang tren pababa, dinig na dinig ko yung sigawan ng mga tao.
So in the end mamamatay din pala kaming lahat?
*****
NAGISING na lang ako bigla, nakagapos ang dalawang kamay ko, nakapiring, at naramdaman kong may nakasakal sa leeg ko, shit, yung collar.
"I'm very disappointed, Jinnie." Narinig ko yung boses ni Cairo. Hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko rin alam kung nasaan na sila Jill at Karen.
Sinubukan kong gamitin yung kapangyarihan pero nabigo ako, bigla akong nakuryente at wala akong ibang nagawa kundi mangisay sa sakit. Shit, I'm wearing again this evil collar.
"Tama nga ang nakaguhit sa sketchbook na 'to, in the end you will choose to save them."
"So, kaya ba ako yung pinadala niyo para pababain kuno sila?"
"Probably."
"Just kill me."
"No, dear, no, hindi pwede, you're the most powerful telekinetic in Mnemosyne Institute, they can't afford to lose you. Kailangan ka lang disiplinahin ulit." At bolta-boltaheng kuryente na naman yung dumaloy sa katawan ko, "We will go home, we will go back at MIP. You and Cloud Enriquez will face a serious detention."
*****
[Karen Italia's POV]
"DON'T. Come. Near. Me." I warned him as he moved closer.
The last time na natatandaan ko bumubulusok pababa yung train na sinasakyan namin, biglang huminto ang oras at naging blangko ang buong paligid. Pakiramdam ko ang tagal kong nawalan ng malay, napanaginipan ko lahat ng nangyari noon, lahat ng nakaraan ko. Then the next thing I knew nagising na lang ako sa isang silid at alam kong sa Mnemosyne Institute 'to.
"Huwag mo 'kong hawakan!" tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko pero hinawakan niya yung kabila ng mas mahigpit dahilan para hindi ako makapalag. Wala na 'kong maaatrasan.
The moment I saw desire in his eyes, my heart began to beat fast, he caress my face like he used to. Unti-unti niyang nilalapit ang sarili niya sa'kin, wala akong ibang nagawa kundi pumikit. Maya-maya naramdaman ko na lang na bumitaw si Cairo at lumabas siya ng silid.
Tormented by this feeling, napaupo na lang ako sa sahig. I just realized the drops of tears that flowing down my cheeks.
*****
"HEY."
Nag-angat ako ng tingin, nakita ko siya na nakatayo sa harapan ko. So... it wasn't a dream. Totoo lahat ng nangyari, they got Jill and they got me as well and—I almost give in myself earlier. Nandito ulit ako sa lugar na kinamumuwian ko―Mnemosyne Institute. I really don't know why Cairo also took me, hindi ko alam kung ano pa bang magiging silbi ko sa kanila gayong wala naman na sa'kin yung Culomus at wala na 'kong kapangyarihan.
"You're still a Peculiar," I almost forgot that he could read my mind, ",that's why you're here."
"Why don't they just let me go?"
"I can't just let you go." Naguluhan ako sa sinabi niya, naglakad siya ulit papalapit sa kinaroroonan ko, umupo siya kaharap ko habang hindi napuputol ang titig namin sa isa't isa, "We'll be living here, forever."
"What? Hindi kita maintindihan."
He then held my hand and leaned forward and whispered "Let's start over."
Pagkasabing pagkasabi niya ay sinampal ko siya ng malakas, finally, matapos lahat ng sakit na dinulot niya sa'kin ngayon ko lang nagawa 'yon sa kanya.
"Nagpapatawa ka ba? Are you asking me to forgive you just like that?"
"Yes."
This time hindi ko na mapigilan, natawa ako at the same time naiiyak. "You know how much I hated you, but I hate myself more for loving you all this time." I want to assume that he's asking me to be with him again because he still love me, pero dahil sa kanya sirang-sira na 'ko ngayon, he caused too much pain more than what Memoire did to me at hindi ko alam kung kakayanin ko pang makasama ulit siya. My mind says no but my heart still beats for him. Ang tanga ko lang para mahalin pa rin siya hanggang ngayon.
"Alam kong hindi ka papayag sa gusto ko, pero kapag alam kong nalaman mo 'to magbabago ang isip mo."
Natigilan ako, "Ang alin?"
"I know where Sylvia is." Si Sylvia? "I know where she hid our daughter."
"Where? Gusto ko siyang makita. Nasaan si Wyndell?!"
"Calm down." Hinawakan niya 'ko sa magkabilang braso, "If you want to see her badly, there is one condition."
"Ano?"
"Be my Beatrice."
*****
[George Morris' POV]
"LORD Sio, pinapatawag po kayo sa dining hall. Lord Sio." Nakarinig ako ng mga katok at pagtawag mula sa labas. Nakita ko si Sio na nakatayo sa harapan ko, nakangisi.
"Surprised?" sabi niya.
"What the hell is this place?! Where am I?!"
"Lord Sio?"
"Sshh. Baka marinig ka nila, Georgy, you're too loud."
"Shut up!"
"Nasa Mnemosyne Institute na tayo, nagkita na nga pala kami ni Jill Morie, damn, she was so surprised when she saw me."
Pinagpawisan ako ng malamig, pakiramdam ko binubuhusan ako ng tubig na may yelo sa buong katawan. Hindi ako pwedeng magpatalo sa kanya, hindi ko pwedeng isuko ang sarili ko, hindi.
"Georgy, makikita na rin natin sawakas si ate Georgina, she's also here at Mnemosyne. You did promise her before na kapag nadala mo na si Jill dito tsaka ka susunod. Hindi ka ba masaya?"
"Hindi! Kailan mo ba 'ko lulubayan?!"
"Woa, woa, we are living in the same vessel, alam kong alam mo yan, and I am much stronger than you now, kaya wag kang magtataka na one day I'll completely take over your system."
"Damn you!"
"Lord Sio?" biglang pumasok ang isang lalaki, kasama ang isang babae, hindi ko sila kilala, kailangan kong makaalis dito, kailangan kong mahanap si Jill. "Ano pong problema? Bakit hindi niyo binubuksan ang pinto?" lumapit sila sa kinaroroonan ko, pero kaagad ko silang tinulak at tumakbo ako palabas.
Shit, anong klaseng lugar 'to? Tumakbo ako sa hallway without thinking kung saan ako pwedeng pumunta, basta kailangan ko lang makatakas. Nahanap ko yung hagdanan pababa, paglingon ko marami silang humahabol. Sa pagmamadali hindi ko sinasadyang mamali ng tapak dahilan para magpagulung-gulong ako pababa sa hagdan.
Naramdaman kong umaagos yung dugo mula sa ulo ko, nang pinilit kong makatayo isang babae ang tumambad sa harapan ko. Nakasuot siya ng itim na salamin, may mga kasama siya sa likuran niya, mga kasing edad ko rin,
"Mister Sio."
"Sio is not my name!"
"I see, ito yung sinasabi ni Cairo sa'kin. You are truly a bizarre case. Welcome to Mnemosyne Institute, George."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top