/55/ Day Two
[George Morris' POV]
"WHAT are you doing here?"
"Can't you see? Nagbabasa ako." Naaninag ko siya nang makalapit ako. Nakita ko siya sa study-table, nakaharap siya sa laptop. Nandito na naman siya, kailangan ko siyang paalisin.
Nang malapitan ko siya tsaka ko lang nakita kung ano yung binabasa niya.
White Knights Academy's
Heartless Heartbreaker
Jillianne Morie
"What the hell is that?" I heard him laugh.
"A blog, about your ex-girlfriend's blog actually."
"Get out."
"I'm still updating it―" Dali-dali kong sinara yung laptop, tinuro ko yung pinto para umalis siya. "Get out." Ulit ko. Tumayo siya sa kinauupuan, akala ko aalis na siya pero humiga pa siya sa kama ko at mula kung saan may hawak siyang libro―no, hindi 'yon basta libro.
"Bakit na sa'yo yang sketchpad ni Lucille?!" Sigaw ko sa kanya. Sinubukan kong agawin yung sketchpad, yung sketchpad na pinagdrowingan ni Lucille, mga mangyayari sa hinaharap, mga mangyayari kay Jill Morie. I heard him laugh again, hindi ko 'yon nakuha dahil kaagad siyang bumangon at pumunta sa sulok ng silid.
"Too bad, ngayon mo lang nalaman na nasa akin?" He laugh again. "Poor me."
"Ibigay mo sakin yan!" Pero hindi man lang siya natakot.
"I'm doing this for you, for us..."
"Shut up!"
"Kapag na sa kanila na si Jill Morie, ibabalik nila sa'tin si ate Georgina, hindi mo ba gusto 'yon? Kailangan magpasalamat ka sa'kin dahil malapit ng mangyari 'yon, at lahat ng nakaguhit dito ay unti-unti ng nagkakatotoo. Salamat din sa cooperation mo noon sa recollection at natupad na magkaayos yung klase niyo base sa kung anong nakaguhit dito―"
"You threatened me! At sabi mo sa'kin magiging maayos na ang lahat kapag nagkaayos yung klase namin!" that's the reason why I urgently asked that favor to Miss Karen, sabi niya magiging okay na si Jill kapag nangyari 'yon but that was a lie.
"Kailangan ko rin palang magpasalamat kay Lily dahil sa laki ng tulong niya, though ikaw ang nagsasuffer, nakulong ka sa relasyong hindi mo naman talaga gusto, well kaysa naman ipagkalat niya kung ano talagang meron si Jill Morie diba? Kaya pumayag ka sa gusto niya kahit na-blackmail ka niya," I can't contain my anger right now. "Wait, ang ironic lang, she blackmailed you," he pointed at me, "Then I blackmailed her as well to put those cameras, actually you—"
"Utang na loob Sio, umalis ka na sa harap ko." kanina pa ko nagpipigil, gusto ko ng sumabog sa galit.
"Hah. That's impossible," naglakad siya papalapit sa'kin. "Don't worry, Georgy, pupunta rin tayo roon, the principal gave you the scholarship too right? Magkikita rin kayo ni Jill or should I say magkikita rin kami."
*****
[Jill Morie's POV]
"Lady Morie." I looked at the servant beside who just called me err—Lady Morie? Nakayuko siya at tinuro yung pagkain ko sa hapag na kanina ko pa hindi ginagalaw.
"Miss Jillianne, masamang pinaghihintay ang pagkain." Gumalaw lang ako nang marinig kong nagsalita yung headmistress, si Michele Margaux, I guess I should call her Lady Margaux dahil iyon yung tawag sa kanya ng iba ko pang kasama rito. I don't know why but I really found her scary, parang lahat ng sasabihin niya hindi ko magagawang tanggihan.
I tried to grab the fork pero tinulungan ako nung servant na hanggang ngayon hindi pa rin umaalis sa gilid ko, inabot nya yon sa'kin, I thanked her then she took a step backward. So, ganito ka-espesyal ang treatment sa mga 'elites'.
Sa totoo lang wala akong ganang kumain. Naiilang din ako dahil kaharap ko si Morris—no—si Sio pala. Nang magpakilala siya kanina tinanong ko kaagad siya kung anong ginagawa niya rito, and to my surprise sinabi niya sa'kin na hindi siya si Morris, hindi siya si George Morris, siya si Sio, at sinabi niya rin na iyon ang unang pagkakataon na nagkita kaming dalawa.
How could that happen? Hindi ako nililinlang ng mga mata ko, magkamukang magkamuka silang dalawa! Well except sa ayos ng buhok, nakataas ang buhok ni Sio at unat na unat ito, while Morris have a messy hair, palaging nakababa at halos matakpan na yung mga mata. Is it possible na kambal sila? I never heard before na meron siyang kakambal. Atsaka this guy... This Sio, kung titingnan siyang mabuti mahahalata mo kaagad yung pagkakaiba nila ni Morris, he has that different aura, dark... at parang confident na confident siya sa sarili niya, unlike Morris who is timid, quiet, and serious.
Nagsimula na rin akong kumain kahit napipilitan lang talaga ako. Where are the other elites anyway? Bakit kami-kami lang yung nandito? Narinig kong tapos na silang kumain, tumayo sila at nagpaalam kay Lady Margaux atsaka umalis ng dining hall, samantalang ako naiwan pa ring nakaupo.
"Miss Morie, as of today ay kailangan ko muna kayong ilibot ni Mister Sio sa buong Institute para bigyan ng introduction at malaman ang iba't ibang rules and regulations." Narinig kong sabi ni Lady Margaux na kakatayo lang din. What? Kasama si Sio? "I'll give you ten more minutes para ubusin ang pagkain mo, we'll be waiting outside." Pagkatapos ay umalis silang pareho.
"...whatever you have in the past, you must leave it behind, you must forget those things and you will start a new life here..."
Nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit nananatili lang akong kalmado hanggang ngayon. Start a new life here huh?
*****
SUMAKAY kami sa isang magarang itim na kotse, nasa gitna namin ni Sio si Lady Margaux, mula sa The Sanctus, ang tawag nila sa lugar na para sa elites, ay narating namin yung ibaba ng burol na tinitirikan nito.
Isang malaking gate ang bumungad, kulay itim at may nakaengrave na letter 'M' sa loob ng isang diamond, matataas ang bakod, at maraming nagbabantay na mga guards, I don't know kung mga guards lang ba talaga sila dahil nakasuot sila ng black suit at shades, katulad ng mga taong kumidnap sa'kin noon sa Sentral, I'm sure that they have guns , at isa pang kapansin-pansin ay katulad ko mayroon din silang kung anong bagay sa leeg, pero iba ang itsura, choker na kulay gray yon at may kung anong maliit na device na nakakabit, samantalang yung akin—yung sa'ming elites, collar na kulay itim at may maliit ding device.
Bumukas ang malaking gate at nakapasok ang kotseng lulan namin, It's like I'm about to enter the gates of hell. Katulad nga ng nakita ko mula sa bintana ng Tha Sanctus kanina lang, malawak at malaki yung pinakaloob. Huminto ang sasakyan sa harapan ng isang malaking gusali. May nagbukas para sa'kin ng pinto at umibis kami ng sasakyan.
"This is the main building," nagsimulang magsalita si Lady Margaux, nauuna siyang maglakad habang kaming dalawa ni Sio ay tahimik lang na nakabuntot sa kanya. "The learning ground for Mnemosyne Institute's students, I welcome the two of you." So, it is really that there are other fellows like me na nakuha nila. "Since the two of you were already part of the elite wala na kayong magiging problema."
"What do you mean?" gusto kong pumalakpak dahil nagawang magtanong ni Sio, because sabi ko nga parang may kung anong charm ang headmistress dahilan para maumid ka. Naglalakad kami ngayon sa isang hallway, marami na kaming nalagpasang mga silid pero hindi ko naman makita kung anong nasa loob dahil puro tilted yung mga bintana.
"From the word 'elite', I think you already knew why you're part of it, Mister Sio. Elites are the bests among the group that is why they have the privileges." Sagot niya, "And by the way, if you don't know yet, we call our kind 'Peculiars',"
Wait. Ibig bang sabihin Peculiar din siya? She just said 'our kind'.
"We are beyond normal, and we are capable of doing something unusually great that normal human beings don't have."
Nagpatuloy kami sa paglalakad, at kung saan-saan kami nilibot ni Lady Margaux, this place is seems endless, walang katapusan sa sobrang dami ng pasikut-sikot. Katulad ng ibang normal na eskwelahan ay mayroon itong iba't ibang facilities, may library, student hall, at kung anu-ano pa.Wala namang kung anong kakaiba, everything seems normal, I thought this place for Peculiars have cages with eccentric entities.
"This is a prestigious school for Peculiars, you're not here because you're chosen, and you're here because you're special. Mnemosyne Institute's goal is to segregate the Peculiars from normal human beings in order to utilize their exceptional powers. It is understandable why there are only a few Peculiars here, they are rare, they are hard to find. There is an assured bright future for every Peculiars. Dito mas marami silang natututunan na hindi katulad ng tinuturo sa mga normal na paaralan, dito masisigurong mahahasa ang kanilang kapasidad sa iba't ibang aspeto, they will live and learn here until they finished, then the Mnemosyne Institute will provide them the support in the industry." Marami pang sinabi si Lady Margaux, pero tungkol lang sa learning system, wala siyang binanggit kung bakit nakasuot kami—siya—yung staffs ng collar sa leeg.Nanatili lang akong tahimik hanggang sa marating namin yung tapat ng isang malaking pinto na may nakasulat sa itaas na 'Lazaro Hall'.
She's about to open the door when I speak.
"Does the government know," hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas para magtanong, dahan-dahan siyang humaharap, I really don't get it why she needs to wear that round black glasses during broad daylight. "About us? About Peculiars."
"No." sabi niya nang makaharap sa'kin. "Of course they don't need to know...only when we already conquered the universe."
By what she said I figured out one thing: they are scheming something.
*****
PUMASOK kami sa loob ng Lazaro Hall at hindi ko inaasahan ang bumungad sa'min. Tumingin silang lahat sa'min, nauna ulit sa paglalakad si Lady Margaux, sumunod lang ulit kami ni Sio sa kanya, silang lahat ba yung mga Peculiar na nakuha nila? Hindi ko inaasahan na ganito sila kadami. What surprised me the most was that―there are children, they are too young to be here! Habang naglalakad pa rin kami ni Sio kasunod ni Lady Margaux, sinusundan nila kami ng tingin hanggang sa inanyayaan kami na umakyat sa entablado, sa harapan nilang lahat.
"Ladies and gentlemen let's give a warm welcome to our new family..." Nagpalakpakan silang lahat. Ipinakilala nila kaming dalawa, hindi ko alam kung bakit, kung para saan. Welcome party? Nilibot ko yung tingin ko, tiningnan sila isa-isa, ang mga mata nila―hindi ko masabi kung anong iniisip nila o kung anong nararamdaman nila. As expected, they're wearing the same thing, the collars, at ngayon ko lang napansin, even Cairo and Magnus, na nasa stage din, ay may suot-suot na collar.
Matapos kaming maipakilala ni Sio, Cario, who is unexpectedly the deputy headmaster (kaya pala 'Lord Cairo' yung tawag sa kanya ni Magnus), gave an opening remark. He was followed by Lady Margaux, the headmistress of course, nagbigay din ng speech.
Tahimik at taimtim silang nakikinig, kahit yung mga bata, seryoso at nakatayo ng matuwid. I really wonder kung anong tumatakbo sa isip nila ngayon. Kung katulad ko iniisip din ba nila kung bakit ba talaga ko dinala rito. But I somehow felt uneasy, being surrounded by Peculiars—isn't a good thing at all. They're all threat. Paano kung... Katulad ni Cairo, may nakakabasa rin ng iniisip ko ngayon? Speaking of Cairo, mukang hindi naman niya napapansin kung ano mang tumatakbo sa isip ko, maybe because maraming tao? I don't know. If I plan to escape malalaman kaya niya? Useless thought, I know I can't escape anymore.
Then the ceremony ended, pinabalik lahat ng Peculiars sa respective places nila, while me and Sio remained where we are. Nilapitan kami ni Lady Margaux at sinabing we should wander around, a give-away off dahil first day pa lang namin. Akala ko hahayaan niya na kaming makaalis pero hindi pala, may binigay siya sa'min ni Sio, isang maliit na kahon ang sa'kin.
"A golden watch?" Narinig kong sabi ni Sio, at nakita ko nga na suot-suot niya na 'yon."Cool."
Binuksan ko rin yung sa'kin at nakita... isang pares ng hikaw―krus na hikaw. Tiningnan ko si Lady Margaux at tinanong.
"Para saan 'to?"
"It's a welcome gift from us." Hindi ko siya maintindihan, regalo? I really don't understand. They should be dissecting me now right? Ano na naman bang patibong ang ginagawa nila?
"Don't misinterpret," may nagsalita, sumulpot bigla sa tabi ni Lady Margaux si Cairo. "It's just a gift, Jillianne. Everyone receive theirs when they came here." Hindi ko siya pinansin at tinitigan ko lang yung bagay na hawak ko, itim na ang kulay ng hikaw, two centimeters ang haba at may maliit na dyamante sa gitna.
"Wear it." Utos niya at wala akong ibang magawa kundi sumunod. "Very good." Happy now? For sure he's reading my mind.
"The both of you may go," naunang maglakad paalis si Sio, natuwa masyado sa regalong natanggap niya. "Miss Morie." tawag ni Lady Margaux, hindi pa rin kasi ako umaalis.
"Can I ask something?"
"What?" Pareho silang naghihintay ni Cairo sa tanong ko.
"What's the purpose of this?" Tinuro ko yung collar na nasa leeg ko, sinubukan kong tanggalin kanina pero mukhang imposible. "Why are we wearing this?" they didn't answer, instead they just smiled devilishly that gave me creeps.
"Be good, Jill Morie."
"Be good."
*****
IT was a long day, I guess. Finally malapit nang lumubog ang araw, pagala-gala lang ako kanina pa sa malawak na grounds. Hindi ko na nakita si Sio after ng opening ceremony, kanina pa rin ako nag-iisa rito, tinatanaw mula sa malayo yung mga batang Peculiar na naglalaro sa malawak na damuhan, I want to come near them but something inside me is holding back. Jill, you've been betrayed many times, don't let your guard down.
Papaalis na 'ko pero gumulong sa harapan ko yung bola na pinaglalaruan ng mga bata. Nakita ko yung grupo nila na kumakaway sa'kin, wala akong ibang nagawa kundi pulutin yon at lumapit sa kanila.
"Here." Abot ko sa isang bata na sa palagay ko'y nasa labing-isang taong gulang, yung collar sa munti niyang leeg ang una kong napansin.
"Salamat po." Narinig kong sabi nila, kaagad akong umalis papalayo roon. Gusto ko silang kausapin but I have nothing to do with them. Pumasok ulit ako sa loob ng campus, wandering without any thinking kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
"Sshhh... Tahan na wag ka nang umiyak, baka dumating bigla si Lady Margaux, tahan na Klein..."
"Mama! Mama! Dusto ko ng umuwi, dusto ko na makita si mama!" Napahinto ako sa paglalakad, hindi ko na alam kung saan ako nakarating, isang batang lalaki at inaalo siya ng isang babae, dinig na dinig sa buong hallway yung palahaw nung bata, nagmamakaawa na umuwi, "Mama! Uwi na ko sa bahay!" I can't help it but to feel sorry for him, he's too young... too innocent to be here... Wala namang ibang nagawa yung babae kundi yakapin at aluhin yung bata, pero nanlaki yung mga mata niya nang marinig yung tunog ng mga hakbang na papalapit.
"Klein, please wag ka ng umiyak. Kapag nakita ka―"
"Georgina." Agad na napatayo yung babae, tinakpan yung bata pero hawak-hawak pa rin ito sa balikat. "Anong ingay ang naririnig ko?"
The kid won't stop crying, kahit nandyan na si Lady Margaux. I saw fear in Georgina's eyes when the headmistress in black walk towards them.
"Klein..."
"Georgina, please move aside."
"Lady Margaux, I―"
"Move aside."
"Nakikiusap ako this time, hindi na mauulit, I'll take care of―"
"He's causing a trouble; your responsible as a teacher is to maintain the order inside the institute right?"
"But―"
"Are you going to disobey me now?"
"No, Lady Margaux."
"Now, move. I'll handle him." Walang ibang nagawa si Georgina kundi tumabi, leaving the poor Klein. Napalunok ako nang makalapit si Lady Margaux sa bata, anong gagawin niya?
"Klein, you're not going to see your mom anymore, I believe ilang beses ko ng sinabi yan sa'yo, we are your new family now."
"Hindi! Uuwi na ko! Sa bahay namin! Mama!" Kinabahan ako ng hawakan niya yung bata sa braso, mas lalong lumakas yung iyak nung bata, may kinukuha siya sa bulsa niya at ilalabas pa lang nya yon ng sumigaw ako.
"Stop!" Napatingin sila sa'kin. "What are you doing to him?" shit, bakit, bakit ko sinabi 'yon. Wala na, Jill. I can't help it! May nag-udyok sa'kin na magsalita kanina, it feels like that headmistress is going to do something bad to that child.
"Why Jill Morie," she looked surprised, she let go the child. "May I ask as well, what are you doing here?"
"I'm wandering around because you told me so."
"Oh, I see." Yun lang yung sinabi niya, "Georgina, take care of that brat. And you Miss Jillianne, the car will be waiting at the front gate, we're going back at the Sanctus." At pagkatapos ay umalis na siya.
"Thank you." The lady whose name is Georgina said, "Thank you." She's teary eyed.
"Are you okay?" Tanong ko.
"Yes, sorry." Pinunasan niya yung mata niya, "Come here, Klein." Lumapit sa kanya yung bata na sawakas ay tumahan na, "I think you should go, ayaw ni Lady Margaux na pinaghihintay siya." She said softly, paalis na sila ng magtanong ako.
"Anong gagawin niya sa kanya kung sakaling hindi ako dumating."
It took seconds before she shook head and muttered. "Nothing."
*****
NANG sumapit ang gabi bumalik kami sa The Sanctus, kumain ng hapunan at pinapanhik sa kanya-kanya naming silid. Oh, kasabay nga pala naming kumain kanina sila Finnix, Cecilia, Pascal, at Magnus. Dead Air. Hindi ko na sila pinag-aksayan ng oras para tapunan ng tingin, umalis kaagad ako nang matapos ko yung kinakain ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga sa malaking kama, pinipilit ipikit ang mga mata, pilit na kinakalimutan ang kahapon katulad ng sinabi ni Lady Margaux, pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang makatulog, hindi ko kayang kalimutan lang ang lahat ng nangyari noon.
Ito lang ba yung bunga ng lahat? After Stephen's disappearance, Penelope's accident, the betrayals of my friends... ano ba talaga yung dahilan kung bakit ako dinala rito?
"Jill."
"Sino ka?"
"Si Cecilia 'to."
"Anong ginagawa mo rito?" napabangon ako sa kinahihigaan ko.
"Panaginip lang 'to wag kang mag-alala." She's standing at the end of the bed but I can't clearly see her face. Napakunot ako. She said what? Panaginip?
"Lucid dreaming?"
"Hmm... You can call it that."
"How?" I'm conscious and aware now, paano? Hindi naman ako yung naglucid dreaming.
"You see... Hindi ko naman talaga naipaliwanag sa'yo kung ano yung powers ko... Ang alam mo lang fortune teller ako... Pero hindi... I can manipulate dreams; I can butt in someone's dream too, like now." So. Kaya pala siya yung nagturo sa'kin ng lucid dreaming noon.
"Then why? Why are you here?"
"Jill... Alam kong galit ka sa'min nila Finnix." Sabi niya, sobrang nagsisisi ang boses, "Kaya naman... Gusto kitang kausapin... They won't allow me kung sa personal kita kakausapin atsaka... wala akong mukhang maipapakita sa'yo." Kaya ba sa panaginip na 'to hindi ko makita yung mukha niya? "Alam kong niloko ka namin, alam kong tinraydor ka namin. Kaya naman... alam ko rin na hindi mo kami mapapatawad."
Why is she telling me this? "Pero Jill... Kaya ako nandito para sabihin sa'yo yung mga dapat mong malaman." Lumapit siya sa'kin at tumama ang liwanag sa mukha niyang blangko, parang multo, "Naalala mo pa ba noong una tayong magkita sa mall noon?" Oo, yung araw na nilapitan niya kong nag-iisa sa mall, "I was sent there in order to confirm na na sa'yo yung Culomus, tinitigan kita noon sa mata at tama nga na ikaw 'yon."
"Planado lang ang lahat, Jill, noong unang beses ka naming iniligtas kay Magnus. Ako nga pala yung nag-alter ng reality ng mga kaibigan mo, kaya akala nila panaginip lang yung nangyari sa kanila noong gabing 'yon. Pati yung sa perya, hindi naman talaga kami nagtatrabaho ron," gusto ko siyang pahintuin, patigilin sa pagsasalita, tama na, "...basta Jill, lahat yon... Planado. Yung grupo namin yung naatasan para... para kuhanin yung tiwala mo. Pero Jill... Totoong tinuring ka naming kaibigan," gusto kong matawa sa sinabi niya, kaibigan? "Sorry. Sorry kung nagawa namin sa'yo yon. Hindi kami naging kasing lakas ni Jing para tumiwalag."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Noong gabing tumakas kayo ni Karen Italia, siya yung tumawag sa'yo para alamin kung nasaan kayo. Kailangan niya kayong pababain sa tren para sumama sa'min, pero nagbago yung isip niya, mas pinili niyang tulungan ka kahit may sama siya ng loob sa tatay mo."
"Nasaan na si Jing?"
"Hindi ko alam. Pero siguradong nandito rin siya sa Mnemosyne Institute ngayon. Alam kong pinaparusahan siya sa ginawa niya."
"Sandali lang. Sino... Sino ang may pakana ng lahat ng to?"
"Hindi ko pwedeng sabihin. Jill... Mag-iingat ka. Patawad."
"Sandali! Cecilia!"
"Patawad."
******
PARANG hindi panaginip yung nangyari kagabi. Everything happened seems so real, hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung mga sinabi ni Cecilia. Hindi ko siya nakita sa The Sanctus kanina, pati na rin sila Finnix. Papunta ako ngayon sa classroom kung saan ang unang klase ko. Kasama ko yung mga elites, si Gidget na kanina pa ko iniirap irapan, si Pilar katabi niya, si Sydney na kanina pa ko kinukulit pero hindi ko pinapansin, si Igor na tahimik lang at si Sio.
Pumasok kami sa classroom. Akala mo normal na klase lang pero hindi. Lahat sila Peculiars. Lahat may kanya-kanyang kapangyarihan. Dito? Dito ba ang lugar kung saan ako nararapat. Kasama ng mga kauri ko na naiiba sa nakararami. Dapat ba kong matuwa? O hindi. Umupo kami sa pinakalikuran, may nakareserba na para bang sa espesyal lang.
Naalala ko yung klase namin. Naalala ko si Cloud Enriquez. Si Morris. At si...
"Jill, nandyan na yung instructor." Bulong ng makulit kong katabi, si Sydney.
"Bakit ba kailangan mong sabihin sa kanya, may mga mata naman yan."
"Woa, Gidget."
Pumasok sa pintuan...
Si Karen Italia.
Nandito... siya?
"Miss Jillianne Morie." Tawag niya sa'kin, kaagad akong napatayo. Katulad ng dati, blangko yung ekspresyon ng mukha niya, walang emosyon, yung boses niya, pero...
"A-ate Karen."
"I beg your pardon. But my name is Beatrice Hideo." What? "Pinapatawag ka ni Lady Margaux, she's waiting at the office. You may go."
Hindi ako kaagad nakagalaw sa kinatatayuan ko. What the hell happened to her?
"Miss Jillianne, the class will start soon, naghihintay sila."
Wala akong ibang nagawa... kundi sumunod... Nang madaanan ko siya, tiningnan ko yung mga mata niya pero... wala akong nakitang hinaharap. Bakit? Anong nangyari?
*****
"KANINA ka pa namin hinihintay, Jillianne. They're―" Si Lady Margaux yung bumungad sa'kin pagpasok ko sa loob ng headmistress' office. Nakita kong nakatayo si Cairo sa gilid.
"You," Inunahan ako ng galit. "What the hell did you do to my sister!" sinugod ko siya. Pero dalawang lalaking nakasuot ng lab coat ang umawat sa'kin. "Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Calm down, Miss Jillianne." But I just can't. She can't remember me, my sister can't recognize me. This man... is really unforgivable. I'll kill him.
"Really? You want to kill me?" he said while smirking. Mas lalo akong pumapalag, ang higpit ng hawak nila sa'kin. Naramdaman kong may itinusok sa braso ko, dahilan para...
*****
"GLAD you're awake."
"Nasaan ako."
"We're at The Beehive."
"What?"
"I am Dr. Irvin, I made the Culomus, nice to meet you, Jillianne Morie."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top