/53/ Hey Jill

"SI Jing?" iling ang sinagot ni Seraphina, at base sa ekspresyon ng mukha niya, alam ko na kung anong ibig sabihin, may hindi ring magandang nangyari kay Jing.

"Jillianne."

"Sandali lang," pinigil ko si Seraphina sa pagsasalita, tama na muna yung mga sinabi niya kanina lang.Gusto kong sabihin sa kanya na gusto kong huminga―ang ibig kong sabihin, gusto ko muna ng katahimikan, gusto ko muna ng kapayapaan, kung maaari lang sana. Sa pagkakataong 'to wala akong ibang maramdaman―wala, hindi, hindi ko pala alam.

Bumaba ako sa van, tsaka ko lang nakita na nakaparada ito sa gilid ng isang hindi pamilyar na kalsada, hindi ko alam kung anong lugar 'to, parang nasa gitna ng kawalan, tahimik ang buong paligid, walang ibang sasakyang dumadaan, maraming mga puno, at kitang-kita sa guhit-tanaw ang unti-unting paglitaw ng haring araw. Sumalubong sila Cecilia, pero hindi ko sila pinansin ni Finnix at naglakad ako dirediretso, malayo sa kanila, malayo sa van. Naupo ako sa isang malaking bato na nakatabi sa mga puno, damang-dama ko yung preskong hangin na nagmumula sa kalikasan. Katahimikan. Pumikit ako at niyakap ang sarili.

Nangyari na naman yung katulad noon. Sa ikalawang pagkakataon, ng dahil sa kapangyarihang mayroon ako, hindi ko nagawang iligtas ang mga taong 'yon. Pero iyon na ang nakatadhana base sa nakita ng mga mata ko, sa huli kahit pala may gawin ako para pigilan ang tadhana hindi pa rin pala ako mananalo.

Everything has changed. Funny, I realized it too late that my life is a complete mess now. What an irony though, it seems like yesterday... I was complaining because my life is dreadfully boring, I remembered myself seeking thrills and excitement. Parang kahapon lang, si Lily lang ang kinaiinisan ko, parang kahapon lang, dinadaldal ako ni Aya ng walang humpay. Parang kahapon lang nga naman.  

Ang buong akala ko talaga magiging maayos na ang lahat noong pagkatapos ng recollection, nagkaayos nga ang buong klase namin matapos ang dalawang taon. I didn't expect na mas magiging malala pa pala ang mga mangyayari pagkatapos nito: Nalaman ko mula kay Morris ang tungkol sa mga uri namin; Ang buong akala ko na ako ang may kagagawan ng blog ay dahil pala sa droga na pinapalit ni Manang Fe sa vitamins ko; Ang pagkawala ni Stephen; Nang dumating sa White Knights si Caleb Perez at pinasailalim sa droga ang lahat ng tao sa academy; Ang unang atake ni Magnus; Nakilala ko ang Carnies; Tinuruan ako nila Jing ng Lucid dreaming; Ang aksidente ni Penelope; Ang Night Out; Si Cloud Enriquez ay isang Peculiar; Ang Memoire; At higit sa lahat, the cold and expressionless homeroom teacher ay kapatid ko pala.

Mali pala, hindi pala simula nang matapos ang recollection nagbago ang lahat. Noon pa man, simula pa lang na makuha ko 'tong mga mata ko―every part of me has changed. Magmula ng matuklasan kong may kakaiba sa nakikita kong mga mata ng iba, magmula nang makuha ko 'tong mga sinumpang mata. Lumayo ako sa mga tao, kinamuwian kong mabuhay, ilang beses kong sinisi ang sarili ko dahil sa mga hinaharap na hindi ko napigilan. Kung kailan kailangang kailangan ko ng kalinga ng pamilya't kaibigan noong mga oras na 'yon, walang sumaklolo sa'kin.

I hold my chest as if I can't breathe. It's just that...this is too much. Really. Too much. Wala rin namang mangyayari kung uupo lang ako rito at panuorin lang sumikat hanggang sa lumubog ang araw. Reality sucks. I nearly wished that I should die two years ago. Yeah, na sana hindi ako ganito kamiserable ngayon. But hey, wishing to die is selfish, there's still humanity left on me.

Kinapa ko yung bulsa ko, nandito pa yung phone ko at himalang buo pa. Fifteen missed calls from unknown number. Tiningnan ko yung oras, ngayun-ngayon lang tumawag yung caller. Bigla ulit rumehistro sa screen yung number. Sinagot ko 'yon kahit hindi ako sigurado kung sino yung tatawag sa ganitong oras.

"Hello," hinang-hina kong sabi.

"Morie?" Unfamiliar, boses ng babae. "Is this Jillianne Morie?" medyo garalgal yung boses sa kabilang linya, tumayo ako para makahanap ng mas magandang signal. "Hello? Is this Jillianne Morie?" medyo luminaw na yung boses niya.

"Yes."

"Thank goodness sinagot mo na," parang siyang nakahinga ng maluwag. "Si Marcel 'to, Morie." Si Miss Marcel? Bakit? Bakit siya tumatawag? At base sa boses niya parang kinakabahan siya na hindi maintindihan na nagmamadali.

"Po? Bakit po Miss?" Nagdasal ako na sana wala namang masamang nangyari sa White Knites at sa mga kaklase ko ron, wala naman akong ibang maisip na dahilan kung bakit siya tumawag.

"W-where are you now?" At bakit naman niya tinatanong ngayon kung nasaan ako? Hindi ko maiwasang magduda lalo na ngayon.

"Bakit niyo po tinatanong?"

"You should go here now," tahimik na tahimik yung paligid niya sa kabilang linya. "I-I'm sorry, Morie, alam kong biglaan pero... kailangan mong pumunta rito. Nandito ako ngayon sa faculty. After the fire incident yesterday, nandito lang ako magdamag..."

I don't get her point. Pero parang kinakabahan na rin ako sa mga sinasabi ni Miss Marcel. Narinig kong huminga siya ng malalim, humuhugot ng kung anong lakas para magsalita. At teka, magdamag siyang nasa faculty lang? Posibleng may nakita siya... o nalaman. Hindi kaya...

"Miss Marcel, hindi kita maintindihan, atsaka—" hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. "Malayo po ako sa Sentral."

"Ganon ba," pero hindi pa rin siya mapalagay. "Morie, kailangan talaga nating magkita, may importante akong ipapakita sa'yo." Nawala yung pagdududa ko sa kanya sa sinabi niya. Ipapakita? Importante?

"Miss Marcel I—"

"Morie. Saan tayo pwedeng magkita?" Nakapagdesisyon na siya, mukhang kahit ano atang mangyari gusto niyang makipagkita, mukang importante talaga yung sasabihin niya. "I promise hindi 'to mababaw or what...I...I just can't tell here."

"Alright," nag-isip ko saglit kung saan kami pwedeng magkita. "Magkita po tayo sa Sta.Helena Orphanage."

"S-sa Sta.Helena?" medyo nagulat niyang sabi, inaasahan kong aangal siya at magtatanong kung bakit doon pa."Sige," pero akala ko lang pala yon.  Alam kong malayo ang White Knights sa Sta.Helena pero roon ko gustong makipagkita sa kanya, ewan ko, dahil siguro doon talaga namin balak pumunta ni Miss—Ate Karen. "I'll drive. See you later." Binaba niya na yung tawag.

Bumalik ako sa van, nasa labas silang lahat, naghihintay. Si Seraphina, Cecilia, Finnix, Otis, Pascal at—wala nga pala si Jing. Hindi ko man matanggap pero gusto kong paniwalaan na buhay pa siya. I know she's not dead yet, that's what my intuition feels, buhay pa si Jing.

"Seraphina," sabi ko nang makalapit ako sa kanila. "I have a favor."

"Ano 'yon, Jillianne? Okay ka na ba?" Hindi ako okay, pero tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

"I caused trouble lately to you guys. I'm sorry," nakayuko kong sabi, naalala ko lang ulit bigla si Jing. "You've been through a lot because of me."

"It's fine, Jillianne, compared to you, alam kong mas marami kang pinagdaanan," , hinawakan ng maliliit nyang kamay ang kamay ko.  "We're here to help you." Hindi ko na alam kung ilang beses na niyang sinabi yon. "Let's go."

Sumakay kaming lahat sa van. Si Otis yung nasa driver's seat katabi niya sa unahan si Seraphina. Nasa tabi ako ng bintana, may malaking espasyo na namamagitan sa'min ni Finnix, nasa likuran sila Cecilia at Pascal. Sinabi ko sa kanila na kailangan kong pumunta ng Sta.Helena Orphanage. Hindi sila nagtanong kung bakit at kung para saan, basta tumango na lang si Otis at pinaandar ang sasakyan.  May nakita akong sign board at nalaman ko na nasa San Isidro highway kami, 7 km to Sta.Helena.

Tahimik lang kami buong byahe, walang kumikibo. Kanina ko pa napapansin na parang may gusto silang sabihin sa'kin pero parang mas pinili na lang nilang tumahimik at hindi kumibo, kanina ko pa rin kasi nahahalata yung mga tingin ni Finnix sa'kin, si Otis na sumusulyap sa rearview mirror, at yung bulungan nila Cecilia at Pascal sa likuran. Pakiramdam ko iisa lang sila ng iniisip, at tungkol 'yon sa'kin. Inignora ko na lang 'yon at tumingin ako sa labas ng bintana.

Maya-maya'y nagsaksak ng cassette tape sa player si Otis, hindi rin niya siguro nakayanan yung sobrang katahimikan na halos magkakalahating oras na.

Nang marinig ko yung umpisa ng kanta, kaagad akong napatingin sa harapan at saktong nakatingin din si Otis sa rearview mirror, though hindi ko naman nakikita kung anong ekspresyon niya dahil nakasuot siya ng pangpayasong maskara, alam kong may sinasabi siya sa isip.

When I find myself in times of trouble
Mother Mary comes to me
speaking words of wisdom, let it be

And in my hour of darkness
she is standing right in front of me
speaking words of wisdom, let it be

Ah. Naintindihan ko na. Through song, he expressed his sympathy. This is the way he comforted me. Sympathy? Huh. But the song feels great, parang kumalma kahit papano yung kalooban ko habang pinakikinggan yung kanta.

Let it be, let it be
let it be, let it be

Whisper words of wisdom
Let it be

Tila yung kanta yung naging payo ni Otis, let it be,huh. Sana ganon nga lang kadali 'yon, sana ganon lang kadali hayaan na lang kung anong magiging agos ng mga pangyayari. Hanggang sa matapos yung kanta sinundan 'yon kaagad ng isa pang kanta, album 'ata ng The Beatles yung sinaksak na cassette ni Otis.

Hey Jude, don't make it bad
Take a sad song and make it better
Remember to let her into your heart
then you can start to make it better

"Hey Jill, don't be afraid" napatingin ako sa gilid ko, si Finnix ba yung kumanta? At malinaw sa pandinig ko na pinalitan niya ng pangalan ko yung lyrics. Pero nakatingin si Finnix sa labas ng bintana.

You were made to go out and get her
the minute you let her under your skin
then you begin to make it better

"And anytime you feel the pain, hey Jill, refrain don't carry the world upon your shoulders," nagulat ako nang boses naman ni Pascal yung marinig ko kaya napalingon ako sa kanila ni Cecilia. "For well you know that it's a fool who plays it cool by making his world a little colder" kumakanta nga siya. "Nah nah nah nah nah nah nah nah nah"

"Hey Jill, don't let me down," si Cecilia naman. Katulad ni Finnix nakatingin silang dalawa sa labas ng bintana, kunwa'y patay malisya.


You have found her, now go and get herRemember to let her into your heartthen you can start to make it better

"So let it out and let it in, hey Jill, begin you're waiting for someone to perform with and don't you know that it's just you, hey Jill, you'll do the movement you need is on your shoulder" boses naman ng isang bata ang narinig kong kumanta, si Seraphina. "Nah nah nah nah nah nah nah nah nah yeah"

"Hey Jill, don't make it bad, take a sad song and make it better" hindi ako sigurado pero si Otis ata yung sumunod na kumanta dahil ngayon ko lang narinig yung boses


Remember to let her under your skinthen you'll begin to make it...


"Better better better better better better, oh!"
sabay-sabay silang lahat hanggang sa tumingin sila sa'kin "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" pumapalakpak habang kumakanta, si Cecilia at Otis, nakadukwang na at malapit sa'kin,  "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" Si Finnix nakatingin na rin siya sa'kin "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" hindi ko namalayan kanina pa 'ko nakangiti, "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" bakit? Bakit nila ginagawa 'to sakin? "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill" inaanyayaan ako ni Cecilia na makisabay sa kanila, "Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill"

Really. Thank you.


*****


Sta. Helena Orphanage

Nandito na kami sa tapat ng gate ng ampunan, bumaba ako ng van, may nakita kong nakaparada ring sasakyan sa labas ng gate, baka kay Miss Marcel 'to, mukang kanina pa siya nandito.

"Ako na lang yung papasok sa loob, hintayin niyo na lang ako rito." Sabi ko kay Seraphina na nakasilip sa bintana. Tumango lang siya at sinabing maghihitay sila. Pumasok ako sa loob, hindi naman nakalock yung gate.

Bumungad yung mga batang naglalaro sa malawak na hardin, napatingin sila sa'kin nang makita ako, dirediretso ako sa paglalakad pero may napansin ako sa playground, sa swing nakaupo mag-isa, si Miss Marcel ba 'yon? Nilapitan ko para makumpirma.

"Morie," nagulat siya sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya. "Upo ka," yaya niya, umupo ako sa swing katabi niya.

"Miss Marcel, ano po bang gusto niyong sabihin sa'kin?" Tanong ko. Huminga muna siya ng malalim, napansin kong may hawak siyang papel.

"Ano," nahihirapan siya kung pano sisimulan. "Pasensya ka na ha. Nabigla lang din talaga ko. Tungkol 'to kay Karen Italia." Natigilan ako sa sinabi niya. "Ah.. Sorry, Morie. Hindi na 'ko magpapaliguy-ligoy pa." Sabi niya na para bang nakapaghagis siya ng granada. 

"Bago kasi magsimula yung Night Out naiwan kami ni Karen sa faculty, nag-uusap kaming dalawa hanggang sa hindi ko naman sinasadyang biruin siya at natanong ko nga kung sino ba talaga siya," nakatingin siya sa lupa habang nagkukwento. "Hindi naman siya kumibo kaya iniwan ko siya. Pagkatapos, nung nangyari yung muntikang sunog sa White Knights, hinanap ko siya dahil nga para humingi ng tulong sa pagcontact ng mga magulang ng mga bata, pero pagdating ko sa faculty, nakita ko 'to sa desk niya." Ipinakita niya sa'kin yung papel na kanina pa niya hawak, para 'yong papel ng pangtest paper, "At... nabasa ko nga yung sinulat niya." Inabot niya sa'kin, "Tungkol sa totoo niyang pagkatao." Kinuha ko yung sulat sa kanya .

'I   actually don't know where to start, but I'm trying to write about myself, kung sino man ang makakabasa nito, ipinagkakatiwala ko sa'yo ang mga natitirang piraso ng pagkatao ko. Before I've completely lost it, at least there's someone who will remember.'  Sabi niya sa umpisa ng sulat. Pero bago ko ituloy yung pagbabasa, tumingin ako kay Miss Marcel.

"Can I ask kung bakit niyo po sa'kin pinapakita 'to?" tanong ko.

"Base sa mga nabasa ko... It seems like you're related to her." Kinutuban na 'ko sa sagot niya kaya agad kong binasa yung nasa papel. At nang matapos ko 'yon, wala akong ibang nagawa kundi magkuyom ng palad at tumingin sa kawalan. So... that's how it is. Ang matagal ko ng hinala ay tama pala, na inampon lang ako ni dad. Ang totoo kong pangalan ay Atria.

Naiintindihan ko na rin ngayon kung bakit para bang hindi makapaniwala si Miss Marcel, ibinunyag sa sulat ang tungkol sa mga Peculiars, ang hirap na pinagdaanan ni Beatrice na si Karen Italia pala. I can't believe it. I can't believe that she even lost her child. Those heartless Memoire, sila ang may kagagawan kung bakit naging miserable ang buhay ni Karen Italia. Pero... pero kung hindi dumating sa ampunan na 'to si dad noon, si Dr. Richard Morie, hindi sila madidiskubre ng Memoire.

'...she got in accident and she needs eyes to bring her sight back. Without hesitations I told him, 'I'll give mine'.  Then'   Dito naputol yung sulat.

Two years ago. Magmula noong maaksidente ako, kaya pala... kaya pala pagmulat ng mga mata ko, may hindi normal na nangyari. She gave her eyes to me. Ang mga matang nilikha ng Memoire, ang mga matang hinahabol nila ngayon sa'kin. May mga malinaw na sa'kin ngayon, pero may hindi pa rin ako maintindihan. Bakit? Kung pinuprotektahan ako ng kapatid ko, bakit noong una pa lang binigay niya na yung mga mata sa'kin? Kung alam na niya kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon 'yon bakit niya pa srin binigay? Kaya ba siya humihingi ng tawad sa'kin at nagsisisi?

"Morie,"  muntik ko ng makalimutan na nandito pala si Miss Marcel, marami na siyang nalaman na hindi niya dapat malaman at hindi ko na siya pwedeng idamay pa, dahil siguradong magiging alangin ang buhay niya kapag mas marami pa siyang nalaman. "Maging ako hindi makapaniwala noong una ko yang nabasa, gusto kong isipin sana na baliw si Karen pero hindi, kahit na hindi ko siya ganon kakilala, alam kong hindi siya magsusulat ng ganyan ng basta-basta," does she mean na naniniwala siya sa mga nabasa niya. "Kahapon ko pa hinahanap kung nasaan si Karen pero hindi ko siya ma-contact, kaya ikaw yung tinawagan ko para sabihin 'to."

"Tama ka, Miss M. We're related. Karen Italia is my long-lost sister," sabi ko na hindi na niya masyadong ikinagulat, na para bang tumama rin ang hinala niya. "Miss M. Pwede mo bang ipangako sa'kin na hindi mo sasabihin sa kahit na sino ang tungkol dito?" Hindi siya nakasagot kaagad. "I know it's unbelievable. Pero ako na ang magsasabi, Peculiars are real, they exist."  Huminga ulit ng malalim si Miss M atsaka tumango. 

"Unfortunately, we're one of them," sabi ko. "And there are bad guys who are hunting us. They took my sister away," narinig kong napasinghap si Miss M sa nalaman. "Kaya Miss M, hangga't maaari ayokong madamay yung ibang tao, kaya ang pabor ko lang sana... you will keep quiet about this... and... please look after our class for a while."

Doon nagtapos ang usapan namin ni Miss M. Ibinigay niya na sa'kin yung sulat, nangako siya na hindi niya sasabihin sa kahit na sino yung tungkol dito.  Pumunta kami sa loob ng mismong ampunan para kausapin si Sister Emila, ang director ng Sta.Helena orphanage, pero walang katau-tao kahit sa lobby. Nawala yung mga bata sa hardin.

Nakailang katok na kami sa opisina ni Sister Emilia pero mukhang walang tao sa loob.

"Nanggaling ako rito kanina lang, nakausap ko pa si sister," nagtatakang sabi ni Miss M at kumatok ulit. Pero wala talaga. "Teka, dito ka lang." sabi niya sa'kin at naglakad paalis. Parang may umihip na masamang hangin kaya bigla akong kinutuban ng masama. Hahabulin ko palang si Miss M nang marinig ko na yung sigaw niya sa hallway, napatakbo ako roon.

"Miss M!" Napatigil ako sa nakita ko.

"Ssshhh." Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.

Si Magnus. Nakita kong hawak-hawak si Miss M na nawalan ng malay ng dalawang lalaking naka-itim. Kaagad akong tumakbo para humingi ng tulong kila Seraphina. Nabuhayan ako ng loob ng makita ko sila sa may gate. Pero kaagad din akong nawalan ng pag-asa nang makita ko na kasama nila si...

"Cairo." Hindi ako makapaniwala. Hindi.

"Get her," sabi nito at papalapit na sakin ngayon yung dalawa niyang tauhan na kasama niya noong Night Out. "I can't believe that Jinnie betrayed us just because of you."

"Anong ginawa niyo kay Jing?" ibig niyang sabihin... sa umpisa pa lang... magkakaalyansa na sila? Hindi ako sinagot ni Cairo.

Wala na kong ibang matatakbuhan. Hindi ako pumalag ng hawakan nila 'ko. Tumingin ako kila Seraphina, inaasahan ko na hindi sila nakatingin sa'kin pero hindi. Nakatingin sila. Blangko. Expressionless. Para 'kong sinaksak sa mga nangyari. Mas masakit. Katulad ng kay Baldo. Bakit?Paanong nangyari?' Parang nagmuka akong tanga sa mga nangyayari. Kanina lang kakampi ko sila, nangako sila na tutulungan nila ko pero anong nangyari? Na kasinungalingan lang ang lahat?

Parang biglang tumugtog sa isipan ko yung kanta nila kanina

'Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill'

Gusto ko silang tawagin isa-isa pero parang nawalan ako ng lakas. Hindi ako makapaniwala.

'Nah nah nah nah nah nah, nah nah nah, hey Jill'

Paulit-ulit.

Paulit-ulit din yung sakit.

"Lord Cairo, ano pong gagawin natin sa kanya?" narinig kong tanong nung isang lalaki, napatingin ako ron, si Miss M.

"Marami na rin siyang alam. We will take her."

"Yes sir."

Ilang beses pa? Ilang beses pa 'kong tatraydurin ng mga taong tinuturing kong kakampi?

"We will take them to Mnemosyne Institute."

https://youtu.be/GXhJxLWemxE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top