/51/ Atrium

[Jill Morie's POV]

"WE need to go," aniya matapos kong bumitiw.

"Saan tayo pupunta?" parang batang tanong ko sa kanya, parang batang naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. Naisip ko kung tama ba yung tanong ko, mayroon pa nga ba akong pupuntahan sa mga oras na 'to?

"I don't know," umiiling niyang sabi, pagkatapos ay napatigil siya, huminga ng malalim at napapikit saglit. Maging siya rin pala hindi rin alam kung saan maaaring pumunta. Gusto ko ulit magtanong, kung bakit nandito siya ngayon at kung paano niya ko nahanap. Sa totoo lang I have tons of questions to ask but knowing her hindi rin naman niya ibibigay ang sagot. Hinawakan niya bigla yung kanang braso ko."Basta, kailangan na nating umalis dito." Natin?  Hindi niya na ko hinintay makasagot at hinila paalis sa madilim na lugar na ito.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa'kin na para bang takut na takot maagawan, ramdam na ramdam ko rin yung kamay niyang kasing lamig ng yelo. Umaalingawngaw sa buong paligid yung tunog ng bawat nagmamadaling hakbang namin mababakas ang pagnanais na makatakas. Nang marating namin yung ground floor, tsaka lang namin napansin ni Miss na wala ng ingay na nagmumula sa central grounds. Posibleng huminto na naman ang oras. Nasaan na nga kaya sila Jing Rosca?

"Where is he?" kahit mahina narinig ko yung sinabi niya. Luminga-linga siya sa paligid, may hinahanap pero kaagad ding nabigo. Sino'ng hinahanap niya? Alam ba talaga ni Miss kung anong  nangyayari ngayon?

Naglakad ulit siya, habang hawak-hawak pa rin ako sa braso. Para lang talaga kong bata kung hawakan niya. Biglang nagbalik alaala sa isip ko ang nangyari kanina lang, ang ginawa ni Baldo sa'kin, parang may tumusok na kung ano sa puso ko, bumalik ulit bigla yung sakit. Pinilit kong makabitaw sa pagkakahawak ni Miss sa'kin, dinidikta ng utak ko na tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Paano kung isa na namang patibong 'to? Paano kung kasama siya sa plano nila?

"Isa ka rin sa kanila, hindi ba?" hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ng loob na magtanong, basta bigla na lang lumabas sa bibig ko. "Miss Karen, isa ka rin sa Memoire at hindi rin totoo ang pangalan mo." The archives, the director from that orphanage called her 'Beatrice', hindi ko pa 'yon nakakalimutan, pati na rin yung araw na naabutan namin siya sa homeroom noong tumatawag sa'kin yung unknown caller, may alam siya tungkol kay Lucille, and most of all I can't see the future in her eyes. Morris told me that she's protecting me, but why? Anong mabigat na rason kung bakit niya ginagawa yon?

"Yes," diretsong sagot niya. "But it doesn't mean na katulad ko sila. Listen, Jill, hindi muna ito ang oras para magpaliwanag, we need to go."

Ganyang ganyan din yung sinabi sa'kin ni Enriquez kanina, na he don't have time to explain now and we need to escape as soon as possible. 'Wala kang dapat ibang pagkatiwalaan kundi ako, Jill, you need to trust me. Runaway with me' Napailing lang ako, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nagugulumihanan na 'ko sa lahat ng bagay. O sadyang tama lang talaga na wala akong ibang dapat na pagkatiwalaan kundi sarili ko lang?

Naramdaman ko na lang na sinunod na ng katawan ko yung dinidikta kanina pa ng utak ko, unti-unti akong umatras papalayo hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na  tumatakbo  papalayo sa kanya at tila naging bingi, parang walang naririnig na pagtawag mula sa kanya. Paano kung tama si Baldo na mas mabuti kung sumuko na lang ako at sumama sa kanila? 'Mas mabuti na lang... Na ibigay ka sa kanila. Paalam. Jill.' Bakit nga ba kailangan kong tumakas mula sa kanila? Bukod sa isang maambisyong adhikain na sakupin ang sansinukob, ano pa ba ang gusto nilang mangyari? Anong gustong gawin ng Memoire sa mga mata ko? Anong gusto nilang gawin sa'kin?

Lumabas ako ng school building, habang tumatakbo sinusubukan kong tawagan si Jing Rosca pero hindi siya sumasagot. Sa central grounds ako dinala ng mga paa ko, wala na 'kong pakialam sa mga pwedeng mangyari. Nakahinto nga yung oras dahil nakatigil din sa paggalaw yung mga tao, nasaan si Seraphina? Luminga-linga ako pero wala ni anino nila.

Napagpasyahan ko na pumunta ng main entrance. Malayo pa lang mula sa building, napahinto ako. Kahit malayo ay natanaw ko ang nakatayong anim na tao, nakasuot sila ng itim na balabal na para bang si Kamatayan, mabagal silang naglalakad papunta sa direksyon ko. 'Jill Morie. Come.With.Us.' biglang umulyaw sa buong paligid ang pagtawag nila, paulit-ulit, katulad ng nasa panaginip ko noon. Kasabay ng mga ulyaw ang malakas na pagkabog ng puso ko, unti-unting namayani ang takot.

Tatakbo ulit ako palayo pero pagpihit ko patalikod ay nasa harapan ko na sila. Napaatras ako at huli na para malaman na nakapalibot na sila sa'kin. Para silang mga kultong nanghuhuli ng magiging alay sa kanilang panginoon, at ako 'yon. Sa bawat pagkurap ng mga mata ko, dumadami sila sa paligid, kahit saan ako tumingin, at lumingon nakapaligid lang sila. 'Jill Morie. Come.With.Us.' nangyari 'to katulad ng sa paglu-lucid dreaming ko. Ilusyon lang 'to. Hindi dapat ako matakot. Pumikit ako. Nawala yung mga boses na umaalingawngaw.

"Hello, Jill Morie," minulat ko yung mga mata ko, nakita ko siya nakatayo di kalayuan, si Magnus. "It's been a while."

Tama nga 'ko, ilusyon lang 'yung kanina. Nagsimula siyang maglakad papunta sa kinatatayuan ko. 

"We need your cooperation, sumama ka lang sa'min at wala na tayong magiging problema," sabi niya habang naglalakad. "Mabuti pa ang kaibigan mo, madaling kausap, Jill," sigurado ako na si Baldo yung tinutukoy niya. "Isang paliwanag lang sa kanya, naiintindihan niya na kaagad, kaya nga nakita mo naman, hindi siya nagdalawang isip na ibigay ka sa'min." wala akong ibang magawa kundi magkuyom ng palad. 

"Ayaw niya lang madamay yung ibang tao, naiintindihan niya na mas magiging maayos ang lahat kung sasama ka sa'min. Bakit ba hindi mo 'yon maintindihan?" Hindi ko rin alam, "Sinabi ko na sa'yo noon, Jill Morie, ito na ang kapalaran mo,"

"Ano ba talagang kailangan niyo sa'kin?"

"Ikaw at ang mga mata mo," tumigil siya sa paglalakad, dalawang metro halos ang layo niya sa'kin. "We need your eyes, and your power. Come with us." Inilahad niya yung kamay niya na tila inaalok na abutin 'yon. 

"You're different like us," mula sa kung saan lumitaw ang iba pang kasama niya, walang duda na iba pang miyembro ng Memoire, tiningnan ko sila isa-isa, parang  pangkaraniwang tao lang ngunit nakakagalaw sila sa balaghang ito. "Hindi ka matatanggap ng mga normal na tao, hindi ka matatanggap ng sosyedad sa kung ano ka, tayo. But if you come with us, matutulungan ka namin. Jill Morie." Lumabas din mula sa anino si Baldo, malamig lang siyang nakatingin sa'kin.

Kahit wala na 'kong pakialam sa mga mangyayari, hindi ko maiwasang mag-isip kung anong dapat kong gawin ngayon, wala na 'kong kawala sa kanila ngayon, pinapasuko na lang ako ni Magnus sa kanila dahil siguro alam niya na wala akong laban. Wala sa paligid sila Seraphina kahit na nakahinto ang oras.

"Kailangan ko munang malaman kung nasaan si Stephen," sabi ko. "May kinalaman kayo sa pagkawala niya, nasaan siya?"

"Kung gusto mong malaman, sumama ka sa'min at makikita mo siya," sagot niya. "Jill Morie. Come with us." Naririndi na yung tenga ko sa 'come with us', pangilang beses ko na bang narinig ang mga salitang yan? Paulit-ulit. Nakakasawa. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

"You should go where you belong and you belong with us," nagsimula na naman siyang maglakad papalapit sa'kin, "Huwag kang matakot." Nang halos ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa, mula sa kung saan isang rumaragasang apoy ang paparating, ang apoy ay nag-anyong tao, sa isang kurap ay nakita ko na lang siya habang sakal-sakal sa sahig si Magnus.

"Finnix." Kahit madilim, kitang-kita ang pag-glow kulay pula na buhok niya. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling, basta bigla na lang siyang sumulpot, at ngayon ko lang nakita ang pag-aanyong apoy ni Finnix.

"Jill, tumakas ka na." narinig kong nahihirapan na sabi ni Finnix.

Hindi ko namalayan yung paglapit ng iba pang Memoire, nakita kong papalapit din yung babae kanina na humarang sa'min ni Enriquez, yung babaeng tinawag niyang Gidget. Pero may agila na bumagwis sa kanila, pagtingin ko sa likuran ko ay nakatayo si Pascal habang hawak-hawak ang baston.

"Nasaan sila Jing?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, nasa tabi lang pala niya si Otis na nakasuot pa rin ng payasong maskara, hinila niya ko papunta sa likuran nila, tinatago mula sa kalaban. Nakawala si Magnus mula kay Finnix, umatras ito pabalik sa mga kasama.

"Masyado mo namang tintotoo, Finnix, masakit 'yon." Tatawa-tawang sabi ni Magnus habang sapo ang leeg, hindi sumagot si Finnix, naglabas siya ng apoy mula sa kamay at ibinato ang tila bolang baga sa kalaban, pero may sumalo nito at hinigop ng kamay ang apoy ni Finnix.

"Pilar," tawag ni Magnus dun sa babaeng sumalo ng apoy ni Finnix, "Ikaw ang bahala sa kanya," tinuro niya si Finnix, tumango yung Pilar at naglabas din ng apoy mula sa kamay, magkapareho sila ng kapangyarihan? Atsaka ko napansin na mayroon din siyang pulang guhit sa pisngi katulad ng kay Finnix.

"Jill, nasa loob ng building si Jing, si madam Seraphina nagtatago dahil kontrolado niya yung paghinto ng oras, pinoprotektahan siya ni Cecilia, hanapin mo sila, kaming tatlo na ang bahala rito, hangga't maaari hindi namin sila hahayaang makapasok sa loob." Kalmadong sabi ni Pascal. Natuod pa 'ko sa kinatatayuan ko, babalik na naman ako sa loob? "Dali na!" kung hindi sumigaw si Finnix hindi ako matatauhan. Tumakbo ako pabalik sa loob ng hindi lumilingon sa kanila, basta narinig ko na lang na nagsimula ang paglusob ng kalaban, may tiwala ako sa  sinabi ni Finnix, hindi nila hahayaang masundan ako ng Memoire sa loob.

Hindi ko alam kung saan sila mahahanap, hindi ko alam kung saan ako pupunta, sa right wing o left wing ng building, kaya dumiretso na lang ako papaloob ng main building. Si Miss Karen, kailangan kong balikan si Miss Karen, pero sinundan niya 'ko kanina kaya siguradong wala na siya ron. Namalayan ko na lang yung sarili ko na nakatayo sa Atrium. Tumatagos ang sikat ng buwan sa loob na nagsisilbing liwanag. Tahimik. Nakikiramdam lang ako sa paligid. Maya-maya isang yabag ang paparating.

"Good evening, Miss Jillianne Morie," another trap again? The voice is familiar but I barely remember kung kanino 'yon. Nang matanaw ko siya tsaka ko na naalala."Kumusta na? Matagal ka ng hindi nagpapakonsulta." Dr. Crisostomo Hideo, wearing his usual 'Simoun' look, kitang kita ko yung bilog na asul niyang salamin. He's the one who gave me those medications, the Helexia drug, ang dahilan kung bakit may sleep walking episodes ako na palabas nila para isipin ko na ako yung gumawa ng blog. "Kaya hindi ka gumagaling, hindi mo 'ko—"

"Stop!"

"You're a very good liar, Miss Morie, nang sinabi mo na tinetake mo yung medications alam ko kung ano ang nasa isip mo, you threw it, right?"

"And so? That freaking drug almost made me to believe that I am crazy."

 "Miss Morie, I want you to calm down. I am here again to help you" Malumanay niyang sabi, "Calm down... because this is just your dream. Panaginip lamang ang lahat ng ito naiintindihan mo ba? A nightmare to be exact, and it's time to wake up. "

"Liar! Hindi mo na 'ko maloloko."

 Ngumiti lang siya.

"Show your true self, Caleb Perez or should I say—Cairo."

Mabagal siyang pumalakpak na dinig na dinig sa buong paligid.

 "Very well," pagkasabi'y inalis niya ang bilog na asul na salamin sa mata, sinunod ang mahaba at kulot niyang peluka, at ang pekeng balbas, tinapon niya 'yon sa sahig. "Happy?" nakangiti niyang sabi. Hindi ako nagkamali sa hinala ko na iisa lang sila. 

"So, ano ng gagawin mo ngayon, Miss Morie? That was impressive though, alam mo na hindi 'to panaginip and you do even know my real name. Sinong nagsabi sa'yo? Si Beatrice ba?" nakita niya yung pagkunot ng noo ko sa sinabi niya. "I mean... si Karen ba?" Nahalata niya na hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya. "Don't bother to speak, alam ko naman kung anong tumatakbo sa isip mo, Miss Morie." Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya, this man can read minds and... he can manipulate people as well, naalala ko yung ginawa niya kay Morris at Mr. Melencio noon, pati na rin sa buong tao sa White Knights, dahil siya yung may pasimuno ng droga na 'yon. "Yes, yes, tama ka, I can read minds and I can manipulate a person,"  isa lang? "Yes again, one at a time lang, sa tingin mo kung may nag-eexist ng kapangyarihan na kayang magmanipulate ng maraming tao kailangan pa bang imbentohin ang Helexia?"

Tumingin siya sa wristwatch niya at tumingin ulit sa'kin.

"Pero hindi ako nandito para makipagdiskusyunan sa'yo ng mga bagay-bagay, Miss Morie. Memoire's here for the experimentation of the Helexia, but unfortunately hindi iyon naging matagumpay," they're here for the experimentation? Pero ang akala ko ba. "And we're here also to convince you." Convince? "You heard it right, nandito kami para kumbinsihin ka, Miss Morie, kung ano ba ang tama, kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan, this is just a big reality show after all, you decide."

"Hindi kita maintindihan. What do you mean by 'big reality show'?"

"Hmm... I can't answer that. Oo nga pala, may gusto akong ipakita sa'yo," sumenyas siya sa likuran at mula sa madilim na pasilyo ay naglakad siya papunta sa tabi niya. "Say hi to her."

"Hi."

"Morris!" Walang buhay na sabi niya, nakatingin lang sa kawalan ang mga mata at parang robot ang tindig. Ano na namang ginawa niya sa kanya? Kinokontrol na naman ba niya si Morris? No.

"Wala akong ginagawang masama sa kanya," he defensively said. "Gusto ko lang makita mo siya, Miss Morie, he's part of the game after all."

"Shut up!" I'm so fed up with lies and shits.

"This boy knew everything and yet hindi niya sinabi sa'yo hindi ba? Sa tingin mo, anong dahilan niya? Sa tingin mo Miss Morie, bakit? Kung talagang gusto ka niyang protektahan, bakit hindi niya magawang sabihin sa'yo?"

"Hindi ko alam!"

"Kung hindi ka naniniwala, gusto mo bang tanungin ko siya?" he faced him, "Tell her, kung kanino galing ang mga mata niya." Kanino galing? Does he mean?

Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko ng unti-unting bumuka yung bibig ni Morris para magsalita, "Kay..."

"Cairo!" naagaw yung atensyon namin sa sumigaw, napatingin kami pareho roon at nakita si Jing Rosca.

"Jinnie!" nakatawang sabi ni Cairo, "Long time no see."

"Wag mo kong tawaging 'Jinnie'!" pabulusok sa kinaroroonan ni Cairo ang isang balaraw, ang akala ko masasaksak ito pero huminto ang balaraw sa ere at bumagsak sa sahig.

 "Thank you for stopping the dagger, Gidget." Gidget?  Pero nasa labas sila!

Hinila ko ni Jing Rosca sa tabi niya, tsaka ko lang nakita na kasama na ni Cairo sila Magnus, at ang iba pang Memoire kanina. Paano? Nasaan sila Finnix? Anong nangyari sa kanila?

"Dear Jinnie, ngayon na nga lang tayo ulit nagkita pagtatangkain mo pa 'kong patayin?" nagtatagis bagang na sabi ni Cairo, "Hindi ko lubos akalaing bibigyan mo 'ko ng ideya, Jinnie—"

"Huwag mo sabi akong tawagin sa pangalan na 'yan!"

"I'll give you what you want. Kill her." Utos ni Cairo sa mga kasama. Nagsimula itong pumorma para labanan si Jing

 Tinulak ako palayo ni Jing Rosca sa kanya. 

"Dyan ka lang, Jill Morie." Nanginig yung mga binti ko dahil ko kayang manuod lang. Pumalibot sila sa kanya,  nagpapakiramdaman kung anong gagawin, kung sino ang unang aatake.

Biglang umingay yung paligid, nagbalik yung ingay na nagmumula sa central ground maririnig na naman yung ingay ng banda at ingay ng mga tao, bumalik na ulit yung takbo ng oras, nasaan na sila Seraphina at Cecilia?

Day by day, we have lost our edge

Don't you know? Forgotten is the life we led

Now it seems, you don't care what the risk is

The peaceful times have made us blind

Unang umatake yung babae na kapareho ni Finnix ng kapangyarihan, na tinawag na Pilar ni Magnus kanina, naglabas siya ng apoy mula sa kamay at inihagis kay Jing. Pero kapangyarihan ni Jing Rosca na kumuntrol ng kahit anong bagay kaya naman hindi siya tinablan ng apoy.

Can't look back, they will not come back

Can't be afraid, it's time after time

Once again, I'm hiding in my room

The peaceful times have made us blind

Maya-maya naman ay unti-unting nababalot ng hamog ang paligid, isa sa mga kalaban ni Jing ang may kagagawan nito kaya lumalabo yung nakikita ko. Hanggang sa halos matakpan na't wala ng makita, sabay-sabay lumusob kay Jing yung kalaban. Mabilis yung mga pangyayari, kahit wala akong nakikita sa mga nangyayari, naramdaman ko na may apoy na paparagasa sa kinaroroonan ko.

So you can't fly if you never try

You told me...Oh, Long ago

But you left the wall

Outside the gate

So more than ever, it's real

Naramdaman ko yung init ng apoy pero hindi ako nasaktan dahil namalayan ko na lang na may yumakap bilang lukob mula sa apoy.

"Ayos ka lang ba?" si Finnix, ako dapat ang magtanong niyan sa kanya dahil sa itsura niya mukhang hindi siya maayos, tumango ako, puro galos yung mukha niya, bumitiw siya sa'kin. Nawala na yung hamog, may malaking paso sa braso si Jing Rosca, first degree burn, nasa tabi niya na si Pascal at Otis.

It was like a nightmare, it's painful for me

Because nobody wants to die too fast

Remember the day of grief, now it's strange for me

I could see your face; I could hear your voice

I could see your face

I could hear your voice

Aatake pa sana ulit yung kalaban nang biglang tumunog nang malakas yung Fire Alarm System ng White Knights, may mga parte kasi na nadamay ng apoy kanina at medyo kumalat. At dahil nga tuluy-tuloy na yung pagdaloy ng oras siguradong may mga tao ng nakapansin nito mula sa labas, makikita nila yung usok na nagmumula sa Atrium at maya-maya lang papunta na yung facilitators rito.

Remember the day we met

It's painful for me

Because nobody wants to die too fast

Remember a day we dreamt

It's painful for me

"Jing!" dumating si Seraphina, pasan-pasan siya ni Cecilia, hinang-hina. Naabot na siguro yung limitasyon niya sa paghinto ng oras.  Nagitla rin yung mga kalaban, alam din nila yung sitwasyon ngayon, at wala na silang dapat aksayahing oras para kuhanin ako.

"Jill, nasa fire exit ng ground floor si Karen, puntahan mo na siya," narinig kong sabi ni Jing, alam kong nasasaktan siya dahil sa sugat niya. "Kami na ang bahala ang umayos nito." Kailangan ko na namang tumakas, wala naman akong ibang magagawa, nakataya yung buhay nila para lang sa'kin? Kaya hindi ko rin sila dapat biguin. Tumango ako at muling tumakbo nang hindi ulit lumilingon. Ito... Ito na ba ang kapalaran ko? Habambuhay na pagtakbo at pagtakas? Nararamdaman ng katawan ko yung pagod, pero hindi yon tinatanggap ng utak ko, hindi ako pwedeng mapagod.

"Miss Karen." Bumungad kagad siya sa'kin pagkalabas ko ng fire exit, nakaupo siya sa sahig dahil inaalo  si Cloud Enriquez, "Anong nangyari sa kanya?" he's weak at parang hindi makahinga ng maayos.

"J-jill." Pinilit niyang magsalita kahit na alam niyang nanghihina siya.

"Anong nangyari sa'yo?" napaupo rin ako para daluhan siya. "Enriquez."

'...nandito kami para kumbinsihin ka, Miss Morie, kung ano ba ang tama, kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan, this is just a big reality show after all, you decide'

Ano ang totoo? Ano ang hindi? Sino ang kalaban? Sino ang kakampi?

"Umalis na kayo." Sabi niya.

"Paano ka?"

"Don't mind me. Go." Tumayo na si Miss Karen at hinihila rin ako patayo, "Go! Alis na!"

"Jill." Nahila na 'ko ng tuluyan ni Miss. Nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon, pero hindi ko maiwasang lingunin ang naiwan na si Enriquez na nakaupo't nakasandal, nag-iisa, nanghihina.


*****


"I'M sorry," Sabi ko sa kanya habang nasa loob kami ng taxi, tumingin siya sa'kin. "I'm sorry kung tumakbo ako palayo." Hindi ko na lang dapat pala siya iniwan kanina, pero nadala ako ng pagkalito at takot. Akala ko kaya ko yung sarili ko pero hindi, akala ko wala na 'kong pakialam sa mga mangyayari pero natatakot ako.

"You don't have to be sorry," sabi niya. "Ang importante ngayon you're safe. We need to escape from this place, I know hindi ko alam kung saan pero isang lugar lang yung naisip kong pwedeng puntahan," she paused. "Sa Sta.Helena." yung lugar kung nasaan yung ampunan? "It's the place where I grew up, alam kong malayo rito pero for the meantime doon muna tayo magtatago." Tumango na lang ako.

Nagpahintay kami sa driver dahil kumuha ko ng ilang gamit sa apartment ko, bukod sa mga importanteng bagay,sinama ko yung archives, invitation ng Mnemosyne at family picture sa bag ko. Dinanaan din namin yung apartment ni Miss para makakuha rin siya ng gamit. Pagkatapos, nagpahatid kami sa 'Ang Daambakal', ang pampublikong istasyon ng tren papunta sa mga malalayong probinsya mula rito sa Sentral siyudad.

"Kanina pa po umalis yung huling biyahe ng tren papuntang Sta. Helena." Narinig kong sabi nung kaherang babae kay Miss. "Mamayang alas kwatro ng madaling araw pa po ulit darating yung unang biyahe"

"Thank you." She bought the tickets for the first trip, pero mamayang four am pa. Wala kaming ibang nagawa kundi magstay muna sa isang traveler's inn di kalayuan sa Ang Daambakal. Nagring yung phone ko at sinagot 'yon.

"Jing?"

"Jill, nasaan kayo?"

"Anong nangyari sa inyo?"

"Tumakas sila, hindi naman kumalat yung sunog. Okay lang ba kayo ni Karen?"

"Oo."

"Nasaan kayo?"

"Sa inn malapit sa daambakal."

"Sige, mag-iingat kayo, call me kung may kailangan kayo."

"Okay." Magpapasalamat sana ko kaso naisip ko nab aka sabihin niya na naman maaga pa para magpasalamat.


*****


TAHIMIK lang kami pareho habang nakahiga sa kama. Hindi ko magawang ipikit yung mga mata ko. Humarap ako sa gitna, nakaharap din pala yung pwesto ni Miss at hindi rin natutulog.

"I can't sleep," sabi ko. "Bakit hindi ka pa natutulog, Miss Karen?"

"Kasi hindi ka pa natutulog." Sabi niya.

Natawa ko. 

"What? Para naman akong bata."

"You are ten years younger than me.Kaya bata ka pa."

"Whatever," natawa kami pareho. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa pinag-uusapan namin pero pareho kaming nakangiti. "Alam ko na, let's play."

"What? Game?"

"Magtatanong ako ng magtatanong hanggang sa makatulog ako. Palagi kong ginagawa 'yon kay mommy para makatulog ako noong bata ako."

"Sige. You start."

 "Sabi mo out of fifty tatlo lang ang magiging masaya 'diba?"

"Yes."

"I don't think so... sa tingin ko... lahat ng tao pwedeng maging masaya, in their own different ways kahit ano pa yung problema na pinagdadaanan nila. Kasi... lahat ng tao may karapatang maging maligaya," hindi siya sumagot. "Pero bakit, bakit may mga tao na kahit gustuhin nilang maging masaya hindi nila makuhang maging maligaya? Nevermind. I'll change the question."

"Anong nauna? Chicken or egg?"

"Chicken."

"Why?"

"Kasi 'yon yung una mong sinabi?"

"When is your birthday?"

"June 30, 1987."

"Anong favourite color mo?"

"Green."

"Who is your bestfriend?"

"Si Jinnie."

"What is love?"

"Love is commitment."

"Who's your first love?"

"Si C."

"Where and when did you meet?"

"Fifteen years ago at the orphanage."

"Naniniwala ka sa forever?"

"Constant ang forever, forever may magbabago, kahit pagmamahal."

 "Your name is Beatrice? Diba?"

"Yes."

"And you're married?"

"Yes."

"Why are you protecting me?"

Kanina pa mabigat yung talukap ng mata ko, ang tagal niyang sumagot, unti-unti na siyang lumalabo sa paningin ko, ito na yung paghila ng antok sa'kin.

"Good night Atria. I'm so sorry." I don't know why she called me Atria. "Promise, I'll tell you everything tomorrow."


*****


NAALIMPUNGATAN ako. Sabay kami ni Miss napadilat dahil naramdaman din niya pala na may ibang tao sa kwarto.

"Sshhh." Mabilis kaming napabalikwas nang makita namin na nakatayo sa paanan ng kama si Cairo. Lumapit siya at umupo sa gilid. "Karen." Napakapit ako kay Miss, at siya naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko habang tinatago ako sa likod niya. "I won't harm you, unless you hand her over to me."

"Hindi ko siya ibibigay sa'yo."

"Karen, listen. Trust me, kailangan mong ibigay sa'kin si Jill Morie."

"Trust you? Ang kapal naman ng mukha mo para hingin mo ang tiwala ko."

"Alam ko kung gaano kasakit ang pinagdaanan mo—"

"No, hindi mo alam, Cairo, hindi mo alam."

"Karen."

"Wag mo kong hawakan!" nararamdaman ko yung panginginig at panlalamig ng kamay ni Miss.

"Kung hindi mo siya ibibigay sa'kin ngayon, mapipilitan ako," tumayo siya, at nilabas mula sa bulsa ang isang baril, pareho kaming nagulat. "Mapipilitan akong patayin ka." Tinutok niya ito kay Miss.

Namayani ang katahimikan at kuliglig mula sa labas. Tumayo si Miss Karen at inilapit ang sarili sa baril, "Hindi ko siya ibibigay sa'yo Cairo. Poprotektahan ko siya, kahit buhay ko ang kapalit." Hindi ko namalayan na tumulo yung luha ko, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, dahil sa takot? "Kailangan ko munang mamatay bago mo siya makuha. Kailangan mo muna kong patayin, naiintindihan mo?"

Hindi kumibo si Cairo, "Shoot." Utos ni Miss, pero hindi 'to kumilos, "Sabi ko barilin mo ko! Bakit hindi mo magawa?!" kahit hindi ko nakikita yung itsura niya alam kong umiiyak na rin siya, "Gustung gusto kong tanungin sa'yo noon pa, minahal mo ba talaga ko? Sumagot ka, please." Nakita ko na dahan-dahang binaba ni Cairo yung braso niya, hindi niya kayang barilin si Miss Karen.

"Kung hindi mo 'ko kayang patayin ngayon, hayaan mo kaming makatakas ng kapatid ko."

Kapatid? Tinawag akong kapatid ni Miss Karen?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top