/47/ Begonia

"SO... How was your sleep?"

It took a while for me to realize it.  Anong ginagawa ni Enriquez dito? Dali-dali akong napabangon sa clinic bed at hinarap siya, "What the hell are you doing here?" I'm not mad at him, nagulat lang ako sa bigla niyang paglitaw sa tabi ko, it's creepy. He just smiled and raised his injured index finger.

"Did I interrupt your dream? I'm sorry hindi ko mapigilang mapatitig sa nahihimbing mong angelic face, you're so cute and fluffy." Akma niyang pipisilin yung pisngi ko pero hinawi ko kagad yung kamay niya.

"What do you mean by that?" I suspiciously asked. Did I clearly hear him?

"Nothing.  Siguro you're dreaming about me, namimiss mo na ko no?"  This time akma niya namang yayakapin ako pero tinulak ko siya

"Back off," Geez, this guy is really annoying.  Bigla kong naalala yung paniginip ko, hindi ko pwedeng kalimutan na nawawala pa rin si Stephen, I must find him as soon as possible. 

Tumalikod  at aalis na sana 'ko para umalis ng may maisip ako, sinara ko bigla yung curtains na nagsisilbing divider sa clinic beds, halatang nasurpresa siya nang harapin ko ulit siya, "Enriquez."

"Whoa, what a sudden change of heart. Bakit?" excited niyang tanong.

"May pabor ako." Biglang naglaho yung malapad niyang ngiti.

 "That sounds serious."

Kailan ba ko hindi nagseryoso? Gusto ko sanang sabihin.

"Yes. I am serious, Enriquez."

"Okay," Hindi ngumingiting sabi niya. "Ano yon?"

Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya, nag-iinarte or what, mukha kasing nag-iba yung mood niya matapos kong sabihin na may pabor ako. Siguro dahil tinetake advantage ko yung feelings niya para lang sa gusto kong mangyari, I hope hindi 'yon ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon. Hindi lang ako sanay na ganito si Enriquez sakin, o baka ito yung bahagi niya na hindi ko pa nakikita. Ewan ko.

"Anong favor, Jill?" parang biglang naumid yung dila ko. Hindi kaagad ako nakapagsalita. "Jill?"

"Naalala mo pa yung lugar kung saan ako dinala noong makidnap ako?" I paused for a while to see his reaction, tumango lang siya without any expression, "I want you to accompany me to that place." I'm expecting him to say 'what?' at hinihintay ko siyang magulat, pero hindi, he just stared and said nothing. Kumunot yung noo ko.

"Hindi mo ba ko nari—"

"Jill, I get it." He said while raising his hands, "But you see, I'm busy, busy sa pagpapractice with my band at sa pag-aasikaso para sa night out program. I know you have your reasons kung bakit gusto mong pumunta ron, pero I'm sorry whatever that reason is I think it's unreasonable. I don't have time to play around." Tatalikod sana siya pero pinigilan ko siya.

"What? Play around? Anong tingin mo sa'kin? Bata na naglalaru-laro lang?" I tried to lower my voice dahil baka marinig kami nung nurse sa kabila.

"Hey, chill." Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya, "Okay, I'm sorry. Wag ka ng magalit."

"Hindi ako galit." Paglilinaw ko. Ako pa ba ang may karapatang magalit gayong ako 'tong may kailangan sa kanya? "Ikaw lang ang makakatulong sa'kin, Enriquez. I badly need your help." I sincerely said.

Mukhang nakumbinsi yung itsura niya, kinuha niya sa bulsa niya yung phone niya at nagdial, tumalikod siya at lumayo ng konti habang may kinakausap sa kabilang linya, ilang saglit lang binaba niya yon at lumapit ulit siya sa'kin, "I understand. Papayag ako sa gusto mo pero sa isang kundisyon."

"Anong kundisyon?"

"Magpaparticipate ka sa Night Out concert." Ngumiti ulit siya ng pagkalapad-lapad.Huminga ako ng malalim, wala na akong oras para mag-isip.

"Okay.Fine" As if I have a choice. "Magkita na lang tayo mamayang four pm."

"Yeah sure. Oo nga pala, Jill, siyempre kailangan mo ring magpractice, mamayang tanghali puntahan mo 'ko sa club room namin. Miss Marcel would be very happy pag nalaman niyang magpaparticipate ka na." nakangiti pa ring saad niya, parang kanina lang nabadtrip siya nung humingi ako ng pabor, nah, I don't really get him.

Tinanguan ko na lang si Enriquez, hinawi ko yung kurtinang nagsisilbing divider at sabay kaming lumabas doon, tiningnan kami ng makahulugan ng nurse nang mapansin na sabay kaming nanggaling mula sa clinic bed area, nagpaalam ako sa nurse at nagpasalamat, ganon din yung ginawa ni Enriquez.

Pipihitin ko na yung sendura ng pinto nang bumukas ito bigla at bumulaga ang hingal na hingal na si Morris, parang bumagal ang ikot ng oras, pawis na pawis siya at may bakas ng dugo yung puting polo niya.

"Nurse!" pareho kaming nagulat at napaatras ni Enriquez, hinawi kami ni Morris at dali-daling pumunta sa nurse desk, "Please call an ambulance!"

"Anong nangyari?" tanong ko kay Morris na hingal na hingal pa rin, tiningnan niya lang kami ni Enriquez at imbis na sumagot tumakbo lang siya paalis kasunod yung nurse at wala kaming ibang nagawa ni Enriquez kundi tumakbo para sumunod din.

What the hell happened?

Halos lahat ng mga estudyante ay nagkalat na sa hallway, kinailangan pa naming hawiin yung mga nakaharang, napalitan ng bulung-bulungan, pag-aalala at pagtataka ang kaninang masaya at masiglang kapaligiran. Napatingin ako sa sahig na may bakas ng patak ng dugo.

Sa pagliko namin sa dulo ng hallway nakasabay namin si Miss Karen na tumatakbo, kasunod niya sila Aya at Tadeo, seryoso at may bakas ng matinding pag-aalala sa mukha. Sabay-sabay kaming huminto nang marating namin yung staircase papuntang roof top.

Natahimik at humawi yung mga estudyante na nakikiusyoso nang makita si Miss Karen,  pagkaraa'y nakita namin ang isang estudateng babae na nakahandusay sa sahig, walang malay, nagkalat yung dugo. Tiningnan ko 'yong mabuti kung nililinlang ba ko ng mga mata ko o hindi, pero isa lang ang sigurado ko, ang pamilyar na wristwatch na suot nito.

Biglang nanikip yung dibdib ko.

"P-penelope." Inalalayan ako ni Enriquez sa likod, muntik na kong matumba. Hinihiling ko na sana panaginip lang din ito, na hindi 'to totoo.

"Penelope!" tsaka sumigaw si Aya nang mapagtanto rin kung sino yung nakahandusay, dadaluhan niya sana ito pero inawat siya ni Tadeo.

"M-men, anong nangyari?" nanginginig na tanong ni Tadeo, habang pigil-pigil si Aya sa braso, tumingin lang si Morris sa kanya, umiling na may bakas ng takot.

"Go back to your respective class, now!" maawtoridad na utos ni Miss Karen sa mga estudyante, kaagad naman nilang sinunod si miss, maliban sa'min na nanatili lang nakatayo  marahil sa gulat. Maya-maya maririnig ang sirena ng albulansya mula sa labas,

"Bumalik na rin kayo sa homeroom, I'll talk to your class later." Miss Karen, the only one who's composed and expressionless at this time. Sumang-ayon yung nurse at pilit kaming pinaaalis doon pati na rin si Morris, nandito rin pala si Lily dahil siya yung humila kay Morris paalis. Wala na kaming ibang nagawa kundi sumunod. Walang nagsasalita sa'min habang naglalakad hanggang sa marating  na namin yung tapat ng class room, hindi ko namalayan na nasa tabi ko pa rin pala si Enriquez.

"Hey." Hinawakan niya ko sa balikat, "I'm sorry for what happened." Hindi ko alam kung para saan at bakit siya nagsosorry, "It's okay kung hindi ka makakapunta mamaya."

"No, pupunta ako sa practice.Bumalik ka na sa club room niyo. Thanks." Sabi ko at pumasok na ko sa loob ng homeroom.

Sobrang tahimik nilang lahat, marahil ay alam na nila kung ano yung nangyari kay Penelope. I silently sat on my chair. Wala pa ring bumabasag ng katahimikan, lahat sila nakatulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari, maging si Ireneo ay halatang hindi makapag-isip ng maayos.

Maya-maya bumukas ang pinto at namalayan na lang namin na nasa harapan si Miss Karen.

"Penelope was taken to the hospital; I already told her parents what happened. Gusto kong itanong sa inyo kung anong ginagawa ng klase niyo bago mangyari ang insidente?"

"We're practicing for the play, miss. Then yung mga nakaassign sa props busy din sa paggawa ng tasks nila, lumabas si Penelope ng room para kunin yung mga tinabi naming paints at brushes sa storage room sa roof top."

Miss Karen just stared at us, hinihintay na may dumagdag pa, pero wala ng ibang nagsalita. Tumango lang siya, "For now, let's just pray for Penelope's recovery, walang may gusto ng nangyari—"

"Miss Italia, nandyan na yung parents ni Miss Cruz."

"Susunod na 'ko." she faced us, "I'll leave the class to you Ireneo." Then lumabas na siya ng classroom.

 Namayani na naman ang katahimikan, tumayo si Ireneo at naglakad papunta sa harapan, bago siya magsalita tumikhim muna siya, "I didn't see this coming," me too, "tama si Miss, walang may gusto ng nangyari, accidents do happen, I wanted everyone to cheer up a little," cheer up? "Penelope will be fine." Hindi ko alam kung nakakatulong ba yung mga sinasabi ni Ireneo pero maging siya mismo wala rin sa sistema para magsalita, "Itutuloy natin yung practice, itutuloy natin yung play, malapit na yung festival. We will finish what we have started."

No one speak. No one oppose his decision.


*****


KATULAD ng napag-usapan namin ni Enriquez, umattend ako sa practice ng banda nila kaninang tanghali. Hanggang sa sumapit ang uwian, usap-usapan pa rin sa buong campus yung aksidenteng nangyari.

"Are you sure about this?" tanong ni Enriquez sa'kin pagkaabot ng helmet, "Hey Jill, paano kaya kung wag ka na lang pumunta ron?"

Tiningnan ko lang siya, sinuot ko yung helmet. "Nag-usap na tayo, Enriquez."

"Jill, naaksidente 'yung classmate mo,"

"I know."

"Hindi ka ba nag-aalala?"

"Tumigil ka na sa pagsasalita, sinasayang mo yung oras." Sinong hindi mag-aalala sa mga ganitong pangyayari? I must find Stephen first dahil walang kaalam-alam yung mga kasama ko kung ano yung totoong nangyayari sa kanya, kagaya nga ng paulit-ulit na sinasabi ko sarili ko, I am responsible for his disappearance. Tapos naaksidente pa si Penelope.

"Do you really think na naaksidente siya?"

"What?"

Napatigil siya.

"What do you mean by that?" tanong ko ulit pero hindi siya sumagot, "Are you trying to say na may tumulak kay Penelope or sinadya siyang mahulog sa hagdan? Who would do that to an innocent girl?"

"I'm just stating a possibility. Nevermind." Sumakay na siya sa motor at binuhay ang makina nito, "Sakay na."


*****


"We're here."

Papalubog pa lang yung araw, nasa harapan kami ng malaking gate, bumaba kami ni Enriquez sa motor niya, hinubad ko yung helmet. Natatanaw ko na yung malaking gothic mansion kung saan ako dinala noon. Narinig ko yung mahinang pagtawa ni Enriquez.

"Anong nakakatawa?"

"Wala lang," he said while chuckling, "you see, I just found it amusing, ikaw lang yung taong nakilala ko na binabalikan yung lugar kung saan siya nakidnap. It's like binibigay mo ulit yung sarili mo sa mga kidnapers."

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya, binalik ko yung tingin sa melancholic gothic mansion.

"What now? Tititignan mo na lang yung bahay na yan hanggang sa gumuho? O magdodoor bell ka, dingdong, Jill Morie here, ihostage niyo na ulit ako."

"Shut up."

"I can't believe na pumayag talaga ko na dalhin ka rito, this is ridiHey! You're trespassing!"

Hindi ko siya pinansin at tuluy-tuloy lang ako sa paglalakad, hindi naman nakalock yung gate, maya-maya nasa tabi ko na si Enriquez at pilit akong hinihila pabalik sa labas.

"Ano ba, Enriquez, hindi 'to horror movie kaya bitiwan mo nga 'ko." Nakalapit na kami sa main entrance nung bahay, at katulad nga ng hinala ko kanina pa. Walang tao. "Dun ka na lang sa labas kung ayaw mong sumama."

"Alangan namang iwanan kita rito? No way. Kargo de kunsensya pa kita kung may masamang nangyari sa'yo. " 

"Then just keep quiet." Surprisingly, the main door opened, pero walang ibang tumambad sa'min ni Enriquez.

This place is abandoned.


*****


It's unusual to rain during the second week of December. Sa lobby maririnig mo na yung abalang ingay ng mga tao sa loob ospital, nakikipagsabayan sa ingay ng ulan sa labas. Agaw pansin din sa gitna ng lobby yung malaking Christmas tree na punum puno ng dekorasyon, kasabay ng mga nagkikislapang palamuti at kumukutikutitap na mga parol na nakasabit.

After finding out na abandonado yung gothic mansion, nagpahatid ako kay Enriquez dito, napag-usapan kasi ng klase namin kanina na dadalaw kami kay Penelope ng six pm. Habang naglalakad ako papunta sa room 421, hindi ko na namang maiwasang maalala yung mga nangyari noon.

Natanaw ko na sa hallway yung mga kaklase ko, tahimik lang silang nakatayo, ang iba nakaupo sa mga upuan. Nang makalapit ako, tumingin lang sila sa'kin at nagpaparamdaman kung sino yung magsasalita.

"Baldo." Hindi niya ko pinansin, tinalikuran niya lang ako at naglakad papunta kila Tamaki. Naghanap ako ng ibang tao na pwedeng magpaliwanag sa'kin, sinubukan kong lapitan si Aya pero mukhang wala rin siya sa sarili, hindi ko alam kung ba hindi ko siya magawang malapitan. Nakita ko si Morris, nakaupo at nakayuko, katabi si Lily na nakaalalay sa kanya.

May humawak sa balikat ko, nakita ko si Ireneo at sumenyas na doon kami sa medyo malayo sa kanila mag-usap, naramdaman niya ata na nagdedemand ako ng paliwanag kahit hindi ko sinasabi.

According to him, Penelope's parents were flabbergasted, they keep on demanding an investigation, but the academy wanted to keep silent, they didn't want the media and police to interfere inside the school kaya ang ginawa nilang solusyon, ang mga teachers ang nagconduct ng investigation, sinabing aksidenteng nahulog sa hagdan si Penelope at para sa ikatatahimik ng lahat, sinagot ng White Knights ang pagpapagamot sa ospital.

"Okay na ba si Penelope?" tanong ko, matagal bago sumagot si Ireneo, inayos yung salamin at nagbuntong hininga.

"She's in coma."  


*****


"Oy, balita ko kasali raw si Jill Morie sa Night Out?"

"Oo nga, nakita ko kahapon kasama siya sa practice nila Cloud!"

"Anubeyen, sana ako na lang kinuha nila, maganda naman boses ko!"

Mabilis na nakalimutan ng mga tao sa White Knights ang insidenteng nangyari kahapon, at heto balik ulit sila sa normal nilang gawi araw-araw, kung minamalas ka nga naman ako ulit ang nakita nila. Itong mga pangit na palagi kong nakakasabay maglocker. Haharapin ko ulit sana sila kaso naisip ko na ayokong aksayahin yung energy ko para lang sa kanila.

Binuksan ko yung locker ko at napakunot ako nang makita ko na may maliit na paso na may Begonia. Wala akong maisip kung sinong maglalagay nito dito.

Babalewalain ko na lang sana 'yon, itatapon ko sana sa trashcan nang mapansin kong may nakatuping papel na nakaipit doon. Pinatong ko muna yung paso sa locker para makita kung ano yung nakalagay sa loob.

'Keep your eyes open. Smell a rat 12-16'

Then I just realized the real meaning of this flower.

Begonia.

Beware.


*****


Tapos na yung practice namin sa club room nila Enriquez. Pabalik ako ngayon sa homeroom para naman makatulong sa pag-aasikaso ng props. Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung bulaklak, yung note nito at kung sino yung nagpadala. Keep your eyes open Smell a rat 12-16. I clearly understand kung bakit iyon yung nakalagay dahil binibigyan ako ng warning ng sender nung bulaklak, ang hindi ko lang maintindihan... yung 12-16.

Twelve and Sixteen? Hindi kaya...

December Sixteen?

Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan ko yung bulletin board, kung saan nakadikit yung mga events, announcements. May isang malaking poster na nakadikit doon para sa School Festival. At nakita ko...December Sixteen... Iyon yung date kung kailan magaganap yung Night Out.

Someone's trying to warn me... and reminded to keep my eyes open, because something's going to happen on that day. Smell a rat, it means to suspect something wrong. Wait. Smell?

"Jill."

Muntik na kong mapatalon sa gulat, "Baldo." Bigla ba naman siyang sumulpot sa tabi ko, tinago ko yung note sa bulsa ko.

 "Bakit?" Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito, ang alam ko kasi lahat sila nasa homeroom at busy.

"Pwede ba kitang makausap?"

Medyo awkward na napatango ako, naglakad siya at sumunod lang ako. Namalayan ko na lang na nakarating kami sa botanical garden. Tahimik lang si Baldo. Seryoso. Katulad kahapon.

"Anong gusto mong pag-usapan?"

"Jill." Kahit wala pa siyang sinasabi kinukutuban na 'ko, "Nasaan si Stephen?"

Sana hindi napansin ni Baldo na napaatras ako ng kaunti sa tinanong niya.Anong sasabihin ko sa kanya? Alam kaya ni Baldo na matagal na talagang nawawala si Stephen? Sasabihin ko na ba sa kanya yung totoo?

"May alam ka ba?" pumikit ako saglit, "Umaabsent na naman siya, di kaya totoo ng nagdrop si Stephen?"

"Baldo." Sana hindi rin niya nahahalata na nanginginig ako, "Bakit sakin mo tinatanong kung nasaan siya?"

"Kasi may alam ka."

"Alam?"

"Nakita ko kayong magkasama bago ulit siya umabsent, narinig ko kayo na magkikita kayo sa rooftop."

Naalala ko ulit yung araw na yon, yung araw na sabuwatan namin nila Jing Rosca para mahuli yung nagpapanggap na Stephen. Hinihiling ko na sana hindi yon nakita ni Baldo.

"Oo nga, pero hindi na natuloy yung pagkikita namin sa rooftop, pagkatapos hindi na nga siya ulit pumasok sa school. Hindi ko alam kung bakit." Maniwala ka please.

"Ahh. Mokong yun, pinag-aalala na naman tayo. Hindi niya pa alam kung anong nangyari kay Penelope. Alam mo naman kasi diba, gusto nya si Penpen. Nalulungkot lang talaga ko sa mga nangyayari."

Medyo napahinga ko ng maluwag.

"Wag kang mag-alala, magiging okay din ang lahat." Sana. Sana mahanap ko si Stephen. Sana magising na si Penelope. Sana maging maayos na ang lahat.

Aalis na sana ko pero hindi pa 'ko pinaalis ni Baldo.

"Jill, sa'yo ko lang sana gusto sabihin. Pinatawag ako kanina sa office ng principal, at binigay 'tong invitation." May inabot siya sa'kin. "Scholarship."

Muntik ko ng mabitawan yung binigay niya.

This familiar seal. Black Diamond. White Letter 'M'

Memoire.



-xxx-


[Random Question: If you were Jill Morie, and you can see the future, anong sa tingin mong gagawin mo ngayong nagkakandalecheleche na buhay mo? LOL]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top