/42/ Déjà vu

"GUYS, kumpleto na ba tayong lahat?" Sino'ng wala pa rito? Let me know para sa attendance." Anunsyo ni Ireneo sa harapan habang abala pa rin ang buong klase namin sa kanya-kanya nilan daldalan at harutan, dito sa music room, pasado alas kwatro na ng hapon, matapos ang klase pinapunta kami rito ni Ireneo. "Hey guys! Malapit nang dumating yung teacher natin sa music so please makicooperate. Sino'ng wala pa?" tanong niya ulit.

"Nasa homeroom pa yata sila Stephen at Baldo, cleaners kasi sila." Sagot ni Penelope at biglang bumukas ang pinto.

"Yoh! Ireneo kups mah men sorry kung late kami ni Stephen men." Akbay-akbay niya si Yue.

Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang makabalik siya. Natutuwa ako dahil ligtas siya at walang nangyaring masama sa pamilya niya. Pero... narito pa rin yung kaba sa dibdib ko. Pinagmamasdan ko lang sila mula rito sa kinatatayuan ko, masiglang nakikipag-usap kila Baldo at Penelope si Yue. Katulad ng sinapit nila Aya, nabura rin yung alaala ni Yue. Wala siyang maalala sa mga nangyari.

Noong araw din na bumalik siya ay masinsinan namin siyang kinausap ni Morris. Marami akong tinanong sa kanya pero ni isa sa mga 'yon ay hindi niya alam at wala siyang maalala sa mga isinalaysay kong pangyayari, yung blog at ang tungkol sa Memoire. Wala. Burado nga lahat. Naisip namin ni Morris na kagagawan iyon ng Memoire. Sinadya nilang ibalik si Stephen pero burado naman ang ilang bahagi ng alaala nito.

"Stephen, please." Pagsusumao ko pero nakayuko lang si Stephen, panay ang iling at paghingi ng sorry dahil wala talaga siyang alam sa kahit anong tinatanong ko, mas hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya, bilang pakiusap.

"Jill." Humawak si Morris sa balikat ko, tumingin ako sa kanya at umiling lang siya, binititawan ko na yung kamay ni Stephen na sobrang higpit pala ng pagkakahawak ko.

"I'm sorry."

Sinadya nila 'to para mas lalo akong mahirapan, kung kailan malapit  na ko sa mga sagot sa napakaraming katanungan, sa napakaraming hiwaga na bumabalot sa mundo  at pagkatao ko. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula, kung ano na ang gagawin ko, kung ano nga ba talaga ang nakaguhit sa kapalaran ko.

"Sorry din, Jill," paghingi rin ni Stephen ng sorry sa'kin. "Sorry kung hindi kita matuttulungan. Wala talaga 'kong alam sa mga tanong mo. Nagkasakit ako pagkatapos ng recollection natin kaya hindi ako nakapasok. Sorry ulit kung pinag-alala ko kayo." Iyon ang huli niyang sinabi at umalis na siya.

"Morieee," Sumulpot bigla sa tabi ko si Aya. "Ang lalim 'ata ng iniisip mo ah. May problema ka ba? Baka makatulong ako? Hihi."

"Ah. Wala naman. Hindi ka na nasanay. Ganito naman ako palagi." Palaging hindi tumititig ng matagal sa mga mata niyo.

Tumawa si Aya.

"Bumabalik ka na naman sa pagiging loner mo ah, ice doll the second ka rin eh no. In fairness Jill ha, ang laki ng inimprove ng emotions mo simula nang pumayag kang sumabay sa'min maglunch noon sa roof top."

Matipid na ngiti lang ang sinagot ko. Naalala ko yung ginawa kong desisyon noon, na tuparin yung hiling ni Haneul sa'kin na ibalik ang ngiti sa labi ko. Dahil doon, naging malapit ako sa kanila. Pero minsan parang gusto kong pagsisihan 'yon, hindi dahil sa ayoko silang maging kaibigan dahil  sa dahilang posibleng madamay sila ngayon. Hindi ko kayang makitang masasaktan at mapapahamak ang mga taong naging malapit na sa'kin.

Tumingin sa bintana siya sa bintana, kitang kita yung pagsayaw ng mga sanga ng puno dahil sa hangin. 

"Pero masaya 'ko," kahit hindi ko nakikita yung ekspresyon ng mukha niya, alam kong nakangiti si Aya. "Kasi,  nagkaroon ulit ng pagkakataon na maging maayos tayong lahat. At... nakalaya na ko sa nakaraang pilit kong tinatakasan noon." Aya... 

"Jill... Salamat ha."

"So, kumpleto na tayong lahat. Habang hindi pa dumadating si Miss Karen, inutusan niya 'kong ipaliwanag sa inyo kung bakit tayo nandito ngayon sa music room." Narinig ko na lang na nangingibabaw yung boses ni Ireneo. Hindi ko na nagawang makasagot kay Aya dahil biglang tumahimik at nakinig na ang buong klase.

Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mga taong malalapit sa'kin.

"Bale sa Lunes ipupull out tayo ng isang araw  dahil ang klase natin ang napili ng school  para maging representative sa pagdedeliver sa charity ng mga donations na nakalap ng school natin.  Aside sa task natin ng pagbovolunteer work naisipan ng officers ng klase natin na magdedicate ng kanta para sa mga orphan children. Kaya nandito tayo ngayon para magpractice." May iniabot siyang mga papel, "Kumuha na lang kayo ng isang kopya at pakipasa. Si miss Marcel ang magtuturo sa'tin at siya na rin yung tutugtog ng piano."

Wings to Fly, iyan yung title ng piyesa.

Nagsimula na ang practice nang dumating ang music teacher namin.


*****


BINABA kami ng school bus sa entrada at kailangan pa naming maglakad papunta sa mismong looban, bitbit yung mga kahon na naglalaman ng mga donations.  Payapa  ang buong paligid, malayo sa magulong siyudad na pinanggalingan namin, maraming mga puno, sariwa ang hangin, walang polusyon. Kahit na ilang dipa na lang ang layo sa ampunan, naririnig na namin yung mga boses ng mga batang naglalaro.

Nasa harapan na kami ng mismong gate nang mapahinto ako sa kinatatayuan ko. Kinakalawang na yung gate, tanda ng napaglipasan na ng matagal  na panahon

Sta. Helena Orphanage

Di ko napansin na binuksan na nung guard yung gate para papasukin kami, ako na lang pala yung hindi pumapasok.

"Jill, gora na, natulala ka na dyan." Si Aya, na may dala-dalang dalawang malalaking bag sa magkabilang braso. Tumango ako at sumunod sa kanila. Malawak ang loob katulad ng inaasahan ko. May mga batang naglalaro sa malawak na damuhan at palaruan. Luma ang istilo ng bahay ampunan, yari iyon sa kahoy at nakakabilib isipin na  tumagal ito hanggang kasalukuyan.

Pinatuloy kami sa lobby at malugod na sumalubong ang dalawang madre na nagpakilala bilang sister Gina at sister Edna. Kanina lang habang nasa bumabyahe kami ay nagbago ang plano nila Ireneo, may naisip nilang gumawa na lang kami ng program para sa mga bata, nag-assign si Ireneo kung sino yung committee para sa palaro, sa magbibigay ng pagkain at iba pa, pero gagawin pa rin namin sa dulo ng program yung napractice namin na kanta.

Nainform na nila Tadeo yung staffs ng orphanage yung tungkol sa program namin, kaya naman kailangan na naming mag-ayos.

"Oy Tadeo memake-up-an na namin kayo ni Aya."

"OMG Morieee, isang araw lang naman 'to, para sa mga cute na bata gagawin ko 'to. Aja!" sabi ni Aya na nasa tabi ko, sumunod na siya dun sa mga kaklase kong mag-aayos sa kanya.

"Meeeen!" samantala si Tadeo naman ay pilit pang kinaladkad ng mga kaklase naming boys para maayusan. Silang dalawa kasi ni Aya yung napagbotohang gagawing clown para sa isang part ng program. Si Sabina yung ginawang emcee, kesyo raw nagtrabaho dati si Sabina sa mga bars at sanay sa paghohost, hindi naman offensive yung pagkakasabi ni Ireneo pero kailangan ba talagang sabihin na dahil dun? Well, insensitive jerk pa rin si Ireneo.

"Tulungan na kita." Nakita ko si Morris na tinutulungan si Lily sa pagbubuhat nung mga dala namin. Kitang-kita sa itsura ni Lily ang tuwa nang tulungan siya nito. Dumampot ako ng isang kahon at lumapit sa kanila.

"Ito pa oh." Abot ko kay Lily, biglang sumama yung itsura niya nang makita ko. Wala lang, pang-inis lang.

"Ako na." pero ako pa ata ang nainis nang kinuha ni Morris yung iniaabot ko kay Lily.

"Di, ako na lang, sa'kin niya binibigay eh." Nag-iinarteng sabi ni Lily, kunwa'y nagpaawa ang boses. Iniwan ko silang dalawa, magsama sila sa kaartehan nila.

"Selos siya." Narinig kong sabi ni Baldo na may nang-aasar na tinig.

"Tss."

"Ok lang yan Jill. Kilala ko yang si Morris, hindi ka niyan ipagpapalit basta-basta. Solid Jill Morie kaya nasa puso niyan." Nangiti na lang ako sa sinabi niya. Mabuti at medyo malayo yung iba naming classmate at busy kaya hindi nila naririnig yung pinagsasabi nitong si Baldo. "Oh diba napasmile ka.  Dahil diyan penge piso."

"Baliw." Tumawa lang siya.

"Guys, one hour lang ang preparation natin kaya stop slacking." Si Ireneo. Kumilos na kami ni Baldo dahil baka makita pa kami ni Ireneo na walang ginagawa. Tumulong ako dun sa pag-aayos ng venue, sa maliit na covered gym, nagdidikit sila ng mga makukulay na papel, naglalagay ng mga lobo sa upuan.

"Jill, pwede pakibigay to kay sister Edna? Ako muna gagawa niyang ginugupit mong crepe paper." inabot sa'kin nung classmate ko yung yellow paper na naglalaman ng program. Tumango ako at umalis doon. Nakalabas na ko doon pero hindi ko naman alam kung saan ko hahanapin si sister Edna. Tamihimik na yung paligid, siguro nasa loob na yung mga bata.

May nakita akong matandang ale na nagwawalis malapit sa palaruan, lumapit ako sa kanya para magtanong.

"Pwede pong magtanong?" napahinto naman yung ale sa ginagawa niya, "Nakita niyo po ba kung nasaan si sister Edna?"

"Ang ganda naman ng mga mata mo ineng." Nailang ako sa sinabi niya. Napayuko ako bigla.

"S-salamat po." Ito ata ang unang pagkakataon na may nagsabi sa'kin na maganda ang mga mata ko.

"Ah, nakita kong nagpunta sa loob si sister."

"Sige, salamat po ulit."

Pumasok ako sa loob pero nabigo akong hanapin si sister Edna kaya lumabas ulit ako, wala na yung matandang aleng nagwawalis. May nakita akong batang babae na nakaupo mag-isa sa swing, hindi ko alam kung bakit pero pinuntahan ko yung kinaroroonan niya. Umupo ako sa bakanteng swing na katabi niya, tumingin lang siya sa'kin pero hindi nagsasalita.

Pinagmasdan ko yung paligid. Pagkakita ko palang ng gate kanina... may kakaiba 'kong naramdaman. Yung pakiramdam na nakita ko na yung lugar na 'to noon. Yung pakiramdam na kabisado ko yung bawat pasikut-sikot, ang palaruan, ang kulay pula na swing na 'to... Samantalang hindi pa naman ako nakakapunta ng kahit anong bahay ampunan noon. Pakiramdam ko... nakapunta na ko rito... noon pa.

Tiningnan ko yung batang katabi ko, hindi pa rin siya umiimik. Hindi ko naman gustong isipin na multo siya, nakikita kong may panglaw sa mga mata niya... nakikita ko ang sarili ko sa kanya... nakaupong mag-isa sa swing... nag-iisa.

"Sino ka?" napatingin ako sa nagsalita, isa ring batang babae na tingin ko ay mas matanda ng ilang taon kaysa sa katabi kong bata, "Ella." Lumapit siya sa kinaroroonan ng batang si Ella. "Kilala mo ba siya?" tanong niya, umiling si Ella.

"Hi." Bati ko.

"Sino ka? Anong pangalan mo?" tanong nito, nababasa ko sa mga mata niya ang pagiging maingat at protective, kapatid niya siguro si Ella.

"Jill. Jill Morie." Sagot ko, "Ikaw, anong pangalan mo?" sa tanong ko umamo ng kaunti ang mukha niya.

"Rina."

Ngumiti ako. Ngumiti rin si Rina. Nagsimula siyang magkwento at magtanong ng kung anu-ano.  Katulad ng mga batang punumpuno ng kuryosidad sa realidad. Malungkot siguro. Kung ako yung nasa kalagayan nila, lumaki na kumakain sa mga stainless plates, pinipilit ang sarili na ngumiti, para tanggapin ng mga tao... Parang mga tuta sa pet shop na panay ang kawag ng buntot sa bawat taong makita. Umaasa na balang araw mayroong tatanggap sa kanila... ng buong puso at pagmamahal. Hinayaan ko lang ang sarili ko na sagutin ang mga tanong sa musmos na isipan ni Rina. Dahil pakiramdam ko... katulad ko rin sila.

"Kailangan ko ng bumalik."paalam ko, "hinihintay na nila ko." Nalungkot si Rina sa sinabi ko. Yumukod ako, tinapik ko siya sa ulo, at tinitigan sa mata. "Wag kang malungkot." Nakita ko na sa mga mata niya. "Tiisin mo lang ang lahat ng sakit." ang tadhana, "Magiging maayos din ang lahat. Merong magandang kapalaran ang naghihintay sa'yo sa hinaharap" Pinutol ko ang nakikita ko, at muling nagmulat "Hindi man ngayon pero balang araw.  Wag mong kalilimutan."


*****


"AT! Mga bata! Bibilang tayo hanggang sampu dahil lalabas ang dalawa nating kaibigan na makikipaglaro sa'tin ngayon. Handa na ba kayo?" masiglang sabi ni Sabina sa harapan, kitang-kita sa mukha niya ang sinseridad na saya.

"Opo!"

"Sabay-sabay tayong lahat! Isa!..."

Sumabay sa bilang ang mga bata, bakas din ang galak sa kanikanilang mga mukha.

"Sampu! Andito na sila Pipo at Pipa! Tsaran!"  Lumabas sila Aya at Tadeo, nakasuot ng pangclown at masiglang bumati sa mga bata. This kind of happiness is priceless. "Manuod kayo mga bata dahil kakain ng apoy si Pipo!"

"O-oi S-sabina, wala sa script to!" tinawanan nila si Tadeo.

Dumating na ang pinakahuling parte ng program, nag-assemble na kaming lahat sa harapan.  Sinimulan na ni Miss Marcel ang pagtugtog.

If now, I could grant my wish

I'd wish to have those wings

Those wings just like the birds

That fly up in the air

Sa malayo nakita ko si Miss Karen na marahang kumukumpas habang nanonood, sumasabay din 'ata siya sa pagkanta namin. Nakita rin siguro 'yon ng mga kaklase ko kaya hindi ko alam kung nadistract sila kasi medyo nawala sa tono, dahil naiiyak sila.

So high up in the air

With feathers bright and fair

No wealth nor power can make

My heart filled with such joy

Masaya kaming lahat na makita silang masaya. Napawi ang pagod sa bawat ngiti na kanilang binibigay. Kunsabagay, minsan lang naman o isang beses lang mangyayari ang ganitong pagkakataon sa buhay namin. Lalo na't magkakasama pa kaming lahat.

Want to spread my wings and fly

Away into the sky

How I dream to be so free

No more sadness no more pain

No more anger no more hate

How I dream to have those wings and fly into the sky

Natapos ang kanta at sumalubong masigabong palakpakan.  Masayang masaya sila sister Edna at sister Gina. Mas lalong masaya yung mga katabi ko.

"Yehey!" sigaw nila at nagyakapan pa.

"Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak." Si Penelope na natural ng iyakin kaya panay punas sa luha niya.

"Ano ka Penelope! Nakakahawa ka naman eh!" si Aya na kukusot kusot ang mata.

"Hahaha! Parang tanga tong si babaeng manok, umiiyak! HAHAHA!"

"Tse! Ikaw din oh nangingilid luha mo oh!"

"Wag ka nga!"

"Asus nahihiya ka pa!"

"Kasalanan ni Miss Karen 'to eh!"

 "Feeling ko graduation na nung kumakanta tayo."

Graduation huh.

Magkakahiwa-hiwalay din nga pala kaming lahat.


*****


PAPALUBOG na ang araw nang matapos  kaming makapagligpit. Oras na para umuwi. Tapos na kaming kausapin nila sister Edna at sister Gina, lubos silang nagpapasalamat sa pagdalo at pagtulong ng school at ng buong klase namin. Nasa gate na kaming lahat nang tawagin ako ni Miss Marcel.

"Morie, pwedeng pakitawag na si Miss Italia sa loob?" sa dinamirami ng pwedeng utusan ako pa yung nakita nitong music teacher ko. "Aalis na kamo tayo."

"Sige po." Hindi na ko nakatanggi at bumalik ulit ako sa loob. Nakita ko si sister Gina na papasok sa loob kaagad akong lumapit sa kanya at nagtanong kung nakita si Miss Karen. Sabi niya kausap daw ni Miss Karen yung director ng orphanage kaya maghintay daw muna ko saglit. Pinatuloy niya muna 'ko sa loob ng tanggapan nila.

"Matagal na po pala yung Sta.Helena." bigla ko na lang nasabi habang tinitingnan yung mga larawan na nasa photo album, mga luma iyon at iba't ibang batch ng class picture. Ipinakita sa'kin ni sister habang naghihintay. Sumang-ayon si sister Gina at nagkwento pa ng pahapyaw na history ng Sta.Helena, kung paano ito nagsimula at mga unos na pinagdaanan nito. Naagaw ng atensyon ko yung lumang larawan na naiiba sa iba pang larawan, kung sa iba ay maramihan at buong klase, sa larawang 'to, anim lang yung mga bata na may kasamang isang lalaki at isang madre, sa kalumaan ay hindi malinaw yung mga mukha nila.  "Bakit po konti lang yung batch nila?" tanong ko.

"Ah... Iyan ang isa sa mga hiwaga ng ampunang 'to."

"Hiwaga?"

"Walang ibang nakakaalam maliban kay sister Emilia na hindi pa director ng ampunang 'to noong mga panahon na 'yan. Ang alam ko lang, espesyal daw ang anim na batang 'yan."

"Paano pong espesyal?"

"Hindi pinaliwanag mabuti ni sister Emilia pero sadyang natatangi raw at hindi sila pangkaraniwan. Mahiwaga dahil bigla na lang silang nawala sa ampunan matapos silang pag-aralan ng lalaking doktor na nasa larawan."

Mahiwaga. Espesyal. Hindi pangkaraniwan. Pinag-aralan.

Hindi kaya...

Dahan-dahan kong kinuha ang larawan, binaligtad ito.

1998

Research Center for Paranormal Abilities class (first batch)

Jinnie, Beatrice, Cairo, Pacifico, Sylvia, Rommel

Nakumpirma ang hinala ko.

Mga Peculiar ang batang 'to.

Nakarinig ako ng mga yabag at tinig.

"Napakalaki mo na talaga, natutuwa akong makita ka ulit."

"Masaya rin akong makabalik ulit dito, sister Emilia."

"O paano, mag-iingat kayo sa biyahe. Ikamusta mo na lang ako sa asawa mo."

Asawa?

Nakita nila kong dalawa, napatayo ako sa kinauupuan ko habang hawak pa rin yung album.

"M-miss, aalis na raw po tayo." Bigla akong nailang.

"Sige na, Beatrice. Sa uulitin." 

Hindi ko alam kung bakit tinawag niyang Beatrice si Miss Karen.


-xxx-



A/N: Song title: Wings to Fly by Susan Boyle

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top