/40/ Now


"ANONG nararamdaman mo ngayon, miss Morie?" tanong ni Dr. Crisostomo Hideo sa'kin. Narito ulit kami sa opisina niya, sa dahilang may pangako siya na tutulungan niya kong 'gumaling'.

"Wala naman." Sai ko at nakatingin lang sa asul na lenteng tumatakip sa mga mata niya, "I think... I'm feeling better now."

"Good. Tine-take mo naman ng mabuti yung mga medications mo?" Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya.

~

"Hello?"

"Hello? Sino 'to?"

"Miss Morie. Si Carol 'to."

"Nurse Carol?"

"Ako nga. Pwede ba tayong magkita ngayong araw?"

Nagkita kaming dalawa sa isang coffee shop malapit sa ospital. Halatang halata sa itsura ni Nurse Carol ang pagkabalisa at pag-aalala. Hindi siya mapalagay sa kinauupuan niya samantalang ako naman ay kinakabahan sa anumang sasabihin niya.

"Miss Morie," simula niya, ,mahina ang boses at parang natatakot na baka marinig ng ibang tao yung sasabihin niya, "nagpatulong lang ako sa isa kong kaibigan na taga Department of Pharmacy. Natuklasan namin ng kaibigan ko na masyadong confidential yung tungkol sa drug na binigay mo, hindi kasi siya nirerelease ng basta-basta. pero nagawa pa rin niyang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa drug na 'to." Nilabas niya mula sa bag yung gamot na binigay ko sa kanya, nakalagay pa rin 'yon sa maliit na plastic, nilabas din niya yung papel na naglalaman ng impormasyon, "ang totoo niyan Miss Morie, kinakabahan ako. Hinack lang nung kaibigan ko yung computer system ng Department nila para maprint yung confidential information. Mas lalo akong kinabahan nang mabasa ko yung content nung drug."

Helexia.

>is a sedative, also called a hypnotic. It affects chemicals in your brain that may become unbalanced and cause sleep problems 

>Symptoms:

·         getting out of bed while not being fully awake and doing an activity that you do not know you are doing. 

·         abnormal thoughts and behaviour.  Symptoms include more outgoing or aggressive behaviour than normal, confusion, agitation, hallucinations, worsening of depression, and suicidal thoughts or actions.

·         memory loss

·         anxiety

·         severe allergic reactions.

At kung anu-ano pang mga salitang hindi ko naman na maintindihan ang nakalagay sa papel. Sa dulo ng papel may tatak na "RESTRICTED" at tatak ng isang pamilyar na emblem: black diamond na may putting letrang 'M' sa gitna. Memoire. Walang duda.

~


"Yes."

Saglit siyang natigilan bago magsalita, "I hope you're not lying to me, miss Morie."

"Bakit mo naman nasabi na nagsisinungaling ako sa'yo, dok?"

"Jillianne!" sumalubong sa'kin pag-uwi ko ang natatarantang si manang Fe. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, at katulad ng dati hindi ko siya pinansin at tuluy-tuloy lang akong pumasok sa loob ng bahay. Sinundan niya 'ko hanggang sa kwarto, "Jillianne!" ulit niya. Hindi ko siya sinagot. "Bakit nasa basurahan lahat ng gamot mo?" hindi naman siya galit pero bakas ang kaistriktohan sa kanyang boses.

"Siguro tinapon ko, manang?"

"Jillianne!" pangatlong beses niya nang tinatawag yung pangalan ko, "Hindi mo iniinom 'tong mga gamot mo? Magagalit ang papa mo kapag nalaman niyang---"

"Magagalit si dad kapag nalaman niyang pinapalitan mo na pala matagal na yung vitamins ko." natigilan si manang sa sinabi ko, umiwas na siya ng tingin at nakaawang ang bibig, may sasabihin siya na hindi niya masabi. "Alam ko manang, pinalitan mo yung vitamins ko ng ibang gamot."

"Masamang magbintang, Jillianne." Utal-utal niyang sabi.

"Manang," nadismaya ako, akala ko pa naman iba si manang, akala ko totoong may malasakit siya sa'kin, akala ko katulad din siya ni Albert, akala ko lang pala. "Tayong dalawa lang naman ang laging nandito sa apartment ko, manang. Bakit mo nagawa 'to sa'kin?"

"H-hindi ko alam yung sinasabi mo." Kinuha ko mula sa drawer ko yung mga larawang pinaprint ko noong isang araw gamit yung memory card ng mga camera na nilagay ni Lily sa bahay. Simula kasi nung madiskubre kong iba yung itsura ng vitamins na iniinom ko, wala na kong ibang pinaghinalaan na gagawa nun kundi si manang. Inabot ko 'yon kay manang at hindi na siya nakalusot pa.

"Hindi nagsisinungaling ang camera, manang. Hindi ko alam kung magkasabwat kayo rito ni Lily dahil siya yung naglagay ng mga hidden camera sa apartment. Hindi ko rin alam kung iisang tao lang yung nag-utos nito sa inyong dalawa, pero malakas ang hinala ko na iisa nga lang." Hindi ako galit, kalmado lang akong nagsasalita at nakatingin sa kanya. "Sabihin mo sa'kin manang, kung sino yung nag-utos sa'yo na gawin sa'kin 'to. Ikaw din ba yung kumuha ng mga litrato na tinapon ko sa basurahan noon?" yung mga larawang tinapon ko na biglang sumulpot sa blog. "Manang, please."

Umiiyak na si manang sa harapan ko, hahawakan ko sana siya pero kaagad siyang lumabas ng silid at umalis ng apartment. Katulad din ni Stephen at Lily... binablackmail din siguro si manang ng taong 'yun.

"Nothing. Lying is bad, miss Morie. You're forbidden to lie to your doctor, they said."

"I know. Paano naman ako gagaling kung hindi ko sasabihin sa'yo ang totoo?" katahimikan ang sumunod. Hindi pa rin ako nagtagumpay na silipin ang mga mata niya na natatakpan ng asul na salamin. Maya-maya'y tumayo na ako at maayos na nagpaalam. Pagkalabas ko ng silid ay napahinga ako ng maluwag.

Hindi naman siguro niya nahalata na nagsinungaling ako.


*****


"HINDI, Jill. Hindi 'yon panaginip."

Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niya sa'kin yon. At least, napatunayan ko sa sarili ko na hindi 'yon panaginip, na totoong nangyari 'yon. Everone was drugged except me, that's why I can clearly remember what happened, Morris was drugged too but due to his powers he can still recall it... My classmates can't remember but their memories were not altered, that's why Morris can still see the past in their eyes. Bukod sa'min ni Morris, tiyak kong naalala rin ni Miss Karen yung mga nangyari, pero hindi ko pa siya nakakausap simula  ng mangyari ang insidenteng 'yon.

"Si Miss Karen ba yung pakay ni Caleb Perez?" inalala ko yung pag-uusap namin ni Morris habang sabay kaming naglalakad pauwi noong araw na dumating siya bigla sa rooftop.

"Oo, Jill."

"Pero isa ring miyembro ng Memoire si Miss Karen." Natigilan siya at halatang nagulat sa sinabi ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa Memoire?" gulat niyang tanong.

"So, may alam ka rin tungkol sa kanila? At sigurado akong alam mo rin ang tungkol sa totoong pagkatao ni Karen Italia." Parehas na kaming napahinto sa may gilid ng kalsada nang mapunta roon ang usapan. Hindi niya magawang makatingin sa'kin ng diretso. "Sabihin mo sa'kin, Morris."

"Hindi mo sinagot yung tanong ko, saan mo nalaman ang tungkol doon?"

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Sabihin mo sa'kin yung totoo."

"I... I can't."

"Bakit hindi? Sinabi niyo sa'kin dati na oras na para malaman ko pero ano na? Bakit ang dami niyo pa ring tinatago sa'kin? Bakit ba ayaw niyong sabihin sa'kin ang totoo? Morris!"

"Jill." Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat, "Isipin mo na para lahat 'to sa'yo. Para protektahan ka."

"Protektahan?" hinawi ko yung dalawang kamay niya. "Hindi kita maintindihan. Wag mong sabihing parte ka rin ng Memoire, Morris? Sineset up niyo ba 'ko ni Miss Karen?"

"Jill! Ano ba! Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Hindi mo alam kung ano yung pinagdaanan namin sa kamay ng Memoire. Please. Stay out of this. Don't get involve with Memoire." Pagkatapos naglakad siya palayo. Pero sinigawan ko siya dahilan para huminto siya.

"Don't get involve?! Those freaking guys kidnapped me! Hahayaan ko lang ba yung sarili ko na mapahamak dahil sa kanila ng wala mang lang any idea kung sino sila at kung ano yung pakay nila sa'kin?"

"What? Are you kidding me?"

"You heard me right, Morris. Now, tell me, please." Pero matigas siya. Aalis na siya nang...

"Bakit siya?!" lumingon ulit siyang nagtataka, "Bakit mas pinili mo siya kaysa sa'kin? Ipagkakait mo rin ba sa'kin yung katotohanan tungkol dito, Morris? Bakit si Lily pa rin ang nasa tabi mo ngayon?" Nagsukatan lang kami ng tingin. Umiling siya at tuluyan na siyang naglakad palayo hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Kahit na tungkol sa bagay na 'yon ayaw nya pa ring sabihin? Bakit?

Napahinto ako sa entrance ng school namin, natigil yung pagbabalik tanaw ko sa nangyaring pag-uusap namin ni Morris. May pinagkakaguluhan yung mga estudyante sa labas. Kita yung mga estudyante sa bawat palapag na sumisilip sa ground. Agaw eksena lang naman kasi yung nakaparadang sasakyan ng pulis sa harapan ng building. Ito 'ata ang unang pagkakataon na  may pumuntang officers dito sa White Knights. I wonder what happened. Hindi kaya...

Papasok pa lang ako sa loob ng academy nang lumabas na yung mga officers, hindi ko inaasahan na makikita ko siya bigla rito, si Uncle Julius, nakababatang kapatid ni mommy Julia. Matagal na panahon din kaming hindi nagkita, maliit pa ko noong huli ko siyang nakita, nag-aaral pa siya noon at kitang-kita nga na tumanda yung itsura ni Uncle. Napahinto rin siya nang makita ako.

"Jillianne?"

"It's good to see you, Uncle Julius." Sabi ko. Alam kong may kinikimkim siyang sama ng loob kay dad, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may kinalaman 'yon sa pagkamatay bigla ni mom, simula noon, hindi na siya pumupunta para dalawin kami. Sa pananamit pa lang ni Uncle masasabi mo ng pulis siya, nakasuot ng trench coat at naka-Fedora hat.

"Hindi ko alam na dito ka pala nag-aaral. Ang laki mo na." ngumiti lang ako sa sinabi niya, kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan yon "Narinig ko nga... na hindi ka na nakatira sa mansyon ng tatay mo. Mabuti naman. Kung ako lang din naman ang nasa posisyon mo hindi ko rin masisikmurang makita na may ibang pamilyang kinakasama ang tatay ko."

"Ang laki pa rin ng galit mo kay dad, Uncle." Sabi ko. Hindi siya sumagot, tinapik niya lang ako sa balikat.

"Mag-iingat ka palagi, Jillianne. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka." May inabot siyang card, iyon yung huli niyang sinabi at naglakad na siya palabas, sumakay sa sasakyan at umalis. Nawala sa loob ko na itanong kung ano yung dahilan kung bakit sila pumunta rito. Napakibitbalikat na lang ako tsaka pumunta sa homeroom namin. Pagbukas ko ng pinto ng classroom namin, sumalubong sa'kin ang hindi magandang aura, tahimik lang silang lahat at parang pinagsakluban. Ano na naman kayang nangyari? Nasa harapan si Ireneo at katatapos lang 'ata niyang magspeech.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Nakita mo naman siguro yung mga pulis kanina?"

"Oo. Bakit?"

"They came here because---"

"Hinahanap nila si Tadeo."

"Ha? Si Tadeo?" nagulat ako sa sinabi ni Tamaki. "Ireneo, anong nangyari?"

"Kasama ako sa pinatawag kanina sa office, bilang representative ng klase, nang magtanong sila kung nasaan si Tadeo. Nagkaroon kasi ng raid kagabi sa isang warehouse, wala silang ibang nakitang ebidensya ng mga illegal drug dealers maliban sa isang ID at... ang nag-mamay-ari ng ID na 'yon ay si Roman Tadeo."

 "What? Paano nangyari 'yon? Imposibleng masangkot sa isang illegal na bagay na si Tadeo. Sigurado ba silang ID niya 'yon?"

"Oo, Jill. Hawak nila 'yung ID."

"Nasaan si Tadeo?" tumingin ako sa kanila pero nabigo akong makakuha ng sagot.

"Hindi pa siya dumadating, Jill. Pero... sa tingin naming lahat baka hindi talaga siya makapasok ngayon."

"So sinasabi mo na talagang guilty siya sa nangyari?"

"Hindi sa ganon---"

 "Hindi naman namin sinabi na naniniwala kaming kasangkot siya." Nagsalita bigla si Morris, "Nag-aalala rin kaming lahat kay Tadeo. It's just that wala kaming magawa para ipagtanggol siya dahil malakas yung hawak na evidence ng mga pulis."

"Kanina pa namin siya tinatawagan pero hindi rin siya sumasagot." Sabi naman ni Baldo.

"Kung hindi naman siya guilty dapat pumasok pa rin siya ngayon, diba?" someone said then may ibang nag-agree.

"Anong sabi mo?" tila napantig ata yung tainga ni Tamaki sa narinig niya.

"May point siya, paano naman kasi mapupunta yung ID niya sa mismong venue ng illegal dealing?"

Nagsimulang magkaroon ng argumento sa bawat isa, if totoo ngang kasangkot doon si Tadeo or not, if not dapat nga nandito siya ngayon at ipagtanggol yung sarili niya. Hanggang sa parang nagkakalabuan na naman yung buong klase namin.

"Manahimik kayong lahat!" saway ni Ireneo sa kanila.

"Jill, anong gagawin natin?" nababahalang tanong ni Aya. "Uy, Ireneo, representative ka namin, wala ka bang naiisip na paraan para rito?" Hindi sumagot si Ireneo. Kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang gagawin para maresolba ang panibagong problemang kinahaharap namin.

"There must be a reason behind this. Hindi ako naniniwalang kasangkot si Tadeo sa mga nangyari." Sabi ko. Tahimik at kalmado na ulit sila.

"J-jill?" dahan-dahang nagtaas ng kamay si Penelope.

"Bakit?"

"Paano si Stephen?"


"Jill. Sorry. Wala na kong ibang magagawa. Ayokong madamay kayo. Ayokong madamay ang pamilya ko. Takot na takot ako sa kanila, Jill. Gusto ko kayong protektahan lahat. Mag-iingat kayo."

"Teka Stephen, sino? Sino sila?"

"M-memoire..."


"Jill?"

"Sorry, Penelope." Sabi ko, "Sa totoo lang hindi ko na alam yung gagawin ko." hindi ko alam kung ano yung uunahin ko. Naghahalu-halo na sa utak ko yung mga pinoproblema ko. My life is in danger... Pero sa sinabi ni Stephen... posible nga sigurong madamay pa yung ibang tao nang dahil sa'kin.

"Paano kung magkakonekta yung pagkawala ni Stephen at Tadeo?"

"What do you mean by that, Penelope?" si Ireneo yung nagtanong. Tumayo si Penelope at lumapit sa kinaroroonan namin ni Ireneo, sa harapan.

"Katulad ni Stephen, nawala rin bigla si Tadeo, hindi rin natin siya macontact. Jill..." huminto siya saglit at nag-isip, "alam kong parang imposible na magkakonekta yung nangyari sa kanila pero 'di ko maiwasang mag-isip ng ganun." No Penelope, posible nga na magkakonekta yung pagkawala nila. Paano ko ba sasabihin sa kanila... hindi ko alam. "Pareho silang mabuting tao, hindi sila gagawa ng kahit anong mali, Jill, anong gagawin natin?"

"I..."

"Hahanapin natin sila." Sabat ni Tamaki.

"No, hindi kayo gagawa ng kahit ano." Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang bumukas ito at nang may nagsalita. Si Miss Karen. Naglakad siya papasok sa loob. Bumalik kaming tatlo sa mga pwesto namin, tumayo ang lahat para sa pagbati. "Hindi kayo makikialam sa mga nangyayari. Naiintindihan niyo?" malamig na pagkakasabi niya.

"Pero bakit Miss?" angal ni Aya. "Wala man lang din bang gagawin para hanapin sila? Tao ka ba talaga, yung totoo?"

"Everyone take your sit. We'll start the class."

"Hahanapin namin sila, sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ni Tamaki at nagsukatan sila ng tingin ni Miss Karen. Pagkatapos naglakad si Tamaki papuntang pintuan, "Baldo, halika na. At sa mga may malasakit, sumunod kayo kung gusto niyo." Hindi na nag-atubili si Baldo at sumunod siya kay Tamaki.

Nagpakiramdaman sila kung anong gagawin. Maya-maya'y kumilos na rin si Morris, papunta pa lang siya sa pintuan nang pigilan siya ni Lily, pero desidido na siya kaya walang nagawa si Lily. Huminga ako ng malalim. Sumunod ako sa kanilang tatlo.Nang nasa labas na kami ng room, sumilip kaming apat sa loob pero wala na yatang iba pang susunod kaya sinabi ni Tamaki na umalis na kami Hindi ko alam. May nag-uudyok sa'kin na sumama sa kanila. Walang nagsasalita sa'ming apat, marahil parepareho kaming nag-iisip ng kung anu-ano.

Narating na namin yung lobby, natigil kami sa pagtakbo ng may tumawag sa'ming apat. Pag tingin namin sa itaas, nandoon sila at nagkukumahog pababa ng hagdan, pero hindi pa rin kumpleto.

"Miss Karen let us go."


*****


SIX pm.

Naghanap kami buong araw, sa lahat ng pwede at posibleng pagtaguanni Tadeo ay napuntahan namin, nahalughog na 'ata namin yung buong siyudad pero hindi namin siya natagpuan. Pakiramdam ko tuloy nasayang lang yung buong araw na ginugol namin para lang mahanap siya. Parepareho kaming bigo at lupaypay, kaya napagdesisyunan na lang namin na sumuko para sa araw na 'to. Ako, si Tamaki, si Baldo, si Morris, si Ireneo, si Penelope, si Aya at si Sabina yung natirang magkakasama habang naglalakad sa kalye, maghihiwa-hiwalay din kami pagdating sa stop light.  May nagtext bigla

 "Yoyoyoyoh mga meeen, balita ko hinahanap niyo raw ako. Huhuhu T.T sorry mga meeen. Nasa school ako ngayon. piling GM lang >Bhosxs Tadeo< #27"

"Natanggap niyo ba yung text?"  tanong ko sa kanila, sabay-sabay nilang tiningnan yung mga cell phone nila at kanya-kanya silang reaksyon. Napamura si Tamaki, natawa si Baldo, si Morris nainis, si Penelope nag-aalala, si Aya nanggigil, si Sabina nakakunot lang, si Ireneo tinawag na 'stupid' si Tadeo.

"Hayop 'tong Tadeo na 'to nagGM pa, bubugbugin ko 'to pag nakita ko 'to." Bulong ni Tamaki, sumunod lang kami sa kanya, bumalik nga ulit kami ng school. Sarado na pero nagawa pa rin naming makapasok dahil sa 'secret' passage na alam ni Tamaki. Sa home room kami nagpunta, pagbukas ng ilaw naroon nga si Tadeo, sinugod siya nila Tamaki at Baldo at pinagsusuntok.

"Tama na mga meeen, sorry na huhuhuhu." Sabi niya habang panay ang salag niya sa mga suntok nila.

"Walangya kang kupal ka! Pinagod mo kami, pinagcutting mo pa kami ng isang araw! Kupal ka! Kupaaal!" nakisali si Aya sa 'pagbugbog' kay Tadeo. Nanahimik lang kami nila Penelope habang hinihintay silang huminahon,

"Boss Tadeo #27 pala ha. Anong katarantaduhan ang ginawa mo magpaliwanag ka sa'min!"

"Okay, okay! Kumalma muna kayo mga men! Kalma! Inhale! Exhale! Magpapaliwanag akong mabuti." Pinakawalan naman siya nila Tamaki, "Una sa lahat gusto kong magsorry kung pinag-alala ko kayo at inabala ko kayo sa paghahanap sa'kin, ang totoo niyan natutulog lang ako sa janitor's deck hehehe."

"Anong sabi mo?!"aambahan na naman siya ni Tamaki.

"Hephephep! Patapusin nyo muna ko mga men, okay! Okay. Pangalawa, gusto kong magpasalamat dahil sa effort niyo at concern na hanapin ako, I am really really touched mga men." Pagkatapos sumeryoso yung itsura niya, "Pangatlo. Alam kong  alam niyo na yung nangyari. Pumunta yung mga parak kanina sa bahay at hinahanap ako, pati rito sa school hinahanap nila 'ko. Ang totoo niyan... Noong gabing 'yon, napadaan lang ako sa isang eskinita papunta sa warehouse na 'yon, may mga lalaking parang men in black akong nakita, at... kasama nila si Stephen. Kaya ko sila sinundan. Pagdating doon sa warehouse hindi ko na nakita si Stephen, at hindi ko rin naman alam na may magaganap na illegal dealing sa lugar na 'yon. Nahuli nila ko sa pinagtataguan ko at binugbog nila ko." kaya pala may mga pasa at band aid siya sa mukha, "Nakatakas naman ako sa lugar na 'yon kasi paparating na yung mga parak, mahirap na baka mapagbintangan pa 'ko, hindi ko alam na natanggal pala sa lace ko yung ID ko. Ayun ako tuloy yung wanted ngayon. Bigti na ko mga men."

"Paano ka na? Paano mo malilinis ang pangalan mo?" tanong ni Penelope, "Tsaka si Stephen, bakit sinama siya ng mga taong 'yun?"

"Hindi kasama si Stephen sa negosasyon sa droga nila. Pero isinakay siya nung mga lalaki sa van at naunang umalis. Narinig ko kung saan sila papunta. Kaya may balak ako mga men."

"Wag mong sabihing..." Hawak ng Memoire si Stephen.

"Ililigtas natin siya. Pupuntahan natin yung lugar na 'yon."

Nagkatinginan. Nagpakiramdaman.

"Ngayon na?"

"Ngayon na."



xxx


A/N: Roman Tadeo on multimedia

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top