/36/ The Newcomer
Memoire.
Hindi ko alam kung anong klaseng asosasyon sila. Parang unti-unti nang nagdudugtong-dugtong sa isip ko ang bawat piraso ng mga misteryo dahil sa mga natutuklasan ko. Hawak ko pa rin yung kupas na larawan ni miss Karen, ibig sabihin... kabilang siya sa asosasyong 'to? Kabilang siya sa nagpadakip sa'kin? Hindi kaya siya rin yung unknown caller na tumatawag sa'kin noon? Biglang nagbalik aalala sa isp ko yung pangyayaring nakita namin siya nila Baldo sa class room, yung panahong tumawag yung caller. Ibig sabihin ba... siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to? Pero... kitang-kita sa mga larawan na pinadala sa'kin na ako mismo yung may kagagawan ng blog. Anong purpose ng lahat ng yon? Para saan? Nakakalito. Nakakabaliw isipin.
Kailangan ko munang makatakas dito. Ibinalik ko ulit sa envelope lahat ng mga hinalungkat kong papeles, kinuha ko yon at isinilid sa bag ko, hindi ko alam kung anong sumanib sa'kin para iuwi yon, malakas kasi yung kutob ko na makakatulong sa'kin yung mga archives na yon sa'kin... sa pag-iimbestiga ko. Sa ngayon, kailangan kong makaalis hangga't maaga. Nabigo akong makahanap ng lubid... Wala akong ibang choice kundi gamitin yung kumot at bed sheet ng kama, kinuha ko yon at pinagdugtong. Mahaba na siguro to para makababa ako. Nakalock yung bintana kaya wala akong ibang choice kundi basagin 'to. Pinagdasal ko na sana wag nilang marinig yung ingay, kaya buong lakas kong binasag yung bintana gamit ang isang bangko. Tinanggal ko muna yung mga natirang basag na salamin sa gilid-gilid dahil baka masugatan ako. Hindi na ko nag-aksaya ng oras at ginamit ko yung mga tela para makababa.
Nasa kalagitnaan pa lang ako nang bumigay na yung pinagkakapitan ng tela, bumagsak ako sa lupa at ramdam ko yung matinding kirot sa katawan ko. Ang mahalaga, nakaalis na 'ko sa silid na 'yon bago pa man makarating kung sino man yung boss nila. Bumangon ako, tsaka ko lang nakita kung saan nila ko dinala, isa 'tong di pangkaraniwang mansion, gothic ang tema ng exterior, nakakatakot, gloomy. Hindi ko rin alam kung saang lugar 'to, parang nasa kalagitnaan ng kagubatan na hindi mo mawari, dahil sa dami ng mga punongkahoy at iba't ibang nagsisitaasang halaman, masasabi kong parang vampire's haven ang lugar na 'to.
Takbo. Iyan ang ginawa ko matapos magsink-in sa utak ko lahat-lahat. Pero sa kinamalas-malasan nga naman, nakita nila ko at hinahabol. Hindi ako lumilingon at patuloy lang ako sa pagtakbo, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta! Saan ako makakalabas?! Paulit-ulit akong napapabulong ng mura dahil kahit di ako lumilingon alam kong marami sila. Sht. Natanaw ko yung gate, nabuhayan ako ng loob. Pero papasara na yon! Mas binilisan ko yung takbo, binigay ko na lahat-lahat ng bilis at bago pa man yon tuluyang sumara ay nakalabas na ko.
Hindi pa ko tuluyang nakakatakas dahil andyan lang sila at kayang-kaya pa rin akong maabutan, kaya kahit hindi ko alam kung saan yung daan pauwi ay tumakbo lang ako sa gitna ng kalsada. Napatigil ako nang may humintong motorsiklo sa harapan ko.
"Jill, sakay!"
"E-enriquez? Paano-"
"Sumakay ka na lang!" hindi na ko umimik at umangkas. Mabilis niyang pinaharurot yung motor at automatic naman akong napayakap sa kanya dahil sa bilis, kasabay ng paghingal ko at pagkabog ng malakas ng aking dibdib. Later... I found myself crying on his shoulder. Hindi dapat ako umiiyak pero hinayaan ko na lang yung sarili ko. Kung hindi siya dumating hindi ko alam kung ano na yung nangyari sa'kin... but he came.
"Here," namalayan ko na lang na nasa isang coffee shop na pala kami. "Okay ka na ba?"
Tumango ako at tinaggap yung binigay niyang inumin. Actually, kanina pa ko okay, siguro nashocked lang ako sa mga mabibilis na pangyayari. Ni hindi ko lubos maisip na makikidnap ako ngayon at heto buhay na buhay pa rin ako. Kung nakita ko lang yung future... Mali... Hindi ko dapat isipin yon.
"Thank you nga pala." Sabi ko tsaka humigop. Pasado alas nueve na ng gabi at mangilan-ilan na lang yung tao rito sa coffee shop.
"Wala yon. Buti na nga lang nasagot ko yung tawag mo, hindi ka sumasagot kaya nag-alala ko. Naisip kong itrack ka, buti na lang at pinuntahan kaagad kita." Sabi niya, "delikado na talaga ang panahon ngayon." Naging seryoso yung boses nya at nakatingin sa labas. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong seryoso si Enriquez. Sa totoo lang, hindi maganda ang aura niya kapag seryoso, parang naging misteryoso, at nakakatakot. "Pero ang mahalaga, ligtas ka na." biglang nag-iba yung mood niya, mula sa seryoso ay naging masaya. Ewan ko pero may kakaiba akong naramdaman sa mabilis na pagswitch nya ng mood.
"Oh, bakit natulala ka na naman sa awesome face ko?" kaagad ko namang iniwas yung tingin ko. Jill, you can't look at his eyes or else... "I know, nagiging gwapo pa ba ko lalo sa paningin mo?"
"Enriquez." Napansin naman nya na seryoso ako kaya kaagad din siyang tumino.
"Yes babe?"
"Babe mo yung muka mo."
"Kidding." He laughed, then coughed "Yes, why?"
"May alam ka ba tungkol sa Memoire?" nakita ko na napahinto siya saglit at dinako na naman yung tingin sa labas. Kitang-kita ko sa repleksyon ng salamin yung mga mata niya, seryoso, walang buhay.
"Memoire?" nakapangalumbaba siya habang tumitingin sa labas, "Bakit mo naman natanong?"
"Sila ata yung nagpakidnap sa'kin." Sagot ko habang nakatingin sa kanya. "Gusto kong malaman kung sino sila at kung ano ang kailangan nila sa'kin."
"Kaunti lang yung mga naririnig ko tungkol sa kanila. Isa yata silang malaking organisasyon na nagpapatakbo ng iba't ibang kumpanya," may tinuro sa labas si Enriquez at napatingin naman ako kaagad doon, "nakita mo yung building na 'yon? Yung Black Diamond Tower, ang sabi nila under din daw yun ng Memoire." Pagpapaliwanag niya. Weird, pero paano naman niya nalaman yung tungkol doon? "Marami rin kasing kilala sa business world si dad kaya minsan nakukwento niya sa'min ni mom."
Napaisip ako. Kung ganon pala hindi basta-basta yung organisasyon na 'yon? Siguradong sigurado ako na hindi nila ko basta na lang kinidnap ng dahil lang sa mababaw na dahilan, galing ako sa prominenteng pamilya pero hindi naman siguro dahil lang sa pera, kung gusto nila akong ipapatay bakit hindi pa nila kaagad ginawa? At anong dahilan? They want something.... Something special... from me. Hindi kaya...
"Jill?" I snap out, "Are you sure okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya habang nakahawak na pala sa kamay ko. Binawi ko yon at iniwas na tumama ang tingin sa mga mata niya.
"Yeah." Tumango ako at huminga ng malalim, hindi pa rin ako tumitingin sa kanya, "Naisip ko lang... Ang hirap piliin ng mga taong dapat mong pagkatiwalaan. Sa dami ng mga kakaibang nangyayari sa'kin ngayon pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko hindi na katiwatiwala." Ewan ko ba kung saang banda ko hinugot ang loob para masabi yan kay Enriquez. First time kong mag-open ng isang topic tungkol sa mga bagay-bagay sa kanya, at sa dinami-rami ng pwedeng buksan, tungkol pa sa 'tiwala'.
"Bakit mo naman nasabi yan?" mukhang interesado siya sa topic na binuksan ko. "Ibig bang sabihin wala kang tiwala sa'kin kahit na magkasama tayo ngayon?"
"Siguro. Mahirap magtiwala pero mas mahirap tukuyin kung sino yung dapat mong pagkatiwalaan." Sagot ko, "Ginagawa ko naman ang lahat para buksan yung puso ko para sa lahat ng tao na nasa paligid ko, pero masyadong nakakadala kapag nasasaktan ka, yung tiwala na matagal mong binuo basta-basta na lang nasira." hindi ko alam kung bakit ba namin pinag-uusapan ni Enriquez to, pero may parte sa loob ko na gustung gusto kumawala, yung bagay na gusto kong masabi sa kahit na sino.
"Kung sasabihin kong sinungaling ako, maniniwala ka ba?" liar paradox, may contradiction at hindi ko basta-basta masasagot ang tanong niya. Paano kung nagsisinungaling pala siya sa sinabi nyang 'sinungalin siya'? Paano kung totoo yung sinabi niya, ibig sabihin nagsasabi siya ng totoo. Ang kumplikado. "Never mind that question. Pero alam mo Jill, minsan kahit sabihin mong hindi ka nagtitiwala sa mga tao sa paligid mo hindi ka aware na may tiwala ka pala sa kanila. For example, sumakay ka sa jeep, hindi ka aware pero may tiwala ka pala kay manong driver na hindi niya ipapahamak yung mga pasahero nya, kasi kung hindi edi sana hindi ka na sumasakay sa lahat ng jeep kasi wala kang tiwala sa kanila."
"I don't get it." Sabi ko, nakakunot ang noo. Tumawa naman siya at nagkibit ng balikat.
"Well, ang point ko lang naman is you don't know na sa daily life mo pala eh nagtitiwala ka mostly sa strangers pa." sabi niya, "Natatakot ka kasi.... baka kung sino pa yung taong malalapit sa'yo eh sila pa yung sisira sa binavalue mong 'trust'" He just hit me there.
"Gusto ko ng umuwi."
"Sure, hatid na kita." Hindi na ko tumanggi pa at pumayag. I didn't even think na masasabi niya lahat ng yon kanina, baka iyon yung ibang sides ni Enriquez na hindi ko pa nakikita. Somehow that talk with him made me comfortable. Kahit na magulo pa rin yung isip ko tungkol sa pagtitiwala, lalo na sa mga taong malalapit sa'kin.
"Salamat sa hatid. Salamat din sa lahat, Enriquez." Sincere kong sabi sa kanya.
"No problem, ikaw pa Jill." Tumalikod na ko pero pinigilan nya yung braso ko, "One way to see if you can really trust someone is to trust them. Good night Jill."
"Good night." I just smiled. Binitawan niya na ko at ako naman ay dumiretso na sa loob ng building. Pagkarating ko sa apartment ko ay napahinga na lang ako ng malalim. Paano kung balikan nila ko? Paano kung balikan ako ng Memoire. Anong kailangan nila sa'kin? Hindi kaya.... Ang kapangyarihan ko? Alam kaya nila na may kakaibang tinataglay ang mga mata ko?
I'm Jillianne Morie.... And I can see the future
"You're a Peculiar, Jill."
Pinuntahan ko yung mesa kung saan nagkalat pa rin yung mga larawan na pinadala sa'kin. Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung envelope na nakuha ko kanina. Magkaparehong-magkapareho yung seal nila. Black Diamond.
First thing to find out... Kung ano nga ba ang Memoire. Kung sino sila at kung ano ang kailangan nila sa'kin. Second... kung ako nga ba talaga yung may gawa ng blog o isang malaking set up lang 'to? Dahil sa seal... malaki ang posibilidad na may kinalaman ang Memoire sa 'blog' at sa kakaibang nangyayari sa sarili ko.Third thing to uncover... kung sino ba talaga si miss Karen, kung bakit may larawan siya rito, kung espiya ba siya na pinadala ng Memoire, at kung dapat ko ba siya pagkatiwalaan. And last... kailangan kong makahanap ng iba pang Peculiar.
I can't easily give up. Hindi ako papayag na basta-basta na lang matatapos ang lahat. Aalamin ko ang katotohanan. Ako na mismo ang hahanap sa mga kasagutang matagal ko ng hinahanap.
*****
"Good morning." Napahinto silang lahat nang pumasok ako sa loob ng class room. Nakatingin silang lahat sa'kin at para bang naninibago sa ginawa ko. Well... Hindi ko naman kasi ugaling bumati kapag pumapasok sa loob. Atsaka alam nila yung nangyaring alitan sa'min ni Lily kahapon, kaya pala medyo awkward yung tingin nila sa'kin. Kasalanan ko naman din, nagpatalo ako sa emosyon, nadala ako masyado sa mga sinabi ni Lily kaya hindi ko napigilan yung sarili ko.
"Hi Jill!"
"Good morning morie!"
"Ohayo!"
Medyo nagbuff siguro sila pero binalik din naman nila agad yung pagbati ko. Ngayon ko lang napansin na para ngang talagang bumalik sa dati yung klase namin, yung dating masigla at hindi lang puro academics ang inaatupag. Ngayon ko lang din narealize kung gano kalaki yung pinagbago nilang lahat. Matapos ko kasing malaman yung tungkol sa blog hindi ko na sila nabigyan ng pansin, kahit yung mga kaibigan ko.
Absent pa rin si Stephen? Nakapagtataka dahil lagi naman siyang maagang pumapasok pero wala pa rin siya. Hindi maganda ang kutob ko...
"MORIE! KYAAAH!" may biglang yumakap sa likod ko kaya pareho kaming muntik matumba sa sahig, and guess who, "WALA KA NA BANG TOYO MORIE? OKAY KA NA? WAAAAH ANONG NANGYARI SA LEGS MO!?" I'm glad that Aya returned to her old self, yung maingay, clumsy, at bubbly. Yumukod pa siya at sinipat yung binti ko, medyo makirot pa kaya napadaing ako. "Sorry, sorry. Ano bang nangyari sa'yo?" pumunta na kami sa pwesto namin at umupo roon.
"It's a long story." Pinag-iisipan ko pa kung dapat ba nilang malaman na nakidnap lang naman ako kagabi at ako lang din naman ang may gawa ng blog na sumisira ng sarili ko. Great! Fantastic!
"Eeehh, nako Jill Morie, kilala kita, part time stunt woman ka at malakas ang feeling ko na may hindi magandang nangyari sa'yo kagabi." Natawa ko sa sinabi niya, stunt woman? For real. Hindi ko rin lubos maisip na magagawa kong lumabas ng kotse habang umaandar, tumalon sa bintana, at makipaghabulan sa mga kidnapers.
"Jill-"sasabat sana si Morris na halatang di nakatiis sa'min ni Aya pero naagaw ang atensyon naming lahat ng bumulagta halos sa sahig sila Tadeo at Baldo galing sa labas.
"Anong nangyari?" si Ireneo yung nagtanong, siya pa rin yung tinuturing naming leader, well, siya lang naman ang may kapasidad na gumawa nun, except sa pagrurule ulit ng caste.
"Andyan na..." sa sobrang hingal ni Baldo hindi niya magawang makapagsalita ng diretso.
"ANDYAN NA YUNG PRINCIPAL!" Sigaw ni Tadeo at automatic na nagsiayusan ang buong klase sa kanya-kanya nilang pwesto. Mabilis pa sa kidlat, tumahimik silang lahat at hinintay bumukas ang pinto. Wait. Principal? Tiningnan ko yung relo ko at wala pang eight am. Baka may importante lang na iaannounce... err... na para lang sa klase namin?
"Jill... pst." Bulong ni Aya.
"Oh?"
"Absent pa rin si Stephen?"
Natahimik kami bigla nang pumasok sa loob si mr. Melencio, ang principal ng White Knights Academy. Wala namang pinagbago sa itsura niya pero parang may mali sa ikinikilos niya, uhh... ako lang ba ang nakakapansin? O sadyang gut feeling lang? Diretsong diretso kasi yung tingin ni mr.Melencio at nakatindig, kaya mas nagmuka tuloy lalo siyang nakakatakot.
"Umm... Sir." Nagsalita si Ireneo, "Nasaan po si miss Italia?"
Hindi sumagot si mr. Melencio bagkus ay parang robot kung gumalaw na humarap sa pinto at sinabing, "Please come in." Umugong ang bulungan dahil sa kuryosidad, at maya-maya pa'y mas lumakas ito nang pumasok sa loob ng class room ang isang lalakeng estranghero. Pumunta siya sa tabi ni mr. Melencio at humarap sa'ming lahat, matangkad siya, at halos kasing kulay ng bondpaper ang balat niya, natatakpan ng itim na bilog na salamin ang mga mata niya. "Listen class, simula ngayon siya na ang bago niyong home room adviser." Napanganga kaming lahat sa inanunsyo ni mr. Melencio na diretsong-diretso pa ring nakatindig at nakatingin sa kawalan. "Please, introduce yourself." Mas napanganga kami lalo na yung mga kaklase kong babae nang tanggalin niya yung salamin sa mata.
"Ang gwapo!"
"Shocks!"
"Crush ko na sya!"
"Siya na adviser? Pano si miss K?!"
May mali. Sigurado akong may mali. Tumingin ako kay Aya pero mukhang maging siya ay parang nabighani o sabihin na nating... nahypnotize ng lalaking nasa harapan naming lahat.
"Good morning. My name is Caleb Perez, you can call me sir Caleb. At kagaya nga ng sinabi ni mr. Melencio, ako na ang magiging home room teacher niyo until your graduation. I'm looking forward to your class. Please take care of me." Kalahati ng klase namin ang nagpalakpakan, mostly girls, pero yung iba, kasama ako, hindi kumikibo. There is definitely wrong here. Palipat-lipat yung tingin ko kay mr. Melencio ay kay... Caleb Perez. Ako lang ba talaga ang nakakapansin? Tatayo sana ko para magtanong pero naunahan ako ni Morris.
"Paano po si miss Italia?" nang itanong nya yan ay natahimik ang buong klase at tila napag-isip-isip din yung mga biglaang pangyayari. Tumingin si Caleb Perez kay mr. Melencio, na para bang ipinapasa sa isip nito kung ano ang dapat isagot sa'min.
"She's fir---"
Biglang bumukas ang pinto, at saktong alas otso, kagaya ng oras na lagi niyang pagdating, naroon siya sa pintuan.
"Miss Karen my labs!" sigaw ni Tadeo at sabay-sabay silang napatingin sa dumating. Sabi ko na nga ba. May mali sa mga nangyayari. Nabitawan ni miss yung dala niyang paper bag nang makita na nakatayo sa harapan si Caleb Perez, kung dati'y blangko ang kanyang ekspresyon... makikita mo ngayon ang matinding pagkagulat, pamumutla na tila nakakita ng patay na muling nabuhay, sa kanyang mukha na walang kabuhay-buhay.
May mali.
May mali sa mga nangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top