/35/ Abducted


"Jill! Tara lunch na tayo!" kanina pa nagring yung bell, umalis na yung teacher namin, ako na lang yata yung hindi pa nakakapag-ayos ng gamit. "Jill Morie!" tsaka lang ako tumingin sa kanila na kanina pa naghihintay sa pintuan, tumayo ako at nagpunta roon.

"Namumutla ka, okay ka lang?" tanong ni Penelope, iniwas ko yung tingin ko sa kanila, nanlalamig pa rin yung pakiramdam ko.

"Teka, absent si Stephen? Lunes na lunes ah." Puna naman ni Baldo, sana pala hindi na rin muna ako pumasok. Napahinga na lang ako ng malalim.,

"Masama raw pakiramdam kaya umabsent muna. Tara na, nagugutom na ko guys." Si Aya.

"Ah. Ano..." napahinto silang tatlo at napatingin sa'kin, "hindi muna 'ko sasabay sa inyo. Mauna na 'ko." sabi ko at tuluy-tuloy na lumabas nang hindi pinapansin ang kahit na anong pagtawag mula sa kanila. Wala akong ibang gustong gawin kundi tumakas. Tumakas sa katotohanang kinatatakutan ko. Pero saan naman ako pupunta? Paano ko matatakasan yung mundong 'to?

Tila naglalakad ako sa kalawakang walang patutunguhan. Hindi ko alam kung saan na ba ako dinadala ng mga paa ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa roof top na ako ng building ng school. Medyo malakas yung ihip ng hangin kaya pumikit ako para damhin 'yon. Ngunit napamulat din ako kaagad nang maalala ko yung mga nangyari kagabi. Ang mga sinabi ni Yue, ang mga larawan. Akala ko magiging maayos na ang lahat pagkatapos ng recollection... Hindi pala.

Kailangan ko ng tulong. Dahil hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa sarili ko. Pero sino? Sino ang mahihingan ko ng tulong sa napakakumplikado kong sitwasyon? Ayokong idamay sila Aya sa problema ko dahil hindi nila maiintindihan kung ano ba talaga ako.

Sinabi ni miss Karen na may susi sa bawat katanungan pero hindi mo nga lang alam kung kailan at saan mo ito mahahanap. Sumampa ako sa maliit na bakod at tumayo mula roon, tanaw na tanaw ko yung buong grounds ng White Knights. Maraming mga estudyante ang nagkalat pero wala kahit isa sa kanila ang nakakapansin sa presensya ko rito, hindi man lang nila nakikita na may nakatayo rito.

"Oy!" siguro dahil sa gulat namali ako ng tapak paatras kaya mabilis akong hinihila ng gravity pababa, akala ko tuluyan na akong mahuhulog pero nahagip ako ng mga braso ng kung sino mang pahamak na sumigaw. Pareho kaming bumagsak sa semento, ramdam ko pa rin yung malakas na pagbayo ng dibdib ko, akala ko talaga mahuhulog na 'ko. Pero sino---

"Aray..." tiningnan ko siya habang bumabangon, matagal-tagal din kaming hindi nagkita ulit, "Jillianne Morie, are you out of your mind?" oo. Baliw na siguro ako, "paano kung hindi ako dumating dito? Edi headline ka na siguro sa dyaro?" aaminin ko, namiss ko ang presensya mo, Cloud Enriquez.

"Ano, natuod ka na dyan? Nagagwapuhan ka na namin ba sa'kin? Tss. Namiss mo 'ko?" hindi ko alam kung sadyang nakakasilaw yung sikat ng araw gayong nakatingala ako sa kanya at kitang-kita ko ang lapad ng kanyang ngiti, nagulat na lang ako ng ilahad niya yung kamay niya, "Namiss din kita, Jill." Tinanggap ko yon at bumangon ako sa tulong niya. Ngayon kitang-kita ko na yung maaliwalas niyang mukha. "Masama to, Jill, napipi ka na rin ba? Talaga bang nakakaspeechless 'tong kagwapuhan ko?"

"Baliw." Tumawa siya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong naman niya, napansin kong wala ata siyang dalang gitara, ngayon ko lang ata siyang nakita na hindi dala 'yon.

"Siguro ako dapat yung magtanong niyan, kung hindi mo ko ginulat hindi ako mamamali ng tapak." Sabi ko naman at tumalikod sa kanya.

"Woa woa, sorry na okay, nagulat din ako, akala ko tatalon ka. Hey, saan ka pupunta?"

"Wala ka na ron." Sabi ko.

"Wait wait." Hinarangan niya yung daanan ko, "May atraso ka pa sa'kin remember?" Wala akong maalalang atraso sa kanya, "You owe me a lunch, Jill, at dahil dyan magsasabay tayong maglunch, walang aangal!" bago pa 'ko makapagsalita ay mabilis niyang hinawakan ang braso ko at hinila sa kung saan man niya ako balak dalhin. Hinayaan ko na lang siya, siguro sa dahilang masyadong napre-occupied yung isip ko sa mga bagay-bagay, siguro pagbibigyan ko na lang si Enriquez ngayon, well... he's harmless, I think.

"Bakit tayo lalabas?" nakapagsalita lang ako nang mapansin ko na papalabas kami ng lobby. Kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang mga students at staffs sa hallway, kasabay ng mga bulungan nila at iba-ibang haka-haka kung bakit kami magkasama at hawak niya ang braso ko. Tss. Mukang balewala lang kay Enriquez yon at para bang nasisiyahan pa siya na pinagpipiyestahan kami ng mga tao, may iba pa nga na kumukuha ng litrato, tsk. Para kaming celebrities, mali, sikat nga pala si Enriquez sa campus... at ako... ang binansagan nilang 'Cold Heart Breaker' "Saan ba tayo pupunta? Doon yung daan papuntan cafeteria." Hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Nakakasawa na sa lugar na 'to. We'll find another good place."  Sabi niya ng hindi lumilingon.

"Hindi ako sasama sa'yo hangga't hindi mo sinasabi." Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya sa braso ko, "Enriquez!" bigla siyang tumigil sa paglalakad, nasa entrance na kami ng lobby. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Dahan-dahan siyang lumingon,  andyan na naman yung mata niyang chinito na sa sobrang singkit ay hindi na niya maidilat lalo pa't kay abot-tainga yung ngiti niya, "Sa langit."

"Biro lang!" sabi niya at nagpeace sign pa, malakas ang power trip ng taong to, mas lalong umugong yung usapan sa paligid, "Tara na, Jill, easy ka lang, hindi kita lalapain, okay." I let out a sigh, sige, bahala na. Kung saan man niya ako itatakas, bahala na, wala na akong pakialam.

Nagpunta kami sa parking lot, inabutan niya 'ko ng helmet, "Here." Sabi niya, tinanggap ko yun at isinuot. Hindi ko alam na nagmomotor siya papasok ng school, kaya siguro cool na cool siya sa paningin ng ibang estudyante. "Angkas na Jill," utos niya, nakasuot na rin siya ng helmet. Pinayagan kaming makalabas ng campus, ganon ba talaga kalakas yung impluwensiya ni Enriquez sa school na 'to?

'Di ko naman inaasahan na dadalhin ako ni Enriquez sa isang resto-bar, medyo malayo siya sa school pero mukhang pamilyar na pamilyar na siya sa establishment na 'to. Tama nga ang hinala ko nang pumasok kami sa loob, the staffs greeted him, yung iba inaddress siyang 'boss'

"Tara, libre kita wag kang mag-alala." He cheerfully said as he held my hand, hindi ako umangal, pumunta kami sa isang table. Siya yung umorder para sa pagkain namin dalawa, tahimik lang ako habang kumakain samantalang siya yung daldal ng daldal. Ang ganda ng ambiance ng lugar na 'to, tahimik lang, sakto lang yung dami ng tao, yun  nga lang mahal yata kasi yung mga pagkain nila rito.

Maya-maya pa'y may lumapit na isang employee sa mesa namin, nirerequest na kumanta naman si Enriquez kahit isa lang, kilala nga siya rito, pero bakit naman 'boss' pa yung tawag sa kanya? Di kaya, sa kanila 'tong resto bar na 'to? Just wow. Hindi nakatanggi si Enriquez at pumayag din.

"Diyan ka lang Jill, panuorin mo ko ha." Sabi niya at tumayo na para pumunta sa mini stage na tanaw mula rito.

 "This song is dedicated to a special girl, I'm lucky that she's with me right now, hey Jill! Sana wag kang mainis sa kantang idededicate ko sa'yo" He winked. Psh.

Adik Sa'yo
Awit sa akin
Nilang sawa na sa 
Aking mga kuwentong marathon

His voice is amazing, a voice that could make anyone fall. Siguro kung normal lang ako, kung normal lang ang mga nangyayari sa buhay ko... I can give him a chance.  Pero hindi, everything's complicated, hindi pwede.


Tungkol sa 'yo
At sa ligaya
Na iyong hatid sa aking buhay
Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw

Sa umaga't sa gabi
Sa bawa't minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita


Isang masigabong palakpakan ang sumalubong matapos niyang tumugtog, nagpasalamat siya sa madla tsaka tumayo para bumalik dito sa pwesto ko.

"Nagustuhan mo ba?" isang matipid na ngiti at tango ang tinugon ko. Wala na namang pasabi na hinila niya ko. Hindi ko alam kung anong klaseng mahika ang meron tong tao na to at para bang napapasunod niya ako sa kung ano mang gusto niya. Bumalik na kami ng White Knights, at kagaya ng inaasahan, naging tampukan na naman kaming dalawa ng atensyon, bahala sila sa kung ano mang gusto nilang isipin.

"Basta, Jill, kapag may kailangan ka, wag kang maghesitate na tawagan ako, nandito lang ako palagi." he tapped my head, "See you later." Masayang wika niya atsaka nauna nang umalis kaagad kaya hindi ako nakapagpasalamat. Dahil sa kanya panandalian kong nakalimutan yung mga bumabagabag sa dibdib ko, ngayong wala na ulit siya kailangan ko 'tong harapin ulit ng mag-isa.

Hapon. Isang subject na lang at uwian na. Kanina pa 'ko nabuburyo, gusto ko ng umuwi. Mukang kalat na sa buong campus yung issue na magkasama kami ni Enriquez kanina, kahit dito sa klase namin ay alam pero walang nagtatangkang lumapit at magtanong tungkol don. Kahit sila Aya.

"Ikaw na kumausap."

"Anong ako? Ikaw na!"

"Dali na, badtrip ata si Jill eh, dali na Mariah."

"Tse, Baldo, ano ba, ikaw na, lalaki ka naman eh"

Kanina pa sila nagbubulungan sa likuran ko, nagtuturuan kung sino yung lalapit sa'kin, ganun pa katindi yung bad aura na binibigay ko?

"Oh, Baldy men, Mariahtots, anong problema nyo?"

"Wag kang magulo Tadeo."

"Baldo, ikaw na kasi magsabi kay Jill."

"Ang laki ng problema nyong dalawa, parang kakausapin lang si Jill. JILL! MEN! WATZUUP!"

"Hay nako! Kupal kang Tadeo ka!"

Pero hindi ko sila nililingon,  tumayo ako at lumabas ng class room, wala pa naman yung teacher namin. Gusto kong mapag-isa. Pagkalabas ko, napahinto ako nang matanaw ko siyang masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Nagkuyom yung dalawa kong palad. Matapos niyang makipag-usap ay masaya siyang pabalik ng class room, hinanda ko yung sarili ko, sinalubong ko siya at sinadyang bungguin.

"Ano bang problema mo? Jill!" medyo nakahatak kami ng ilang atensyon mula sa ibang estudyanteng nasa hall way din. Hinablot ko yung braso niya at akmang hihilahin pero tinanggal niya yon at nanggigigil na tumingin sa'kin, "Ano ba!" lumabas yung iba naming kaklase na nasa loob ng room dahil sa sigaw ni Lily.

"Sumama ka sa'kin dahil may pag-uusapan tayong dalawa." Sabi ko sa pinakamahinahon at pinakamaayos na paraan at akmang hihilahin siya ulit pero sadyang matigas ang ulo niya at talaga atang gustong kumuha ng atensyon at gumawa ng iskandalo.

"Ha? Wala tayong dapat pag-usapan!"

"Anong nangyayari?"

"Nag-aaway ba sila?"

"Si Jill at Lily oh."

Ito ang pinakaayaw ko, ang gumagawa ng eksena at pinalilibutan kayo ng mga usisero't usisera. "Wag kang magmaangan na para bang wala kang ginagawang masama, Lily."

"Wala naman talaga kong ginagawang masama!" hinablot ko siya palapit at binulungan sa tainga.

"Wag mong sabihing wala kang kinalaman sa mga camera na nakatago sa kwarto ko? Nahuli kita noon sa roof top na may kinakausap tungkol sa camera." Siguradong-sigurado ako na nagulat siya sa sinabi ko kaya mukang malakas ang kutob ko na tama ang hinala ko. Pero unti-unting nagbago ang reaksyon ni Lily, mula sa pagkakabigla ay natawa siya na para bang nakarinig ng isang korning joke, so nagmukang joke lang yung binulong ko?

"Nababaliw ka Jill." Natatawa niyang sinabi, "walang duda, kaya siguro pinagtabuyan ka na ng tuluyan ni daddy." Napantig ang tainga ko sa sinabi niya kaya isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya, kasabay ng malakas ng tibok ng puso ko, at mga samut'saring reaksyon ng mga taong nanunuod sa'min.

Maya-maya'y naramdaman ko na may humawak sa braso ko, "Jill!" oh, ang magaling niyang boyfriend.

"Morris, okay lang ako." At nag-inarte  na 'tong si Lily na para bang aping-api siya sa mga nangyari. Binawi ko yung braso ko mula sa pagkakahawak niya. Maya-maya ay biglang nagsihawian yung mga estudyante, si miss Karen.

"What's going on here?" seryosong tanong niya, "Go to your respective rooms,now." Utos niya at sumunod sila, "Wala bang may balak sumagot kung anong nangyayari rito?" tiningnan ko muna sila ng masama atsaka ko tumalikod para umalis, "Jill Morie. Come with me."

"No, I'm tired of your mind games, miss." Sabi ko atsaka naglakad papalayo sa kanila.

The hell I care.

Parang wala ring nagbago, nandito ulit ako ngayon sa lagi kong pinagtatambayan, ang geographic section ng library, pinapatay ang oras. Himalang kinamusta ako ni Mrs. Stefi nang dumaan ako sa desk nya. Nandito na naman ako. Nag-iisa.

6:00 pm

Hindi ko namalayan yung oras, nakatulog lang ako rito, mabuti na lang at walang nakahuli sa'kin dahil mabibigyan ako ng parusa na dapat magservice ka sa library for 168 hours, dahil nga tago 'tong lugar na 'to walang nakakita sa mahimbing kong pagtulog. Sinulyapan ko yung cellphone ko at nakita ko na sangkatutak na missed calls ang nanggaling kila Aya, Baldo at Penelope. Napahinga ako ng malalim, alam kong nag-aalala sila, and I feel sorry...... Alam kong ang gaspang ng ugaling pinakita ko sa kanila kanina... Parang bigla akong natauhan sa mga nangyari ngayong araw.

"Guys, I'm sorry." I texted them. Let's call it a day, umalis na ko sa library para umuwi pero naisipan ko munang dumaan sa class room. Umaasa ako na madadatnan ko sila roon pero nabigo ako, wala ng tao kahit isa. Tahimik na ang campus, nadaanan ko yung freedom board at nakapaskil na roon yung pictures namin ni Enriquez kanina, wala kaming picture ni Lily pero may isang bond paper na naglalaman ng balita tungkol don, mga tao talaga.

Pumunta ako sa ground floor. Sa faculty room.  Kumatok ako binuksan yung pinto.

"Oh, miss Morie, anong maitutulong ko sa'yo?"yung PE teacher ko yung bumungad sa'kin, sinilip ko yung loob at napansin niya naman na may hinahanap ako, "Ah, sino bang hinahanap mo?"

"Nandyan pa po ba si miss Italia?" tanong ko. Malaki pala yung loob ng faculty room, may ilan-ilang teachers na lang yung nandoonpero hindi ko siya makita.

"Ah, si miss Italia?" kailangan ulitin? "Nako, hija, kakaalis lang niya halos, hindi ba kayo nagkasalubong sa labas? Ano bang kailangan mo sa kanya?"

Umiling ako, "Wala naman po, thank you sir." Sabi ko at umalis na. Weird, kung kaaalis lang niya dapat nga makakasalubong ko sya, o talagang nagkasalisihan kami. Okay, wala si miss, uuwi na lang talaga ko. Gusto ko sana sila kausapin... Pero nabigo akong mahanap sila.

Pag labas ko ng lobby, di kalayuan natanaw ko siyang naglalakad papuntang main gate para lumabas. Walang duda. Si miss yon. Balak ko sana siyang habulin at kausapin pero nagbago yung isip ko. Hindi ko alam kung anong hangin ang bumulong sa'kin na sundan ko lang siya. Silly me. 

Mabilis siyang maglakad kaya as much as possible medyo malayo yung distansya ko sa kanya. Mysterious. Kung idedescribe ang adviser namin, isang word lang siguro ang pumapasok sa isip ko, misteryosa.  Masyadong siyang nababalot ng misteryo. Hindi ko alam kung may mapapala ako sa pagsunod sa kanya, to stress out, sige, para medyo makalimutan ko muna na ako pala yung may kagagawan ng blog na yun, then susubukan kong humingi ng tulong sa kanya, tama, Jill, ganun nga muna gagawin ko.

Nakarating kami ng stop light, saktong naka-go sign kaya nakatawid kami pareho, still, nasa likuran lang niya ko at hindi naman niya nahahalata na may sumusunod sa kanya. Wala ba siyang balak sumakay ng vehicle? O talagang balak niyang maglakad hanggang sa bahay niya? Ano kayang itsura ng bahay nya? Saan kaya siya nakatira? Curiosity is killing me.

Makalipas ang ilang oras, nakatawid na kami lahat-lahat sa may tulay nadaanan na namin yung palengke, mga iba't ibang establishment ng Bayan, marami na kong nadaanang distrito,  may nag-aalok na sa'kin ng kung anu-ano, mga dvd, damit, sapatos etcetera. Saan ba kasi sya pupunta?! Nakakapagod.

"Jill?" napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa'kin, "Anong ginagawa mo rito?" napansin ko na nasa 'censored' district na pala ko, kung saan hilehilera yung mga clubs, host clubs, bars, beer house. Si Alexi Sabina, nakauniporme siya na pang-waitress.

"Ah..." wala akong maisagot, "Wala, pauwi na ko."

"Naglalakad ka lang pala. Sandali lang." pumasok siya sa loob, hindi ko alam kung ba't hinihintay ko pa siya, tinatanaw ko si miss Karen baka mawala siya sa paningin ko, "eto o." nagulat ako nang abutan nya ko ng isang bote, juice yon. "Sige na, bye." Bumalik na siya sa loob. Wow.

So, bumalik ako sa pagsunod kay miss, hindi pa rin kami nakakalabas ng district na to, ang dami kasing mga establishments, napahinto ako nang makita siyang pumasok sa  loob ng isang club.

Wait. Ano to? Part time siyang nagtatrabaho roon tuwing gabi? Teacher sa umaga?.... Tapos... Bigla siyang lumabas kaagad doon sa club, may kausap siya pero hindi ko makita tapos naglakad na siya paalis, hindi naman siguro talaga siya nagtatrabaho ron. Medyo nakahinga ko ng maluwag.

Hanggang sa makalabas na kami ng district na yon, feeling ko more than one kilometre na yung nilalakad namin. The heck with this woman.  

"Saan siya nagpunta?" bigla siyang nawala na parang bula. Hindi ko na siya makita. Damn. Nasayang lang yung lahat ng nilakad ko from school.  May cab na huminto sa harapan ko at sumakay naman ako.

"Manong, sa station six." Sabi ko at tumango naman si manong na nakashades. Weird, pasado seven na ng gabi at nakashades pa rin siya? Where is the sun kuya? Gusto ko sanang itanong pero wala akong ganang makipagpower trip sa kahit na sino. Hindi ko napansin na napaidlip ako. Siguro dahil sa pagod.

"Jill Morie. Come. With. Us." Napamulat ako bigla dahil sa mga boses na naman na tumatawag sa'kin. Damn hanggang dito ba naman! Tsaka ko napansin na iba yung lugar na tinatahak namin, hindi ko alam kung saan ako dinadala ni manong.

"Saan ho tayo pupunta? Hindi naman ho rito yung daan papuntang station six!" sigaw ko sa driver pero parang tuod lang si manong na nagdadrive. "MANONG!"  palihim akong nagdadial sa cellphone ko, wala na kong oras para pumili ng tatawagan.

May tumunog mula sa speaker niya at nagsalita yung driver, "Dala ko na boss." Kinakabahan na talaga ko. Binuksan ko yung pinto at lumabas kahit na umaandar yung kotse, do or die. Naramdaman ko yung sakit at kirot habang pagulong-gulong ako sa kalsada. Hindi ko alam kung nasaan na ko, madilim.

Akala ko tuluyan na kong nakatakas pero may itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. May mga lumabas na lalaki, mga nakapormal na suot at nakashades. Hindi na ko nakatayo dahil kaagad silang may iniispray.

Parang umiikot yung buong mundo..

***calling C.E.***


"...tulong..."



Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nakidnap ako. Isang malaking fact 'yan. Pero hindi ganitong lugar ang inaasahan ko. Madilim, mabaho, makalat, parang abandonadong junk shop, mga nagsusugal na kidnapers, amoy alak, malademonyong tawa, yan yung ineexpect kong bubungad sa'kin paggising ko, pero hindi, nasa isang tahimik na silid ako. Nakapagtatakang hindi ako nakagapos. Nasa sahig lang ako. Bumangon ako kahit na masakit pa yung mga nagasgas kong binti at braso. Dahan-dahang pumunta sa pintuan pero nakarinig ako ng boses.

"Wag kang mag-alala boss, nandito lang siya, mahimbing na natutulog, matagal pa naman talab nung inispray sa kanya.... Ah, sige, sige boss." Kinakabahan pa rin ako. Kailangan kong makaalis dito. Nakarinig ako ng mga yabag galing sa labas kaya napahinto ako. Akala ko papasok sila.

"Pinapatawag tayo sa baba nila boss."

Nawala na sila sa labas pero nakalock yung pinto. Hindi ako makakalabas. Isip Jill, isip. Hindi pwedeng maabutan ako rito nung boss nila. At sino namang magpapakidnap sakin? Naglibot ako sa silid. Parang bedroom na naging lumang bodega, may malaking lumang kama, mga tokador, mga cabinet at kung anu-ano pa. Pinagbubuksan ko yung cabinet nagbabakasakali ako na may makita ako na bagay na makakatulong sa'kin sa pagtakas. May bintana, lubid, kailangan ko ng lubid.

 May natabig akong maliit na kahon at naglikha iyon ng ingay, pinulot ko yon at nakita sa loob ang isang susi. Sinubukan ko kagad yon sa pintuan pero nabigo ako. Tsaka ko naalala na may isang cabinet akong hindi mabuksan, baka iyon yung susi para ron. Sinubukan ko at bumukas nga. Walang lubid, pero naagaw nito ang atensyon ko, may isang makapal na envelope. Mas kumabog yung dibdib ko dahil... Yung stamp ng envelope na ito at envelope na pinadala sa'kin... Magkapareho. Isang black diamond na may puting letter 'M' sa gitna. Binuksan ko yon at hinalungkat ang laman. Iba't ibang papeles na hindi ko maintindihan.

Memoire

Iyon yung seal nung bawat papeles. Memoire?

"Ano 'to..." isang lumang larawan. Larawan ng isang babae. At kilalang kilala ko kung sino yon. Kahit na kupas na ito at nakangiti siya sa larawan..... Miss Karen, sino ka ba talaga?

<///3

[THANK YOU ULIT. Pakiclick yung external link kung gusto nyong mapanuod yung hinahanap hanap kita ni Cloud este Migz Haleco pala <3 <3 ]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top