/34/ Back to Reality
"You're a Peculiar, Jill."
"Peculiar?"
"That's how we call our kind."
"Pwede ba kitang makausap?" naputol ang pagbabalik alaala ko nang gambalain niya ang pag-iisa ko rito sa malawak na bakuran ng Villa Barbara. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap dito gayong napakaaga pa. Tumango lang ako bilang pagtugon at muli kong ibinalik ang tingin sa magandang tanawin. Ineexpect kong uupo siya sa tabi ko o pupunta siya sa harapan ko na palagi niyang ginagawa pero nanatili lang siyang nakatayo sa may gilid.
"Hindi porket ayos na ang buong klase natin, okay na rin tayong dalawa, Jill." Umpisa niya. Ano pa nga bang aasahan ko sa'yo Lily? "Iyon lang naman ang gusto kong sabihin sa'yo, gusto ko lang ipaalala." Bago siya tuluyang maakalis ay nagsalita ako,
"Salamat." Alam kong napahinto siya sa sinabi ko at napatingin ulit sa'kin, kitang-kita sa sulok ng mata ko.
"P-para saan naman?" mataray niyang tanong.
"Dahil mas pinili mo akong iligtas noon." Noong gabing pinili niya ako kaysa kay Ireneo. Hindi ko na sigguro kailangan pang malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa yon, kahit na gusto kong itanong. Umismid lang siya at natulala saglit.
"I-isipin mo na lang na ginawa ko lang ang papel ko bilang half-sister mo." Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating, "Nakakairita ka sa totoo lang." napangiti ako sa sinabi niya, music to my ears kumbaga, "Masyado ka kasing espesyal, Jill." Espesyal nga kung maituturing... espesyal... naiiba sa nakararami. Umalis na si Lily, naglaho na rin yung ngiti sa labi ko. Noong gabing sinabi nila na isa akong Peculiar, hindi ako makapaniwala na may tawag pala sa kakaibang tao katulad ko... Peculiar...
"Isa rin akong Peculiar, Jill. Katulad mo may mga nakikita rin ako sa mga mata ng ibang tao, pero hindi hinaharap kundi mga nakaraan nila. Sana naiintindihan mo ako." Hindi ako ganon katanga para hindi maintindihan ang sinabi ni Morris sa'kin. Kung ganon... Kaya pala noong hinawakan niya ako napanuod ko sa isip ko yung mga nangyari noon kay Aya... at kaya pala sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya... wala akong ibang makita kundi ang nakaraan.
"Paano mo nalaman na nakikita ko ang-..."
"Matagal ko ng alam, Jill. Kahit si Lucille alam niya rin..."
"She's a Peculiar too." Sabi ni miss na ikinabigla ko.
"Si Lucille?" sobrang naguguluhan ako sa mga nalalaman ko, "Teka! Hindi ko pa rin kayo maintindihan!"
"Jill..." pero pinigilan ni miss Karen si Morris sa kung anong gusto nitong sabihin, tumingin sa'kin si miss Karen ng hindi nagbabago ang ekspresyon, walang bahid ng kahit anong emosyon, blangko.
"Hindi mo talaga maiintindihan kapag hindi mo inintinding mabuti, Jill. Peculiar ang tawag sa mga kagaya mo na may kakaibang tinataglay na kakayahan na hindi kayang gawin ng ibang normal na tao. You, including Morris and Lucille are Peculiars." She explained. Pero hindi kayang idigest ng sistema ko yung mga naririnig ko, parang hindi sapat ang dictionary para ibigay ang katuturan ng salitang 'Peculiar'. Masyadong malalim. Masyadong kumplikado. O sadyang hindi lang talaga kaya tanggapin ng sistema ko o baka masyado akong nabigla sa nalaman ko na hindi lang pala ako nag-iisa... hindi lang pala ako nag-iisang ganito... na kakaiba sa nakararami. Ewan. Tiningnan ko lang silang dalawa, huminga ng malalim si miss Karen, "I guess you need to take your time, Morie. We'll discuss this matter after this recollection, sa ngayon kailangan mo na siguro munang magpahinga.You must be bemused due to too much revelations. Just rest first."
Doon nagtapos angpag-uusap namin noong gabing 'yon. Leaving me so confused and puzzled, pero tama nga siguro si miss, kailangan ko ngang magpahinga muna dahil masyadong maraming nangyari. Marami akong nalaman, masakit man, pero sa huli naging maayos din ang lahat. Somehow I'm glad that Morris asked that favor to miss... Concern siya para sa'kin pero miss Karen did those things for everyone's sake. After that 'survival game' na naging turning point pa ng buong klase namin,kinabukasan ay para bang walang nangyaring kakaiba noong nagdaang gabi, pero andoon na yung fact ng pagbabago, pagbabago ng mga puso ng bawat isa. 'To change your hearts' palagay kong hindi namin makakalimutan ang phrase na 'yan, natalima na rito sa puso't isipan.
"Jill! Pinapatawag na tayo! Kakain na ng breakfast!" napalingon ako at nakita ang sumigaw na si Aya na nasa entrance ng garden, kasama niya si Penelope at Stephen, ngumiti ako sa kanila tsaka tumayo at naglakad.
Tama nga yung sinasabi nila na kapag masyado kang nalilibang ay hindi mo namamalayan yung ikot ng oras, bumibilis daw ito kapag masaya ka. Huling araw na naming lahat dito sa villa Barbara, ibig sabihin ito na yung huling araw ng recollection namin. Pagkatapos, back to reality ika nga. Babalik na kami sa realidad, sa mga kanya-kanya naming buhay kapag umalis na kami rito. Pagkatapos ng almusal ay kaagad kaming pinabalik ng facilitators, na naging kasabwat ni miss noon, sa common room para sa huli naming activity.
"Grabe, ang dami ng nakaattach na memories sa kwartong 'to no." sabi ni Baldo, kinailangan pa niyang lakasan yung boses niya, maingay at masayang nag-uusap usap kasi silang lahat habang hinihintay namin si miss Karen.
"Wow, men, kelan ka pa naging sentimental ha. Ultra gay!" biglang sumulpot si Tadeo, binatukan tuloy siya ni Baldo at tumawa sila pareho, "hahahaha, nababakla ka lang men! Aray!" malungkot kung iisiping hindi namin nakasama si Tadeo rito, kahit na lagi silang nag-aaway ni Aya.
"Oo, sa sobrang sentimental parang gusto ko ng magpadala sa mental hospital." Speaking of Aya, she's fine now, though minsan may mga awkward moments siya dahil nahihiya siya sa'ming lahat, mabuti na lang at nandyan sila para icheer up siya.
"Whew, akala ko nga tuluyan ka ng nabaliw babaeng manok, kasalanan mo to iiih!" ginaya pa ni Tadeo yung ginawa ni Aya noon, natawa kaming lahat sa ginawa niya.
"KUPAL KANG TADEO KA! NAKAKAASARKA NA!" pinaghahampas naman siya ni Aya.
"Hoy, tama na nga yan. Dadating na si miss." Napatingin ako sa sumaway, mas natawa ako lalo sa itsura ni Ireneo, hindi pantay yung bangs niya dahil sa ginawa ko, ang gara tuloy ng itsura niya, mukang alien at mukang ok na rin siya kagaya ni Aya. Well, ok naman na kaming lahat. Hopefully and grateful.
"Andyan na si ice doll." Bulong ni Aya, nagsiayusan silang lahat ng upo at natahimik ng nasa harapan na si miss Karen, cold as usual.
"Ice doll?" tanong ko.
"Iyon yung code name na ginawa nila for miss." Bulong naman ni Penelope na nasa kanan ko. Pinigilan kong mangiti. Seriously, ngayon lang nila nabigyan ng code name ang adviser namin. Ice Doll? Well it suits her.
"Good morning." She greeted in a lifeless way, sumagot kami pabalik ng pagbati. Napansin kong may dala siyang paper bag, mukhang marami ang laman, nilagay niya iyon sa mesa at may kinuha mula sa loob, mga papel, "I hope you brought your pen." Sabi niya habang inaayos 'yon.
"Miss, wag mong sabihing may exam na naman po?" biro ni Tadeo na naglikha ng ingay dahil sa tawa ng mga kaklase ko. Tumingin si miss Karen sa'ming lahat na para bang sinasabi na 'what are you laughing at?' dahilan para matihimik sila. Ganyan, malakas masyado ang dating ng titig niya, tingin pa lang, pamatay na. Tumikhim si Tadeo, "Sorry po." At pinigilang matawa. Pinamigay na ni miss yung papel. Katulad ng emosyon ni miss, blangko rin yung papel, kulay peach ito at makapal. Hindi naman siguro exam 'to katulad ng sinabi ni Tadeo.
"That is your last activity; I want you to write your own letter to yourselves ten years from now." Letter? Para sa sarili ko? Ten years from now? "I'll give you one hour to think about it, any questions?" no one raised, "I'll collect the papers later."
Hindi ko alam kung ako lang ang hindi excited tungkol sa 'letter to myself ten years from now' pero parang pagdating sa salitang 'future' nanghihina ako. Walang pumapasok sa isip ko na kahit ano na pwedeng isulat... I can see their future, I can see someone's future, I can tell what might happen to them, and I can see their unborn fates.... But why I can't tell what's mine? Why can't I see my own future? Samantalang sila, pinagmamasdan ko sila ngayon, ang saya-saya nilang sumusulat para sa sarili nila. Bakit ba hindi ko rin kayang maging masaya para sa sarili ko? Katulad nila na puno ng pag-asa ang mga puso para sa kinabukasang hindi nila nakikita.
Mabilis ding tumakbo ang oras kapag masyado kang nag-iisip. Lumipas ang isang oras at hindi man lang nabahiran ng tinta ang papel ko. Tinupi ko ito sa gitna at ipinasa... ng walang laman. Tiningnan ko yung papel ng iba, halos mapuno ang isang papel, may mga emoticons at drowing pa yung iba. Nakakatuwang isipin na ganun sila kaecstatic sa aspect na 'future', nakakainggit.
Nang makolekta na lahat ni miss yung mga papel ay nilapag niya iyon sa mesa at may kinuha na naman mula sa loob ng paper bag na dala niya kanina. Hindi lang ako kahit silang lahat ay na-eexcite din sa kung anong kinukuha ni miss. Tsaka kami pare-pareho nasurpresa sa nilabas niya. Papel ulit. Yung kulay itim. Yung itim na papel na pinagsulatan namin noong ng mga future paths plans namin sa buhay.
"Remember these black papers?" tanong niya at nagpakita ng isang kopya ng itim na papel, may pangalan iyon sa itaas na bahagi ng papel. "I know that you all of you thought that I'm crazy because I told you to write down your future paths in these papers." Well, matagal ko ng gustong isipin na baliw ka nga miss Karen. "Do you have any idea why I commanded you to write down your future paths in black papers?" walang sumasagot, "Sige, iibahin ko yung tanong... If you draw a picture using a red pen in a red paper, what would you get? Same concept in if you write your future using a black pen in a black paper, what would you see?"
Wala kang makikita.
"Of course, you wouldn't get anything, you wouldn't see anything." Huminto siya saglit habang tinitingnan kaming lahat, para bang inaalala ang itsura ng bawat isa, "You can't see anything but you knew that there is definitely a picture there. And why I am telling you this?" tumingin na naman siya sa'min, she's seeking for an answer I guess, pero walang may gustong sumagot sa dahilang nakikinig silang lahat mabuti sa bawat salitang minumutawi ni miss... "...A picture that you can't see but it's there is what you called the future... Your future is not predetermined yet. Your future is completely blank. No one can see that future not until when you get there." May kinuha siyang isang itim na papel "well, except for this fella." We laughed when she showed the paper to us 'MAGIGING GWAPONG CEO' gamit ang correction fluid bilang panulat.
"M-miss naman! Kailangang ibandera yung papel ko?!" , walang duda na si Tadeo ang nagmamay-ari ng papel.
"Kapal! Gwapong CEO daw! AHAHAHAHAHA"
"Mr.Tadeo just destroyed the concept of the black paper, but this paper really reflected his character." Napahinto sila sapagtawa, "It shows that he doesn't easily give up on his dreams, that he'll do anything for it. You impressed me, mr.Tadeo." sa sinabi ni miss umugong ang malakas na hiyawan sa buong kwarto at puro kantyaw.
"Pag-ibig na ituuu!" sigaw ni Baldo.
"Ayieee! Nagblush si Roman!"
"Ganyan pala mga type ni miss! AHAHAHA!"
"Nako! Miss! Crush ka ni Roman noon pang first day! HAHAHAHA"
"Wooo! Karen and Roman is hart hart."
At kung anu-ano pang kalokohan ang sinisigaw nila.
"TUMIGIL NGA KAYO! BAKA MAGSELOS SI AYA!" sigaw ni Tadeo
"KAPAL MO. UNGGOY!" si Aya.
Nawala na yung alalahaning dinidibdib ko kanina, I laughed along. Pero... yung concept ni miss Karen ng 'black paper future'... naging speechless ako. Hindi ko naisip na ganun pala yung gusto niyang iparating sa pinagawa niya. Napahanga ako sa konseptong sinabi niya... at the same time... nakakainspired... pero... ayan na naman tayo sa 'pero', hindi ganon kasimple ang lahat. Kung normal lang ako kagaya ng mga kaklase ko maiintindihan ko siya ng lubos. Para sa kagaya ko na nakikita ang 'future' nakakainsultong marinig na 'you can't see the future' though nakikita ko ito? Anong gusto niyang ipahiwatig?
Binigay na ni miss yung oras for the rest of the day sa'min, mabilis ding tumakbo ang oras habang nag-sasaya kaming lahat sa loob ng villa Barbara, nagyaya silang magswimming doon sa hidden falls na natagpuan daw nila Baldo noong hinahanap nila ko, at kung anu-ano pa ang niyaya nila.Konting oras na lang at babalik na kami sa totoong mundo.
Sumapit ang hapon, malapit ng lumubog ang araw nang dumating ang bus na susundo sa'min. Oras na para lumisan. Tapos na ang recollection namin. Napahinga ako ng malalim. Nag-aalala ako para sa mga bagay na kailangan ko ulit harapin. Pinauna ko na sila Aya na bumaba dahil nahuli akong mag-ayos ng gamit, nang maisara ko ang pinto ng silid namin, pagharap ko ay nakita ko si miss, lumapit siya sa'kin.
"You're disobedient as always, Morie." Sabi niya at ipinakita sa'kin yung blangkong papel.
"Funny, nakikita ko kung anong mangyayari sa ibang tao pero hindi ko nakikita kung ano ang sa akin. Isang malaking paradox." Bahagya akong natawa, "Well, except sa'yo miss, dahil hindi ko nakikita ang future mo sa di ko malaman na dahilan."
"Lahat tayo may kakayahang makakita ng hinaharap,Morie. You can see your own future if you just look within it." Sabi niya at inabot sa'kin yung papel, "I'll give you more time to think about it, kapag tapos ka na, you can pass it to me anytime." Tumalikod na siya,akala ko aalis na siya pero, "About that..." lumingon siya... at ngumiti... "...You'll know... soon." Tapos umalis na siya ng tuluyan.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko sa buong byahe, siguro dahil sa pagod. Wala akong ibang gustong gawin kundi matulog, pagdating ko sa loob ng apartment ko nadatnan kong malinis 'yon at may nakahaing pagkain sa kusina, alam siguro ni manang Fe nan ngayon yung uwi ko, katabi ng pagkain ay isang itim na envelope. Kinain ko yung pagkain, hindi ko pinansin yung envelope dahil baka invitation lang yon mula sa magaling kong ama, nagpalit na ko ng damit. Kama ang una kong hinanap sa loob ng kwarto at sumalampak. Seven o'clock na ng gabi... Sigurado akong paggising ko kinabukasan muli kong haharapin yung mga bagay na hindi ko pwedeng takasan...
"Jill... Morie..." nagising ako bigla dahil narinig ko na naman yung mga boses na malalim na tumatawag sa'kin noon... O baka panaginip? Bakit? Bakit ko na naman sila naririnig? Sumulyap ako sa orasan, ala una ng madaling araw... Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako nagising ng alas tres pasado tulad noon... devil's hour...
Naisipan ko na lang kuhanin sa bag yung papel na binigay ulit sa'kin ni miss Karen kanina... Baka makatulog ulit ako sa pag-iisip ng pwedeng isulat sa sarili ko ten years from now... Pero bago 'yon... may naalala ako... Kaagad kong binuksan yung laptop ko at pinuntahan sa web... yung blog... yung pesteng issue tungkol sa blog na kailangan kong ayusin.
Walang nadagdag na kahit ano sa blog... Ganun pa rin... Kinuha ko yung cell phone ko at tinawagan yung taong nakakaalam kung sino ang may kagagawan ng blog na 'yon...
*Ringing*
"H-hello?" buti na lang at sinagot niya.
"Yue."
"J-jill... Bakit gising ka pa?"
"Ikaw, bakit gising ka pa?" balik tanong ko sa kanya.
"Hindi kasi ako makatulog."
"Ah. Ako rin. Yue..."
"Hindi ako makatulog sa kakaisp dahil sa natrack ko, Jill... Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo... Hindi ko alam kung paano ko sasabihin... Jill... Hindi ko rin alam kung bakit pero..." takot na takot yung boses niya...
"Yue..."
"Jill, address mo ang natrack ko."
Bigla kong nabitawan yung cell phone ko... A-anong ibig niyang sabihin?
"Jill?---*toot*"
Napaupo ako sa sahig, baka nagkakamali lang si Yue, o baka nananaginip lang ako ngayon. Imposible. Napatingala ako... Naglibot ako ng tingin... Hanggang sa makita ko ang isang maliit na bagay na nakatago sa ibabaw ng cabinet... ang direksyon ng bagay na yon ay nakatutok sa kinalalagyan ko... Camera?
Lumabas ako ng kwarto at hinanap ko yung itim na envelope na nakita ko kanina... Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa'kin na tingnan ko kung ano yung laman nito... Nanginginig yung mga kamay ko pero pinilit ko iyong buksan.
At mas lalo akong nagimbal sa nakita. Mga larawan na kapag pinagsunud-sunod ay may sequence, sa ibabang bahagi ay may oras.... Sa pagitan ng alas una hanggang alastres... pinagsunud-sunod ko yung mga larawan... Mula sa natutulog ako, pagbangon ko ng kama, bubuksan ko yung laptop, at magtatagal ng kalahating oras, atsaka babalik sa pagtulog...
"Ano to?" bulong ko... ang lakas ng tibok ng puso ko...
Sa nalaman ko ngayong gabi... ibig sabihin... Ako... Ako yung may gawa ng blog. Nang hindi ko nalalaman. Sleep walking? Multiple Identity Disorder? Hindi ko alam... Nababaliw na talaga ata ako.... Pero... Kanino galing tong mga larawan na 'to? Kanino?
May naalala ako bigla.
"Hindi mo pa ba 'ko titigilan?!"
"Oo, nalagay ko na nga sabi yung cameras. Masaya ka na?" cameras? "Nasunod ko na yung gusto mo so please tigilan mo na 'ko." May halo ng pagmamakaawang mababakas sa tinig ni Lily. I wonder kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila.
"We have a deal! Nagawa ko na yung pinagagawa mo, so I hope you'll be fair enough."
"Bakit para kang nakakita ng multo?" pang-aasar ko. "Sino naman ang kausap mo?" hindi naman nya ko matingnan ng diretso kaya ako yung nag-eenjoy na tumingin sa muka nyang parang naflush.
"W-wala! It's none of your business. Excuse me."
Lily.
Kapag nalaman kong may kinalaman ka sa mga kalokohang nangyayari sa'kin, mananagot ka.
Ikaw ang magpapatunay na hindi pa ko nababaliw. Lily Cortez Morie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top