/33/ Resolution
TILA biglang bumagal ang paggalaw ng buong paligid. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa braso ko. Para akong naging bingi, na walang ibang marinig kundi ang tunog ng oras na unti-unti nang nauubos. Nagkakagulo silang lahat sa di maipaliwanag na dahilan, sa takot na sasabog nga ang bomba sa kahon na iyon.
"A-anong ibig mong sabihin, m-miss Karen, n-nagsasabi ako ng totoo.".
"I'm sorry."
Hindi ko inaasahan na aabot sa ganitong punto ang lahat. Hindi ko inaakala ang lahat ng mga sinabi ni Aya. Mga palaisipang nanatili pa ring palaisipan. Katotohanang ikinubli ng kasinungalingan. May mga sumisigaw ng pangalan ko, pero natuod lang ako sa kinatatayuan ko. Katotohanan o kamatayan? Kalokohan.
3
2
1
...
Everthing went black... Sa isang iglap natahimik sila, tumigil din sila sa paggalaw. Nakakabingi ang katahimikan. Napapikit ako kasabay nang pagbalik ng mga alaala sa isip ko, mga pangyayari sa nakalipas, masasaya, masasalimuot. Hindi ko alam kung masyado lang akong madrama, pero ganito ba talaga kapag malapit na ang katapusan mo? Hindi ako sigurado. Tiyak kong wala akong mararamdaman... Pero...
"Jill!"
Ang boses na 'yon...
"Jillianne!"
Napadilat ako.
"Tingin ka rito, say hi!"
Hindi lang ako, maging sila, nakatutok sa screen na muli na namang lumiwanag... at nakaplay ang isang video... mula sa nakalipas. Pare-pareho naming hindi alam kung paano, bakit, kailan... Napawi ang takot sa aming mga dibdib, napalitan ng pagtataka, pagkabigla... Sabagay, sa simula pa lang marami ng mga tanong na may naghihintay na kasagutan.
"Cille, bumalik ka na sa formation!"
"Later! Mag-hi ka muna!" Di ko inaakalang may nag-eexist pa palang ganitong memorabilia. Si Lucille ang may hawak ng video cam, pilit niyang kinoclose-up sa'kin yung cam habang nagpapractice ang block namin sa cheering competition, maririnig pa sa background yung ingay ng mga nagpapractice pero nangingibabaw pa rin yung boses niya, "That's Jill, she's my best friend, ang ganda niya no? Cool pa." nagsasalita siya na para bang kinakausap kaming lahat, "What I really like about her is that she has free-will personality, like who cares? On the outside she looks so serious, pero inside she's really cute talaga." Inilipat niya sa ibang direksyon yung cam, "and here is my second best friend, Morris, hindi niya gustong tinatawag siya sa first name niya, ang baho kasi," she giggled, "but I still want to call him in his first name, hoy, George! George!"
"Tigil mo nga 'yan, magpractice ka rito."
"Napipikon na siya, haha." Inilipat na naman niya yung view, "And there's... James! I always thought that his eye glasses is pretty cool, wala akong masabi sa kanya, he's a great leader. Yoh leader, keep up the good work!" kitang-kita sa camera ang pag ngiti ni Ireneo. Nagring ang bell sa background... "Yey! Break time! Look papalapit na sila rito para kumain, buti na lang tinulungan ako ni Penelope mag-ayos ng merienda, hi Pen!" pero tinakpan ni Penelope yung mukha niya, "Don't be shy, Pen! Ayan na sila oh. Hey guys! Kamusta practice?"
"Madaya ka hindi ka nagpapractice." Si Morris, pilit na inaagaw yung camera sa kanya.
"Hey! Wag kang epal, George. Hi guys! Say hi!"
"Hi!" they all waved cheerfully...
"So, this is our class block B first year in junior high, so far everything's great, ang daming mga moments na masasaya in our class. Tingnan niyo, the duo, si Cris at Roman," the camera began to wobble, pinag-aagawan kasi ni Baldo at Tadeo yung screen
"Yoh, yoh, ako nga pala si Roman Tadeo ang pinakagwapong nilalang sa---"
"Kupal ka, Tado, sige lagot ka kay Senji"
"Joke lang men, 'Cille, Senji oh." She zoomed the camera to his face, si Tamaki, "Men! Mag hi ka naman!" pero kinamot niya lang yung ulo niya, "Pagpasensyahan mo na yang si Senji, alam mo na, mahina yan sa'yo eh—aray! Baldy, sakit ng siko mo ha!"
"Marinig ka ni Senji, lagot ka."
"Bakit, Cris?"
"Wala! Wala! Sibat na kami ni Tadeo haaa,"
We're stunned. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Lungkot. Saya. Takot... Sobrang daming tanong pa rin ang nananaig sa isip ko. Bakit? Bakit nangyayari 'to... Para saan? Gusto kong makausap si Lucille... kung buhay lang siya... o kahit sa panaginip o guni-guni, pwede ko ba siyang makausap? Bakit iniwan niya kong ganito? Bakit iniwan niya kaming lahat ng ganito?
Inagaw ni Morris yung video cam sa kanya atsaka siya kinunan, we can now see her angelic face, the face that we'll surely never forget, "Hey, it's me, Lucille, sobrang saya ko na kasama ko kayo, two years to go na lang for graduation, I hope we'll stick together until the end, I will surely miss you all, bye bye!" She waved then the video ended. Bumukas yung mga ilaw sa common room, napatingin ako sa kanila, hindi rin sila agad nakabawi dahil sa napanood, maging ako, hindi ko alam kung ano ang dapat ikilos na para bang naging awkward ang lahat dahil sa mga sunud-sunod na kaabnormalan na nangyayari. Pero hindi pa pala roon nagtatapos ang lahat, sa kisame, bumukas ang isang kwadradong lagusan at mula roon nagsibagsakan ang mga papel—mali... mga photographs na nagmistulang confetti na bumabagsak sa sahig... Pumulot ako ng isa, at hindi nga ako nagkamali, picture iyon, picture naming lahat noon. Nakita ko sila na may kanya-kanya ring hawak na larawan sa kamay, yung iba nakayukod na sa sahig habang tinitingnan yung mga pictures.
"Those photographs belong to her." Lahat kami napatingin sa pinanggalingan ng boses, this time hindi na namin siya sa screen nakikita, narito siya ngayon, buhay na nakatayo sa may pintuan, hindi na siya nakangiti at kagaya ng palagi niyang suot na ekspresyon, blangko at malamig ang tinig ng kanyang boses. Nagsasalita siya ngayon sa harap naming lahat na para bang walang nangyari kanina, "Sad to say, mali ang isinagot ni Mariah kanina. That's why I need to press this." Yumukod din siya para kumuha ng isang larawan na nakakalat sa sahig at kaagad ding tumayo, "Surprised? I did those to remind the things that you have long been forgotten" tumingin siya sa larawan na hawak niya at nagpatuloy sa pagsasalita, "I knew your secrets. Alam ko ang buong katotohanan, pero hindi dapat ako ang magsabi sa inyo ng lahat. In life, we have so many questions to ask, and we, humans, are living to find the answers in those questions. May mga misteryo na habambuhay ng hindi nabibigyan ng kasagutan, pero may mga kanya-kanyang susi sa bawat tanong, hindi mo nga lang alam kung kailan at saan mo ito mahahanap. There will be always a purpose." She turned back, akala namin aalis siya pero nagkamali kami, humakbang siya ng ilan at may hinila mula sa labas, si Aya. "Nagsisimula pa lang tayong lahat, to get all things clear, we'll finish what we've started. Go back to your seat." Para kaming mga robot na sumunod sa kanya, kaagad kaming bumalik sa kanya-kanya naming mga pwesto na parang walang nangyari kanina, maliban sa kanilang dalawa ni Aya, hawak pa rin siya ni miss sa braso hanggang sa makarating sila sa harapan. "We're—"
"Kasalanan mo 'to eh." Naputol yung pagsasalita ni miss nang nagsalita si Aya habang nakayuko, pinilit niyang bumitaw sa pagkakahawak sa kanya ni miss Karen. Sa totoo lang, nag-aalala ako sa kalagayan niya, imbis na mangibabaw ang galit sa dibdib ko, naaawa ako sa kanya, kahit na kung matatawag bang 'tinraydor' niya ako bilang kaibigan. "Kasalanan mo!" nagulat kaming lahat nang tutukan niya ng cutter si miss Karen. Napatayo ako sa kinauupuan ko maging sila Baldo.
"Aya!" sigaw nila Penelope pero hindi siya natinag. Hindi nagpakita ng kahit anong takot si miss Karen habang nakatingin siya kay Aya.
"Hindi naman sana mangyayari lahat ng 'to kundi lang dahil sa'yo." Nanginginig ang mga kamay ni Aya kasabay ng pag-agos ng luha sa kanyang mga mata, hindi ko siya kayang tingnan ng ganyan, she look so helpless... depressed... "Kahit kayo hindi niyo rin naman ako maiintindihan!" bigla niyang tinututok sa sarili yung patalim.
"Aya, please, bitawan mo yan." Sabi ko sa pinakamahinahon na paraan. Pero mukhang walang epekto, mahigpit pa rin niyang hawak yung cutter, sigurado akong hindi na ito ang unang beses na tinangka niyang magpakamatay. Knowing her past... a painful past... I'm sorry Aya, hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan mo.
"Hayaan niyo siya," nagsalita si miss, "kung iyan ang gusto mo, Mariah, then go ahead. Iyan ba ang gusto mong ipakita sa kanilang lahat? Hindi pa ba sapat yung dalawang taon para ipagkait ang totoo, Mariah? Sa tingin mo ba kapag namatay ka mapapatawad ka nila? Bakit ba mas nabubuhay ng matagal sa mundo ang mga taong may kasalanan?" unti-unti siyang humahakbang papalapit kay Aya, ",hindi ba para mapagbayaran nila yung mga nagawa nila?" atsaka niya kinuha mula sa palad ni Aya ang cutter at tinapon ito sa sahig. "nabubuhay sila sa mundo para itama yung mga pagkakamali noon. Binibigay ko na sa'yo yung pagkakataon na 'to hindi para itama ang mali, kundi para sa ikabubuti niyong lahat."
"Aya," hindi ko alam ang dapat kong sabihin, ",handa kaming makinig. Please." I wish it will work. She let out a sigh, nakayuko pa rin siya at dahan-dahang nag-angat ng tingin..
"Jill. Sorry." Sorrow. I can feel her. Hinarap niya na kaming lahat, with all her strength kahit na kaunti na lang, pinilit niya "Lahat ng sinabi ko kanina... totoo. Nakikita niyo ko araw-araw... palaging masaya, palaging nakatawa...makulit... parang walang pinoproblema sa buhay... pero hindi niyo alam kung ilang ganito ang meron sa braso ko," she raised her wrist, hindi makikita sa malayo pero kapag tinitigang mabuti may makikita kang mga pilat na naghilom, "ilang beses ko ng tinangkang magpakamatay pero heto buhay pa rin ako." Pinilit niyang ngumiti pero makikita mo pa rin yung pait sa itsura niya, "sa dinamirami ng kalupitang naranasan ko, sa school, sa mga kaklase ko dati, kahit sa sarili kong tatay-tatayan , inabuso nila ko, lahat 'yon hanggang ngayon nakatatak pa rin dito," tinuro niya yung puso niya, "sorry kung hindi ko maiwasang mainggit ako noon sa inyo ni Morris, Jill. Oo, tama ka Morris, ako yung gumawa ng pekeng sulat at naglagay sa ilalim ng desk niya, ginawa ko 'yon bilang ganti sa inyong dalawa ni Jill pero hindi dahil sa naiinggit ako sa inyo."
"Yung dalawang tao na pinagkakatiwalaan niya at tinuturing na matalik na kaibigan, na hindi tumayo noong nasa oras siya ng kagipitan." Nagbalik sa isip ko yung sinabi niya kanina...
"...nasaan kayong dalawa noong nasa mahirap na sitwasyon si Lucille? Alam niyo ba kung gano kahirap para sa kanya na sarilinin lahat ng problema niya? Wala kayo sa tabi niya noong mga oras na kailangan niya kayo. Katulad ko naranasan din siyang maabuso, pero hindi niya sinabi sa'kin lahat, nabuntis siya at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Iyon yung naging pagkakataon para maging kaibigan niya ko. Pagkatapos bigla na lang siyang nawala... Hanggang sa mabalitaan ko na lang na patay na siya. Kaya naisip ko... na isisi sa inyong dalawa ni Morris ang lahat, naisip kong iyon ang dapat na maging hustisya sa nangyari kay Lucille." Hustisya? Nasaan ang hustisya roon? Kung ganon ito ba dapat ang maging kabayaran ng lahat ng naging pagkukulang ko noon bilang kaibigan ni Lucille? Ito ba yung kabayaran? Yung kamiserablehan na nararanasan ko ngayon? Gusto kong isigaw lahat yan kay Aya pero parang nawalan na rin ako ng lakas ng loob. May mali pa rin naman ako eh, hindi ko alam kung ano yung mga pinagdaanan ni Lucille noon, tama siya, wala ako sa mga oras na kailangan niya ko.
"Cille, may problem ka ba? Ang tamlay mo 'ata ngayon?" naalala kong tinanong ko siya noon... Pero bakit hindi niya sinabi sa'kin ang totoo niyang kalagayan? Naalala ko pa na isang ngiti lang ang isinagot niya sa'kin at sinabing, "Wala 'to Jill, ok lang ako." Atsaka siya tumalikod at umalis, nagsisisi ako dahil hindi ko siya hinabol, hindi ko nakita yung luhang tumulo sa mga mata niya noong tumalikod siya sa'kin.
"M-may tanong ako, Aya," pinipilit kong iayos yung kundisyon ng boses ko pero mukhang anumang sandal ay bibigay din ako, ",bakit? Bakit mo pa rin ako kinaibigan sa kabila ng galit na naramdaman mo? Bakit Aya?" sa parteng ito ako naguguluhan, kung sa simula't sapul ba ay naging totoo siya sa'kin, kung totoo ba talaga kaming naging magkaibigan.
Saglit siyang natahimik at pilit na namang ngumiti, "gusto kong maging siya, yung tipo ng tao na masayahin, pero alam ko kahit anong pilit ko hindi ako magiging siya, maniniwala ka ba na sa kabila ng lahat sinisisi ko na ang sarili ko kung bakit ganito yung nangyari, na sana naging kaibigan ko na lang kayo agad noong una palang, na sana hindi ako nagpadaig sa emosyon ko noon, na sana hindi ko na lang 'yon sinulat. Sana hindi na tayong lahat ganito. Gusto kong humingi ng sorry sa inyong lahat." Yumuko siya at patuloy pa rin sa paghikbi.
Walang kumibo. Siguro dahil sa dinamirami ng surpresa at mga hindi inaasahang mga pangyayari parang nadisable na silang magsalita, sana pagbalik namin sa school makapagsalita't makapag-isip pa kami ng maayos dahil sa dami ng mga kakaibang pangyayari. Bubuka pa lang sana ang bibig ko para magsalita pero inunahan niya ko.
"Mas mabigat ang pagkakamali ko." automatic na napatingin kami sa gawi niya, tama ang pagkakarinig ko,"I am the one who got that letter under her desk, you're not the only one who suffered, Martinez. Being the son of the PTA president, being special and being better than others, do you know how hard it is? I need to be perfect in everyone's eyes! I can't make any mistakes!" ito nga ata ang unang pagkakataon na nakita kong ganyan si Ireneo, hindi na katulad noon na kapag nagsasalita siya ay para bang tinitingala niya ang sarili niya, at ito rin ata ang una't huling pagkakataon na maririnig ko ang sentimiento niya, "I had no friends. I was just worried about how to get along with everyone... Pero siya... si Lucille... nagawa niya 'yon. When I heard that she died, I know it's too late for me to tell my feelings for her... pero hindi ko siya makalimutan... I am too selfish..."
"The caste I built will never break. It is the commemoration of her existence, nakukuha mo ba? That caste is the commemoration of Lucille."
"... I'm sorry."
Muli na namang namayani ang katahimikan sa apat na sulok ng silid na ito. Naglakad ako papunta sa harapan, ramdam ko ang pagsunod ng mga tingin nila sa'kin, pinulot ko yung cutter na tinapon ni miss Karen kanina sa sahig, mabilis akong humakbang papunta sa kinaroroonan niya habang binubuksan ang cutter.
"J-jill... Anong gagawin mo?" hinarang ako ni Tadeo pero hinawi ko lang siya at tuluy-tuloy ako sa pwesto niya, maging siya ay hindi rin kaagad nakagalaw ng nasa mismong harapan niya na 'ko. Kahit na mas matangkad siya, pasabunot kong hinatak pataas ang buhok niya. Maya-maya'y nagkalat sa sahig ang hibla ng mga buhok na pinutol ko.
"Mas bagay sa'yo, kapag wala kang bangs." Sabi ko sabay talikod sa kanya, papunta naman ako ngayon ulit sa harapan, kay Aya, nakayuko lang siya at di malaman ang gagawin habang nakatayo ako sa harapan niya, akala niya siguro sasaktan ko siya. Isa si Aya sa dahilan kung bakit ko tinupad ang hiling ni Haneul sa'kin, isa siya sa nagbigay ng rason sa'kin kung bakit kailangan ko ulit ngumiti. Sa dinami-rami ng mga nangyari sa'kin... masasakit man o masasaya, tiyak kong hindi ako magiging ganito ngayon. Kapalaran. Na minsan hindi rin nakikita ng sarili nating mga mata.
Niyakap ko siya. She hugged me back and started crying like a baby.
Everything happens for a reason.
Siguro nga.
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. "Kaibigan pa rin kita kahit anong mangyari. Ayoko ng maulit yung mga nangyari noon, wala rin namang mangyayaring maganda kung magpapadaig lang ako sa emosyon." Ito ang napili kong paraan para maayos ang lahat. Kahit sobrang sakit ng pagsampal ng katotohanan, ito na yung tama para sa nakakabuti ng nakararami.
"M-may gusto rin akong sabihin." Tumingin kami sa nagsalita, si Stephen, "James." Humarap siya kay Ireneo, "Gusto kong magsorry kung iniwan kita noon. Sorry kung... hindi kita tinulungan noong binubugbog ka ng mga lalaking yun. Sorry kung tumakbo ako palayo dahil natakot ako. Ang duwag ko. Hindi kita pinagtanggol. Nahihiya ako kay Lucille... dahil noong araw na 'yon binilin niya sa'kin na sundan kita, sinabi niya...na mapapahamak ka... Totoo nga... pero tumakbo lang ako. Sorry. Kung hindi kita iniwanan sa ere noon, sana magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon. Sorry, James."
"Morie." Tinawag ako ni Tamaki, "Sa inyong dalawa ni Morris... Sorry din."
Hindi lang si Tamaki, Stephen, sumunod din ang iba, marami rin silang sinabi sa'ming dalawa ni Morris, hindi... hindi lang pala para sa'ming dalawa... kundi sa para isa't isa. Sa kapwa kaklase. Kung kanina halos hindi sila nagsasalita ngayon naman ay napupuno ng salitang 'sorry' ang silid. Parang walang katapusan. Weird. Parang domino effect. To change your hearts... Ito na ba yung sinasabi ni miss Karen? Kung ganon nagtagumpay siya sa misyon niya. Hindi pa man malinaw ang lahat pero naiintindihan ko na, ang mga tanong ng kahapon ay nabigyan na ng susi, nabigyan na ng kasagutan. At isa lang ang sigurado ako ngayon, wala na... wala na ang caste. Hindi man bumalik katulad noon ang lahat, pero tiyak kong maayos na ulit ang klase namin. Nabigyan na ng sapat na closure ang kamatayan niya. Lumapit sila Baldo, Stephen at Penelope sa'min ni Aya, at sinabi rin yung katulad ng mga sinabi ko kay Aya.
Pero teka...
"Nagpakamatay siya."
"It's a lie."
Hinarap ko si miss Karen pero napansin kong papalabas na siya ng common room hinabol ko siya hanggang sa labas, "Miss Karen," tawag ko, huminto siya at lumingon, ",sinabi mo kanina na mali yung huling sagot ni Aya, kung ganon... ano ang totoong ikinamatay ni Lucille?"
"Namatay siya dahil sa isang karamdaman."
"A-anong sakit?" tanong ko.
"I can't answer that."
"Bakit mo ginawa ng lahat ng 'to?"
"I just did his favor." Hindi na siya nakatingin sa'kin kundi sa likuran ko, napalingon tuloy ako at nakita si Morris na sumunod din pala sa labas.
"Favor?" kunot noong tanong ko at nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Morris.
"Ako ang humingi ng pabor kay Miss, Jill. Ako ang humiling sa kanya na ayusin ang klase natin." Sabi ni Morris. "Kaya pinagsususpetiyahan kami ni Mariah dahil sa nakikita niya kami dati na nag-uusap."
"Hindi ko 'to ginawa para lang sa'yo, ang lahat ng ito'y para sa ikabubuti ninyong lahat, kagaya ng hiniling ni Lucille sa'kin noon." Sabi naman ni miss.
"Teka." Awat ko, "Nalilito ako, miss. Ano ba talaga ang ugnayan niyo ni Lucille? Bakit mo siya kilala? Bakit mo alam ang lahat ng tungkol sa klase namin?" Nakita ko na nagkatinginan sila miss at Morris. Nararamdaman kong may hindi pa ako alam na dapat kong malaman. Nagtanguan sila sa isa't isa bago tumingin ulit sa'kin si miss Karen at sinabing...
"Oras na para malaman mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top