/31/ Caesar Box


[Jill Morie's POV]

"MGA madadaya!" hindi na napigilan si Tadeo nang sumigaw siya bigla pagkapasok namin sa loob ng common room, "Ang dadaya nyo!" dinuro-duro pa nito yung mga iba kong kaklase na kanina pa naroon at nakaupo.

"Roman," subalit hinawakan siya ni Morris sa balikat para awatin, "tama na yan."

"Men, hindi!" inalis nito yung kamay ni Morris sa balikat at hinarap na naman sila, sila na nakatingin sa'ming sampu habang may kanya-kanyang sinasabi ang mukha, "Pinaghirapan natin yung mga clues na yon tapos sila lang yung makikinabang?! Ang duga!"

Tiningnan ko si Ireneo, nakahalukipkip,  umiiling-iling habang nakangisi, tiyak na nagbubunyi na naman siya sa tagumpay na natamasa niya ngayon. The truth is... I don't really care about winning in this game... But when I'm looking at them... silang siyam... silang siyam na naglakas loob na tumayo kanina para sa'kin... On the way here, I wanted to ask them why?

"Here." Morris handed me his jacket but I refused.

Pero parang biglang nawalan din ako ng lakas ng magtanong nang makita ko ang mga itsura nila... they looked so tired... and restless...  As we moved forward, no one dared to speak, not until we came here, Tadeo blustered.

"Ano'ng nakakatawa?!" bigla-bigla sumugod si Senji at hinila patayo yung kaklase kong tumawa kanina.

"Tamaki!"

"Talaga bang umaasa kayo na mananalo rito? Eh di hamak na siyam lang naman kayo," Nakangising sabi ni Ayton kahit na kinuwelyohan na siya ni Senji, "at isa pa, wala namang mga pinagbawal na rules si miss. Ang sabi lang niya bumalik dito. Marunong naman siguro kayong umintindi ano?"

"M-may punto siya Tamaki..."

"Tumahimik ka, Stephen." Nakikita ko mula rito ang pagtiim-bagang niya.

"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon." Binitawan niya na si Ayton, at hinarap si Ireneo, "Talunan ka pa rin, Senji. Noon. At hanggang ngayon." What a conceited beast. Kahit hindi sa'kin sinabi ni Ireneo yon biglang nagkuyom ang dalawa kong palad, gusto ko ring magalit sa mga sinabi niya sa'kin kanina pero hindi ko magawa... dahil kasalanan ko. kasalanan ko kung bakit namatay si Lucille.

Nakita ko na lang na bumagsak sa sahig si Ireneo, sa isang iglap nagkakagulo ang lahat, may mga sumisigaw, may mga umaawat, pero natuod ako sa kinatatayuan ko, at para bang wala akong naririnig... Natulala lang ako sa mga nangyayari. Walang mga salita na gustong lumabas sa bibig ko. Bakit? Bakit nangyayari 'to...

"Good evening." Huminto silang lahat at nagsi-ayos . Maging ako ay napatingin sa malaking screen, naroon na siya, nakatingin sa'ming lahat, kalmado, walang emosyon ang mukha. Parte rin ba 'to ng laro mo, miss Karen? Bakit? Bakit mo kami pinaglalaruan?  

"First of all, I want to congratulate ---"

"Miss! Nagpapatayan na kaming lahat dito wala ka man lang gagawin?!" sumigaw si Aya but she ignored her.

"I want to congratulate team one for returning here earlier, I was amazed by what I saw, your strategy is impressive."

"P-pero miss Karen, that's not fair!" Penelope said.

"Ayton was right, wala sa rules ang ginawa nila." She said blankly.  "And so... The winner of this game...is team two."

"W-wait, do we heard it right?"

"Miss, team one po kami."

Kanya-kanya silang nagsasalita habang ang grupo namin, tahimik lang at naguguluhan din sa sinabi niya. Sumulyap ako sa kanya, kay Morris, nakakunot ang noo niya at para bang mahihibang. Aya told me that he and miss have secret correlation, gusto kong malaman kung ano 'yon at kung may kinalaman ba 'yon sa mga nangyayari ngayon.

"Remember what I told you before? 'Ang unang makabalik ng magkakasama ay mananalo at matutuloy sa pangalawang laro'"

"Exactly! Nauna kaming nakarating dito!"

"Yes, I know, pero hindi kayo kumpleto, some of your members were missing. I clearly told you na bumalik kayong magkakasama. Due to your violation, team two won." Team one was already in despair. Samantala yung mga kagrupo ko hindi pa rin ata nada-digest yung mga sinasabi ni miss Karen.

"I-ibig bang s-sabihin?" Baldo was stuttered.

"Panalo tayo."

Tuloy pa rin sa pagsasalita ang team one kay miss, but she never answered back. Instead, tumingin siya sa'min.

"Dahil panalo kayo sa larong ito, team two, including you Morie, your hard work shall be compensated, a sumptuous feast is waiting at the dining hall, pagkatapos niyong kumain bumalik kaagad kayo rito." tumingin naman siya sa kanila, "And team one shall face the consequence of their defeat.  Team one are not allowed to eat."

Tuwang-tuwa sila Aya, nagtalunan at nagyakapan sa sobrang galak. Samantalang nanatili pa rin akong nakatingin sa screen kung saan bigla na namang naglaho si miss.

"Jill! Tara na, excited na kong kumain!" Naramdaman ko na lang na hinila ko ni Aya at Penelope palabas ng common room para pumunta sa komedor. Bago kami makalabas sinulyapan ko yung mga iba naming kaklase, nakatingin sila sa'kin at bakas sa mukha ang panglaw. Pagdating sa dining hall, naghihintay nga sa mahabang mesa ang masaganang pagkain na nakahain, umuusok pa yung kanin at malalanghap ang mabagong aroma ng mga putahe. Walang pag-aatubili na umupo sila, hinila lang ulit ako ni Aya at magkatabi kami sa mesa. 

Nakaamba na sa pagkain sila Baldo pero inawat sila ni Penelope, "Wait, magdasal muna tayo bago kumain, I'll lead the prayer---" but she was interrupted by the growling sound of stomach.

"Haha, hoy Tadeo grabe gutom ka na talaga no." sabi ni Aya.

"Hoy, di ako yon!"

"Sus nahiya pa."

"Hindi nga ako yon, ang kulit mo, Martinez. Baka ikaw Baldy?"

"Hah, asa ka, Tado. Baka si Tamaki, di nagsasalita eh, hahaha. Joke lang tol."

"S-sorry." Sabi ko. "Ako 'yon." I slightly smiled. Yeah, gutom na gutom na talaga ko kanina pa, I can't help it, tao lang din naman ako, nagugutom, nanghihina. They just giggle, pero ang awkward dahil katapat ko si Lily, tapos si Sabina nasa tabi ko.

Penelope lead the prayer at pagkatapos ay parang bibitayin kung kumain sila. Walang pakundangang nagkamay sa hapag kainan ang iba sa kanila, punum puno ang mga bibig nila dahilan para di makausal ng kahit anong salita. Naalala ko ang mga mukha nilang mga naiwan sa silid, nagugutom din sila, miss Karen is too much. Hindi naman namin naubos lahat ng pagkain na nakahain, siguro dahil nakaestima ito para sa apatnapung tao.

"Guys..." nagsalita si Penelope, parang nahihiya, "hindi ba masyadong malupit yung parusa na binigay sa kanila ni miss? Ah... ang ibig kong sabihin, ano... hindi naman natin naubos yung pagkain eh..."

"So gusto mo rin silang makakain ganon?" sabi ni Sabina, bakas ang di pagsang-ayon sa idea ni Penelope.

"Penelope, dinaya na nga nila tayo tapos gusto mo pa silang bigyan ng pagkain? Hah, magutom sila." Si Tadeo rin.

"P-panalo pa rin naman tayo eh, tsaka laro lang naman 'to diba."

Walang umimik. Naunang tumayo si Senji na sinundan nila Baldo, wala namang magawa si Penelope, akala ko ako lang ang nag-iisip ng ganito, tinanguan ko si Penelope at ginantihan lang niya ko ng ngiti. Tumayo na rin kami para sumunod sa kanila. Bumalik na nga kami sa common room kagaya ng inutos ni miss Karen, laman pa rin ng isip ko yung mga sinabi ni Penelope. Naroon pa rin ang team one.

"Welcome back." She appeared again.  "I hope team two is ready for the next game."

"Miss Karen." I stepped forward.

"Yes?"

"May pabor ako."

"What is it?"

"Please allow them to eat."

"Morie."

"And why are you requesting that?"

They don't deserve to starve.

"Jill, hindi mo ba narinig yung mga sinabi ni miss Karen kanina? Parusa nila to bilang pagkatalo!" hinarap ako ni Sabina pero iniwas ko ulit tumitig sa mga mata niya, hindi ko siya sinagot.

"Atsaka sa tingin mo ba kung sila yung nanalo iisipin din nila yang mga sinsabi mo? Diba hindi!" sabi naman ni Tadeo sa'kin.

Hindi ko sila masisisi, minsan kasi kapag nadadala ka ng emosyon mo wala kang ibang gustong makita kundi ang paghihirap ng iba ng sa gayon ay maging komportable ka. Minsan wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mo lang. We, humans, are naturally selfish, because we want to survive in this cruel word, sometimes even an act of unselfishness are selfish, katulad ng pagbibigay sa mga nangangailangan, hindi ba't tayong mga tao ay nagbibigay dahil deep inside sa'tin ay alam nating babalik ang kabutihang yon?

 "Then... I'll punish you too for defying my orders." Sabi ni miss.

"Miss! Wag namang ganun!" kumontra si Aya, "Morie diba binabawi mo na yung sinabi mo? Diba!?" niyuyugyog ako ni Aya pero di ako nagsasalita, "Miss! Hindi niya na itutuloy yung favor niya! Magproceed na po tayo sa second game!"

"Morie, please, tapusin na muna natin lahat ng 'to bago ka makiusap kay miss Karen." Malapit na pala sa'kin si Morris at nakahawak din siya sa braso ko na kaagad kong binawi.

"Oo nga, Morie. Baka mamaya kung saan ka na naman ikulong niyan ni miss, pagod na kami sa taguan." Si Baldo.

Huminga ako ng malalim, "Ok." Wala na nga siguro akong magagawa kaya hindi ko na pinagpilitan pa lalo na't tutol ang iba kong kasama. I have to understand them. Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko, kung bakit ko nga ba ginagawa 'to, kung para saan nga ba talaga.

"Let's settle this later." Morris said.

"I hope nagkakaintindihan na tayo team two. Now, go outside. The second part of this game is waiting."


*****


"A-ano to?" we were surprised on what we saw. Pagkarating namin sa labas ng main house bumungad sa'min ang mga sala-salabat na tali, parang sapot na magkakaikot, gulu-gulo na nakatali sa apat na posteng itinayo.

"Wag kang lumapit Baldo! Look." Lily pointed somewhere, "Makukuryente ka!." Tiningnan namin 'yon ng mabuti, at hindi nga basta-bastang ordinaryong tali 'yon.  Biglang kumabog yung dibdib ko... Miss Karen won't do this... she won't kill us right? Gusto kong sumilip sa mga mata nila, para makita ko kung ano ang mga mangyayari... pero hindi... wag ... mas delikado ang kapangyarihan mo Jill... Hindi mo pwedeng gamitin to...

"Damn it." Narinig ko yung pabulong na mura ni Morris.

"Listen team two." Mula sa kung saan narinig namin ang boses ni miss, tsaka lang namin narealize na may mga speakers din pala na nasa labas, "The second game is---"

"Are you trying to kill us?! Wala 'to sa usapan!" sa sinigaw ni Morris, napakunot ang noo ko. Usapan? May kinalaman ba 'to sa mga sinabi sa'kin ni Aya?

"Ano'ng usapan Morris?" nagtanong si Aya, "wag mong sabihing may alam ka sa mga nangyayari ngayon!"

"Shut up, Mariah!"

"Anong usapan yung tinutukoy mo! Sumagot ka!"

"Hey, hey, chill, men! Martinez, mamaya na kayo mag talo, makinig na lang tayo kay miss nang matapos na lahat to, okay?" pumagitna si Tadeo sa kanilang dalawa, gusto ko sanang mangialam pero tama si Tadeo, we need to finish this freaking game first. Kapag natapos na ang lahat-lahat ng 'to, malalaman ko na rin kung sino yung natrack ni Yue, yung blogger, he told me to wait until this recollection end.

"Team two." Nagsalita na ulit si miss Karen, na para bang walang narinig sa mga sinigaw nila Morris at Aya, "This time, I want you to choose your partner." Aya automatically held my hand, hindi naman ako tumanggi. "Mamimili kayo kung sino sa inyo ng partner niyo ang pipiringan, while the other one na walang piring ang magkocommand kung paano tatawid sa gitna ng wires yung nakablind fold."

Are we really doing this? Seriously? No, Jill, you can't look at their eyes... Ayokong makita, hindi pwede.

"Ako na lang yung nakapiring." Sabi ko.

"H-ha? Jill... Sure ka?"

"May tiwala ako sa'yo, Aya."Nabigla siya sa sinabi ko... na para bang gulat na gulat at may kung anong himala sa narinig niya.

"Sandali nga, p-pwede naman sigurong hindi natin to gawin diba?" Sabina said, "pwede naman tayong tumanggi at umayaw kung gugustuhin natin diba?"

"Tingin ko..." nagsalita na sawakas si Senji, "may mabigat na dahilan kung bakit niya pinagagawa lahat ng 'to. Sa totoo lang, wala dapat ako rito ngayon, pero pinilit niya ko," ang tinutukoy niya bang pumilit sa kanya... ay si miss? " Pero sinabi niya, na malalaman ko ang lahat-lahat kapag pumunta ko."

"Malalaman lahat-lahat? Kinausap ka ni miss Karen? Bakit?" sunud-sunod na tanong ni Baldo.

"Inutos daw ni Lucille sa kanya." What?

"But she's dead."  Lily emphasized the word 'dead'.

"Kaya nga gusto kong tapusin yung laro para pare-pareho nating malaman! Yang Karen Italia na yan ay konektado kay Lucille!"

"Senji men, kumalma ka na rin men, walang mangyayari sa'tin sa kakaganito."

Anong ibig sabihin ni Tamaki na konektado si Lucille kay miss Karen? Paano? Damn. This is so frustrating. Morris. Lucille. Bakit ba hindi ako makatakas-takas sa nakaraan na hanggang ngayon nagiging palaisipan sa kasalukuyan ko. Right, we need to finish this... pagkatapos... pagkatapos maaayos na lahat... pagkatapos malalaman ko na lahat...

The masked guys handed us the blind folds. Aya helped me to put this thing on. Nagdilim na yung paningin ko, wala na akong makita kundi kadiliman at si Aya lang ang tanging nakaalalay sa'kin. But hell, sanay na ko sa ganito, walking into darkness without knowing where's the right path, this is my life, I'm walking in darkness , alone.

"Mukhang handa na kayong lahat. Pumunta sa kabilang dulo ng spider web yung mga hindi nakapiring. Simple lang yung laro, yung mga nakapiring ang tatawid habang ang mga may mata ang mag-iinstruct kung paano lalakad at iiwasan yung mga wires.  Hangga't hindi nakakatawid ang lahat ng nakapiring, hindi matatapos ang laro. Don't worry, grounded ang mga tali pero hindi nakamamatay, nakasalalay sa partner niyo ang lahat. Just endure the pain. Well, good luck."

Nagsimula na nga yung second game pero hindi pa rin ako nakakapasok sa loob ng 'spider web',  I can't clearly hear what Aya is saying, kaya hindi ako gumagalaw, puro sigawan at malalakas na daing ng sakit ang naririnig ko,

"Morie! Umabante ka! Abante ng tatlo!" I followed her, "Taposkldklaklfjasjf

Hindi ko na maintindihan yung mga sumunod dahil nagsasabay ang boses nila ng iba. I dared to move by my own pero nagkamali ako dahil nasanggi ko yung isang wire at naground ako. Hindi ko pala kaya mag-isa, hindi ko talaga maintindihan yung mga instructions na binibigay ni Aya.

"TEKA! TUMAHIMIK KAYONG LAHAT! MAGSITAHIMIK KAYO! TANG*N* TUMAHIMIK KAYO!"

That was Senji's voice. Nagsitahimikan nga sila, nawala yung ibang nagsisigawan.

" Kung sabay-sabay tayong lahat na magsisigawan at magsasalita, walang mangyayari sa'tin dito, hindi tayo matatapos, masasaktan at masasaktan lang sila ng paulit-ulit dahil sa hindi natin pagkakaintindihan! Magkakampi tayong lahat dito, hindi 'to paunahan, kailangan lang nila makatawid para matapos na lahat ng kagaguhang 'to!"

I can't believe that he could say such things.

"Hindi tayo magkakalaban dito, tutulungan natin ang isa't isa! Naiintindihan nyo ba?!"

They did what Tamaki exactly said, isa-isa nilang binigyan ng instructions kaming mga nakapiring, ako ang inuna nilang binigyan ng malinaw ob as, this time magkakatulong na silang magbigay ng instructions. When I reached the other side, tinanggal ko yung piring ko then Aya hugged me tight. Tinulungan ko na rin sila. Kaya naman natapos din naming lahat yung laro.

Lahat hingal na hingal.

"PAKSYEEEEEEET!!!" sumigaw si Tadeo, nakahandusay sa damuhan habang lumuluha, hindi ko alam kung ano yung rason ng pag-iyak niya.

"Good job team two." Her voice appeared again, wala man lang bakas ng kahit anong pag-aalala, kasiyahan o kahit kalungkutan man lang. "Bumalik na ulit kayo sa loob ng common room."

Hindi kami kaagad nagsikilos. Sila Penelope ay tulala pa rin sa mga nangyayari.

"Guys, tara na..." yaya ni Morris.

"Hindi mo ba nakikita Morris, hindi na namin kaya." Sabi ni Sabina.

"Please guys, tara na."

"Ano ba kasing meron, Morris." Nagmamakaawang tanong ni Penelope.

"Narinig mo yung sinabi ni Tamaki kanina. Tara na. Kaya niyo pa."

Bumalik na kaming lahat doon, napapanuod din pala kami ng team one dahil sa mga nakaset up na camera. Hindi mo mawawari kung ano yung tingin nila sa'min, kung naaawa ba o ano. Tila nawala lahat ng kinain naming pagkain kanina... Kaunti na lang, bibigay na yung mga kasama ko. Kaunti na lang... Hindi pa rin ba matatapos 'to?

"Only two from you will proceed to the third game. At dahil si Jill Morie ang naunang nakatawid kanina, silang dalawa ni Mariah ang magpapatuloy sa third game. Mas madali ang third game," then she showed a paper na may mga letra...

G T Y O R J O T E O U I A B G T

"What does this message say?"

Hell, I don't have an idea. I glanced at Aya, she looked so serious, and I've never seen her like that before. Mukhang alam niya yung sagot. Kaya hinawakan ko yung kamay niya, "Go. Tell her."

"H-ha?"

"Kung alam mo yung sagot, sabihin mo sa kanya."

Tumango na lang siya... Then she raised her hand. "Umm... Miss... Alam ko po kung ano yung meaning."

"What? Aya, alam mo?" di makapaniwalang sabi ni Baldo.

"Great. Job. You. Got. It."

"That's correct."

Lahat ng tao sa silid na yon ay napanganga kay Aya, wow, hindi ko alam na may alam siya sa mga ganitong klase ng puzzle. How can I know?

"This is suspicious." Napatingin kami kay Lily. What? Suspiccious? "Kanina you know how to read morse code... then..."

"Mariah, will you please show us your solution?" sabi ni miss Karen kaya naputol tuloy yung sinasabi ni Lily. Nagpunta kaagad si Aya sa white board at doon sinulat

G T Y O
R J O T
E O U I
A B G T


"Kapag binasa niyo ng pavertical at by column, makikita niyo yung hidden message... Ito yung tinatawag nilang Caesar Box..."

Tiningnan ko yung mga kasama ko, hindi mawari kung ano yung mga expression nila, nagtataka, naguguluhan na namamangha. Ano naman ang nakapagtataka kung alam ni Aya magbasa ng morse code at magdecipher ng ganitong puzzle?

"H-hindi ba masyadong nakapagtataka?" narinig kong bumulong si Yue kay Penelope.

"Y-yeah, coincidence lang ba na alam ni Aya yung mga puzzle at codes na binibigay ni miss Karen? Kanina ko pa tinatanong si Aya but ayaw niya kong sagutin..."

"Hindi coincidence 'to." Sumingit si Morris sa usapan nilang dalawa.

"Sinadya lahat ni miss lahat ng 'to. She knew."

"Anong ibig mong sabihin, Morris?" hindi nila namalayan na nakalapit na ko sa kanila. Tumingin siya sa'kin, direkta sa mga mata ko. Bubuka na yung bibig niya para sagutin ang tanong ko nang mabulabog kami sa pumasok na nakamaskarang lalaki.

"Sumama ka sa kanya Mariah, because you won in this game, you'll have to see your prize." Miss Karen said. Hindi maganda ang dating nito sa'kin. Mas hindi maganda ang kutob ko. Tumingin ulit ako kay Morris na seryosong nakatingin kay Aya.

"Morris..." tawag ko pero hindi siya tumitingin sa'kin.

"Malalaman na nating lahat..." sagot niya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top