/30/ Commemoration
George Morris' POV
"HELLO?"
It was Jill's voice.
"Morie!"
Hindi kaagad siya sumagot sa kabilang linya. Lahat kami ay nakatutok at naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin.
"Ok ka lang ba dyan, Morie?" nag-aalalang tanong ni Penelope.
"Don't worry, ok lang ako rito."
"Nasaan ka ba? Pupuntahan ka namin!" sabi ni Cris
"I-" biglang naputol ang linya niya.
"Ba't nawala!?" bulalas ni Mariah na nasa kanan ko.
Pero maya-maya bigla ulit nagring ang telepono, hindi nagdalawang isip na pinindot ni Sabina ang answer button, at niloud speaker para marinig naming lahat.
Nasa pang-apat na clue kami at kutob kong sa telepono ibibigay ang direksyon papunta sa kinalalagyan ni Jill. Pero sa kabilang banda, may masamang kutob ako tungkol sa team one. Kahina-hinala ang mga nangyayari at para bang hindi nararamdaman ng mga kasama ko na may mali.
"Team number two." Finally, the speaker from the other line spoke. Si Karen Italia.
Pare-pareho rin kaming hindi nakaimik nang siya na ang magsalita. Mukang tama nga ko na rito na niya ibibigay ang panghuling clue.
"Sasabihin ko na ngayon sa inyo kung ano ang pinakahuling clue. Pero bago ang lahat, will you press the record button." Utos niya na agad naman naming sinunod, si Sabina ulit yung nagpress. Nagbeep yung phone at naging kulay pula yung bilog, tanda na nagrerecord na yung mga sinasabi ni miss.
Hinihintay naming magsalita si para ibigay yung riddle para sa susunod na clue pero mga tunog ng beep sounds lang ang lumabas na tunog mula sa speaker. "Here. Come. Dots" iyon lamang ang salitang sinabi ni miss at napamaang kaming lahat nang bigla na lang ulit naputol yung linya ng tawag.
"Ano yun?!" si Mariah na nawiwindang sa mga pangyayari ay napahampas sa katabing si Tadeo at hindi malaman ang gagawin.
"Hindi ko alam kung ginagago lang tayo ng teacher na yun." Sawakas nagsalita rin si Tamaki, at unti-unti nang sinusumpong.
"May dahilan kung bakit niya pinarecord yun!"sabi ni Sabina at pinindot ng paulit-ulit yung replay button nung telephone recorder.
"Lexie tigilan mo na nga yan!"
"Wag mo nga kong hawakan Baldo!" tinabig niya si Cris dahil sa pagpigil nito sa braso niya.
"Anong ibig niyang sabihin sa 'Here come dots'?" tanong ni Lily
"I'm thinking... Pero walang pumapasok na idea sa isip ko. "
Here come dots... Pamilyar to, narinig ko na 'to noon. Pero parang sadyang mapaglaro ang kapalaran, hindi ko maalala kung kanino at kailan ko narinig ang tungkol sa mga salitang 'to. Hindi ako sigurado.
"Hindi kaya secret code yung mga sound?" napatingin kami kay Tadeo, na ngayon ay tila naging seryoso. Secret code? Oo, tama, naalala ko na kung ano ang ibig sabihin ng 'here come dots'
It's an anagram.
Hindi ko muna sinabi sa kanila kung ano ang nasa isip ko, isa-isa kong binubuksan yung mga drawer ng cabinet.
"Morris,anong hinahanap mo men?"
"Panulat" tinulungan akong maghanap ni Tadeo at sa kabutihanf palad nakahanap kami ng upod at maliit na lapis. Kinuha ko kay Sabina yung papel, nagtataka at nakakunot ang mga itsura nila habang tinitingnan kung ano yung sinusulat ko.
H E R E C O M E D O T S
T H E M O R S E C O D E
"The Morse Code?" basa ni Mariah, bakas sa boses ang pagkagulat at makikita sa kanyang itsura na may naalala. Pinigilan kong ngumisi dahil alam kong naaalala niya na rin kung ano tinatagong kahulugan ng
'Here Come Dots' Alam kong alam niya rin ito noon. Lalo na't kilalang kilala kung sino ang nagturo sa'min nito.
"Anagram ang tawag dito", sabi ko, "Kaya tama si Tadeo na isang secret code ang sounds na sinend ni miss. At ang tawag sa ganung codes ay Morse Codes."
"Then how can we know the hidden message by those sounds?" tanong ni Lily.
"Marunong ka bang magbasa ng morse codes, Morris?" sinundan iyon ng tanong ni Penelope.
"Hindi," Tumingin ako kay Mariah, nagbabakasakali ako na magsalita siya, magsalita siya sa kung ano man ang nalalaman niya sa pagbabasa ng Morse code. Pero nasa mukha niya ang pagdadalawang isip. Bubuka n asana yung bibig niya nang unahan siya ni Stephen.
"Medyo naaalala ko yung napag-aralan ko dati. Ang alam ko lang ay yung idistinguish kung ano yung dots at dash." Sabi niya, "susubukan ko."
Tumingin ulit ako kay Mariah, hindi pa rin panatag ang itsura niya. Hindi iyon napapansin ng mga kasama ko dahil ang atensyon nilang lahat ay nasa ginagawa ni Stephen. Paulit-ulit na pinindot ang play button, pinakikinggang mabuti yung mga tunog habang may sinusulat sa papel. Makalipas ang papel, ipinakita ni Stephen sa'min yung papel.
H E R E C O M E D O T S
T H E M O R S E C O D E
.-.. .. --. .... - .... --- ..- ... .
"Ano yan?"
"Sabi ko sa inyo ang alam ko lang ay yung pagdistinguish ng tunog kung ano yung dots at dash. Hindi ko na matandaan yung katumbas na letters." Napakamot si Stephen sa ulo, sila naman ay nadismaya sa nalaman.
Mariah, alam ko sa mga oras na 'to pinag-iisipan mong mabuti, pero kailangan nating manalo, kailangan nating mahanap si Jill.
Ilang saglit lang ay inagaw na ni Mariah kay Stephen yung papel at lapis.
"Oh, Aya, wag mong sabihing..."
Wala pang isang minuto nang ipakita niya sa'min yung papel at nakasulat na
H E R E C O M E D O T S
T H E M O R S E C O D E
.-.. .. --. .... - .... --- ..- ... .
.-.. l
.. i
--. g
.... h
- t
.... h
--- o
..- u
... s
. e
l i g h t h o u s e
"Are you sure? Marunong kang magbasa ng morse code?" si Lily na ang nagtanong.
Tango ang sagot niya.
"Paano?" ang tanong ni Penelope ang ayaw niyang marinig.
"Hay nako! Kung magtsitsikahan lang tayo rito walang mangyayari sa'tin!" iyon ang sinagot niya at mukang napasang-ayon niya naman sila. Good. Nakatakas ka.
"Tamaki, ikaw na lang ulit mag-lead ng daan papuntang lighthouse." Sabi ni Sabina na halatang nahihirapang kumilos dahil sa sugat.
"Kung maiwan ka na lang kaya rito? Hindi mo na kayang maglakad, Lexie." May pag-aalala sa tinig ni Cris pero isinawalambahala lang ito ni Sabina.
"Hindi pwede. Ang rules ni miss, magkakasama tayong lahat na hahanapin si Jill Morie at magkakasama ring babalik dito."
Wala na kaming inaksaya pang oras at dali-dali kaming pumunta sa kinaroroonan ng lighthouse, medyo may kalayuan kumpara sa mga nauna naming nadaanan, ayon sa trail map na meron kami. Papalabas na kami sa may lobby nang huminto ako . Automatic ding silang napatigil kahit medyo naiwanan na 'ko.
"Morris! Ano ba!"
"Ba't ka huminto?!"
Tama. May mali sa mga nangyayari na hindi talaga nila napapansin. Hindi ko sila sinagot bagkus ay pinuntahan ko yung likuran ng malaking at doon ko natagpuan na nagkukubli ang isa kong kaklaseng lalake na bahagi ng team one. Hinila ko ang manggas niya, wala akong pake kung makaladkad ko siya. Kinuwelyohan ko siya at diretsong tinitigan sa mata.
Sa mga mata niya nakumpirma ko na tama ang mga hinala ko kanina pa. Nakita ko roon ang mga plano nila. Plano nila na magtago at sundan lang ang mga ginagawa namin! Atsaka uunahan sa pinakafinal na lugar. Inakala namin kanina na naunahan na nila kami pero hindi pala, nagkubli lang sila habang sinusubaybayan ang pagdiskubre namin sa mga clues, kaya hindi na nakapagtatakang hindi nila nagagalaw yung mga bote.
"Morris! Pwede namang pag-usapan 'to, bitawan mo na ko. hehe." Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakakwelyo ko sa kanya. Nasa tabi ko na pala si Tadeo.
"Men, tara na!"
"Sabihin mo sa kanila na kanina pa tayo ineespiya ng team one. Ngayong alam na rin nila yung last clue uunahan nila tayo. Tumakbo na kayo." Utos ko. "Ako muna ang bahala rito."
"S-sige men!" kumaripas ng takbo si Tadeo pabalik sa mga kasama.
Binalik ko ulit yung atensyon sa taong 'to.
"L-laro lang naman to Morris, wag kang masyadong seryoso!"
"Wala kang alam sa mga sinasabi mo."
"Tsk. Tingin mo talagang mananalo kayo rito? Twenty nine kami at siyam lang kayo, mas mauuna pa rin kami, napalibutan namin kayo ng di nyo nalalaman. Ano naman kasing mapapala nyo ha kung mahanap niyo si Morie?"
Wala namang saysay ang pakikipag-usap sa taong 'to kaya patulak ko siyang binitawan pero bago ko siya iwanan, may mga pangungusap akong binitawan ko sa kanya.
"Ano naman din ang mapapala nyo kapag si Ireneo ang pinili nyo? Habang buhay lang kayong nagpapakontrol sa taong inaakala niyong santo."
Hindi na siguro mahalaga na manalo dahil mukang malabo na, ang importante mahanap na si Jill at bumalik ng magkakasama.
-Jill Morie-
Dalawang oras at kalahati na kaming nakakulong dito.
Oo, kami.
Kasama ko si Ireneo. Kahit na sampung metro ang layo namin sa isa't isa at parehong nakagapos sa upuan, ramdam ko ang kakaibang tensyon na namamagitan sa'ming dalawa.
Kanina pa rin kami hindi nagkikibuan. Ramdam ko ang mga matatalim niyang tingin sa'kin pero hindi ko iyon pinapansin. Maririnig lang sa paligid yung mga hampas ng alon sa dagat. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang lugar na 'to sa main house. Hindi ko rin alam kung paano nila matutunton ang mataas na lugar na 'to.
Kaaalis lang nung lalaking nakamaskara na nagbabantay sa'min kanina, si mr. Romulo. Kita ang mga mata niya sa maskara kaya madali kong nakilala kung kanino iyon. Noong una pa lang naramdaman ko na may mangyayaring kakaiba sa recollection namin, base sa mga mata na nakita ko noong pinaglaro kami ni miss Italia ng 'wink murder', pero hindi malinaw ang future na nakita ko dahil halu-halong mga mata at sumakit lang ang ulo ko. Kaya nga sinadya ko ulit hindi sagutan yung exam kanina dahil nakita ko na mayroong mangyayaring ganito. Pero ngayon... Hindi ko na alam ang kasunod.
Honestly... Staring at them made me nostalgic. It made me feel sad and happy, I want to go back in time. Yung time na masaya kaming lahat, masaya ako. Those moments that I felt being a human, a normal one, with a lot of emotions, colors.
Pero alam ko hindi na iyon maibabalik pa.
I was really surprised when Lily stood up. Bakit nga ba pinili niya ko over Ireneo? Do we hate each other, alam niya yan, pero bakit ako? Morris. Maybe it's because of him. That guy.
Napahinga na lang ako ng malalim. Tinanong ko si miss Karen kung bakit niya pinapagawa 'to, hindi ko pa rin maintindihan ang sagot niyang 'in order to change your hearts'. How can she do that? How can she change our hearts that we've been thrown somewhere?
"Tsk." I glanced at him, the founder of the stupid caste in our class. Hindi ko mapigilang mangiti.
"What are you laughing at?"
"Wala lang," Sagot ko, "nakakatawa kasi wala lang."
Hindi na nagsalita si Ireneo. Weird, talagang wala siya sa mood na pagsalitaan ako ng kung anu-ano. Pero kanina kung anu-ano ang mga sinasabi niya. Perhaps kinakabahan siya?
"Say what, James." Napangisi ulit ako, naalala ko kasi si Alexi Sabina, she called him 'James', the name that we've all forgotten. Alam kong naiinis siya kapag tinatawag sa pangalan yan. "All this time... I've been wondering... kung saan at paano mo nakuha yung sulat niya."
Hindi man ako nakaharap sa kanya, alam kong napatingin siya sa direksyon ko. Kahit na hindi ko na i-ellaborate kung ano yung tinutukoy ko, alam kong naiintindihan niyang mabuti ang tanong ko.
Sulat niya.
"Hindi ko alam kung paano mo naatim gamitin ang sulat ni Lucille para lang mapasunod ang lahat."
Walang sagot.
"She died because of you and Morris."
Nagkuyom ang palad ko. Oo. Maraming beses ng naipamukha na kasalanan namin ni Morris kung bakit siya namatay, kasalanan ng pagmamahal namin ni Morris sa isa't isa. Masakit. Ang dalawang pinakapinagkakatiwalaan ko ang siyang mananakit sa puso ko.
"She killed herself because of you."
Dalawang taon na ang nakakalipas pero hinding hindi ko malilimutan ang araw na 'yon. Ang araw na malaman ng lahat, ang araw na binasa niya ang sulat ni Lucille, ang araw na nagdilim ang buhay ko, ang araw ng aksidente ko.
"More than you, I knew Lucille." Pinipilit kong hindi pumiyok.
"I knew her too."
May kutob ako sa sinabi niya.
"Pero ang galing no, after that day everything had changed."
Lalong lalo na ako.
"'It was Jill's and George fault. They cheated on me... That's why I need to do this... Good bye." After he had read that last paragraph to the whole class, I was frozen. Parang wala akong naririnig, tanging paulit-ulit na boses ni Ireneo ang umaalingawngaw sa isip ko noong mga oras na 'yon. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Para akong babagsak sa sahig, pero walang makakasalo. Lumapit si Morris sa'kin pero tumakbo ako.
"Jill! Sandali lang."
"Bitawan mo ko, Morris."
"Magpapaliwanag ako."
"Wag. Ayoko. Tama na."
"Jill. Please! Nangako ka na maniniwala ka sa'kin whatever it takes!"
"Shut up!"
Parang namamanhid ang buo kong pagkatao ng mga oras na 'yon. Hindi ko muna kayang humarap ng kahit na sino. One of the most important people in my life died... because of me. Hindi ako makapaniwala. I called Albert to pick me up pero instead of him, ibang driver ang sumundo sa'kin. But on the way home mabilis ang mga pangyayari, there's a girl who quickly crossed the road, the driver turned and another car bumped against, and everything went blank.
Naisip ko nga na baka karma ko ang biglaang pagkakaroon ng kapangyarihan, kapangyarihan na hindi ko alam kung saan nanggaling simula nang magising ako sa ospital, two years ago.
"Do you think you'll win against me?" he asked. "The caste I built will never break. It is the commemoration of her existence, nakukuha mo ba? That caste is the commemoration of Lucille."
"What..."
They rushed to him, nandito na yung mga magliligtas sa kanya. Alam ko naman na mas mauuna talaga sila rito, marami sila eh. Napakawalan na nila si Ireneo.
"You deserve to suffer, Jillianne."
Siguro nga.
Nakaalis na sila. Pumikit ako. Hanggang anong oras kaya akong ikukulong dito? Do I deserve this?
Biglang may yumakap sa'kin. Ayokong dumilat. Kilala ko kung sino 'to.
"Jill.", the voice that I'll never forget.
Morris.
"Let's get out of here."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top