/28/ Nine


George Morris' P.O.V

"TIME is up. Exchange your papers." Muling lumitaw sa screen ang bulto ni miss Karen at walang pinagbago ang ekspersyon ng mukha niya, blangko. Kaagad kaming sumunod sa utos niya at pagkatapos ay idinikta ni miss ang mga tamang sagot.

Maya-maya lang ay natapos na ito at nagtanong si miss.

"Who got the highest score?"

Ireneo raised his hand, "I got nineteen points." Isa lang ang mali niya, ano pa nga ba ang aasahan mo.  Wala nang umimik pa, senyales na si Ireneo na nga ang may pinakamataas na nakuhang score.

"Very well."

Namayani na naman ang katahimikan. Pumunta sa harapan si Ireneo habang nakahalukipkip at taas noong humarap sa aming lahat. He was looking down at us all the time, thinking that no one can block his way, funny, dahil walang nakakaalam ng lihim niyang obsession kay Lucille.

"Who ranked last?" tanong ni miss. Napamaang ang iba dahil ang inaakala nilang itatanong ni miss ay kung sino ang sumunod na mataas kay Ireneo.

Nagtinginan ang bawat isa at binaling ang tingin sa isang direksyon. Sa direksyon ni Stephen Yue. Nasa may harapan siya kaya kita ko yung mga kalabit sa kanya ng mga malapit sa kanya.

"Hoy Stephen, tsk. Pumunta ka na sa harapan."

Nakayuko siya habang dahan-dahang tumayo sa kinauupuan. Nakakadalawang hakbang pa lang siya pasulong nang tumayo rin si Jill. May kutob ako.

"Yue, umupo ka. Hindi mo kailangang pumunta sa harapan."

"H-ha? Jill?"

"Sumunod ka na lang." sumunod na nga si Stephen sa kanya, umupo ulit siya habang ang iba'y naguguluhan sa ginawa ni Morie. Pumunta si Jill sa harapan, katabi ni Ireneo, atsaka ipinakita ang papel sa buong klase, blangko iyon, walang sagot.

She did it on purpose... again.

"I got zero." Sabi niya. Sabi na nga ba, tama ang hinala ko. Napangisi si Ireneo at marahang pumalakpak katulad ng nangyari noon.

"Tingnan mo nga naman, déjàvu ba 'to?" he said to her, but Jill replied a smirk. Pumihit patalikod si Ireneo para harapin si miss. "Then? What now?" halatang naiinip na si Ireneo, kaya naman medyo napakurba ang labi ni miss.

"Well, congratulations sa inyong dalawa, Ireneo and Morie," hindi talaga mababasa sa mukha niya kung ano ang nasa isip niya, o kung ano ang susunod niyang gagawin, "because you will do nothing in the first game."

"What do you mean? Hindi kami magpa-participate?" Ireneo asked. "Is that a perk?"

Wala rin akong maisip na ideya na kahit ano, kung paano niya gagawin ang pabor ko. "This is your favor. If you really want this to succeed then just let me do it. Just trust me, Morris." Nag-echo sa isip ko yung mga sinabi ni miss noong unang araw dito sa villa.

"Since the name of this first game is rescue competition. The two of you will be prisoners. The remaining students will choose who they want to save."

"Woa. Cool." sabi ni Ireneo, he's expecting something, I can feel it.

"Those who want to save Jill Morie, please stand up."

Walang pag-aalinlangang tumayo sila Mariah, Cris, Stephen at Penelope.

"Mga kaibigan kami ni Jill, kaya siya ang ililigtas namin." Sabi ni Cris.

"Jill is way better than him." For the first time, Penelope said a courageous thing. Napamaang ang iba sa sinabi niya, lalo na si Ireneo.

"Kung hindi dahil kay Jill..." nagsimulang magsalita si Stephen, pero nakayuko siya, "wala na sana 'ko ngayon. Nang dahil sa kanya, nawala yung takot ko."

Nagsimulang magbulung-bulungan ang ilan, ang iba iniisip na walang kwenta ang mga pinagsasabi nila, ang iba naman nalilito sa magiging desisyon, pero sa huli, alam kong si Ireneo pa rin ang pipiliin nila.

"Apat lang sila."

"Alam na kung sino ang mananalo rito."

 "Tama si Penelope."

"Tss. Ang dadrama."

"Sssh!!! Marinig ka."

Tumayo ako. Napatingin silang lahat sa'kin.

I'll save her. I'll save Jill.

"Yosh! Ako rin!" tumayo si Tadeo, "Susuportahan kita men!" tinapik niya ko sa balikat. Tumingin ako kay Jill, may gusto rin akong sabihin pero pinigilan ko lang yung sarili ko. Dinako ko naman yung tingin ko sa screen, kung nasaan si miss, malaki ang tiwala ko sa kanya kaya kung ano man ang ipagagawa niya sa larong 'to alam kong hindi ako magsisisi.

"M-morris, men! Tingnan mo." May tinuro si Tadeo, tumayo rin pala si Tamaki. "SENJI MEN!"

"Tsk." Tanging sagot niya kay Tadeo.

Alam kong hindi niya gugustuhing pumunta sa panig ni Ireneo, kaya walang ibang choice si Tamaki kundi kay Jill.

"Alam mo ba na sa tuwing makikita ko kayo ni Ireneo gusto kong basagin ang mukha niyong dalawa."

 Mas matimbang ang galit niya sa'kin pero bakit kay Jill?

"Teka, wag mong sabihing ikaw din, Sabina?" sabi ni Mariah, tiningnan ko yung reaksyon ni Cris at bakas din sa itsura nito ang pagkagulat.

Tumingin si Sabina kay Jill, "Alam kong social climber ako. Pero hindi ako pokpok katulad ng iniisip niyong lahat."

Nagulat silang lahat sa sinabi  nito.

"Tama siya," tinuro pa ni Sabina si Penelope, "Mas mabuting piliin si Jill kaysa kay James."

Hindi makapaniwala ang ilan na natawag niya sa unang pangalan si Ireneo dahil wala ng sinuman ang tumatawag ng 'James' sa kanya magmula noon.

"Kung hindi niya pinasimulan yung caste, hindi magiging ganito ang lahat, hindi ako magiging ganito."

"Bakit? Ako ang sinisisi mo?" natawa si Ireneo

"Naging ganon akong klase ng babae dahil natakot akong matulad kay Stephen!"

Katahimikan...

"Are you done?" miss cut in.

"So, walo kayong lahat---"

"Make it nine." Tumayo bigla si Lily, hindi mawari ang ekspresyon ng mukha.

Tiningnan ko kaagad ang reaksyon ni Jill. And as I expected, hindi siya makapaniwala na sumama si Lily. Tumingin ulit ako kay Lily at saktong tumingin din siya sa'kin. Was it because of me?

"Well, that's good, miss Cortez. Kayo ang magiging team number two, will you please gather on the right side, team number one at the left side."

"Wait! Wait! Miss! Ang unfair nito! Siyam lang kami laban sa Twenty nine?! May dalawampung diperesnya, paano kami mananalo laban sa kanila?!" malakas na pagkakasabi ni Mariah nang maglapit-lapit yung grupo namin, pero nanatiling blangko si miss Karen nang tumingin ito sa kanya.

Bigla na lang may pumasok mula sa pintuan, dalawa sila at nakatago rin sila sa maskara katulad ni mr.Rommel. Nilapitan nilang dalawa si Jill at Ireneo at akmang ilalabas ng silid nang tumayo at magsalita si Mariah.

"Saan sila dadalhin?! Miss?!"

"Aya! Kumalma ka nga!" hinawakan siya ni Cris sa balikat para pakalmahin.

"It'll be fine, Aya." Jill calmly guaranteed. "Pero bago ang lahat, can I ask something, Miss Karen?"

"Go ahead, Morie."

"Para saan ang lahat ng 'to? Bakit mo pinagagawa sa'min  yung mga ganitong bagay? Ano ang dahilan?"

Ilang segundo na hindi sumagot si miss.

"In order to change your hearts." She answered without blinking,

Morie didn't answer, hanggang sa mailbas na sila ng silid at tuluyang naglaho sa aming mga paningin, naiwan kaming lahat, tuliro.

"Ilalagay na sila kung saan niyo sila dapat mahanap. You just need to find four clues na nakatago lang around this villa, that clues will lead you where they were locked. Ang unang makabalik ng magkakasama ay mananalo at matutuloy sa pangalawang laro."

"Paano yung mahuhuli?" tanong ko.

"Well, they lose."

"And so?"

"There's a punishment."

"Anong parusa? Ikukulong ng tatlong oras? Hindi bibigyan ng pagkain?" may pagkasarkastikong pagkakasabi ko.

"Don't get too excited, Morris." Pero parang sinasabi ng mga mata niya na 'sa tingin mo hindi ko pinaghandaan 'to? I'm glad that sometimes I can see transparently what Miss Karen is thinking, siguro dahil nasilip ko ang nakaraan niya, at nakita ko ang dating siya.

"Just trust me, Morris."

"I'm sorry. Please continue."

"We'll begin the first game.  And this is the first clue, listen very carefully." Huminto siya saglit, "You can swallow it, but it can also swallow you." at biglang nawala sa screen si miss.

Nagkatitigan kami ng mga kasama ko. Walang nagsasalita. Twenty nine versus nine, mas marami sila, mas maraming utak na mag-iisip, mas malakas ang man power, ang kailangan lang naming gawin... Unahan sila.

"Sumunod kayo sa'kin."

"Saan?" tanong pa ni Mariah.

"Mamaya ka na magtanong." Nauna na kong tumakbo sa labas, hindi kaagad sila sumunod, kaya naman huminto ako sa pintuan, "Team two!" sigaw ko.

Para naman silang naalerto at sumunod na rin. Nakatingin lang sa'min yung iba naming kaklase, nagtataka at nangmamaliit ang mga tingin.

Lumabas ako ng main house at tumakbo papuntang likuran nito, pwede na siguro rito, walang makakarinig na iba. Madilim na talaga at tanglaw ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Hingal na hingal kaming lahat nang huminto kami.

"Ah! Alam ko na kung bakit tayo lumabas! Men! Ang galing mo! Para hindi nila tayo masundan!" sabi ni Tadeo sa pagitan ng hininga. "Pero! Ang saya ko lang! Senji, sumama ka sa'min! I kenat belib it! WAAAAH!"

"Wag kang maingay Tadeo!" saway ni Cris sa kanya. Umismid lang si Tamaki

"Naisip ko na yung sagot." Si Lily

"Seryoso, Lily, kasama ka rito?! Hindi ba't magkasabwat kayo ng kupal na si Ireneo?"

"Mariah, isa ka pa!" si Cris

"Ano yung naisip mo?" tanong ko.

"Pride."

"Pride?! Sige, saang lupalop natin mahahanap yang lugar na pride?"  si Mariah.

"Tama yung sagot na pride, pero may mas sagot pa, lugar ang hinahanap natin." Sabi ko.

"Aha! Oras?!" pumitik pa sa hangin si Tadeo.

"Bugok! Oras?! Sige hanapin mo oras!"

"Sinong tinawag mong bugok ha Martinez?!"

"TUMIGIL KAYONG DALAWA!" sigaw ni Cris.

"Hindi kaya orasan?" idea ni Sabina, "baka may orasan sa loob ng main house. Baka nandoon yung susunod na clue."

Nagtinginan na naman kaming  lahat tsaka sabay-sabay na pabalik pero naiwan si Tamaki. Mukang hindi na niya gustong makisama sa larong 'to. Magakakasama kaming bumalik sa loob ng main house. Wala na rin yung team one sa loob, kaya mabilis kaming naghalughog sa loob ng main house. Pero wala akong makita kahit na isang orasan.

"Guys! Dito sa taas!" galing ang sigaw ni Cris mula sa ikalawang palapag kaya sinundan namin iyon. "Dito." Itinuro niya sa'min ang daan papunta sa isang silid.

"Lumang orasan?" malaki at antique na orasan ang bumungad sa'min. Kaya di kami nag-aksaya ng oras para maghanap.

Pero kalahating oras na ang nakalilipas at wala pa rin kaming nahahanap.

"Wala! Wala tayong mararating dito! Hindi orasan!"

Lumabas kami ulit at bumalik sa likod ng main house, kung saan kampanteng nakasandal sa pader si Tamaki habang nakatingin sa buwan.

"Sabi ko na nga ba, babalik kayo." Sabi niya.

"Hindi ka naman nakakatulong! Ang yabang mo!" si Mariah.

Ngumiti si Tamaki.

"Naunahan na nila tayo, nasa swimming pool na sila."

"Ano?!"

"Tubig."

"Ha?"

"Tubig ang sagot."

Pagkatapos ay tumakbo si Tamaki papunta sa kinaroroonan ng pool. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top