/23/ To change of hearts
George Morris' POV
Welcome to Villa Barbara.
Sumalubong sa pagdating namin ang magandang tanawin, mga puno, halaman, at bundok. Naglalarawan ng peace and harmony.
"Takte, ang lamig naman lalo rito sa labas." Reklamo ni Tadeo pagkababa namin ng bus. Miss Karen instructed us to put our things first sa lobby bago pumunta sa common room, yung mga facilitators na raw bahala magdala nun sa magiging kwarto namin.
We're going to stay here for one week. Recollection is not bad at all. Pero hindi ganoon ka-excited at ka-interesado ang mga kaklase ko.
Recollection.
From the word 'recollect', it is the act of recalling something from memory.
Memories that we left behind.
We will remember the events and feelings that we shared in the past. The painful past that keeps hunting our present lives. but sometimes... Remembering hurts too much.
It could be easy for a postcog like me, a postcog who can peek someone's past through the eyes.
Pero hindi pa rin ako exception para masaktan,
Alam ko hindi lang ako nag-iisa, alam ko na hindi lang ako ang nag-iisang nababagabag sa mga mangyayari sa loob ng isang lingo. Alam ko hindi lang ako nag-iisa na natatakot na masaktan. Alam ko na lahat ng mga kasama ko ay mga kanya-kanyang kinikimkim. Alam ko.
I'm just hoping na walang mangyaring masama. Jill already destroyed the caste, but it is still there. Ireneo never changed, but he can't touch Jill, he's under provision because of Jill's suicide act. But if he does touch her, mananagot na siya sa'kin.
Sa loob ng common room nagdiscuss lang yung facilitators ng mga rules, at reminders para sa safe na pag-istay naming ng isang linggo. Binigyan na rin kami ng designated rooms na nakalocate sa second floor ng main house.
Halos tahimik ang lahat, habang naka-upo at naghihintay na magsimula yung unang activity.
"Sana maging masaya yung buong week na 'to." I heard Mariah's voice, nasa may bandang unahan ko sila nakapwesto.
"Sana nga, hindi maganda kutob ko rito eh." Pabulong na sagot ni Cris, na katabi lang din niya.
"I can feel it... I can feel the pressure." Penelope said.
"It's getting closer now? Kanta yan ah!"
"Mariah, it's not time to joke."
"Sorry naman Penpen, hindi ko matake yung ganitong atmosphere eh. Tingnan mo naman yung mga pagmumuka ng mga kaklase natin."
"Umm... Yue?"
"B-bakit, Jill?"
"Pwede mo na bang sabihin sa'kin?"
"Na ano naman yun, Morie?" Mariah cut in.
"Kung sino yung blogger. Sabi ni Yue, natrack niya na yung address."
"Whaaat? Yue, omg, sabihin mo na kung sino?"
"Sssssh!!! Aya,wag kang maingay ano ba."
"Sorry Baldo, excited lang."
And there's a long silence, they're waiting for Stephen's answer. Pero isang malalim na buntong hininga ang sinagot nito sa kanila.
"S-sorry guys, pero pwede after na lang ng recollection natin?"
"Pero..."
Bago pa sila makaangal, biglang dumating yung facilitator kasama si miss Karen at isang lalaking nakasuot ng polong puti.
Nagkaroon ng introductions, umalis yung facilitator, umupo sa isang tabi si miss Karen, naiwan yung lalaki sa gitna. Nagpakilala siya, siya si Rommel Romulo, isang seminarista. Bago ang lahat, nagpambungad na panalangin muna.
"Bakit nga ba kayo narito?" pagkatapos ng opening prayer, inumpisahan ni sir Romulo ang tanong na yan. It's a rhetorical question, we don't need to answer.
"Narito kayo upang magbalik tanaw, magkaroon ng katahimikan at kapayapaan sa inyong kalooban, tatahakin ang landas patungo sa ating Panginoon." Sabi niya, "Kung mapapansin nyo, nakaharap kayo sa salamin." Sa harapan namin nakapwesto ang isang malaking salamin, kitang-kita namin yung mga sarili naming doon. "Pero hindi nyo alam, na ang lahat ng pader sa silid na ito ay salamin." Lumakad si sir Romulo patungo sa isang bahagi ng dingding, tsaka lang namin napansin na natatabunan iyon ng makapal na kurtina, may tali siyang niladlad at sabay sabay na humawi ang mga kurtina at bumungad ang walang katapusang repleksyon. Lahat nga ng dingding ay yari sa salamin.
"Nangangahulugan na kahit saan kayo tumingin, wala kayong ibang makikita kundi ang mga sarili. The purpose of this recollection is to reflect yourselves, in order to change your hearts."
Change of hearts.
Ang mga sumunod na pangyayari ay nagpabagot lang sa aming lahat. I mean, everything was dull. More on lectures ang mga ginawa ng seminarista.
Nang magbigay ng thirty minutes break, kaagad akong lumabas. Hinanap ko si miss. At nakita ko naman siya sa entrance ng lobby. Hinawakan ko siya sa braso pero hinawi niya iyon.
"Woa, Morris, easy." Sabi niya."
"You said you're going to do my favor."
"You're too impatient, mahaba ang limang araw, dear."
"Anong gagawin mo? Hindi ikaw ang in charge sa activities."
"Rommel is my acquaintance. And I have plans."
"Wag mong sabihinh parte siya ng Memoire."
"No, he's not."
"Please miss, sabihin mo sa'kin kung ano man yang balak mo." I'm starting to lose my temper. Hindi ko alam kung bakit pero tama siya, maybe naiiinip ako dahil sa slow pacing na nangyayari.
"I'm not going to tell anything."
"Why?"
"This is your favor. If you really want this to succeed, then just let me do it." We stared for seconds, "Just trust me, Morris." Then she left.
Babalik n asana 'ko sa loob, pero pagpihit ko, nakatayo sa gilid ng malaking paso si Mariah. Bago ako makapasok, hinarang niya 'ko.
"Anong meron sa inyo ni miss?" she suspiciously asked, "Nakikita ko na kayo dati pa sa garden."
"Wala."
"Eh, sa inyo ni Lily?" Mariah Martinez, everyone called her Aya, the nickname who gave her was Lucille. "Girlfriend mo siya diba?"
"Oo."
"Then bakit mo pa hinahabol si Morie?"
"Kasi mahal ko siya."
Hindi lahat nang nakikita sa labas ay totoo. Everything is different inside and outside. I know her, Mariah; I know who really she is.
"Ang gago mo, Morris."
"Alam ko."
Umurong na siya, bumalik na sa loob. Napangisi na lang ako. Tsaka sumunod din sa loob. Bumalik ako sa pwesto ko, kung saan naghihintay si Lily, ang sinasabi nilang girlfriend ko.
"Saan ka galing?" tanong niya.
"Sa labas."
"Anong ginawa mo?"
"Nothing." Di na siya sumagot. Lily is my girlfriend. But I've never been a boyfriend to her. There's a reason for everything, and there's a reason for this. She won't let me go, but someday she will.
Bumalik na ulit si sir Romulo, pinaayos kaming lahat atsaka ulit siya nagsimula. Muling nagkaroon ng discussions si sir Romulo, more on spiritual activities, at may pinapanood na kung anu-anong inspirational clips or videos. But none of them touches everyone's heart.
Kahit saan ako tumingin, nakikita ko ang mga repleksyon nila, walang pagbabago, walang progress. Kaya naiiinip ako sa mga mangyayari.
'Just trust me, Morris'
Ang tanging pabor ko lang naman kay miss ay baguhin ang puso ng bawat isa. She made the theme "to change everyone's hearts". Iyon lang naman ang gusto ko. Ito yung ipinakiusap ko kay miss Karen.
It could help Jill, and also us, to move on from the painful past.
*****
SECOND DAY.
Pagkatapos ng breakfast sa dining hall, pinapunta kami kaagad sa common room para sa magiging activities na naman ngayong araw. Pagdating namin doon, nakabilog na yung mga upuan, nakahawi ulit yung kurtina dahilan para makita na naman ang walang katapusang repleksyon ng silid na yon.
Makalipas ang kalahating oras. Walang facilitator na dumating. Wala rin si sir Romulo. Namatay yung mga ilaw maliban sa pinakagitna, kaya dumilim. Sumulpot si miss Karen sa gitna.
"Good morning everyone, Because of urgent meetings, bumalik si Rommel sa seminary, matatagalan bago makapagpadala ng bagong kapalit. At ako na nga pala ang magiging temporary in-charge sa recollection nyo."
Nagreact silang lahat.
I think this is part of her plan, sumulyap sa'kin si miss, isang senyas iyon.
"Let's skip the introductions, alam kong kahapon pa sa inyo naidiscuss ang purpose ng lahat ng ito: to change your hearts. And, bakit hindi natin lagyan ng twist ang lahat? I mean, bakit hindi natin gawing memorable ang huling recollection niyo." She sounds creepy. Natatakot na sa kanya yung mga katabi ko, even Lily, kumapit siya sa'kin, pero hindi ko ito pinansin.
"Our first activity for this morning, we're going to play, Wink Murder."
A/N: The photo on multimedia is from Mt. Makiling, ang naging inspirasyon at basehan ko ng Villa Barbara. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top