/20/ Confessions
Pare-pareho kaming nagulat. Lalong-lalo na ako.
"Miss Italia." Sabay-sabay pa naming nasabi.
Tiningnan nya kami isa-isa, blang ang ekspresyon ng muka. Walang pinagbago.
"M-miss! Muntik na kaming atakihin sa puso, akala namin multo!" react ni Aya, binasag ang katahimikan.
"What are you doing here?" may bakas ng pagka-awtoridad ang boses nya, kaya natakot yung mga kasama ko.
"M-may nakalimutan lang po kami." Si Baldo ang naglakas loob na sumagot.
"Ako ang dapat magtanong niyan, miss Karen." Tiningnan ko sya ng makahulugan, "Anong ginagawa mo rito?" matigas kong tanong habang nakatingin ng direkta sa mga mata niya. Walang kumukurap sa'ming dalawa.
"Morie." Pagkuwa'y saway nila, napatingin sa'kin, nagulat sa sinabi ko.
"I also forgot something." Sagot nya kaagad. I wonder if she's lying.
"Amm, mauna na po kami." Pinutol na ni Baldo ang usapan, marahil ay naramdaman din ang tension sa pagitan naming dalawa. "T-tara na." nagmamadali silang lumabas maliban sa'kin. Pero makalipas ang saglit ay lumabas na ko, paglagpas ko sa kanya narinig kong may sinabi si miss.
"Jill Morie."
Pero hindi ko na iyon pinansin at humabol ako kila Aya.
*****
"Marami kang dapat ipaliwanag sa'min Morie, dahil maloloka na talaga ko ng tuluyan!" bungad agad ni Aya nang makarating kami sa apartment ko. "Wooow, ang cool ng bahay mo!" binuksan ko na kasi yung switch ng ilaw.
"Bakit mo naman sinabihan ng ganun si miss?" nag-aalalang tanong ni Penelope.
"Tsaka bakit ka tumakbo bigla? Anong nangyari?" si Baldo, tuliro.
Sa dami at sunud-sunod na mga tanong nila. Hindi ko alam kung ano yung uunahin kong isagot. Kasalanan ko naman kung bakit naguguluhan sila ngayon.
"Teka, hinay-hinay lang, pwede umupo muna tayo?" Yue was right, kakapasok pa lang naming sa loob eh. Nung on the way kasi rito walang nag-iimikan sa'ming lima.
"Ok, ok, sorry ha, excited lang." sabi ni Aya. Sa sala kami pumunta, mas pinili nilang sumalampak sa sahig at nag form ng pabilog, kumuha ng kanya-kanyang pagkain, madami kasing nakastock sa ref. At eto, di pa rin ako nagsisimula.
"You said you're going to confess." Panimula ni Penelope.
"Oo nga." Si Yue. "Sssshhhh!!!!" saway niya kila Aya at Baldo na nag-aagawan sa Nutella, tumahimik na yung dalawa.
"Sasabihin ko sa inyo pero I'm counting na hindi nyo sasabihin kahit na kanino." Sabi ko. Yeah, I trust them, because they're my friends.. And... makakabuti na rin siguro kung mailalabas ko ang lahat ng 'to, I can't take it all alone.
"Promise." Tinaas pa nila yung kanang kamay at parang mga batang nangako na magbebehave.
"May problema." I sighed, "Hindi ko alam kung paano sisimulan." Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula at kung ano ang ikoconfess ko.
"Umm... Edi tatanungin ka na lang namin. Ok lang ba yon?" suggestion ni Penelope.
Mukang mas mabuti yon, tumango ako bilang pagpayag sa kanya. Pero nagkagulo naman sila kung sino ang mauuna.
"Ako muna!"
"No, ako nagsuggest ako muna!"
"Ako naunang magtanong kanina Penpen!"
"Edi ako na lang!"
"Ako sabi eh!"
"Para patas, magbunutan na lang tayo!" idea ni Aya.
"Wow, may utak ka rin pala Aya." Pang-aasar ni Baldo.
"Tse!" kumuha ng papel si Aya, hinati sa apat at sinulat ang mga pangalan nila, tinupi ang papel at iniba iba ang ayos ng papel "Bumunot ka Morie."
Kumuha ako at binuksan iyon, "Baldo."
"Ok, so ako ang una. Ahm, kanina, bakit ka tumakbo?" tanong niya.
Huminga ulit ako ng malalim, inilabas ko yung phone ko.
"Natatandaan nyo ba yung tumatawag sa'kin kahapon?" tumango sila, "Nung mauna na kayong umuwi, tumawag ulit yung number..."
"At sinagot mo?" excited na dugtong ni Aya.
"Sssssshhh!!!!!!" saway nila.
"Sorry, tehee~"
Tumango ako, "Sabi nya alam nya raw kung sino yung may gawa ng blog tungkol sa'kin, pinababalik nya ko sa White Knights noong araw na yon para raw malaman ko."
"Bumalik ka?" kinakabahang tanong ni Yue.
"No, umuwi ako."
"Bakit? Diba gusto mong malaman kung sino yung may gawa nun?" tanong ni Aya
"Kinabahan kasi ako. Hindi kasi maganda yung kutob ko. At kanina, noong bumalik ulit tayo sa school, nasa classroom kayo Aya, sila Baldo nag cr, nasa lobby ako mag-isa..."
"Tungaks ka! Bakit mo iniwan si Morie?!" binatukan ni Aya si Baldo.
"Aray, masakit ha!"
"Sssshhhh!!!!" saway nila Yue.
"Binuksan ko yung cellphone ko para matawagan kayo, pero bago ko kayo matawagan... Tumawag ulit yung unknown number." Natahimik sila lalo, "Kaya ko tumakbo kasi..." narinig ko yung paglunok nila ng mga laway nila... "Noong sinagot ko yung tawag...Walang sumasagot... Pero.... Narinig ko sa kabilang linya yung mga boses nyo, Aya, Penelope, nasa homeroom kayo."
Namutla silang apat. Tahimik.
"Kyaaaaaaaaah!!!" napayakap si Aya kay Penelope, kinilabutan. "Ayoko na! Horror na talaga to! Ayoko naaaaaa!"
"Mariah! Calm down!" sabi ni Penelope, trying to compose herself.
"P-pano nangyari yon?" halata na sa boses ni Baldo ang kaba. "I-ibig sabihin malapit sa homeroom yung tumatawag? T-tapos paglabas natin, nakita natin si—"
"MISS ITALIA!" sabay-sabay nilang sigaw.
"Kaya ba tinanong mo ng ganon si miss?" si Yue, "S-siya yung caller?!"
"Hindi ko alam." Sagot ko.
"Ibig sabihin posibleng siya yung may gawa nung blog?" conclusion ni Aya, "Pero kung siya nga, ano naman ang dahilan nun?"
"I think hindi naman magagawa 'yon ni miss." Sabi ni Penelope.
"We can help you Jill." Yue snapped. Nilabas ang laptop nya at binuksan ang power.
"Paano naman?"
"Kung hindi niyo itatanong, maalam ako sa computer. Susubukan kong i-hack yung blog or i-track yung IP address."
"Yue! Bakit ngayon mo lang naisip yan!" pumitik pa si Aya. "Computer genius ka pala!"
" I'll do my best, let's check the site first." Pinuntahan nya na yung website, lumapit kami kay Yue para tumingin. Nagsroll lang si Yue habang may iba't iba silang reactions sa bawat mabasa at makita nila. Ako? Sanay na ko.
Pero... Parang may nakita kong kakaiba, "Sandali ihinto mo." Sabi ko kay Yue. Nanlaki ang dalawang mata ko sa nakita. Paanong napost ang mga pictures na yan? Paanong napunta sa taong yun ang mga larawang tinapon ko na? Oo, yung lumang kahon na tinapon ko sa basurahan. Yung tatlong mahahalagang larawan sa buhay ko.
"J-jill."
Ang unang larawan na may caption na, "The Shadow Friends", yung group picture namin noon. Sumikip ang dibdib ko sa pangalawang larawan, "The Disappointed Father.", my photo with my dad. At mas sumikip yung dibdib ko sa pangatlong larawan, "The Tragic Lovers." The photo of me... with him...
Pumikit ako saglit, huminga ng malalim, "Y-you can ask me anything."
"N-no Morie, ok lang kung ayaw— "
"Ok lang, Penelope." Sabi ko, at bumunot ulit ako ng pangalan, "Aya."
"A-ano, pwede paki-explain yung mga pictures?" parang nahihiyang tanong niya.
"Ok." Tumikhim muna ko, "Ang mga litrato na yan ay nakunan dalawang taon na ang nakalilipas. Look, ang saya natin noong junior high oh." I pointed the first photo, smiling.
"Y-yeah, nanalo tayo sa cheering competition dyan eh. He-he." Baldo shyly said. "That time, hindi pa mortal na magkaaway si Tamaki at Ireneo. Magkakasundo pa tayong lahat."
"At hindi pa nag-eexist ang caste," Yue added.
"Pero walang consistent na pangyayari sa mundo, hindi naman palaging masaya diba. Lalong lalo na ang feelings ng mga tao, hindi consistent. People do change. Then everybody changed. In the brighter side of my life nakasama ko silang lahat pero noong dumilim ang mundo ko, para silang mga aninong naglaho." Napayuko sila, kasama kasi sila sa word na 'sila' pero wala akong intension na kahit na ano. "No one stayed by my side. Until the heavens sent Hanneul to me, the little girl..." whom I first saw the future, "my little angel, who helped me... to stay stronger... But she perished, and before she died, Hanneul wished to me to bring back my smile... Kaya, binuksan ko ulit yung loob ko na magkaroon ulit ng mga kaibigan. I want to grant what she wished." Ngumiti ako. Ngumiti rin sila. Nagpunas ng luha si Penelope, silently sobbing. Nagpatuloy lang ako sa pagkukwento.
"So, the second photo, I'm with my father, Richard Morie. Siguro napansin nyo naman na I'm not living with my family, ako lang yung nakatirang mag-isa rito, sa loob ng dalawang taon namuhay ako ng mag-isa without the affection of my family. Kami na lang ng dad ko ang magkasama, my mom died a long time ago... Dumating yung panahon na nagdala ng bagong babae si dad sa bahay."
"Baldo, may tissue ka ba?" singit na tanong ni Aya.
"Umayos ka nga, Aya." Saway ni Baldo.
"It's Lily's mom."
They gaped.
"Elinor is very kind, lalo na sa'kin, hindi naman ako doubt kung bakit gusto siyang pakasalan ng father ko, I mean, she had it all... Unlike her daughter," I smirked, di ko maiwasang maalala yung insidenteng nag-away kami ni Lily noon, doon pa ko sa bahay kasama sila, tapos ako yung pinalabas niyang masama, great, muntik ko na siyang mabato ng vase sa sobrang galit ko, but dad went for her, "Hindi kami magkasundo ni Lily, at hindi rin kaya ng puso ko na tuluyan nang palitan ni dad ang lugar ni mom sa puso nya, at ako nawalan na ng tuluyan ng lugar sa bahay na 'yon, umalis ako. Bumalik ako nito lang, pero sinalubong ako ng father ko ng isang dismayadong muka, remember noong tumalon ako sa riles?"
"S-sorry, Morie—"
"No, Yue, wala kang dapat ihingi ng sorry." Sabi ko sa kanya at tumango na lang, "Well, muka ngang hindi na talaga kong kailangan doon, at hindi ko rin naman na gugustuhin pang bumalik."
"H-he's your father. Paano niya nagawa yun sa'yo." Di makapaniwalang saad ni Penelope.
"Yeah." Nagkibit balikat na lang ako. Dumako yung tingin ko sa pangatlong larawan, "At yung huling larawan..." na kasama ko si
"Morris." Nagdadalawang isip ako kung ikukwento ko ba sa kanila, parang hindi ko yata kaya...
"He.... He's the one who broke my heart..." Siya yung unang lalaking minahal ko, at una ring nanakit ng damdamin ko. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin naghihilom yung sugat na ginawa ni Morris sa puso ko.
*****
"Hello?" kanina pa nakauwi sila Aya, pasado nine o'clock na ng gabi, natapos din yung pagkukwento ko sa kanila at nanatili lang silang tahimik. "Bakit, Yue?" biglang tumawag si Yue.
"Umm... Jill..."
"Yes?"
"Natrack ko na yung... address... nung blog..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top