/2/ Seer
In the City of God, there will be a great thunder,
Two brothers are torn apart by Chaos,
While the fortress endures, the great leader will succumb,
The third big war will begin when the big city is burning
NAKATITIG lang ako sa lecture sa blackboard habang nakapangalumbaba. Kalahati ng klase ang hindi nakikinig, yung iba natutulog na lang o kaya nakikipagdaldalan sa katabi, yung isang kalahati ay pursigido pa ring nakikinig
Habang nagdi-discuss, palakad-lakad rin si Miss Karen sa classroom, nakalagay ang dalawang kamay sa likuran. "Nostradamus, the most famous astrologer who ever lived..." tinapik nya pa yung nadaanang natutulog at napabangon naman ito, nagpatuloy siya, "And that quatrain written on the board contained the prediction of 9/11 bombing." Aniya, malamig ang boses, huminto sa harapan nang may nagtaas ng kamay.
"You mean, nakita ni Nostradamus ang future?" tanong ng nerd kong kaklase, si Penelope.
"They said he 'foresaw' it. By interpreting this quatrain, they assume na ang 'The City of God' ay ang New York. Then 'the two brothers are torn apart by chaos' must be the fallen towers of the World Trade Center. 'Fortress' is the Pentagon. 'The great leader will succumb" must be the United States. And 'the third big war' means World War III."
Matapos sabihin iyon ay nagkanya-kanya silang diskusyunan, kanya-kanyang reaksyon, may mga natakot, may mga hindi naniniwala, may mga sumang-ayon. yung mga natutulog ay biglang nagising dahil sa mga diskusyong naglilikha ng ingay, at yung iba wala naman talagang pake, gaya ko
"So, sino sa inyo ang naniniwala sa prediction na to?" tanong ni Miss Karen at huminto sa gitna.
May mga nagtaas ng kamay, at may isang tumayo para magsalita.
"I think, the lines are accurate sa mga nangyari, mam."
"Ok, so, sino naman ang hindi naniniwala?" lumibot si Miss Karen ng tingin, kaunti ang nagtaas ng kamay, at nagpatuloy sila sa sari-sarili nilang argumento.
"Imposible yon, paano nya masasabing New york yun kung hindi pa nag-eexist yun sa panahon nya?"
"It's a faux pas, mam." Sabi naman ni Penelope, inayos pa ang salamin sa mata, senyales na sigurado ang kanyang sagot
"Are you sure?"
"Opo."
"Well,you're right. It's not true" Pagkatapos ay sabay-sabay silang nagreact, samantalang ako nanatili lang walang imik at nakatingin sa board. Ang tagal naman matapos ng klase.
"That quatrain written on the board was nowhere to be found in Nostradamus published works," naglakad ulit si Miss Karen at pagkatapos ay huminto ulit pagdating sa likuran, "In other words, it's just a hoax." kanya-kanya silang violent reactions, hindi nagustuhan at nadismaya sa sinabi ni Miss.
"So what's the point of this?" sabi ng isang maarte kong kaklase, si Alexi , nagniningning pa yun mga suot-suot niyan alahas na tiyak kong mamahalin.
"Well, we're talking about Nostradamus, anyway." pinulot ni Miss Karen ang nahulog na ballpen sa sahig at ibinalik sa may-ari. "He predicted the date and the hour of his death, then he died shortly before the sunrise."
Nagpatuloy ang mga kaklase ko sa pagtake down ng notes, inaasahang lalabas ang topic na ito sa exam. Malapit na nga palang mag-exam. Bumalik si Miss Karen sa harapan, inayos ang gamit niya sa table. Fifteen minutes na lang, akala nila tapos na ang discussion pero hindi pa pala.
"Some were told that the future is not predetermined because humans have the power to change it..."
I can see the future.
"...by enlightening the consciousness, hndi ba may mga pagkakataong nararamdaman natin kung anong mangyayari sa susunod, then it happened..."
Pero hindi ako katulad ni Nostradamus. Hindi ko makikita kung magugunaw na ba ang mundo o kung anong mangyayari sa bansang 'to. I can see individual's future. Kapag tinitigan ko ng matagal ang mga mata nila, kapag tila nahihigop ng mga mata ko ang kaibuturan ng kanilang mga mata, nakikita ko ang hinaharap na naghihintay sa kanila.
"...we can create mental pictures of events that have not yet happened. Minsan, hindi sinasadya, nagkakatotoo ang mga nililikha natin sa isip natin..."
Hindi ko alam kung paano ko 'to nakuha. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Two years passed since I got in an accident, I received this unusual power, and I can't tell if it's a gift or a curse. Magmula noon hindi ko na natagalang makisama sa ibang tao. Anong magagawa ko? I couldn't help it. I isolated myself. Sa tingin ko mas tamang ilayo ko ang sarili ko sa mga tao, hindi na ako tumitingin ng matagal sa mga mata nila.
"...people subconsciously make thousands of predictions each day, gaya ng paghula kung sino ang darating, kung sino yung tumatawag at kung anu-ano pa.On the other hand, we're led to believe that life is about making choices... It's about free will, fate, and destiny..." she paused.
Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natatakasan ang realidad na mayroon ako. I can't run away from this fate.
"...we make our futures. A—"
May sasabihin pa sana si Miss Karen pero naabala siya nang biglang tumunog ng malakas ang bell sa labas kahit hindi pa saktong time para sa next subject.
"Okay, that's all for today. See you tomorrow." iyon ang huling sinabi ni Miss at pagkatapos ay binitbit na nito ang gamit nito atsaka umalis.
Inayos ko na rin yung mga gamit ko, itinabi ko na sa bag yung mga libro't notebook ko. Hindi ko maiwasang marinig yung mga kaklase ko na pinag-uusapan ang topic na iniwan ni Miss.
"Ano kaya ang pakiramdam n may ganung powers?"
Mahirap
"Gusto kong maging ganun, siguradong magiging sikat ako sa buong mundo. Huhulaan ko kung kelan magugunaw ang mundo."
Moron.
"Ang astig siguro kung makikita mo kung anong mangyayari."
Wala silang kaalam-alam na isa sa mga kaklase nila ay kayang makakita ng hinaharap sa ilang segundong pagtitig lang sa mga mata. Oo, walang ibang nakaalam tungkol sa kung anong mayroon ako, sinong maniniwala kung sakali? Kung pwede ko lang ipasa, matagal ko na dapat ginawa. And having this freaking power is not cool as they thought. Mahirap makita kung anong pwedeng mangyari. Lalo na kung may mawawala at hindi katanggap-tanggap.
Paalis na ko nang tawagin ako ni Aya.
"Morie," huminto ako pero hindi tumingin sa kanya, "Okay ka lang ba?" Tumango ako tapos lumabas ako ng classroom.
Alam ko ang totoong sagot sa tanong niya, hindi ako okay.
Marami na namang tumitingin sa kin habang naglalakad ako sa corridor, naririnig kong pinag-uusapan nila yung tungkol sa amin ni Cloud Enriquez. Binalewala ko lamang yon hanggang sa narating ko rin ang library, sa left wing ng building, ang lugar na lagi kong pinupuntahan, dito ko kinukulong ang sarili ko kapag may bakanteng oras, malayo sa mga tao.
Pumasok ako sa loob, tutal, lagi naman akong nandito, hinahayaan na lang akong pumasok lagi ni Mrs.Stefi, ang librarian, busy siya sa pagkukutkot ng kuko nya. Malawak ang library, malalaki ang shelves, yun nga lang, walang gaanong interesadong pumunta rito, pwera na lang kapag may mahahalagang research.
As usual, doon ako sa paborito kong pwesto, malapit sa Geographic section, wala kasing masyadong tao na pumupunta rito, except sa mga naglalandian.
I can finally have peace.
"Preparing early for exams, huh?" or not.
Without looking up I said, "Get lost."
"Woa, supalpal na agad ako. That hurts." Hinila niya yung upuan at umupo pa siya kaharap ko.
"Want to grab some lunch? My treat." hindi ko man siya nakikita, I know he wears his boyish smile.
"Busog ako."
"Napakahard headed mo, young lady."
"Can't you see I'm busy? Hey!-" bigla niyang inagaw yung libro ko, "Akin na yan! Enriquez!" sabi ko at pilit na inaagaw ang libro pero nilalayo niya ito.
"Let me treat you first."
"Give me back my book then fine!" sabi ko nang matigil siya pero ang totoo hindi naman talaga ako sasama sa kanya. Ngiting-ngiti naman siya, then he handed me my book. At nang makuha ko ito, bigla akong kumaripas ng takbo.
"Hey! Morie!" nabangga niya yung isang pile ng books, natumba at nagkalat iyon sa sahig, kaya wala siyang ibang magagawa kundi ayusin yon, takot lang niya kay Mrs.Stefi.
He's been tailing me for three weeks. Hindi ko alam kung anong nakain nya at ako ang pinagtitripan niya. Siya yung naglalagay ng kung anu-ano sa locker ko. Cloud Enriquez is a certified flirt. Hindi ko pa man nakikita ang future, nararamdaman ko na.
Paglabas ko, hindi sinasadyang may mabunggong tao na papasok naman sa loob ng library. Si Penelope.
"Sorry." sabi nito. Nalaglag yung mga dala ko kaya automatic na pinulot ko ito, tinulungan niya ko. Hindi sinasadya, napatingin ako sa mata niya at wala pang isang iglap ay nakita ko...
"Morie, pasensya ka na." hindi ako sumagot bagkus mabilis akong naglakad nang hindi lumilingon sa kanya.
Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Anong dapat kong gawin?
"...On the other hand, we're led to believe that life is about making choices... parang bigla kong narinig ang boses ni Miss Karen. "..It's about free will, fate, and destiny..."
Should I let it happen?
"Penelope" tawag ko sa kanya nang humarap ako.
"Bakit?" hindi pa siya nakakapasok sa loob ng library, nagtataka siya kung bakit ko siya tinawag. Lumapit ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita.
"Morie?"
Huminga ako ng malalim.
"Wag ka munang umuwi."
"Ha? Bakit?" gulat na gulat niyang sabi.
Isip. Isip ng dahilan. "Magpapatulong ako ng assignment."
I hate this.
Because I'm a freaking seer.
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top