/19/ I'll confess


Nanginginig yung mga tuhod ko, kasabay pa ng malakas na pagkabog ng dibdib ko at halos hindi ko na marinig ang ibang ingay sa paligid ko.

Hindi ko tuloy maipasok ng mabuti yung susi sa sendura ng pinto dahil sa sobrang tension na nararamdaman ko. Hindi ako bumalik sa White Knights, mabilis akong umuwi at gusto kong isiping walang nangyari.

Ewan ko. Bigla akong nakaramdam ng takot, pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari kapag bumalik ako roon. Pinatay ko muna yung power nung cell phone ko para hindi na 'ko gambalain pa ng unknown number na 'yon.

Kung parte pa rin ito ng pambubully ni Ireneo, hindi ko na sya basta-basta mapapatawad, lalo na kung kasangkot sya sa lahat ng 'to. Hinding-hindi.

Pumikit ako. Sana matapos na ang lahat ng to.


*****


4:10 pm

"Sorry, late ako, tehee~" pagpapaumanhin ni Aya na kadarating lang. Walang pasok ngayong araw kaya naman nagkita-kita kami sa isang coffee shop malapit lang din sa academy. Gusto kasi nila ng group study or tulungan sa mga research. Usapan namin ang alas tres pero naging alas kwatro ang alas tres. Great.

"Buti naman at dumating ka na dahil ikaw ang magbabayad ng mga order natin." Pambubuska kaagad ni Baldo na halatang giniginaw dahil sa jacket nyang suot. Taglamig na kasi, malapit na ang pasko kaya malamig ang simoy ng hangin.

"Utut mo Baldo! Uyy, Morie ang cute ng scarf mo ah. Grabe nakaka-OP mga suot nyo, feeling winter sa Pinas? Haha! Tingnan nyo si Yue may ear puffs pa haha!" sa nililikhang ingay ni Aya ang sama tuloy ng tingin ng ibang customer sa mesa namin.

"Grabe, kararating mo lang ang lakas mong mang-asar." Sabi ni Yue.

"Wow Yue! Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pitong words ang nasabi mo ngayon! Congrats! Bwahaha." Pang-aasar ulit ni Aya. Aambaan ng pambabatok ni Yue si Aya pero dumila lang  ang huli. Weird, ngayon ko lang nakita na makipagkulitan si Yue kay Aya.

"So, ano nang gagawin natin?"  tanong ni Penelope, inayos ang pahina ng librong binabasa.

"Hmmm... siguro magpapamassage tayo, Pen, ay malamang! Magkakape tayo kasi nasa coffee shop tayo dibaaa?"  papitik pitik pa sa ere na sabi ni Penelope. Napakamot na lang sa ulo si Penelope. Umorder na si Aya ng kape. Nilabas ni Yue yung laptop nya, si Penelope nagbasa ulit, si Baldo nakikinig sa mp3. Kanya-kanya muna kaming mundo bago dumating yung order. Pagkatapos naming maubos ang mga order namin,  napagpasyahan na sa apartment na lang kami mag group study.

Nasa entrance na kami ng station six nang bumulalas si Penelope.

"Guys, nakalimutan ko yung notebook ko sa school."

"Eh?"

"Importante kasi yun, makakatulong pa naman yun sa homework natin." May paghihinayang na sabi ni Penelope.

"Tara puntahan natin sa school, para lang naman tayo namamasyal."

"Come on bamanos! Everybody let's go!~" kanta pa ni Aya at pumihit na sila patalikod para pumunta ng academy.

I think that was not a good idea.

Gusto ko sanang tumutol pero hindi ko naman magawa dahil nauna na silang naglakad. Inatake na naman ako ng kaba, hindi kaya matulad din ako kay Lily? Patay pa rin  yung phone ko hanggang ngayon. Binilisan ko na lang maglakad para makahabol sa kanila.

Hindi naman kami nahirapang makapasok sa loob ng academy, kilala naman na kami ng mga guards dahil seniors na kami, iniwanan na lang namin yung mga ID naming. Tsaka may mga kaunting tao pa rin naming nagpupunta sa school kahit walang pasok.

Yun nga lang, pagpasok namin sa loob, ubod naman ng dilim dahil iisang ilaw lang yung bukas sa lobby, sa kinayaman yaman ng paaralang ito, nagtitipid sila? Cool.

"Mariaaah.... Psst.... Psst..."

"S-sino yon?!" napakapit tuloy sa laylayan ng jacket ni Baldo si Aya.

"Wag mo ngang hilahin yung jacket ko!" inalis ni Baldo yung kamay ni Aya sa laylayan ng jacket nya, "Si Yue lang yon, pinagtitripan ka!"

"Hahaha, nakakatawa ka Stephen." Saracastic naman na sabi nya.

"Tingnan mo yun, Aya." May tinuro sa side si Baldo at tumingin siya, nagulat naman si Aya dahil salamin pala yon, "HAHA, gulat ka sa muka mo no?! HAHAHA"

"BWISET KA BALDO, BWISET KA." Sinuntok ni Aya si Baldo sa braso. Natawa na lang din kami.

Nagkakatuwaan lang kami habang tinatahak ang madilim na corridor papuntang locker area. Hanggang sa marating na naming yon at binuksan ni Penelope yung lock at nagsimulang magkalkal. Patay talaga lahat ng ilaw, at nag-aagaw dilim at liwanag ang tumatanglaw sa loob ng campus, mas mahaba nga pala ang oras ng gabi ngayon.

"Wala rito yung notebook ko," napakamot si Penelope. Halos mahalukay nya na yata yung buong laman ng locker pero wala pa rin, "Pero feeling ko nasa classroom 'yon."

"Edi tara." Si Baldo

"Ganito na lang, kami ni Aya yung pupunta ng classroom tapos kayo maghintay na lang sa lobby." Suhestiyon ni Penelope.

"Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa sa suggestion mo Penpen." Sabi ni Aya, napaatras.

"Ok, walang problema!" masaya pang sabi ni Yue, pang-asar kay Aya.

"So, ako talaga?! Bakit ako pa isasama mo?! Wa---" bago kasi makaangal si Aya nahila na siya ni Penelope papalayo. Kaming tatlo naman nila Baldo ay naglakad na pabalik ng lobby.

Nawala na kahit papaano yung kaba sa dibdib ko dahil kasama ko naman silang apat. Tsaka wala naman akong nararamdamang kakaiba sa loob ng campus. Baka nga prank call lang talaga yung intension ng unknown number na 'yon. Nakakahinga na ko ng maluwag.

"Oy, CR lang ako." Paalam bigla ni Baldo.

"Sama na ko." Si Yue, "Mauna ka na Jill."

Ah ganon. Kailangan iwanan ako? So in the end ako lang mag-isa ang bababa? Gusto ko silang batukan at pag-untugin dahil kung kalian naman okay na ko tsaka nila ko iiwan.

"Sige, bilisan nyo na lang." sabi ko at nagkanya-kanya na kaming lakad. Badtrip. Sana sumama na lang din ako kila Penelope. Inalis ko na lang yung mga negatibong bagay sa isip ko hanggang sa marating ko na yung lobby na may naghihingalong ilaw.

Hinintay ko sila roon pero lumipas ang sampung minute hindi pa rin sila bumababa. Unconsciously, binuksan ko yung power nung cellphone ko para tawagan sila.

Biglang bumulaga ang sangkatutak na messages. Rumehistro na naman yung kaba sa dibdib ko.

Iyon at iyon pa rin yung laman ng message. Maliban sa isa:

'Bakit ka tumakbo, Jill?'

Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete. Delete.

 Binura ko lahat.

Dina-dial ko na yung contact number ni Aya pero naunahan ako nang tumunog ang ring tone ko.

Calling... +63975478677

Wag kang magpakain sa takot, Jill.

"H-hello." Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko pero mukang nabigo ako. Nanginginig yung kamay ko. Walang sumasagot sa kabilang linya.

"S-sino to."

Wala talagang sumasagot. Tama, prank call lang 'to, prank lang ang lahat. Ibababa ko na sana yung tawag pero...

"Penpen!~"

Mas dumoble yung kaba ko. Parang mas lalong lumamig yung paligid.

~"Nahanap mo na ba yung notebook mo?! Kanina pa nila tayo hinihintay sa baba!"

"Wait lang Mariah, kung tulungan mo na lang kaya akong maghanap para mas mabilis."~

~"Aba, feel mo kong tawagin sa buo kong pangalan!"

H-hindi.

Bakit sila yung naririnig ko sa background? Hindi kaya—

"A-anong---" pinatayan na naman ako ng tawag. Kaya hindi na ko nag atubili na tumakbo papuntang taas, papunta sa homeroom namin.

"O-oy, Jill, anyare?!" tanong ni Baldo nang makasalubong ko na pababa, pero nilagpasan ko lang siya.

"Jill!" sigaw nila, at narinig ko na lang din ang mga yabag nilang nakasunod sa'kin, "Jill, sandali!"

Nag-eecho sa buong campus yung takbuhan namin, pero wala akong pakialam, tumatakbo ako ng buong bilis sa abot ng makakaya ko.

Ibig sabihin nasa itaas lang din yung caller, malapit kila Aya, malapit sa homeroom.

Nagulat sila Aya at Penelope nang bumulaga ako sa pinto, pati rin sila Baldo at Yue. Hingal na hingal kaming tatlo.

"Oh? Bakit? Anong nangyari? Bakit kayo tumakbo? Ha? Hoy!" sunud-sunod na tanong ni Ayaa

"Itatanong ko rin sana kay Jill yan." Sabi ni Baldo sa pagitan ng paghinga.

Nakatutok ang mga mata nila sa'kin. Hinihintay akong magsalita. Pero walang gusting kumawalang salita sa mga bibig ko.

Hindi pa rin ako nakakabawi sa mga nangyari, masyado kasing mabilis.

"I... I'll confess..."

"Confess?" naguguluhang sabi ni Penelope

"Everything." Sabi ko, "Pero, umalis na muna tayo rito, please."

Hindi sila sumagot. Namayani ang mahabang katahimikan. Nagtitinginan lang silang apat, naguguluhan sa mga pangyayari.

"O-ok." Si Baldo ang nag-insist, "T-tara na."

"He-he, ang awkward, horror na ba ito?" si Aya.

We nodded. Pumunta na kami sa pintuan para lumabas, pagbukas ni Baldo ng pinto tumambad samin si

"Miss Italia." We chorused.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top