/18/ Unknown
Music Class.
Isa sa ayokong subject. Lalo na pag tuwing may practical test, katulad na lang ngayon. Bad trip. Sigurado akong makikipagsapawan na naman sa isa't isa yung mga trying hard singers.
"Ok class, ang practical test niyo today ay isa-isa, unlike before na puro by group." Announce bigla nung teacher. I frowned. No, the whole class frowned.
Like, seriously? Nabigla ang buong block namin, maging ako. As in isa-isa lang kakanta sa harap? The heck!
Wala rin kaming nagawa sa desisyon ng teacher so in the end isa-isang kumanta sa harapan, alphabetical. Pwedeng mag acapella or gumamit ng kahit na anong musical instrument habang kumakanta.
"SINCE YOU'VE BEEN GONE! I CAN'T BREATHE FOT THE FIRST TIME. YEAHEEYEEE!" konti na lang mababasag na yung mga glass windows sa boses ni Aya. Wala, naging laughing stock lang naman yung mga hindi marunong kumanta. Masakit sa tainga, masakit sa ulo.
Natapos yung pagkanta ni Aya na masakit ang tyan ng mga kaklase ko kakatawa. Well, nakakatawa talaga yung ginawa nyang 'pagwawala' sa harapan ng klase, pero wala lang sa kanya yun. That's Aya, she's crazy and funny.
"Ok, thank you, Ms. Martinez." Halatang sumakit din ang ulo ng music teacher namin, "Next please."
"OMG, I'm so great, bwahaha! Morie girl! Ikaw na! Go go go!" cheer pa ni Aya sa'kin at excited na excited.
Ako na pala yung kasunod ni Aya. Tss. Bigla silang natahimik nung ako na yung tumayo para pumunta sa harapan. I know, pagdating talaga sa'kin, ilag pa rin sila. Nakakita ko ng gitara nakasandal lang sa isang tabi ng music room, dinampot ko iyon bago humarap sa kanila.
Wala talagang nagsasalita sa kanila, lahat tahimik na nakatingin sa'kin. Inaabangan ang susunod kong gagawin. Iniisip ko pa rin kung ano yung kakantahin ko.
Bahala na.
"Kamusta na..
Nandyan ka pa ba..
Wala na yatang ibang magagawa,
kundi tumawa.
...
Nakita ko ng lahat ito
Pinahihiwatig ng mata mo
Salamat na lamang sa'yo..."
Tinapos ko na agad yung kanta. Good thing kabisado ko pa rin yung chords kahit na matagal na kong hindi nakakahawak ng gitara. Kundi lang dahil sa pesteng practical test na 'to. Tss.
Hindi ko naman inaasahan na papalakpak silang lahat matapos kong kumanta. For real? Namangha ang ilan, at ang iba siguro tanggap nilang marunong akong kumanta. Well. Bumalik na 'ko sa upuan ko at tuwang-tuwa na sinalubong si Aya.
"Woaaa, Morie may hidden talent ka pala. Ang galing, pero ano nga yung kinanta mo?" tanong niya.Right. Alam kong hindi pamilyar sa kanila yung kinanta ko.
"Mata." Sagot ko. Wala lang, iyon kasi yung pumasok sa isip ko na kantahin.
"Wahaha, halatang may pinaghuhugutan ka eee." Ngiti na lang yung iginanti kong sagot sa kanya.
Mata. That song means a lot to me. Lalo na sa parte na may mata. Nakita ko na nga ang lahat ng ito.
"Mr. Morris, it's your turn."
Napatingin kami ni Aya sa harapan nang marinig na namin ang pagtipa ng piano. Pamilyar yung kanta..
You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lip
Sa dinami-rami ng kanta na pwede nyang pillin. Bakit ito pa, Morris?
"Morrie, uy, akatitig sa'yo si Morris." Pabulong na tanong ni Aya. Lahat din kasi tahimik habang tumutugtog si Morris. Sa tanong ni Aya mas lalong nanlambot yung tuhod ko. Hindi ko magawang tumingin sa direksyong tinutukoy ni Aya. Hindi ko kaya.
Hindi pa rin kaya ng puso ko.
Lalo na't kinakanta ni Morris ang kanta na yan.
Because... It reminds me so much.. of the past, I wanted to forget.
I tightly shut my eyes.
"Uy, ok ka lang? Nahihilo ka ba? Samahan kita sa clinic."
"N-no, ok lang ako. Thanks." Sagot ko at pilit na dumilat, pero nakayuko pa rin ako.
Sinubukan ko sa pagkakataong ito, nagtaas ako ng tingin... Sinalubong ang mga titig na kanina pa naghihintay sa'kin. Hayan na naman yung mga matang wala akong ibang Makita kundi ang nakaraan. Nakaraang hinding-hindi ko mababalikan. At hindi ko malilimutan.
Morris.
Kung inaakala mong nakalimutan ko na ang lahat.
Nagkakamali ka.
You used to sing that song before.
Especially for me.
*****
Hindi ako nakasabay kaagad ng lunch kila Aya. Pinauna ko na sila dahil personal pa kong kinausap ng music teacher ko matapos ang music class. Nirerequest kasi sakin na makipag participate ako sa gaganaping festival sa susunod na buwan, pinapasali ako sa concert production ng night out program.
Like duh, siyempre ayoko. Pero hindi pa rin pumayag yung teacher ko sa paghindi ko. So, in other word, kukulitin nya pa rin ako next time.
Papaakyat ako ngayon sa roof top, baka sakaling maabutan ko sila doon. Pagdating ko roon, hindi ko nakita kahit mga anino nila, walang tao. Akala ko lang pala, aalis na sana ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, isang boses na kinaiinisan ko.
"Hindi mo pa ba 'ko titigilan?!" that was my dear sister's voice. Lily Cortez Morie.
Nakatago pala sa may gilid si Lily kaya pala hindi ko sya kaagad nakita at napansin. Nakatalikod sya sa gawi ko kaya hindi nya ako nakikita. May kausap sya sa cellphone at halata na nangangatal sya.
"Oo, nalagay ko na nga sabi yung cameras. Masaya ka na?" cameras? "Nasunod ko na yung gusto mo so please tigilan mo na 'ko." May halo ng pagmamakaawang mababakas sa tinig ni Lily. I wonder kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila.
"We have a deal! Nagawa ko na yung pinagagawa mo, so I hope you'll be fair enough." So, it's blackmailing. Wow, may nambablack mail kay Lily? Cool. Halata naman sa nanginig at iritadong boses ni Lily ang nangyayari. Mukang takot na takot sya sa kausap nya. Kanino at saan naman kaya sya natatakot? Sa taong kausap nya? O sa deal nila? Both siguro.
Anyway, it's her life, wala akong pakialam sa kung anong mangyayari sa kanya.
Nang matapos makipag-usap, binaba na ni Lily ang cell phone. Napabuntong hininga at pumihit patilkod. Nagulat siya nang Makita ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi nya ako tiningnan at nagmamadaling maglakad paalis pero hinarang ko sya.
"Bakit para kang nakakita ng multo?" pang-aasar ko. "Sino naman ang kausap mo?" hindi naman nya ko matingnan ng diretso kaya ako yung nag-eenjoy na tumingin sa muka nyang parang naflush.
"W-wala! It's none of your business. Excuse me." Namumutla si Lily. Hindi ko na sya pinatulan at hinayaan na lang syang bumaba.
Napangisi ako. First time kong makitang ganun si Lily. Nakakatawa.
*****
Jill.
From: +63975478677
4:56 pm
Labindalawang messages galing sa isang unknown number ang natanggap ko kanina pa, puro 'Jill' lang ang nakalagay. Hindi ko pinapansin dahil wala akong balak patulan kung sino man ang may balak na mantrip sa'kin. Pero naiiinis na talaga ko dahil bukod sa mga messages ay tinatadtad din ako ng tawag ng kung sino mang kumag na 'to. Nakakaanim na missed calls na sya, at wala talaga kong balak sumagot.
"Alam mo, naririndi na ko sa ring tone mo Jill, bakit ba hindi mo pa sagutin yang tawag?" yamot na tanong ni Baldo habang sabay-sabay kaming lima na naglalakad papuntang stop light, ang kanto mula sa academy. Kanina pa dismissal.
For the seventh time, tumatawag na naman yung unknown number, pero hinahayaan ko lang tumunog yung cellphone ko.
"Unknown number kasi." Sagot ko naman.
"Gusto mo ako sumagot, bwahaha." Sabi ni Aya. Pero huminto na rin yung tumatawag, narrating na naming yung kanto.
"See you na lang bukas."
"Bye!"
Kanya-kanya silang paalam. Magkakaiba kasi kami ng direksyon papauwi, si Aya sumakay na ng jeep. Si Baldo maglalakad pa sa kanang bahagi ng highway at sila Penelope at Yue ay sabay na tumawid sa kabilang side ng kalsada.
I waved at them hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Nakatayo pa rin ako sa may tapat ng convenient store kahit na nag sign na ng go yung traffic light.
Napatingin ako sa cellphone na hawak ko
Calling... +63975478677
Sa pagkakataong ito, pinindot ko yung answer button. Inilapat ko sa kanang tainga yung phone.
"Hello?"
"Jill." Hindi ako nagsalita. Malalim at malaking boses. Katulad ng nasa panaginip ko.
"Sino 'to?" nilakasan ko ng bahagya yung boses ko.
"Kilala ko kung sino."
"Sino 'to?" ulit ko. Nakakuyom na pala yung isa kong palad.
"Kilala ko kung sino yung may gawa ng blog."
Biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.
"Sino 'to? At sino yung may gawa ng blog?"
Hindi sumagot yung nasa kabilang linya. Damn it.
"Sino?!" hindi ko na nakontrol yung boses ko, napatingin sa'kin yung mga katabi ko sa stop light. Tiningnan nila ko ng wirdo pero hindi ko sila pinansin.
"Kung gusto mong malaman... Bumalik ka ngayon sa White Knights."
Naputol na yung linya.
Nag go ulit yung traffic sign.
Dalawa lang yung pwede kong pagpilianl; tatawid... o... babalik..
Alin sa dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top