/15/ Unexpected


Sa pagmulat ng mga mata ko, unti-unting nagliwanag ang paningin ko. Tumambad sa'kin ang putting kisame, nakakasilaw yung ilaw na tumatanglaw.Naamoy ko kaagad yung antiseptics, narinig ko galing sa labas ang mga yabag na pabalik-balik, mga nurse sigurado. Napalitan yung uniform ko ng hospital gown. Pero hindi na katulad ng dati yung katawan ko, kahit papaano may lakas na ko. Kailan pa ko nakaratay dito?

 "It's a relief na nagising ka na."Napabangon ako mula sa pagkakahiga para tignan yung taong nagsalita sa may gilid ko. Si Miss Karen. Nakaupo siya sa couch di kalayuan habang nagbabalat ng mansanas.

 "Anong nangyari?" I asked in a weak voice.

 "Well, you lost your consciousness."  Sagot nya. I met her gaze. "You were in a state of deep sleep due to sedatives na binigay ng doctor."  At katulad ng dati ay wala akong nakitang kahit anong hinaharap sa mga mata niya.

 "Sleep? Ilang oras akong tulog?"

 "Hindi lang oras, isang araw kang tulog." She's wearing her usual expression, poker.

 "Why?"

 "Mild Anemia." Tumayo siya para ilagay sa mesa na katabi ko yung platito ng mansanas.  "You're stressed due to lack of sleep and nutritional imbalance."

"Paanong nangyari yon?" a lame question though  

"Because you're human too, Morie."  Natauhan ako sa sinabi nya. Tsaka ko lang naisip na tao pa rin nga pala ako, may anatomy system na nagpa-function. Kahit may ekstraordinaryong kakayahan ang mayroon ako, mahina pa rin pala ko. Hindi nga pala ko imortal.

 "Tinawagan ko na yung guardian mo. They already settled the bill." Ano pa nga bang aasahan ko? "Nandito si manang Fe para bantayan ka, umalis lang sya para kumuha ng mga damit mo. Babalik din siya." 

 "Gusto ko ng umalis dito."  Ayoko rito, hindi ko talaga gusto ang atmposphere ng ospital, lalo na kapag nakahiga ka sa kama, hindi maganda sa pakiramdam. Gusto ko ng umuwi.

"You can't. Kailangan mong magstay dito para gumaling ka."Heck. I can't stay here. Feeling ko napakabagal ng oras kapag nasa ospital ka.

 "Kung gusto mong makauwi kaagad, then rest." Utos nya. She's never been transparent, I can't see through her. Besides, wala naman akong nakikita sa mga mata nya na hanggang ngayon ay isang malaking tanong pa rin sa isip ko. "I'll be leaving." Sabi nya habang nag-aayos ng gamit. Marami pa sana akong gustong itanong sa kanya. Sa tingin ko kasi, masasagot nya ng mabuti yung mga tanong ko tungkol sa boring kong buhay, she'll never leave an unanswered questions, well, except dun sa tanong ko kung sino sya at kung para saan yung mga itim na papel. Pero sa tingin ko, ibibigay nya pa rin yung mga sagot sa tamang panahon, that's what I thought about her.

"If you need anything maraming  mag-aasikaso sa'yo rito. Ako na ang bahala sa excuse mo sa school." Binitbit nya na yung mga gamit nya at pumunta sa pintuan, huminto sya saglit at tumingin sa'kin, "Get well soon, Jillianne." Pagkatapos lumabas na siya ng silid.

Habang naiwan ako, nakatingin dun sa platito.

"Thank you."


******


"Hi, Miss Morie." Masiglang bati nung nurse na pumasok, tumango na lang nang di sya tinitingnan, nilapag nya yung tray sa bed side table, "Kailangan mo nang inumin  'tong mga gamot miss—"

"Morie na lang." sabi ko. Malapit nang lumubog ang araw. Hindi pa rin dumadating si manang. Baka bukas na siya dumating. Heto, bored to death ako rito sa loob ng kwarto, may tv naman kaso wala akong makitang matinong palabas, tsaka hindi ko gusto yung mga afternoon dramas, nauumay ako. Naubos ko na yung mansanas na nakalagay side table, at nagbasa ako ng libro, buti nandito yung bag ko. 

Akala ko aalis na yung nurse. Nanatili lang siyang nakatayo di kalayuan sa kama, alam kong nakatingin siya sa'kin.

"You like fairy tales?" tanong niya. A bottle of storm clouds by Eliza Victoria, I can't resist this book noong makita ko sa shelf ng isang bookstore, so I bought it immediately. Tungkol ang librong ito sa mga modern myths and legends.

"Fairy tales are better than reality." 

 "Sabagay, fantasy is an escape from reality."

 I know.

"But you can't just hide forever." She gleefully said, "By the way, I'm Carol. Good afternoon." then she left. Napahinga ako ng malalim. Naiinip na talaga ko rito. Gusto kong maglakad. Ininom ko muna yung mga gamot na dinala ni nurse Carol. Pagkatapos, bumaba ako ng kama, may lakas naman ako para tumayo at makapag lakad. 

 Lumabas na ko ng silid, alam kong bawal pero ayoko talagang magkulong lang doon tsaka mas manghihina ako kapag nanatili lang ako ritong nakahiga. Nasa private room area pala ko, ok lang, mayaman naman ang daddy ko, kayang-kaya nyang bayaran yung bills. Barya lang yun sa kanya.  Sumakay ako ng elevator, kahit nasa second floor lang naman ako at sa ground floor ko gustong pumunta. Ayokong mabigla ang tuhod ko.

 Reasons kung bakit ayoko sa ospital? Well, madaming nangyari... na hindi maganda. Bumabalik na naman sa memorya ko yung mga alala na gusto ko ring kalimutan, pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko.

Sa lugar na 'to nagsimula ang lahat.

Dito ako unang nakakita ng mga bagay na hindi ko gustong makita. Dito ko unang natuklasan na may kakaibang nangyayari sa mga matang nakikita ko.Noong una hindi ko maintindihan yung mga nangyayari sa'kin. Na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung sagot kung bakit ako? At kung paano ako nagkaroon ng ganitong kakayahan? Why did I end up like this?

 Doon na nagsimula yung maraming pagbabago sa buhay ko. Two years ago...

 "Miss, hindi ka pa ba lalabas?" biglang tanong nung lalaking kasabay ko. Hindi man lang namalayan na nasa groundfloor na pala ko.

 "Ah..." wala kong masagot, lumabas na lang ako sa elevator.

 Pumunta ako sa cafeteria, medyo konti na lang yung mga tao, mga pasyente kasama yung mga kamag-anak o mga kaibigan nila. Bibili sana ako ng chocolate milk kaso narealize ko na wala nga pala kong dalang pera. Aish, bobo lang. Umalis na lang ako, at naglakad-lakad kung saan-saan, paliku-liko.

 Hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko.Naligaw na nga ko ng tuluyan. Sobrang lawak at laki rin kasi ng ospital na 'to eh.May mga nadadaanan akong ibang mga pasyente na nagkalat sa hallway, kaya naman pilit kong iniiwasan ang pagtingin sa mga mata nila. Mahirap na.

 Masyadong risky ang makakita ng mga hinaharap ng tao. Dahil kung minsan hindi ko man gustuhin kung ano ang mga mangyayari, wala akong magagawa. 

 "Unni!" someone called out.

 Napahinto ako sa paglalakad. Pamilyar yon.

 "Unni!" isang tao lang naman ang alam kong tumatawag ng ganyan sa'kin. Bakit niya 'ko tinatawag na 'unni'? Nanatili lang akong nakatayo, naghihintay sa susunod na mangyayari.Hanggang sa naramdaman kong may dalawang braso ang nakayakap sa bewang ko.Tiningnan ko yung batang yumakap sa'kin.

Parang... parang nakita ko na yung ganitong eksena.

"H-haneul." Biglang lumabas sa bibig ko yan kahit hindi ko pa maalala kung sino si Haneul.

"Unni, naalala mo pa pala ko!" she said while sobbing, "Akala ko hindi na kita makikita!"

 Unni means big sister... Haneul, the little girl whom I met two years ago, she grew. Medyo naalala ko na. God. This is unexpected. Nararamdaman ko na nakita ko na dati yung ganitong pangyayari.

 Naguguluhan ako ng kaunti sa mga nangyayari, inaalala ko ulit yung mga nakita ko noon. Isa 'to. Isa si Haneul sa mga nakakitaan ko noon. Hinawakan ko yung buhok nya at sinuklay gamit ang mga daliri ko,  mahaba at malambot iyon. Tsaka mas lalong tumibay ang hinala ko. Totoo nga, ito nga talaga yung nakita ko sa mga mata nya dati.

 "Hey." Sabi ko. "Anong ginagawa mo rito, baka may naghahanap sa'yo."

 "Haneul!" may biglang tumawag sa kanya, "Bakit ka lumabas ng kwarto mo. Diba sabi ng—" the old lady stopped when she saw me.

"J-jillianne?"

Si head nurse Rosalia. Naalala pa pala niya ko. Right. Two years ago, I've been here. And I want to forget that, badly.


*****


"Kamusta ka na, hija?" tanong ni head nurse Rosalia, nakaupo kami sa may upuan sa hallway ng ospital. Ibinalik niya si Haneul sa kwarto nito dahil bawal itong lumabas para makapagpahinga.

 "I'm..fine." matagal din kasi akong hindi nakapunta ulit dito, dahil nga sa nagkasakit ako ngayon, "How is she?" I'm pertaining to Haneul.

 "Gustung-gusto ka ng batang yon. Lagi niyang sinasabi na gusto ka nyang makita dahil tuwang-tuwa sya sa regalo mo nitong nakaraang taon." I met Haneul two years ago. "Ang buhok mo raw ang pinakamaganda sa lahat." I cut my hair for her as a gift. "Mas lumala na ang sakit nya ngayon."

 She's the first person whom I saw the future, and that future is now. She will perish soon.  Between life and death, may mga bagay na hindi mo mapipigilan.

"In every future, there's  a hope, Morie." Sinabi nga pala ni mam Karen yan. Kung minsan ang kailangan mo lang ay humiling.

Humiling ng himala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top