Chapter Twenty Seven

"Kahit pala no'ng kabataan mo, gago ka na pala talaga, 'no?" hindi naiwasang ilabas ni Francine ang kanyang saloobin sa ikinuwento ni James. Nakaramdam siya ng awa sa babaeng nasa istorya ni James-si Grace. Kung siya man ang nasa katayuan ni Grace ay masasaktan din siya. May nag-udyok siguro sa babae upang lakasan ang loob at ihayag kay James ang totoong nararamdaman nito, ngunit sa kasamaang palad ay tinanggihan ni James ang pag-ibig ni Grace para rito. Kahalintulad din ng nangyari sa kanya, nang inamin niya ang totoong nararamdaman para sa asawa, ngunit nauwi lang sa pait at sakit dahil tinanggihan din ni James ang pag-ibig niya.

"Hey, I was a kid back then," depensa ni James. "I made a mistake."

"Ang totoo, napaka-awkward talaga na pinag-uusapan natin ang talambuhay n'yo ng ex mo. Pero ito, ha-kung isa lamang ako sa mga kaibigan mo at nandoon din ako sa prom n'yo, baka sinabuyan na kita ng asido sa mukha at nang wala ng ibang makinabang diyan sa mukha mo, at nang mabawasan naman ang mga feeling guwapo, manloloko, mahilig manakit ng damdamin ng mga-"

"Okay-I get it, Francine. Geez, buti na lang at hindi kita naging kaklase noon."

"Pero paano naman nakapasok sa eksena si Mr. Villanueva?"

"After we graduated from high school, Grace left for the States. A year later, she came back. She became a different Grace-iba na siya kung manamit, kung kumilos..." Napangiti pa ito bago idinugtong ang sasabihin. "Nagdalaga na ang binatilyong kaibigan ko." Ngunit mabilis ding napawi ang mga ngiting iyon nang itinuloy nito ang pagkukwento. "Nagkataon pa sa university na pinapasukan ko siya nag-enroll. I saw her from afar. At tuwing lalapitan ko siya, umiiwas si Grace. Months later, I heard she was with Darwin..."

"At inagaw mo si Grace sa kanya?"

"No!" Humingang malalim si James bago nagpaliwanag. "No'ng umalis si Grace, nakaramdam ako na para bang may butas ang puso ko. Parang may kulang. Lagi ko siyang naaalala. I tried to talk to her, kaso pati ang mama ni Grace galit din sa akin. Then when I saw her again, that was the time I had realized Grace was the missing piece in my heart. Mahal ko pala siya, at ang tagal bago ko iyon nalaman."

"Tapos inagaw mo siya kay Mr. Villanueva?"

Nagsalubong ang mga kilay ni James at mukhang naaalibadbaran na sa kanyang paulit-ulit na akusasyon. "Nakikinig ka ba? Ang sabi ko hindi, 'di ba?"

"Fine. Pagkatapos, ano'ng nangyari?"

"Hindi ako nakatiis. Humanap ako ng pagkakataon at kinausap siya ng masinsinan. Sinabi kong mahal ko siya at nagsisisi ako na hindi ko iyon agad nalaman. Then she admitted she still loved me. Pagkatapos no'n nalaman ko na lang na hiniwalayan pala ni Grace si Darwin. Si Grace ang kusang humiwalay sa kanya-hindi ko siya pinilit o kinumbinsi man lang na iwan si Darwin."

"Pero ang buong akala ni Mr. Villanueva ay inagaw mo si Grace sa kanya. At dahil doon ay naging matindi ang galit niya sa 'yo. Sa sobrang tindi ay magpahanggang ngayon ay galit pa rin siya sa 'yo na siyang nagtulak sa kanya upang gantihan ka. Pero bakit? Hindi ko pa rin maintindihan-sigurado ka bang wala kang ginawa kay Grace kaya ganoon na lamang ang galit sa 'yo ni Mr. Villanueva?"

Hindi naka-imik si James, at iyon ang naging sagot ni Francine sa kanyang sariling tanong. Pakiramdam niya ay mayroon pang mas malalim na dahilan ang dalawang lalaki kaya pareho nilang hindi mabitiw-bitiwan ang kanilang nakaraan kasama si Grace.

"Ang sabi ni Mr. Villanueva, parati mong pinapaiyak si Grace," dagdag ni Francine. At lagi mo lang din daw ako paiiyakin...

"May... may mga bagay lang kasi na pinagdaraanan si Grace noong mga panahong iyon na lingid sa kaalaman ko..."

Iyon lamang ang isinagot sa kanya ni James bago nito ibinalik ang atensyon sa pagkain nito, halatang hindi na nito nais pang dugtungan ang naunang sinabi. Ano kaya ang nangyari? Ayaw man ungkatin iyon ni Francine dahil nasasaktan siya tuwing naiisip niya kung gaano kalalim ang pagmamahal ni James para kay Grace, alam pa rin ni Francine na naroroon ang kasagutan kung bakit ayaw pa rin ni James na bumitiw sa nakaraan nito. At marahil naroroon din ang kasagutan kung papaano maghilom ang sugat ni James sa puso.

Ngunit napabuntong-hininga na lamang si Francine. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang mawala sa kanyang isipan ang ideyang iyon. Para saan pa kung gagawin niya iyon? Tinanggihan na siya ni James, hindi ba? Mawawalang saysay lamang ang kanyang paghihirap at sakripisyo para sa lalaking mahal niya ngunit hindi naman siya kayang mahalin.

Sumusuko na siya. Kaya niyang ipagtanggol si James kay Mr. Villanueva. Kaya niyang tulungan ang lalaki na linisin ang pangalan nito't reputasyon. Kayang-kaya niyang pabanguhin ang pangalan nito sa ama, ngunit hanggang doon lang iyon. Dahil pagod na siya. Pagod na si Francine na magmahal at umasang mamahalin rin siya. Pagod na siyang umintindi, maghintay... pagod na siyang masaktan.

"James," tawag niya sa lalaki.

Hindi man lang nito inangat ang mga mata. "Yes?"

"Magpapaalam lang sana ako sa 'yo."

"Paalam? Saan?"

"Aalis sana muna ako... kahit ilang araw lang."

Tinitigan siya ni James, nakakunot ang noo nito. "Aalis? Saan ka pupunta?"

"Sa mga magulang ko lang."

"Ilang araw ka naman doon?"

Bakit pakiramdam ni Francine ay ayaw ni James na umalis siya? At sa tono ng pagtatanong nito ay tila bang takot ang lalaki na umalis siya at... at iwan ito? Ngunit alam ni Francine na hindi iyon mangyayari kahit kailan. Isa lamang iyong guni-guni niya. Isa lamang panaginip, isang panangarap na nararapat na niyang iwaksi.

"Tatlong araw lang," sagot niya. "Babalik din ako agad." Kailangan ko lang ng kaunting distansya mula sa 'yo para makalimutan ang nararamdaman kong ito...

Hindi sumagot si James. Nanatili lamang itong nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ang kanyang mukha. At biglang nagbago ang expresyon ng mukha nito. Nakaukit sa mukha nito ang isang bagay na ayaw na ayaw ni Francine na makita mula rito.

"Francine... about the other day-"

"H'wag," sabat ni Francine. "H'wag mo nang ituloy-pakiusap James."

"I just want to say that I'm sorry."

Umiling si Francine. "Sorry dahil hindi mo 'ko kayang mahalin? Tama na... H'wag mo ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon James."

"Francine, that was not even my intention!"

"James, gets ko na, okay? Hindi mo 'ko kayang mahalin. Tapos. Pero h'wag mo naman akong titigan na parang nakakaawa ako. Hindi ko kailangan ng sorry, at lalong hindi ko kailangan ng awa mo."

"I wasn't-" Hindi naituloy ni James ang nais sabihin. Napabuga na lamang ito ng hangin bago nagpatuloy sa pagsalita. "Fine. Nakokonsensya ako sa ginawa ko sa 'yo. Kaya ako humihingi ng kapatawaran sa nagawa ko. 'Yun lang 'yon."

"Okay na ako, James... tama na... h'wag na lamang nating balikan ang nangyari. Aakyat na ako para makapagbihis. I-te-text na lang kita kapag nakarating na ako sa amin."

"Ihahatid na kita." Akmang tatayo na si James nang pinigilan ito ni Francine.

"Huwag na. Mag-ta-taxi na lang ako. Pero salamat sa alok." Tumayo na si Francine at sinimulan nang ligpitin ang mga plato nang muling nagsalita si James.

"Francine..."

"Ano 'yon?" Tila may nais sabihin si James sa kanya, ngunit tulad ng dati ay hindi nito itinuloy ang sasabihin, sa halip ay marahas nitong ipinilig ang ulo.

"Wala. Mag-ingat ka sa pagpunta roon."

Tumango lamang siya at dinala ang mga plato sa kusina. Kung umaasa kang pipigilan ka ni James na umalis, h'wag mo nang ituloy iyon, Francine, paalala niya sa sarili. Kahit pa umalis ka sa buhay niya ngayon, bale wala lamang sa kanya iyon...

***

It had already been five days. Five long days. Five fucking long days, at wala pa rin si Francine. Nasaan na ba ang asawa niya?

Noong una ay inakala lamang niya na gusto lang ni Francine na magtagal sa bahay ng mga magulang nito. And he was okay with that. What was not okay with him was when he found out from her parents that she already left their house since yesterday afternoon! At nang tumawag siya sa bahay, ang sabi naman ng kasambahay niya ay wala raw sa bahay si Francine.

So where the hell was his wife?

Humingang malalim si James at pinilit na ikontrol ang nagbabagang puso. Nagkahalo-halo na ang emosyon niya: galit at inis sa asawa dahil hindi ito tumupad sa ipinangako na babalik ito matapos ang tatlong araw; kaba na baka may nangyari rito na hindi maganda; takot dahil baka tuluyan na siya nitong nilisan...

Papaano kung hindi bumalik si Francine?

But why should he care if she would not return? Why would he give a damn if she would not come back? Why would he fucking care?

Because he wanted to care, goddammit! Because he cared... because he cared for her.

Ah damn! Bakit ba ganito na lamang lagi ang eksena nilang dalawa ni Francine? Bakit ba lagi na lamang ito aalis at lalayo? Tulad na lamang noong una silang nagkita... at nang nalaman niya ang tunay nitong pagkatao noong nagbabalat-kayo ito bilang si Monique.

Bakit ba ang paglayo ang lagi nitong iniisip na solusyon sa lahat ng problema nito? At bakit ba ang lisanin siya ang laging ginagawa sa kanya ng babaeng natutunan niyang...

Argh! Muntik nang masabunutan ni James ang sarili. Mabuti na lamang at pumasok ang kanyang executive assistant kundi ay kung ano na ang nagawa niya sa sarili. Naupo na lamang siya sa kanyang swivel chair at tinitigan ang telepono.

Ano kaya kung tawagan na lamang niya muli ang tahanan ng mga magulang nito? Simula noong umalis sa bahay si Francine, araw-araw na niyang tinatawagan ang mga biyenan niya, kunwari'y kakamustahin sila ngunit ang totoo ay nakikibalita lamang siya kung ano na ang ginagawa ni Francine. At kung sasabihin naman ng biyenan niya na tatawagin nito si Francine, bigla siyang magpapaalam na kailangan na niyang ibaba ang telepono.

"You are so pathetic, James!" kastigo niya sa sarili. He knew he was not being cool about his situation. Kailan pa siyang nahiyang kausapin si Francine? Para siyang isang teenager na nahihiyang kausapin ang crush sa telepono. Natatameme kapag kaharap na ang crush. Natutuliro ang isip kapag kausap ito. Lumalakas ang tibok ng puso kapag nasisilayan ito. Napapangiti nang walang dahilan tuwing maaalala ito... tuwing maaalala niya ang mga panahong kasama si Francine.

And the five day absence of his wife was such an agony on his part. Totoo nga ang sinasabi nila-kung kailan nawala sa 'yo ang isang bagay o tao, saka mo hahanap-hanapin ang mga ito. Saka mo matatanto ang kahalagahan ng nawala sa iyo.

Yes, James. Ngayon hinahanap-hanap mo siya. Pero no'ng nasa bahay mo pa siya, all you ever did to her was to act like a douchebag, saloobin niya. Kaya ka niya iniwan.

Limang araw pa lang wala ang asawa niya, pakiradam niya'y may kulang sa buhay niya. Pakiramdam niya'y may malalim na butas ang kanyang puso. Papaano na lamang kung habambuhay nawala sa buhay niya si Francine? Habambuhay rin siyang ganoon? Na para bang laging may kulang sa araw niya? Sa buhay niya?

Bakit ba laging nasa huli ang pagsisisi?

Bakit ba kasi hindi na lamang niya tinanggap ang alok na pag-ibig ni Francine?

Bakit ba kasi ngayon lang niyang napagtantong...

Walang mangyayari sa kanya kung puro na lamang siya bakit, bakit, bakit. He had to do something, anything! Hindi niya hahayaang muling mawala na parang bula si Francine. Pero saan siya mag-uumpisa? Saan siya magsisimula?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top