Chapter Twenty One

Tahimik lamang si Francine, nakikiramdam sa kanyang paligid. Nakatalikod siya kay James, nakahiga pa rin at nakatabing ang kumot sa katawan niya. Ano kaya ang susunod na mangyayari? Katulad pa rin ba ito ng dati na may bigla na lamang babaeng papasok sa kuwarto't sasabihing may pagtataksil na ginawa si James? Pansin niya'y may sumpa ata silang dalawa tuwing nagsasama sila. Ganoon din kaya ngayon?

"I know what you're thinking," putol ni James sa iniisip niya.

"Marunong ka na palang magbasa ng isip ngayon?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya, narinig pa niya ang pagbungisngis nito. "You're probably thinking na may biglang susulpot na babae at magsasabing siya ang legal wife ko."

Bahagya pa siyang napangiti sa biro ng asawa, ngunit pinilit niyang pawiin ang mga ngiting iyon bago hinarap si James. "Wala ba? May phobia na ata ako sa mga ganitong bagay."

Ginulat siya ni James nang humalakhak ito at hinagkan pa siya sa noo matapos nitong ikulong ang dalawang pisngi niya sa mga palad nito. "I made sure that there is no one else. Kahit pa isang kasunduan lamang ang kasal natin, I want it to be as real as possible."

Kasunduan. Bakit parang may sumundot sa puso niya? Tumango na lamang siya dahil pakiramdam niya ay may kung ano ang nakabara sa kanyang lalamunan.

"I have to go," paalam ni James sa kanya makaraan ng ilang minuto. Tumayo ito at nagsimulang magbihis.

"Saan ka naman pupunta?" Sa ibang babae ba? Dahil hindi ka nakuntento sa ano ang kaya kong ibigay?

"Nagseselos ba ang asawa ko?" nakangisi pa nitong tanong sa kanya. "Don't worry-this body is all yours for the taking, sweetheart."

Eh, ang puso mo? Kailan magiging akin? ang nais sana niyang itanong, ngunit pinigilan niya ang sariling sabihin iyon. "Umuwi ka ng maaga, ha. Magluluto ako ng masarap na ulam mamaya."

Yumuko si James at isang mabilis na halik sa labi ang ibinigay nito sa kanya. "Yes, my sweetheart wife."

Nakaalis na si James ngunit hindi pa rin siya bumabangon sa kama. Ang mga gumugulo sa kanyang isipan ang nagpapabigat sa katawan niya. Parang kailan lang, ang madalas na tawag sa kanya ni James ay sweetheart bitch. Ngayon sweetheart wife na. Ano ang nangyari at nagbago ang isip ni James? Hanggang kailan naman ito? Sana kung panaginip man ito, sana ay hindi na siya magising pa.

***

Hindi inaasahan ni James na mauuwi sa ganoon ang pangyayari sa pagitan nila ni Francine. Of course, he wanted to end up in bed with her. Pero ang biglang pagbago ng kanyang isipan tungkol kay Francine? Now, that was something else. Tila isang divine intervention ang naganap at nagbago ang mga pananaw niya sa nangyari, sa nararamdaman niya para sa babae.

Napangiti siya nang maalala ang mga pangyayari. Was it because of the sex kaya ayaw na niyang ituloy ang pananakit sa damdamin ni Francine? Or was it because of something else? Madalas ay para silang aso't pusa kung mag-away at magtagisan ng mga maaanghang na salita't banat. Pero parang iyon pa nga ata ang nagbibigay ng spice sa boring niyang buhay.

Maybe this was what he was missing in life-a companion, a wife. Simula noong iniwan siya ni Grace, pinili niyang kalimutan ang pangarap na makabuo ng pamilya. Naging sunod-sunuran na lamang siya sa ama. Kung sino ang nais nitong mapakasalan niya, susundin naman niya ito. That way, kung iiwanan man siya ng babae o kung hindi man magiging maganda ang kahahantungan ng kanilang relasyon ay hindi siya masasaktan.

Hindi man niya kayang mahalin si Francine, hindi man niya kayang buksan ang puso niya sa ngayon, pero kuntento na siya sa kung ano ang mayroon sa pagitan nilang dalawa. His father liked her, his whole family liked her. He, well... he was attracted to her. He liked her, in someway. Sapat na iyon para subukan niyang maranasan ang noo'y pinapangarap lamang niya kasama si Grace. Kahit saloob lamang ng isang taon, o dalawa kung suswertehin, ay mararanasan niya ang kaligayahan ipinagkait sa kanya ni Grace.

Ang tunog mula sa kanyang cellphone ang pumutol sa kanyang pag-iisip. "Hey cousin! Why d'you call? Miss me already?" biro niya kay Lawrence nang tinanggap nita ang tawag.

"You wish. Hey listen-gusto n'yo bang sumama sa amin ni Abby na mag-dinner mamaya sa labas?" ang sabi ni Lawrence sa kabilang linya.

"I have a better idea. Why not join us for dinner at our place," suhestiyon niya. "Francine's cooking something special tonight."

"Something special? Wait-parang may nararamdaman akong kakaiba. Spill the beans, James. Bakit sa tono ng pananalita mo ay parang ayaw mo nang ilibing ng buhay ang asawa mo? Hindi tulad noon na kulang na lang ay isumpa mo siya."

Tumawa lamang siya. "Will you believe me if I say that I was touched by the Holy Spirit and became a better man?"

"Hmm... No. Try again."

"Wala... I just, you know, had a change of heart. I mean, Francine did what she had to do to help her family."

Narinig niyang humalakhak pa ang pinsan niya, sa sobrang lakas ay kailangan pa niyang ilayo nang bahagya ang telepono sa tainga niya. "Who are you and what did you do to my cousin?"

"Ulol!" ganti niya sa pinsan. "Mahirap ipaliwanag, eh. Basta, as long as she will help me with convincing dad and rectifying our business' image-or my image for that matter-then hindi kami magkakaproblema ni Francine." Iniliko ni James ang sasakyan nang may namataan siyang isang flower shop. "I gotta hang up. Bibili lang ako ng bulalak."

"What the fvck! Si James Madrigal, bibili ng bulak-"

Hindi na niya narinig pa ang ibang sasabihin ng pinsan dahil pinindot na niya ang end call button. Asar naman kasi itong pinsan niya. Pagtatawanan na naman siya ng lokong iyon.

Ipinarada niya ang kanyang kotse sa tapat ng flower shop. Pagkaraan lamang ng tatlongpung minuto ay lumabas na siya ng flower shop, bitbit ang isang boquet ng mga pulang rosas.

***

"Manang, tikman n'yo naman ito. Masarap na po ba ito?" tanong ni Francine sa nakatatandang katulong habang ibinibigay rito ang kutsara. Ayon kay Manang Esmi, paborito raw ni James ang kalderata, kaya naman ay ito ang naisipan niyang iluto. May tiwala si Francine sa payo ni Manang Esmi dahil matagal na itong naninilbihan bilang kasambahay ng ama ni James at lumipat sa poder ni James dahil na rin sa pakiusap ng huli. Ayon din dito, kapag nagluluto ito ng putaheng ganito, madalas nitong hinahatiran ng pagkain si James sa penthouse ng lalaki.

"Naku, eh, masarap ka palang magluto. Tiyak kong magugustuhan ito ng asawa mo," sagot naman ni Manang Esmi.

"Dapat lang po magustuhan niya. Lagot siya sa akin kapag inis-snob niya ang luto ko!"

Napatili naman si Francine at muntik pang mabitawan ang hawak na sandok nang naramdaman niyang may brasong pumulupot sa baywang niya mula sa likuran.

"Sino na naman ba 'yang kaaway mo riyan?" boses ng kanyang asawa.

"Ano ka ba!" mariin niyang saway sa asawa. "Bakit ka ba nanggugulat?"

Imbes na sagutin siya nito, inamoy-amoy lamang ni James ang kanyang leeg. "Ang bango naman ng asawa ko-amoy kalderata. Puwede na ba kitang kainin ngayon?"

"Tigilan mo ako James, ha. Nagluluto pa ako rito. At isa pa, nakakahiya kay Manang 'yang asal mo!"

Imbes na makuha nito ang ibig niyang sabihin, ngumisi lamang ang lalaki. "Si manang lang ba ang iniisip mo? Walang problema-ako ang bahala sa kanya." Ibinaling nito ang atensyon sa kasambahay na halatang kinikilig pa sa nakikita nito. "Manang, gusto n'yo ba mag-day off ngayon at bukas na lamang bumalik? Isama n'yo na rin si Manong Berting at ang ibang naririto sa bahay."

Humagikgik naman si Manang Esmi. "Naku, kayong mga bata, oo. O siya-iiwan ko muna kayo sa lambingan ninyo at ako'y mag-aayos na lamang ng silid ko."

"Manang naman, eh!" pagmamaktol ni Francine. "Huwag n'yo akong iwan rito!" Ngunit hindi siya pinakinggan ni Manang Esmi at pangisi-ngisi pang lumabas ng kusina.

Mas lalo namang hinigpitan ni James ang pagkakayakap kay Francine at bumulong sa punong-tainga nito. "O, papaano ba 'yan? Umalis na si Manang-puwede na ba kitang simulang kainin?"

"Subukan mo at susundutan kita nitong sandok na hawak ko!" banta niya kay James.

Humalakhak naman si James sabay taas ng mga palad na parang sumusuko na ito. "Okay! Okay-I give up! Please 'wag mo 'kong sundutin gamit ang sandok mo."

"Sira ulo ka talaga kahit kailan!" ganti naman ni Francine, ngunit hindi niya mapigilan ang sariling hindi matawa sa komikal na hitsura ni James. "Umalis ka na nga rito at nadi-distract ako-"

"Sa kaguwapuhan ko?" sabat ni James sa pagsasalita niya.

"Sa kamanyakan mo! Ayan ka na naman James, ha. Guwapong-guwapo ka na naman sa sarili mo!"

Ginulat nito si Francine nang mabilis itong hinalikan siya sa labi. Bakas pa sa muka nito ang ngiting-aso matapos ang halik. "Sige, aakyat muna ako sa kuwarto. And by the way-dito magdi-dinner sina Lawrence at Abigail." Kinindatan siya nito bago ito umalis ng kusina.

Naiiling na lamang si Francine. Kailangan na talaga niyang mag-set ng appointment sa duktor para sa asawa niya. Tini-toyo na naman kasi.

Ngunit lihim na napangiti si Francine. Sana, panalangin niya nang lubos, sana habambuhay na lamang silang laging ganito ni James.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top