Chapter Twenty Nine

"She was dying... She had cancer..."

Napasinghap si Francine sa narinig. At nang tinitigan niya si James, nakita niya ang matinding kalungkutan sa mga mata nito. "Hindi mo na kailangang ituloy... kung nahihirapan kang ikuwento..."

Ipinilig ni James ang kanyang ulo. "No. Gusto ko kong malaman mo ito. Para maintindihan mo ako."

Walang nagawa si Francine, bagkus ay nakinig na lamang siya sa kuwento ni James.

"She was diagnosed with Osteosarcoma at the age of sixteen," salaysay ni James. "Ang bata-bata pa niya para magkasakit ng ganoon, but she was one of the unlucky ones who got the disease. Kaya niya nagawang aminin sa akin noong senior prom na may gusto siya sa akin. She thought she was going to die anytime soon back then... Tuwing maalala ko ang isinagot ko sa kanya noong mga panahong iyon, nakokonsensya ako.

"Kaya siya nawala ng isang taon dahil nagpagamot siya. Nang bumalik siya, akala niya unti-unti ng gumagaling ang kanyang sakit, o kung hindi man lubusang gumaling ay mapapahaba pa ang kanyang buhay. Hindi ko pa rin matanggap kung bakit inilihim niya sa akin ang lahat ng iyon..."

Kaya niya nagawa iyon dahil mahal ka niya, ang nais sanang sabihin ni Francine, ngunit itinago na lamang niya iyon sa sarili at hinayaang magsalita si James.

"'Yung sinasabi ni Villanueva na nakikita niyang umiiyak si Grace? That was the time she had found out her treatment was failing. Before we graduated in college, her mom was hinting me that it was time for Grace and I to get married. It's funny really-usually ang mga magulang, sinasabi nilang h'wag munang magpakasal nang maaga ang kanilang mga anak. But they were so open with that idea, that I just had to grab the opportunity and asked Grace to marry me. 'Yun pala everyone knew about her sickness-my dad, Granny, even Villanueva. Everyone, but me. Inilihim nilang lahat sa akin iyon."

"May dahilan siguro sila..."

"Oo, mayro'n nga. Ipinakiusap ni Grace sa lahat na h'wag ipaalam sa akin. Pero mas lalo lang niya akong sinaktan dahil sa iba ko pa nalaman... dahil huli na nang nalaman ko iyon. Hindi siya nagpakita sa araw ng aming kasal dahil lumalala na ang kanyang karamdaman at ayaw niyang akuin ko ang responsibilidad ng pag-aalaga sa kanya. Ayon sa ina niya, iyon ang dahilan ni Grace... dahil ayaw niyang maging pabigat sa akin, dahil ayaw niyang masaktan ako..."

"James..." Ipinatong ni Francine ang palad niya sa nakakuyom na kamay ni James. Nais niyang yakapin ang lalaki upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutang nararamdaman nito, upang maramdaman nito na naiintindihan niya ang pinagdaanan nito. Ngunit pinigilan niya ang sarili.

"I mean, how could she do that to me? Wala ako sa tabi niya noong panahong nahihirapan siya dahil sa sakit niya. Wala ako sa tabi niya no'ng inoperahan siya sa buto ng binti dahil sa lumalalang sakit niya. Wala ako sa tabi niya noong mga panahong nahihirapan siya, dumadaing dahil sa tindi ng kirot ng katawan matapos ang chemotherapy niya. Wala ako para alalayan siya... para tulungan siya... Lahat ng mga pinagdaanan niya, lahat ng mga naramdaman niya't paghihirap nalaman ko na lamang no'ng nawala na siya." Naramdaman pa ni Francine ang pagkuyom ng kamay ni James sa ilalim ng palad niya. "I was hurt beyond measure! I could have been there by her side... I could have been there to help her, comfort her... But she chose to drive me away, out of her life! I loved her... pero wala akong nagawa para matulungan siya."

Ngayon ay lubusan na niyang naiintidihan si James, kahit pa hirap ang lalaking intindihin ang mismong nararamdaman nito. Minahal nito si Grace, at nagagalit ito sa sarili dahil hindi nito nagawang samahan ang babae sa mga huling sandali ng buhay nito.

"Hanggang ngayon, hawak pa rin ni Grace ang puso ko..." Naalala niyang sinabi iyon ni James sa kanya noong gabi ng kanilang pagtatalo. "Tuwing maalala ko ang isinagot ko sa kanya noong mga panahong iyon, nakokonsensya ako..."

Naiintindihan na lahat ni Francine. Hindi magawang magmahal muli ni James sa rason na marahil iniisip nito na sa ganoong paraan ay makababawi siya sa pagkukulang kay Grace. Na kung kay Grace lamang nito iaalay ang puso, maiibsan ang kanyang pangongonsenya. Dahil sinisi ni James ang sarili. Dahil pakiramdam nito ay kasalan niya ang lahat

Napapikit si James ng mga mata at saka nagpatuloy sa pagsalita. "Her mom said the last words on Grace's lips was my name..."

Dama ni Francine ang naging paghihinagpis ni James. Dinig niya ang kalungkutan sa mga tinig nito. Pero ano pa ba ang maaari niyang gawin upang maglaho ang sakit sa puso ni James? Akala niya nagawa na niya lahat, nasubukan na ang lahat. Ngayon na lubos na niyang naiintindihan ang lahat sa likod ng mga ikinilos ni James, sa likod ng tila maskarang kumukubli sa puso nito, ngayon niya napagtantong hindi pa pala niya nagawa ang lahat upang matulungan si James.

Kakayanin pa ba niyang ipagpatuloy ito?

Hindi ba't kani-kanina lamang ay napagdesiyunan na niyang kakalimutan na lamang ang lahat? Ang pag-ibig niya para kay James? Bakit tila nilalabanan ng kanyang puso ang napagpasyahan ng kanyang isip?

"Francine," untag ni James, "losing Grace was the hardest part of my life. I don't want to make the same mistake again..."

Umiwas si Francine ng tingin kay James. Ayaw nitong maulit ang nagawang pagkakamali, ayaw nitong maulit ang nakaraan... ayaw nitong masaktan muli. At malinaw pa sa sikat ng araw ang nais nitong maitumbok sa kanya: James could never love her because loving her would be a mistake.

Masakit ngunit alam niyang natalo ang kanyang puso mula sa debate nito sa kanyang isip. "Naiintidihan ko, James..."

Pumiling si James. "No, I don't think you do, Francine."

Napakunot-noo si Francine. "H-ha?" Ano pa ba ang hindi niya naintindihan? May iba pa bang mensahe ang mga pahayag nito?

"I don't want to make the mistake of losing you, too."

"J-James, ano ba 'yang sinasabi mo?"

Hinarap siya ni James at hinawakan ang dalawang kamay niya. "I've been stupid all this time. I know I've hurt you. I kept on pushing you away when all you ever wanted to do was to love me." Dinala nito ang isang palad sa pisngi ni Francine. "I'm sorry for being an idiot, for hurting you like hell."

"James... hindi kita maintindihan." Ipinilig pa ni Francine ang ulo. Palaisipan pa rin sa kanya kung ano ang kahulugan ng mga sinasabi ni James, ngunit unti-unting bumibilis ang kanyang puso, na para bang alam nito ang susunod na mangyayari, na magaganap na ang matagal nitong inaasam.

"Ang sabi mo babalik ka makalipas ng tatlong araw."

"Alam ko... uuwi naman ako, naantala lamang."

Inilapit pa ni James nang husto ang mukha kay Francine. "Alam mo bang ilang araw na kitang hinihintay na bumalik sa akin?"

"Hindi mo naman kailangang hintayin ako, James. Uuwi rin naman ako."

"You're right. Hindi kita dapat hinintay-dapat ay sinundan kita noong unang araw pa lang ng pag-alis mo."

"H-ha?"

"Pinag-alala mo ako."

"I'm sorry..." Awtomatikong nasabi ni Francine. Hindi na siya makapag-isip pa nang husto dahil sa gahiblang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa.

"Akala ko iniwan mo na ako nang tuluyan."

"Bakit ko naman gagawin iyon?"

Ngunit hindi nito sinagot ang kanyang katanungan. At bago pa naglapat ang kanilang mga labi, nakita pa ni Francine ang pag-angat ng dulo ng labi ni James. Isang banayad na halik ang naging sagot ni James sa kanyang katanungan. Hirap man si James na masabi sa kanya ang mga nais nitong ipahayag, ngunit dama naman ni Francine sa mga halik nito ang mensaheng nais nitong iparating sa kanya.

Dama niya sa init ng halik nito ang pagmamahal ni James para sa kanya. Ramdam niya ang pag-asang mayroong kinabukasan ang naghihitay sa kanilang dalawa, sa puso nilang iisa ang itinitibok.

Sumilay ang isang luha ng kaligayahan sa kanyang mga mata. At nang pinutol ni James ang kanilang paghahalikan, pinunas nito ang kanyang luha.

"Why are you crying? Did I hurt you?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"Hindi, James. Masaya lang ako."

Ngumiti sa kanya si James habang sakop pa rin ng mga palad nito ang magkabilang psingi niya. "Mas pinaligaya mo ako, now that I have you. When I thought you left me, pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo. Ilang araw ka lang nawala sa buhay ko, napakalawak at napakalalim na ng butas ng puso ko. Pakiramdam ko'y hindi ko kayang mabuhay kung wala ka sa tabi ko, sa puso ko. What I'm trying to say is you have filled the empty space in my heart. You have fixed what I once thought was already broken-you have healed my heart, Francine, with your love."

"James-"

"No, let me finish first, sweetheart. Let me just tell you how much I love you."

Natawa na lamang si Francine sa huling sinabi ni James. "Hindi na kailangan, James. Nararamdaman ko naman siya. Mahal din kita, James Madrigal."

"And I love you, too, Francine Madrigal. Forever and always."

"For eternity?"

"To infinity."

Napahalakhak pa si Francine at idinagdag pa ang sagot sa kanya ni James, "And beyond!"

***

#ThePastMistake

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top