Chapter Twenty Four

"Hindi naman natin kailangang maghiwalay..."

Tama ba ang narinig ni Francine? Ito na ba ang katuparan sa matagal na niyang pinapanalangin?

"Puwede naman nating ituloy ang kung ano man ang namamagitan sa atin ngayon," patuloy ni James.

Ikinuyom ni Francine ang mga kamay na nakapatong pa rin sa mesa, ang mga kuko niya ay mistulang bumabaon na sa kanyang mga palad. Ituloy ang namamagitan sa kanila? Ano nga ba ang mayroon sa pagitan nilang dalawa?

Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni James sa kanyang mga balikat. "I was thinking," dinig niyang saad ng asawa, "maybe we can still be like this. I mean, I am attracted to you—you must have known that by now. And we're compatible in bed... Maybe we could make this last a little bit longer than a year."

Iyon lang ba? Iyon lang ba ang dahilan ni James sa kagustuhan nitong ipagpatuloy ang kanilang... ano nga ba ang tawag sa namamagitan sa kanila? Isang kasunduan? Isang relasyon? Isang kasinungalingan at pagpapanggap? Pati utak niya ay naguguluhan na rin, sumasabay sa nalilito niyang puso!

Marahas niyang itinanggal ang mga kamay ni James sa kanyang balikat at lumayo rito nang bahagya. "Ayoko."

"W-what did you just say?"

"Ang sabi ko, ayoko!" Muli niyang hinarap ang asawa. "Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Kailangan ko pa ba talagang ulit-ulitin sa 'yo?"

"Then tell me one goddamn good reason kung bakit ayaw mo!" nagtatagis ang bagang asik nito. "What we have is already good. Bakit ayaw mong subukan?"

"Dahil lugi ako roon, James! Luging-lugi ako sa gusto mo!"

"Stop speaking in riddles, Francine! Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Am I not making you happy in bed? Do I not satistfy you?"

"Tangina mo naman, James! Ano ba ang akala mo? Sex lang ang magpapasaya sa isang tao? Na okay lang kahit mali, dahil masarap ka namang ka-sex, eh. Ganoon ba ang sinasabi mong compatibility?"

"Well, what else do you want? What else is there between us aside from slight attraction and great sex?"

Nagtagis ang kanyang bagang sa mga narinig mula kay James. Ganoon na ba talaga kasarado ang puso nito para isiping iyon lang ang makakapagpaligaya sa isang tao? "Hindi mo pa ba nakikita?" giit niya. "Hindi mo pa ba nararamdaman? Mahal na kita—mali, matagal na pala kitang mahal!" Nagsimulang umulap ang kanyang mga mata, kasabay nang pagsikip ng kanyang dibdib. "Kaya kong ibigay ang hinihingi mo, James. Kaya kong makipagsipin sa 'yo. Iyon lang naman ang gusto mo, hindi ba? Pero higit pa roon ang kaya kong ibigay sa 'yo. Katawan ko, kaluluwa ko... kahit puso ko, James, kayang-kaya ko ibigay..."

"Francine... stop—just stop."

"Bakit mo 'ko pinipigilan? Hindi ba gusto mo ng isang magandang sagot? O, heto ang sagot ko! Dahil mahal kita! At nasasaktan ako dahil mahal kita, pero hindi mo 'ko mahal... nasasaktan ako dahil handa akong ibigay ang lahat sa 'yo—kaya kong ibigay ang puso ko sa 'yo, pero hindi mo maibigay sa akin ang puso mo."

"Why do you have to make things complicated? Sinabi ko ba sa 'yong mahalin mo 'ko? For fuck's sake, Francine! Hindi ko hinihingi ang puso mo!"

"Oo! Dahil katawan ko lang ang gusto mo, hindi ba? Ayaw mong ibigay sa akin ang puso mo dahil ibinigay mo nang lahat kay Grace, tama ba ako?"

Nakita niyang nagkuyom ang mga panga ni James, at ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit. "Leave Grace out of this," banta nito sa kanya. "You shouldn't even know about her. What did you do? You've been snooping around me all this time?"

Nakadama ng maliit na takot si Francine sa naging hitsura at paraan ng pag-aakusa sa kanya ni James. Mas nakakatakot pa ito kaysa noong inakusahan siya nito ng corporate sabotage dahil sa pag-iispiya niya. Ganoon ba ang epekto ni Grace sa buhay ni James? Kontrolado ba ng mga alaalang nakaraan ni Grace ang mga bugso ng damdamin ni James?

Marahas na napailing si Francine at napaatras, pilit na inuunawa pa rin ang naging reaksyon ni James. "H-hindi... nabanggit siya sa akin ni Granny."

Tumingala si James sa kisame at napapikit ng mata. Sa hitsura nito't tindig, halatang pinipilit rin nitong kontrolin ang galit nito. Hindi nagtagal ang kanilang katahimikan dahil si James ang unang bumasag sa tensyong iyon. "You're right. What I said was a stupid request. I shouldn't even consider that option in the first place. I don't want a complicated relationship, Francine. It's okay for us to pretend that we're husband and wife, but I cannot give you more than that." Tinalukran nito si Francine ngunit napatigil at muling hinarap ang asawa. "And you're right. I cannot give you want you want. Mas makabubuti pang kalimutan mo na lang ang nararamdaman mo para sa akin. Hindi ko maibibigay sa 'yo ang pagmamahal na gusto mo... dahil hanggang ngayon, hawak pa rin ni Grace ang puso ko."

Hindi na naawat pa ni Francine ang pagbuhos ng mga luha niya nang iniwan siyang nag-iisa ni James. Bumaon sa dibdib niya ang mga huling sinabi ni James, at pakiramdam niya, sa pag-alis ng asawa niya ay tuluyan na rin nitong nilisan ang kanyang buhay.

***

"Francine, tama na 'yan," awat ni Cass sa kaibigan. "Lasing ka na."

"Pabayaan mo na ako, Cass. Kahit ngayong gabi lang hayaan mo na akong malunod sa kalasingan." Wala ng nagawa si Cass kundi ang pabayaan na lamang siya.

Tinawagan ni Francine si Cass upang samahan siya nito. Ang sinabi lamang niya sa kaibigan ay nais niyang lumabas kasama nito dahil gusto niyang maka-bonding ang kaibigan. Agad naman siyang pinuntahan ni Cass at sa suhestiyon ni Francine ay tinungo nila ang bar na madalas puntahan ni Cass. Ngunit ang totoo ay nais ni Francine na makalimot sa sakit na nararamdaman. Nais niyang maiwaksi sa isipan niya ang pagtatalo nila ni James, lalong-lalo na ang mga huling nasambit nito.

"Hanggang ngayon, hawak pa rin ni Grace ang puso ko," tanda pa niyang sabi ni James.

Tangina naman, oo! Hanggang kailan ba magiging pagmamay-ari ni Grace ang puso ni James? Hanggang kailan ba magpapaalipin si James sa damdamin nito para kay Grace? Hanggang kailan ba kaya ni Francine na pilitin ang pusong huwag na lamang mahalin si James?

"Sana pala isinama na lang natin si Abby," dinig niyang saad ni Cass. "Para may katuwang ako na pigilan ka sa mga pinaggagawa mo. Ano ba talaga ang nangyari? Hindi ka naman mahilig uminom, ah."

"H'wag ng masyadong maraming tanong, Cassandra. Sabayan mo na lang ako sa trip ko ngayon, okay?"

"Hay, ewan ko ba sa 'yong babae ka. Ngayon lang kitang nakitang nagkakaganito,eh. Ano ba 'yan? Problemang asawa ba iyan?"

Hindi sumagot si Francine. Patuloy pa rin siya sa pag-inom at umaasang ang mga alak na iyon ay makatutulong upang gawing manhid ang kanyang puso kahit panandalian lamang.

"Cass," tawag niya sa kaibigan, "hindi ba isa kang nurse?"

"Technically, hindi. Kasi hindi naman ako nagtrabaho bilang nurse, eh. Pero, oo. Nursing ang natapos ko, so you can say na nurse nga ako. Alam mo na 'yan, eh. Bakit itinatanong mo pa?"

"Ano ba ang gamot para maging manhid ang puso ko? Teka, may pills ka ba riyan para sa sakit sa dibdib?"

"Ay naku po! Lasing ka na nga talaga at kung ano-ano na ang mga pinagsasabi mo."

"Hindi pa ako lasing—slight lang," sagot niya sabay hagikgik. "Sagutin mo na kasi ang tanong ko. Puwede ko ba ipa-heart transplant itong puso ko at palitan na lamang ng ibang puso? Puwede bang mag-exchange na lang tayo ng heart?"

"Hindi maaari Francine. Kapag nag-exchange tayo ng puso, baka mahalin mo pa ang crush kong si Dr. Alejandro!" Nasapo na lamang ni Cass ang noo nang napagtatnto niya ang naging sagot sa kaibigan. "Naku naman! Pinatulan ko pa talaga ang tanong ng isang lasing! Teka, dito ka lang, ha. May tatawagan lang ako sa cell phone. Masyadong maingay rito kaya lalabas muna ako saglit, ha. H'wag kang aalis diyan Francine."

Sumaludo pa si Francine sa kaibigan sabay sabing "yes ma'am!"

Nang naiwang mag-isa si Francine, saka niya naramdaman ang kalungkutan. Sa pangalawang pagkakataaon, lantaran siyang inayawan ni James. Wala na ba talagang pag-asa na mamahalin din siya ni James?

"Now what do we have here? Is that you, Francine?"

Iniangat ni Francine ang mga mata sa pinanggalingan ng boses at nakita niyang nakatayo sa tabi niya si Darwin Villanueva. At buhay pa pala ang isang iyon? "May kailangan ka ba sa akin? Dahil ako, wala. Kaya puwede ba, lumayas-layas ka nga sa harapan ko. Naiirita ako sa 'yo—at may utang ka pa sa akin, ha. Hindi pa kumpleto ang ibinayad mo sa akin."

Ngumisi lamang ang lalaki at umupo pa sa tapat ni Francine. "How's married life? You seemed to be unhappy. Tell me, is your marriage with James going on a rough time?"

Tarantado ito, ah! Gusto pa ata nitong gawan kami ni James ng chismis? saloobin ni Francine.

"Pakialamero ka rin, ano? FYI, sir, masaya ako kay James. Masayang masaya ako sa asawa ko. O, ayan, ha. Pakikalat na lang 'yang balitang 'yan sa mga diyaro," sagot nito sa lalaki. "At puwede ba, tantanan mo na nga ang asawa ko! Bading ka ba, ha? Kaya ka habol nang habol sa asawa ko? Kaya mo ba siya sinisiraan dahil ayaw ka niyang patulan?"

Tumawa ng pagak ang lalaki ngunit pumormal din matapos ng kanyang mapait na halakhak. "Alam mo kasi, Mrs. Madrigal—that is your new name, right?—malaki ang pagkakautang sa akin ng asawa mo. Naniningil lang ako."

"Bakit? Magkano ba ang utang niya sa 'yo at atat na atat ka talagang pabagsakin ang asawa ko? Teka, dala ko ang check book ko, eh. Babayaran kita—babayaran ko 'yang utang na sinasabi mo."

"You're drunk," obserba ng lalaki. "But, okay—sasabihin ko sa 'yo kung bakit buong buhay ko ay wala na akong ibang nais kundi ang sirain si Madrigal." Huminga pa nang malalim ang lalaki na tila humuhugot pa ng lakas ng loob bago sinimulang isinalaysay ang saloobin nito. "I loved this wonderful woman. Her name is Grace. Inagaw siya sa akin ni Madrigal. She was first mine until that bastard came into the picture!"

Sa pagkakataong ito, si Francine na ang humalakhak. Sa sobrang lutong ng kanyang pagtawa ay napatingin na sa kanya ang mga taong nasa tabi lamang nila. "High ka ba? Nakasinghot ka ba bago ka pumunta rito? Kasi nag-i-ilusyon ka na, eh. Papaano mo nasabing nauna ka kay Grace kung gayong high school pa lang ang dalawa ay sila na?" Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkagulat sa nasambit ni Francine. "Oo, tama ang iniisip mo. Alam ko ang tungkol kay Grace. Alam kong high school pa lang ay mag-on na ang dalawa. Alam kong baliw na baliw si James kay Grace. At alam ko ring iniwan ni Grace si James..."

"You don't know the half of it. Oo, una ngang nakilala ni Madrigal si Grace... pero ako ang unang minahal ni Grace. Ang sinasabi mong high school sweet hearts sila? Hindi totoo 'yon. Si Grace na mismo ang may sabi no'n sa akin. No'ng kolehiyo, naging kami ni Grace, pero naidaan ni Madrigal sa pambobola ang nobya ko kaya ako nagawang iwanan ni Grace." Nagkuyom ng mga kamay si Darwin at nagtatagis ang bagang nitong tinitigan ng mariin si Francine. Dama ni Francine ang matinding pait at galit na nagmumula sa lalaking kaharap niya. "Madalas pinapaiyak ni Madrigal si Grace, at kitang-kita kong nasasaktan si Grace sa mga pinaggagawa ni Madrigal sa kanya. Nangako ako sa sarili ko na babawin ko si Grace sa kanya. Pero masyadong nauto ng asawa mo si Grace, na kahit pa tarantado 'yang Madrigal na 'yan, hindi pa rin niya kayang iwan ang lalaking 'yon."

Naguguluhan si Francine sa mga ikinukwento ni Darwin Villanueva sa kanya. Iba ang bersyon nito kumpara sa sinabi sa kanya noon ni Granny. Hindi alam ni Francine kung umepekto na ba sa utak niya ang espiritu ng alak o kung ano man. Litong-lito na ang isip niya. Ano ba talaga ang totoo?

"Pero iniwan din ni Grace si James. Ano ba ang mayro'n sa babaeng 'yan at kung sambahin n'yo ay higit pa sa isang diyos? Pareho kayong iniwan ni Grace. Bakit hindi n'yo subukan ang salitang 'move on' para matahimik na 'yang mga kaluluwa n'yo?"

"Like I said, you don't know the half of it. Siguro nga ay minahal ni Madrigal si Grace, pero higit pa ang pagmamahal ko para kay Grace. She is a wonderful woman, kaya siya minahal ni Madrigal. Your husband will never love you the way he loved Grace. Kahit kailan ay hindi mo mapapantayan si Grace."

Marahil ay tama ang itinutumbok ng lalaki. Hindi niya mahihigitan si Grace sa buhay ni James. At masakit iyon para kay Francine, dahil kahit gusto niyang takpan ang malalim na sugat sa puso ni James, hindi pa rin siya magwawaging magawa iyon dahil si James mismo ang ayaw na maghilom ang sugat nito.

Pero may magagawa pa rin si Francie, at iyon ay ipagtanggol ang lalaki sa mga taong nais itong pabagsakin, sa mga taong nais itong saktan.

Kahit pagewang-gewang pa si Francine nang tumayo ito, taas noo niyang sinagot si Darwin Villanueva. "Alam mo Mr. Villanueva, tama ka. Kahit kailan ay hindi ko mapapantayan si Grace sa buhay ni James. Hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari at pareho kayong hibang na hibang sa babaeng 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit sa paningin n'yo ay kahelera ni Grace sa pedestal ang Birheng Maria, pero ito ang alam ko—pareho niya kayong iniwan. Wala na siya ngayon sa buhay ni James. Isa na siyang nakalipas na nakaraan... Pero ako? Ako ang kasalukuyan ni James."

Idinutdot pa ni Francine ang daliri sa kanyang dibdib. "Ako ang kasama ni James. Ako ang karamay niya. Ako ang asawa. At ako rin ang magtatanggol sa kanya sa mga taong tulad mo na makitid ang utak. Dahil lamang hindi ka makapag-move on at makapag-get over sa isang babae, pati asawa ko idadamay mo sa bitterness mo? Mayaman ka naman hindi ba? Bakit hindi mo gamitin ang pera mo at ipaopera 'yang utak mo at baka sakaling tumuwid ang baluktot mong utak?"

"Bakit mo pa ipinagtatanggol ang lalaking iyon gayong alam nating dalawa ang katotohanan na lolokohin at sasaktan ka lang din ng lalaking iyon?"

"Dahil ako ang kasama niya at hindi ikaw. Dahil nakikita ko kung gaano siya kabuting tao. Dahil alam ko kung ano ang pinagdaraanan niya... ang nararamdaman niya. Mahal ko si James noon pa, at gagawin ko ang lahat para ipagtanggol siya sa mga taong katulad mo. Kaya kung ako sa 'yo? Tigil-tigilan mo na ang asawa ko, ha? Kasi nagmumukha ka lang tanga sa mga ginagawa mo." Marahas na tinalikuran ni Francine ang kausap. Malamang sa malamang ay gaganti si Villanueva. Pero handa na siya sa kung ano man ang mangyayari. Gagawin niya ang lahat para kay James...

Napaatras si Francine nang may malapader na katawan ang sumalubong sa kanya. Muntik na siyang matumba ngunit naging maagap ang pagsalo sa kanya ng isang braso. Iniangat ni Francine ang mga mata sa kanyang tagapagligtas upang pasalamatan ito. At nang sumalubong sa kanya ang pinakamagandang pares na mga mata, hindi niya naiwasang mapapangiti roon.

"James..." ang tanging nasabi niya sa asawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top