Chapter Twenty Five

Hindi maipaliwanag ni James ang kanyang nararamdaman. Narinig niyang lahat ang pinag-uusapan kani-kanina lamang nina Villanueva at Francine. He also witnessed how his tiny wife defended him against a big brute like Villanueva. After all those times he had been a sick bastard to his wife, she still defended him against Villanueva's accusation.

His heart swelled with pride with the way Francine was able to handle her self. Hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha sa babaeng nakangiti sa kanya na para bang laking tuwa nito na makita siya. Na animo'y isa siyang aparisyon mula sa langit. At bakas sa mga mata nito ang pagmamahal para sa kanya... pagmamahal na tianggihan niya.

"James..." muling bulong ni Francine, ang mga mata nito'y mapupungay dahil sa kalasingan.

His heart tightened into a knot. His wife got herself drunk and it was his entire damn fault.

"Let's get you home," sabi niya rito. Matapos niyang pasalamatan ang kaibigan ng asawa na tumawag sa kanya, inalalayan na niya si Francine na sumakay sa sasakyan. Nang nakarating na sila sa bahay, inakyat naman niya ang asawa patungong kuwarto.

Nang naihiga na niya si Francine sa kama, at akmang iiwan muna ito, bigla namang ipinulupot ni Francine ang mga braso nito sa kanyang batok.

"H'wag mo muna akong iwan," pakiusap nito. "Dito ka lang muna sa tabi ko."

"Kukuha lang ako ng pamalit mong damit."

"Dito ka lang... h'wag mo 'kong iwan..."

Wala nang nagawa si James kundi ang bumuntong-hininga at pagbigyan ang kahilingan ng asawa. Inayos na lamang niya ang pagkakaupo sa kama. "Bakit ka ba kasi uminom kahit alam mong hindi ka naman sanay?"

Bagama't nakapikit ang mga mata nito na animo'y natutulog, sumagot pa rin si Francine. "Para makalimot kahit sandali lang..."

Napangiwi si James sa itinuran ng asawa. Alam niyang siya ang nais nitong makalimutan. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Francine.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Bakit ba tinanggihan niya ang inaalok na pag-ibig ni Franicine? Hindi naman ito mahirap mahalin. Ngunit...

Napabuga siya ng hangin. Here was a woman, willing to give her everything to him-her love, her heart, her future. So why was it so hard for him to just accept it, accept her gift? Hanggang kailan ba siya kokontrolin ng takot niyang umibig muli?

Dati na siyang nagmahal nang totoo. Ibinigay niya ang lahat sa taong iyon-oras niya, puso niya, buhay niya. Bumuo siya ng mga pangarap, at nakasentro ang mga iyon sa babaeng minahal niya nang lubos. Ngunit iniwan pa rin siya nito, sa araw mismo ng kanilang kasal. At hindi niya lubusang matanggap ang dahilan nito kung bakit siya nito iniwang nakatayo na parang tanga sa harapan ng altar!

Inaakala ba ni Grance na hindi niya ito maiintindihan sa pinagdaraanan? Sa nagawa nito? Sa dinaramdam nito? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinadama niya rito upang patunayan na matatanggap niya si Grace nang buong-buo?

He swore never to love again after Grace left him for good. Hindi man niya magawang magalit sa dating kasintahan sa nagawa nito, pero naroroon pa rin ang pait. Nandoon pa rin ang sakit, ang pangungulila... Sa isip-isip ni James ay wala nang pag-ibig pa ang natitira sa puso niya dahil ibinuhos na niyang lahat kay Grace. Isinara niya ang puso para sa iba dahil si Grace lamang ang mahal niya, ang gusto niya. Dahil hindi pa rin niya matanggap na nawala si Grace sa buhay niya. Dahil takot na siyang baka maulit muli ang mga nakaraang pangyayari.

After that, he had basked himself in different women's arms. Akala niya sa paraang iyon ay mabubura ang pagmamahal niya para kay Grace, na tuluyan na niyang mapapalitan ang mga masasayang alalaala na kasama ang dating kasintahan. Pero hindi siya nagtagumpay. Kung nakalimutan man niya ang pagmamahal para kay Grace, hindi pa rin mawalawala sa puso niya ang tindi ng sakit na idinulot ng ginawang pag-iwan nito sa kanya.

But he still continued living, with different women to keep him company. He had great sex with them, and he enjoyed it. But that was it. It was just plain sex, nothing more. Hindi na siya naghahanap ng pagmamahal, ayaw na rin niyang magmahal. Para saan pa? Nagpatuloy siya sa ganoong pamumuhay na may ganoong paniniwala. Unti he became weary. Until he became jaded.

Then James realized something was missing in his life. Napagtanto niya ito noong nakita niya kung gaano kasaya ang pinsan niyang si Lawrence sa piling ng asawa nitong si Abigail. Kung tutuusin ay pareho lamang sila ng naging kuwento sa buhay. Ngunit bakit si Lawrence ay biniyayaan agad ng isang panibagong pag-ibig? Habang siya... habang siya ay patuloy pa rin itong iniiwasan.

He wanted to love again, goddammit! There, he finally admitted it to himself. Gusto na niyang magmahal muli. Because he knew it was the missing part in his life. He knew it could make him whole again. And Francine was tempting him to do it. To fall in love again. To risk everything... to give everything. Na kahit pa masaktan siya ay ayos lang dahil gusto niya uling maranasan ang magmahal... at ang mahalin.

Pero bakit takot pa rin siyang subukan ito?

"James..."

Ang ungol ni Francine ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa.

"Francine... I'm sorry for hurting you..."

"James... mahalin mo naman ako... kahit kaunti lang... pangako, hindi kita iiwanan... pangako hindi kita sasaktan..."

Ang pagmamakaawa sa boses ni Francine ay humaplos sa kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ngunit unti-unti nitong tinitibag ang konkretong bumabalot dito.

"...ako naman ang mahalin mo..."

Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may humihila sa kanyang puso. At nang nakita niya ang luhang sumilay sa dulo ng mata ng asawa, nagsimulang lumabot ang kanyang puso. Unti-unti na siyang bumibigay.

"I.. I think I'm getting there, Francine. I think I already do..."

***

Hindi mapakali si James habang nakaupo sa sofa sa kanilang sala. Anong oras ba babangon si Francine? Lumalamig na rin ang inihanda niyang agahan para sa asawa. Peace offering niya iyon para rito, at dahil gusto niya ring makabawi dahil kasalanan naman niya kung bakit nagawang maglasing ng asawa kagabi.

Napahikab si James at kinusot ang mga mata. Ngayon lang niya naramdaman ang antok. Buong gabi kasi siyang hindi nakatulog-para siyang tangang pinagmamasdan lamang ang natutulog na asawa. May pagkakataon din na hinahalikan niya ito sa noo o 'di kaya ay hinahaplos sa pisngi. Aaminin niya-madalas niyang ginagawa iyon kapag alam niyang malalim na ang pagkakatulog ni Francine. Natutuwa kasi siyang pagmasdan ang asawang dragon ay tila isang mabait at mahinhin na anghel kapag natutulog.

Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata niya nang narinig niya ang mga yabag ni Francine. Napabalikwas pa siya nang tuluyan niyang naaninag ang papalapit na asawa.

"Pasensya ka na't tinanghali ako ng gising." Kahit nakaharap si Francine sa kanya ay tila umiiwas ito ng tingin. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Sabayan mo 'ko, Francine." Nagulat pa si Francine ng iginiya niya ito patungong komedor.

"Bakit hindi ka pa pala kumakain?" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Hinihintay kasi kita na magising."

Kumunot ang noo ni Francine sa naging turan niya, ngunit hindi naman nagbigay ng kumento ang babae. Bagkus ay naupo na lamang ito upang kumain.

Tahimik lamang silang dalawa habang kumakain. May nais sabihin si James ngunit hindi niya alam kung papaano ito uumpisahan. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ng asawa, ngunit hindi siya nito pinansin. Patuloy lamang sa pagkain si Francine.

"How's the food?" hindi na niya natiis na itanong. "Masarap ba?"

"Ayos lang-hindi naman nagbago ang lasa ng pritong itlog at hotdog."

"Ako kasi ang nagluto ng mga iyan."

"Weh."

"Totoo! Kahit itanong mo pa kay manang."

"Asus! Para itlog at hotdog lang ipinagmamalaki mo na agad."

Napangiti si James. Bumabalik na ang bangis ng dragon niyang asawa. "Kahit na," patuloy niya, "kahit simpleng itlog at hotdog lang ang mga 'yan, may kasamang..."

"Kasamang ano? Lason?"

Pagmamahal. C'mon James, just say it! Pero hindi niya magawa. Umiling na lamang siya. "Wala... 'Di bale na..." Bakit ba hirap na hirap siyang sabihin iyon?

"Bakit ka ba uminom kagabi? Alam mo namang hindi ka sanay uminom," pag-iiba ni James ng usapan.

"Nagkayayaan lang kami ng kaibigan ko. Hindi na mauulit. Ang sakit pa nga ng ulo ko, eh."

Alam ni James na hindi iyon ang katotohanan, ngunit hindi na lamang niya binanggit iyon. Sa halip, ang tungkol kay Vilannueva ang sinimulan niyang ipaliwanag dito: "Nakita ko kagabi na kausap mo si Villanueva."

Tumigil sa pagsubo si Francine, rumehistro ang pagkalito sa mukha nito. "I-ikaw pala ang kasama kong umuwi kagabi?"

"Oo. Tinawagan ako ng kaibigan mo."

"Ah. Akala ko kasi napanaginipan ko lang iyon. Buong akala ko, si Cass ang naghatid sa akin pauwi. M-may nasabi ba ako kagabi na... na ano..."

"Wala," mabilis niyang sagot. "Mahimbing kang natutulog kagabi." Hindi na kailangang banggitin pa ni James ang mga nasambit ni Francine bago ito nakatulog at baka ito pa ang maging dahilan upang mailang muli sa kanya ang asawa.

"So... ano pala ang tungkol kay Villanueva?" anito.

"Hindi totoo ang mga sinabi niya sa 'yo kagabi... kung ano man iyon."

"Alam ko, James. Hindi naman ako naniniwala sa mga sinabi niya, eh. Pero ano nga ba ang katotohanan?"

Mariing nakatingin sa kanya si Francine, hinihintay ang kasagutan.

Hindi naman niya binigo si Francine at sinumulan niya ang pagkuwento: "High school pa lang magkakilala na kami ni Grace. Pero hindi pa naging kami noon. Matalik ko siyang kaibigan. Ako, si Grace, si Lawrence at ang isa pa naming lalaking kaibigan ang madalas na magkasama noon. Nakakatuwa si Grace-alam mo ba iyon? Parang one of the boys lang..." Sumilay ang mga ngiti niya sa labi nang naalala niya ang masasayang panahon na magkakasama silang apat noong high school. Tanda pa niya noong madalas silang maglaro ng basketball-silang dalawa ni Grace laban kina Lawrence at Zack. Siyempre, lagi silang talo ni Grace at sisisihin naman nito si James dahil sa kanilang pagkatalo. Mapapanguso lamang siya at hihingi ng kapatawaran sa dalagita.

"Hep, hep! Anong sorry ka riyan? Ililibre mo 'ko ng softdrinks, 'no? Sayang naman ang effort ng mga three-point shots ko-na bale wala lang dahil lampa ang ka-teammate ko!" sisi nito sa kanya.

Napakamot na lamang siya ng ulo. "Grabe ka naman. May na-i-contribute naman akong six points."

"Hay, naku! Ipinagmalaki pa niya ang six points niya! Ang sabihin mo nagpapa-pogi points ka lang sa mga cheerers mo," dagdag nito sabay irap sa kanya.

Saka lamang niya napansin ang mga babaeng nakapalibot sa court at tili nang tili. Hindi niya binigo ang mga tagahanga at kinindatan pa ang mga ito na mas lalong nagpalakas sa mga hiyawan at tili nito.

Binatukan naman siya ni Grace na ubod nang lakas. "Ayan ang sinasabi ko sa 'yo, eh. Guwapong-guwapo ka na naman sa sarili mo! Hoy Jaime, malala na 'yan, ha!"

"Alam mo Grasya, umamin ka na kasi, eh. May gusto ka rin sa akin, 'no?"

Nagsibungisngisan sina Lawrence at Zack at nakisabay sa tukso niya kay Grace, dahilan upang pamulahan ng mukha ang dalagita.

"A-ano? Ako, may gusto sa 'yo? W-wala, ah!"

"Eh, bakit nagkandautal ka sa pagsagot? Umamin ka na kasi-kahit pareho pa tayong binatilyo, ayos lang sa akin 'yon, 'pre. Hindi pa rin kita ikahihiyang maging kaibigan."

"Aba naman! Baliw!" singhal nito sa kanya. "Anong binatilyo ka riyan? Babae ako!"

"Babae ka pala? Hindi kasi halata, eh. Kasing flat kasi ng pancakes 'yang dibdib mo."

Namumula pa sa galit ang mukha ng dalagita nang padabog nitong tinalikuran ang tatlong lalaking nang-aasar dito.

"O, pareng Grasya! Akala ko ba magpapalibre ka pa ng softdrinks?" pahabol nitong sigaw. Ngunit hindi ito nakinig at patuloy pa rin sa paglakad palayo sa kanila...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top