Chapter Twenty Eight

"Oh, c'mon, Abby. Just tell me where she is," pagmamakaawa ni James sa matalik na kaibigan ni Francine na si Abigail. Hindi na nakatiis si James na maupo na lamang sa loob ng opisina at hintaying bumalik si Francine. Kaya naman ay binalak niyang puntahan ang mga magulang nito. Nang dumaan siya sa opisina ni Lawrence upang itanong sa pinsan kung dumalaw sa kanila si Francine, tamang-tama naman na nakita niya roon si Abigail.

Humalukipkip si Abigail at tinitigan siya nang matalim. Sa mga nakamamatay na titig nito na ipinukol sa kanya, halatang may alam na si Abigail sa kung ano man ang nangyari sa pagitan nila ni Francine. "At bakit ko sasabihin sa 'yo? Para saktan mo na naman ang kaibigan ko?"

Napabuga na lamang si James ng hangin at tinapunan ng nagmamakaawang titig ang pinsan. "Law, help me out here, will you? Tell your wife to tell me where my wife is."

Nagkibit-balikat pa si Lawrence habang patawa-tawa pang sinabing, "No can do, James. She's my boss."

Why was the universe so against him of finding Francine? Gusto lamang naman niyang itama ang pagkakamaling nagawa!

"No, I'm not going to hurt her," paliwanag ni James kay Abigail. "Not anymore."

"Pero kilala kita, James. Akala ko ay nagbago ka na. Pero hindi pa rin pala. Alam ko na ang totoo na palabas lang pala ang pagpapakasal n'yo ni Francine-inamin na niya sa akin. Bakit mo naman ginawa iyon sa best friend ko?"

"But she agreed!" Of course I did blackmail her, but there is no need for you to know that.

"Oo, nandoon na tayo-sumang-ayon siya sa gusto mo. Pero ginawa niya iyon hindi dahil sa atraso niya sa 'yo, kundi dahil mahal ka niya... dahil gusto ka niyang tulungan, dahil mahal ka niya, James."

"I know... I know that she loved me. Sinabi niya sa akin iyon..."

"Pero ano ang ginawa mo? Sinaktan mo lang siya!"

"I know that, Abby. That's why I want to make things right this time. I want to make things right for her."

"At bakit? Bakit mo naman gagawin 'yon? Ginagamit mo lang naman siya para hindi ka ilibing ng buhay ng tatay mo, hindi ba? So, bakit kita tutulungang mahanap ang best friend ko?"

"Abby, you're killing me, you know that?" desperado niyang pahayag. "Will you just please tell me where she is?"

"Bigyan mo muna ako ng isang magandang rason para makumbinsi mo ako na sabihin sa 'yo ang kinaroroonan ni Francine."

Talaga bang ganito ang mga babae? Kapag inaakala nilang inagrabyado ang isa, magkakampihan ang mga ito laban sa nang-agrabyadong lalaki? Kahit si Granny na tinawagan niya kani-kanina lamang ay sinabihan siyang, "I am so disappointed with you, James! How could you do that to Francine?"

What exactly did he do? He had no idea what Granny was talking about. And before he was able to question her further, ibinaba na nito ang telepono. Even Francine's other friend, the one who called him when Francine got herself drunk, would not even answer his calls. Lagi nitong pinipindot ang end call sa unang ring pa lang.

"Ano na, James?" naiinip na tanong ni Abigail sa kanya.

Bakit nga ba? Bakit nga ba niya nais mahanap si Francine? Tinapunan niya ng tingin si Lawrence na prenteng nakaupo lamang sa sofa, natatawa pa sa kanyang sitwasyon.

Why was he lost for words? Why couldn't he just admit it to himself and to everyone that he...

"Love her," bulong niya sa sarili, bahagya pang nagulat sa paglabas ng mga salitang iyon mula sa kanyang bibig.

"Ha? Hindi ko narinig, James."

"Because I love her." Hindi napigilan ni James ang bugso ng kanyang damdamin at natawa pa dahil sa wakas ay nasabi na rin niya ang mga salitang iyon nang malakas. Dahil sa wakas ay nagawa na rin niyang aminin ang isang bagay na matagal na niyang nararamdaman ngunit labis naman niyang itinatanggi sa sarili. "Can you believe that? I actually love Francine!"

Nakita niyang nag-ikot ng mga mata si Abigail at pinipilit pang ikubli ang mga ngiti nito. "Sa wakas umamin na rin si James Madrigal."

Hinawakan niya sa magkabilang braso si Abigail. "Please, Abby. I'm desperate. I think I cannot live with out her. I don't exactly understand why I feel this way for her, but I really do love her. I don't want to lose her this time-not again." Minsan na siyang tinakasan ni Francine at muntik pang mawala ito sa buhay niya. Hindi na niya hahayaang mawala pa ang babaeng muling nagpatibok sa puso niya.

"Okay, okay, sasabihin ko sa 'yo ang nalalaman ko. Pero sa oras na nalaman kong sasaktan mo lang uli ang kaibigan ko, naku!"

Natawa lamang si James sa banta ni Abigail at niyakap pa ito nang mahigpit.

"Hey, hey! Hands off my wife, James!" narinig niyang banta ni Lawrence sa kanya.

Agad naman niyang pinakawalan si Abigail. "So tell me-where is my wife?"

Napakagat-labi si Abigail. "Ang totoo kasi... ano..."

"Ano?"

"Kasi... kahapon dumaan siya kina Granny. Pagkatapos no'n kay Cass siya nakitulog. Tapos no'n ang sabi lang niya sa akin kanina..." Tumingin ito kay Lawrence na para bang humihingi ng pahintulot mula sa asawa. Nang tumango si Lawrence, saka ito nagpatuloy sa pagsalita, "Ano kasi... sabi niya kakausapin daw niya si... si Grace."

"Si Grace?" kunot-noo niyang tanong.

"Oo. 'Yun ang sabi niya kanina. Ang sabi niya kaka-"

Ngunit hindi na niya narinig pa ang mga sumunod na sasabihin ni Abigail dahil mabilis siyang tumakbo upang maabutan pa si Francine sa lugar ni Grace.

***

Hindi inaasahan ni Francine na sa ganoong lugar niya matatagpuan si Grace, na sa ganoong lugar niya makakaharap ang babaeng minamahal ni James. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya, mapapanatag ang kalooban o malulungkot.

Lumuhod si Francine at inilapag ang dalang bulaklak sa tabi ng puntod ni Grace bago siya tuluyang naupo sa damuhan.

"Nahihiya ako," umpisa niya, "dahil pinagselosan kita. To the point pa nga na may mga salita akong nabitiwan laban sa 'yo. Hindi ko naman kasi alam, eh."

Nang pinuntahan niya si Granny kahapon, noon lamang niya nalaman ang tungkol kay Grace. Hindi man ma-i-kuwento nang buo ng matanda ang totoong namagitan kina James at ang dating kasintahan nito, nalaman pa rin niya mula kay Granny kung saan niya matatagpuan si Grace. Nagulat pa siya sa rebelasyon sa kanya ni Granny, pero 'di kalaunan ay unti-unti na niyang naintindihan.

"Ang babaeng kinababaliwan pala ni James ay isa palang alaala. Pero ano ang sikreto mo at ganoon ka niya kamahal? Sana... kahit kaunti ganoon din ang maramdaman ni James para sa akin." Natawa pa si Francine sa sarili dahil sa ginagawa niyang pag-usap sa puntod na animo'y naroroon sa harapan niya si Grace at nakikipagkuwentuhan rito. "Pero inggit na inggit ako sa 'yo... dahil hanggang ngayon mahal ka pa rin niya. Bakit mo ba siya iniwan sa araw ng kasal n'yo? Dahil kung ako ang nasa katayuan mo, hinding-hindi ko siya iiwanan..."

Dinala ni Francine ang mga tuhod sa tapat ng dibdib niya at niyakap ang mga ito. Kung iisipin nga naman niya, magkahalintulad din sila ng sitwasyon at pinagdaraanan ni James. Hindi mabitiw-bitiwan ni James ang mga alaala at pagmamahal nito para kay Grace. Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang naging pasya ng lalaki. Katulad din niya-unang beses pa lang niya nakita si James, nahulog na ang damdamin niya para sa lalaki. At kahit nasasaktan siya, kahit pinilit niyang makalimot, nahihirapan pa rin siyang ibaon sa limot ang nararamdaman niyang pagmamahal para rito. Kaya naiintindihan niya si James. Naiintindihan niya ang lalaki kahit pa nasasaktan siya. Kahit pa masakit para sa kanyang tanggapin na hinding-hindi niya mapapalitan si Grace sa puso ni James.

"Kahit pa maghintay ako nang matagal na maka-move on si James, sa tingin ko hindi pa rin ako ang pipiliin niya," bulong ni Francine sa sarili.

Pero nakapagdesisyon na si Francine. Tatapusin niya ang napagkasunduan nila ni James. Kahit mahirap pa iyon para sa kanya ay gagawin niya. Matapos niyang magampanan ang kanyang papel sa buhay ni James, aalis na siya. Magpakalalayo siya, kalilimutan ang lahat ng namamagitan sa kanila ni James. Alam niyang makakaya niyang gawin iyon. Dapat niyang magawa iyon dahil hindi naman tama na habambuhay na lamang siyang aasa na mamahalin ng lalaki, na habambuhay na lamang niyang hahayaang masaktan ang sarili. Ginawa naman niya ang lahat, hindi ba? Sumang-ayon siya sa gusto ni James na magpakasal dito. At totoong kasal pa ang nangyari! Nagkasala na nga siya sa Diyos, pinaniwala pa niya ang lahat ng dumalo na hindi isang areglo ang namagitan sa kanilang dalawa ni James. At nang sa wakas ay nagawa niyang aminin ang lahat kay James, ang totoo niyang nararamdaman para rito, isinatabi lamang iyon ng lalaki. Kaya sino'ng makapagsasabing hindi niya ginawa ang lahat? Sinubukan naman niya, ang kaso, ayaw naman sa kanya ni James. Kaya bakit pa niya ipagpipilitan ang sarili sa taong ayaw naman sa kanya?

Noong umpisa ay nais lamang niyang turuan ng leksyon si James, pero sa huli siya pa rin ang nasaktan. Siguro nga ay ito ang karma sa kanya ng tadhana. Dahil ipinilit niya ang isang bagay na hindi naman dapat. Dahil ginawa niya ang isang bagay na hindi naman dapat gawin. Dahil sumugal siya. Dahil ibinigay niya ang lahat sa maling tao.

"Magtira ka naman nang kaunting pagmamahal para sa sarili mo," ang naging payo sa kanya ni Cass kahapon nang pinuntahan niya ito sa tinutuluyan nito.

Tama. Simula ngayon ay ang sarili naman niya ang iintidihin. Nariyan naman ang kanyang pamilya, ang kanyang mga kaibigan... sapat na ang pagmamahal nila para sa kanya.

Nang sisimulan na sana niya ang pagtayo, naramdaman niyang may tumabi sa kanyang gilid. Kahit hindi pa siya tumingala upang masilayan ang nagmamayari ng aninong tanging naaaninag niya, alam na niya kung sino ang nagmamay-ari noon.

"How long have you been here?" narinig niyang tanong sa kanya ni James.

"Kani-kanina pa."

Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan. Hindi alam ni Francine kung tatayo na ba siya at umalis na lamang upang mabigyan ng oras si James sa pagdalaw nito kay Grace o mananatiling nakaupo na lamang. Ngunit si James ang unang bumasag sa katahimikan.

"Dito ko dinala 'yung bulaklak," anito.

Alam ni Francine na ang tinutukoy nito ay ang resibo ng bulaklak na nakita niya sa loob ng pantalon nito. "Alam ko..."

"I often visit her, asking her the same questions over and over again. Why did she have to leave me? Bakit niya ako sinaktan ng ganoon?"

"At nalaman mo ba ang kasagutan sa mga katanungan mo?"

"She left me because she thought it was the best thing to do."

"Bakit naman iyon ang naisip niya? Na mas makabubuti ang lumayo siya sa 'yo?" hindi napigilang itanong ni Francine kay James.

Lumuhod si James sa tabi ni Francine. Lumipas ang ilang segundo bago siya sinagot nito. "She was dying, Francine. She had cancer, and she thought it would be better to spare me the agony of having a wife battling with cancer..."

***

#ThePastMistake

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top