Chapter Twelve

"Ililibre mo ako ng lunch pero dito mo'ko dinala sa bahay mo?" nagtatakang tanong ni Francine kay James. Ang sabi sa kanya ng binata bago sila umalis ng ospital ay manananghalian sila. Pero bakit dito siya nito dinala sa tinutuluyan nito? Baka naman siya ang gagawing pananghalian nitong manyakis niyang boss?

Pinatay ni James ang makina ng sasakyan. "I figured we could just have something delivered at my place. Besides, nakalimutan kong day-off pala ng housekeeper ko kaya walang magpapakain kay Ramen."

"May katulong ka sa bahay?" Sa ilang beses na punta ni Francine sa penthouse ni James ay ni isang beses ay hindi pa niya nakikita ang katulong nito.

"Part time lang ang trabaho niya sa akin. Actually, she works at my dad's house. She comes at my place everyday to clean it up then bumabalik din siya agad sa bahay ng tatay ko kapag tapos na siya."

Ayaw pumayag ni Francine sa umpisa. Pero nang nakita niyang sinsero naman ito sa pag-imbita sa kanya, at dahil na rin sa nagbago na ang pakikitungo nito sa kanya, madali siyang nakumbinsi nito. May dapat pa ba siyang ikabahala kung alam naman niyang sa ganoong ayos niya ngayon ay hinding hindi siya pagnanasahan ng lalaking katabi niya ngayon? Sa pulang labi pa nga lang niya ay mukhang diring-diri na ang lalaki.

Wala siyang dapat ikatakot. Ngunit ang totoong ikinatatakot niya ay hindi kung ano ang maaaring gawin ni James sa kanya, kundi ang panibago niyang nararamdaman para sa binata. Nitong mga nakaraang linggong, simula nang tumigil ang aso't pusa na pagtratato nils sa isa't isa, nakilala niya nang lubusan ang binata. Granted na inborn na talaga ang pagiging womanizer at charmer nito, pero kahit masakit man aminin para sa kanya sa umpisa, masasabi niyang isang mabuting tao si James. Mabait ito sa mga empleyadong nagtatrabaho sa ilalim niya. Sa katunayang, noong isang araw lang ay nagpabili ito ng cake sa kanya at ibigay raw niya sa matandang security guard na naka-puwesto sa basement parking.

"Para saan ito, sir?" kuryosong naitanong niya.

"Birthday ni manong Henry ngayon. Alam mo ba, nasa kolehiyo palang ako, dito na nagtatrabaho si manong Henry? Mabait 'yon -lagi akong binabati no'n kapag nakikita ako," ang sagot naman sa kanya ni James.

Hindi lang iyon, marunong din itong makisama sa mga empleyado niya. Tuwing sahod ay madalas sila mag-pizza sa staff lounge. Siyempre pa kasama ang boss nilang si James, at madalas ito ang taya kahit pa nag-ambag ambag silang lahat para sa pagkaing in-oder nila.

Ang totoo, hindi ito demanding na boss sa iba. Sa kanya lang. Marahil ay ginawa nitong mistulang impyerno ang buhay niya dahil gusto nitong mapaalis si Francine sa trabaho. Paano ba namang hindi, noong unang pagkikita nila ay tinarayan na niya agad ang kanyang boss. At siguro na rin ay dahil inaakala nitong isa siyang ispiya ng tatay nito.

At kahit pa madalas silang magpalitan ng mga maaanghang na salita, hindi niya maikakailang unti-unti nang nagbabago ang tingin niya sa binata. Kaya simula no'n ay nagdadalawang isip na siya sa kanyang ginagawang pagsisiwalat kay Mr. Villanueva patungkol sa mga kilos at plano ni James. Kaya ba niyang sirain ang buhay ng isang taong tulad ni James?

Mas lalo pang tumindi ang hiyaw ng kanyang konsensya nang nagsimulang magkuwento si James tungkol kay Margaret.

"Panahon na para wakasan at talikuran ang buhay ng pagiging isang babaero," bigla nitong nasabi nang kumakain na sila sa loob ng bahay ng lalaki.

"Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?"

"You know that what Margaret and I had was arranged by our families, right? It wasn't as if I sought her out to be my wife -my father hand-picked her for me."

Napahagikgik si Francine. "Ang alam ko sa mga telenovela lang 'yang mga arranged marriage na 'yan, at kadalasan ay ang babae ang pinipilit ng mga magulang na mapakasal sa napili nila para sa anak."

"Nasa modern age na tayo -pantay-pantay na ang pagtrato sa kababaihan at kalalakihan," biro pa nito. "But seriously, though. I think its time for me to settle down. Maybe to have my own family is what I really need. Madalas kong sabihin na nabo-bored na ako sa buhay ko -and sex was just a way for me to pass time. Naisip ko, why not, right? I mean, how hard is to to raise a family? Then to have a wife wait for me at home, massage my aching shoulders, cook me dinner and stuff... Marunong kayang magluto si Margaret?"

Nagkibit balikat lamang si Francine bilang tugon.

"A wife and a family looks promising, I guess," dagdag pa nito. "Pero kakayanin ko kaya ang maging isang mabuting asawa?"

Nalilito si Francine sa mga sinabi ni James. Gusto nito talikuran ang mga dating gawain? Nangangarap rin pala ito na magkaroon ng isang magandang pamilya, na magkaroon ng asawa at maging matinong husband? Makakaya bang sirain ni Francine ang pangarap na iyon ni James?

Marahas na napailing si Francine. Hindi. Hindi niya ata maaatim na sirain ang buhay ng isang tao dahil sa kanyang galit para rito. Kahit pa malaki ang pagkakasalang nagawa nito sa kanya, kapatawaran pa rin dapat ang mangibabaw.

Bakit ngayon lang niya ito na-realize? Sana noon pa no'ng hindi siya pumasok sa mundo ni James. Sana noon pa niya isinara ang mapait na kabanatang iyon ng buhay niya. Sana noon pa no'ng nakumbinsi na niya ang sarili niyang hindi naman talaga siya in-love sa lalaki at na-attract lamang siya rito dahil baguhan pa lamang siya sa larangan ng pag-ibig. Pero huli na ang lahat. Huli na para pagsisihin niya ang lahat. Dahil sa pagkakataong ito, nahuhulog na naman ang loob niya kay James.

Shit! Ano na naman ba itong ginawa mong kagagahan Francine! saway niya sa sarili. Bakit ba kasi nakita niya ang other side ni James? Bakit ba kasi nagbago ang pakikitungo ng lalaki sa kanya? At bakit ba kasi pinasok niya ang gulong ito? Mas mabuti pang makasama niya ang James na antipatiko, ang James na madalas punahin ang panlabas niyang anyo. Ang James na mabait ay delikado. Ang James na kasama niya ngayon ay nagpapatuliro sa kanyang isipan.

Pigilan mo ang sarili mo Francine! Kahit pa mahulog muli ang loob mo para sa kanya, wala pa rin itong saysay. Dahil sa oras na malaman ni James ang mga pinaggagawa mong pang-iispiya, hindi lang galit niya ang matatanggap mo -baka ipakulong ka pa niya!

Tama. Bago pa mahuli ang lahat ay kailangan na niyang lisanin ang mundo ni James. Kailangan na niyang lumayo rito at itigil na ang kanyang mga ginagawa. Bukas na bukas ay magreresign siya.

"Are you okay?" narinig niyang tanong ng binata sa kanya.

"Okay lang naman ako," mabilis niyang sagot. Humugot ng lakas ng loob si Francine at hinarap si James. "Makinig ka sa akin. Magiging isa kang mabuting asawa. Alam ko iyon. Mabuti kang tao, James. At naniniwala ako na kaya mong bumuhay ng isang pamilya. Magkakaroon ka ng magandang asawa na aalalay sa iyo, mga anak na magpapasaya sa iyo... Alam kong matutupad ito."

No'ng una ay bakas ang gulat sa mukha ni James dahil sa mga nasabi niya. Ngunit unti-unti ring umangat ang isang dulo ng labi nito. "Salamat. Aside from granny, and occasionally Lawrence if he's not being an asshole, ikaw laang ang alam kong taong naniniwala sa akin." Bahagya pa itong natawa. "Bakit kasi hindi na lang ikaw ang pakakasalan ko?"

Nagulat si Francine sa narinig. Tama ba ang narinig niya? Bumilis ang pintig ng puso niya. "A-ano'ng sinabi mo?"

"I said, why can't you be the woman I'll marry?"

Nagbibiro lamang si James, alam niya iyon. Sino ba namang matinong lalaking magsasabing gusto nitong pakasalan ang babaeng tulad ni Francine? Tama. Nagbibiro lamang itong si James. Ngunit bakit hindi pa rin inilalayo ng lalaki ang mga titig nito sa mukha niya? Bagkus ay mas lalo pang lumalapit ang mukha nito sa kanya?

Napasinghap si Francine ng itinanggal ni James ang salamin niya sa mata.

"Why do you hide such beautiful eyes behind these glasses?" bulong nito sa mababang boses.

At tila naging estatwa si Francine, at hindi niya namalayan ang pagdampi ng mga labi ni James sa nakaawang niyang bibig. Marahang kumilos ang labi ni James, padampi-dampi lamang sa umpisa hanggang sa dumiin ang mga halik nito, nag-uudyok na sabayan niya ito.

Hindi niya mapigilan ang kakaibang sensasyong bumabalot ngayon sa buong katawan niya. Tila tumigil sa paggana ng kanyang utak; naging blanko ito at para bang walang ibang kumokontrol sa kanya kundi ang kakaibang nararamdaman niya. Naramdaman niyang kailangan niyang tumugon sa mga halik ni James, at iyon nga ang ginawa niya. Kusang tumaas ang mga braso niya't ipinulupot ang mga ito sa leeg ni James, habang pilit naman lumalaban ang kanyang utak na bumalik sa tamang ulirat. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan ni Francine na muli siyang diktahin ng kanyang puso.

Huli na ito, rason ng kanyang puso sa kanyang utak, dahil bukas ay maglalaho ka na sa buhay ni James.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top