Chapter Three

"So... You're a virgin."

Was a virgin. Iyon marahil ang dapat sabihin ni James kay Francine. Isinuko na nga niya ang sarili sa binata, at pakiramdam niya ay isa na siyang ganap na babae. Pero bakit sa isang bahagi ng kanyang utak ay sinasabihan siyang may ginawa siyang mali. Mali ba ang ibigay ang sarili mo sa taong mahal mo? Pinilit na lamang niyang isinantabi ang maliit na boses ng kanyang konsensya.

"Ayaw mo na ba sa akin dahil virgin ako?" tanong ni Francine kay James.

Itinukod ni James ang siko sa kama at bahagyang inangat ang sarili. Pinagmasdan niya ang mukha ni Francine, at saka lamang nakaramdam ng pagkahiya ang dalaga. Matapos ng kanilang pag-iisa, parehong bagsak ang kanilang katawan at habol-habol pa ang hininga. Kaya naman ay tanging kumot lamang ang nakatabing sa kanyang hubad na katawan.

Hinaplos ni James ang mukha niya. "No. Its just that I could have been more gentle with you earlier. Nasaktan ba kita?"

Napangiti si Francine. "Sa umpisa lang pero nawala rin agad."

Hinila ni James si Francine palapit sa mainit nitong katawan at niyakap siya sa baywang. "Let's get some sleep. Pinagod mo kasi ako kanina."

Humagikgik naman si Francine. Hindi naman siya isang sex goddess at first time pa niya iyon, pero parang proud pa siya sa sarili niya dahil sa satisfaction na naibigay niya kay James kanina.

Hindi nagtagal ay napahikab si Francine at nakatulog sa loob ng mga bisig ni James.

Hindi alam ni Francine kung ilang oras siyang nakatulog. Ngunit nagising na lamang siya nang may naramdaman siyang mga maliliit na halik sa pisngi at leeg niya.

"Good morning, babe!" bati sa kanya ni James nang minulat niya ang kanyang mga mata.

Babe. Kininikilig siya sa endearment nito para sa kanya. "Good morning din."

"I bought some waffles when you were sleeping. Have breakfast with me."

Tumango si Francine, at matapos magbihis ay sumama kay James sa labas ng kuwarto. Pinagsaluhan nilang dalawa ang hinandang agahan ni James, habang nagsimula namang magkuwento ng binata. Dalawampu't tatlong gulang na pala si James. Ang bar pala na pinuntahan nilang magkakaibigan ay pagmamay-ari pala ni James, ng pinsan nitong nagngangalang Lawrence at ng isa pa nilang kaibigan.

"Ito ang simbolo ng aming kalayaan sa aming pamilya," sabi pa nito sa kanya.

Napag-alaman ni Francine na galing pala sa isang mayaman at prominenteng pamilya si James, ang pamilyang Madrigal. Ang alam ni Francine ay ang pamilya nila ang may hawak ng isang sikat na hotel sa bansa, at may negosyo rin sa real estates.

"Eventually, we all know we will be working under our family business. Kaya naisipan naming itayo ang bar na 'yon," dagdag pa ni James. "Because there, we are the boss and we answer to no one but ourselves."

Pakiramdam ni Francine ay ayaw talaga ni James na magtrabaho sa kumpanya ng pamilya nito, ngunit wala itong magawa kundi sundin ang kagustuhan ng ama nito.

Ipinatong ni Francine ang kanyang kamay sa kamay ni James at marahang pinisil iyon.

Ngumiti naman sa kanya si James. "But you know what I really want to do?"

"Ano iyon?"

"I want to own a resort sa isang isla where people could relax from the stressful life of the metro. Siguro magagawa ko iyon kung mananatili ako sa kumpanya ng pamilya ko. We never venture into the idea of building a resort. Maybe I will do just that..."

Nakinig lamang si Francine sa mga kuwento ni James tungkol sa mga pangarap nito at plano sa buhay. Pakiramdam ni Francine ay ibinabahagi ng binata ang parte ng buhay nito sa kanya, na ipinagkakatiwala sa kanya ang mga sikreto nito. At natutuwa siyang makita ang mga saya at kinang sa mata ni James habang nagkukwento ito.

Isang mabilis na halik sa labi ang ibinigay ni James sa kanya. "Salamat."

"Salamat saan?" nagtatakang tanong ni Francine.

"For this. For listening. I needed that. No one ever does that to me before, you know? 'Yung makinig lang. Pero ewan ko ba bakit kumportable akong magkuwento sa 'yo."

Alam ni Francine ang ibig sabihin ni James. Sa kanilang magkakaibigan, si Francine madalas ang takbuhan ng dalawa kung gusto nilang ilabas ang kanilang mga saloobin. Isang dakilang tagapakinig daw kasi siya, at magaling daw ang listening skills niya ayon kay Cass.

Iyon naman talaga ang papel ni Francine sa buhay nilang magkakaibigan, ang makinig sa mga hinaing at saloobin ng kanyang mga kaibigan. Dapat siguro ay naging psych major siya at hindi HRM course ang kinuha ang sabi ng mga kaibigan niya. Si Abby ang pinaka sensible at simple sa kanila. Matalino at mahilig mag-aral. Si Cass naman ay ang maingay, magulo at puno ng kalokohan sa kanilang tatlo. Madalas nilang tinutukso na isang malanding psycho itong si Cass dahil kung magpalit ng boyfriend ay parang nagpapapalit lang ng damit. Iba-iba man ang kanilang ugali, mahal na mahal pa rin nila ang isa't isa.

"Walang ano man," ang sabi ni Francine sa binata. "Uhm, James?"

"Yes, babe?"

Namula ang pisngi niya. "Okay lang ba kung dadalawin kita rito, uhm, bukas?"

"Hmmm..." Nakakunot ang noo ni James na para bang malalim ang iniiisip nito. Tumayo naman ito at may kinuhang ballpen at papel bago bumalik sa mesa. May isinulat itong numero sa maliit na papel at ibinigay ito sa kanya. "Baka three weeks akong mawawala simula bukas. Pero gusto kong tawagan mo ako rito sa numerong ito kung may kailangan ka."

Tinanggap ni Francine ang papel. "Sige."

"And I want you to tell me if something happens out of what we did last night."

"Ha?"

Nagkamot ito ng ulo. "Kasi... masyado mo akong tinukso kaya nakalimutan kong mag-condom."

Natawa si Francine. At ngayon ay kasalanan pa pala niya? Pero alam niyang nagbibiro lang si James. At kung tama ang pinagsasabi sa kanya ni Cass tungkol sa monthly period cycles, alam niyang safe siya at hindi mabubuntis dahil kakatapos lamang niya ng kanyang period dalawang araw na ang nakakaraan.

Teka nga. Bakit may alam si Cass tungkol sa mga ganitong bagay? Hindi kaya ay--

Isang tunog ng doorbell ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Tumayo naman si James para buksan ito.

"Babe!" narinig niyang sabi ni James.

Akala niya ay tinatawag siya ni James, kaya naman ay sinundan niya si James sa may sala. Natigil siya sa paghakbang nang nakita ang isang magandang babaeng nakatayo sa may pintuan. Pumasok ito sa loob at pumaywang sa harapan ni James.

"Huwag mo akong ma-babe, babe diyan!" singhal ng babae kay James. "Where were you last night? I called you several times but you never bothered to answer any of my calls."

"Sorry, babe. I was... busy last night," pagdadahilan ni James.

Tumaas ang kilay ng babae. "Busy, you say? Busy banging up that whore?" Tinapunan nito ng matalim na tingin si Francine. At sa ekspresyon ng mukha ni James ay saka lamang nito napagtantong kasama pala nila si Francine sa sala.

Humalukipkip ang babae."Explain yourself, James. Who is she?"

Tumingin si James kay Francine bago ibinalik ang paningin sa babae. "I... I honestly don't know. I forgot her name."

Nanghina ang mga tuhod ni Francine, at ramdam niya ang matinding kirot sa puso. Nakalimutan ni James ang pangalan niya? Kaya ba panay babe ang tawag nito sa kanya dahil nakalimutan nito ang pangalan niya?

"How typical of you, James!" bulalas ng babae. "Kahapon lang natin in-announce na engaged na tayo! Tapos nag-uwi ka pa ng bayarang babae rito? What will your dad say if he finds out about this?"

Engaged na si James?

Parang isang libong saksak ang nararamdaman ni Francine na tumatagos sa kanyang puso. Nagmistulang isang masalimuot na bangungot ang lahat, at panalangin niya'y magising na siya agad.

"For fuck's sake, Marian! She's just a one night stand!"

One night stand! She's just a one night stand. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Ang lalaking gusto niyang maging 'The One' niya, para rito pala ay isa lamang siyang one night stand.

Pinilit niyang hanapin ang kanyang boses at hinarap si James. "A-akala ko ba'y may nararamdaman ka para sa akin. James, hindi ba iyon ang sabi mo sa akin? H-hindi ba ang sabi mo pa sa akin ay be my girl?" nanginginig pa niyang tanong.

"Oh shit!" ang tanging nasabi ni James.

Humalakhak naman ang babae, na para bang nakakatawa ang pinagdaraanang sakit ni Francine. "Oh, deary. You got it all wrong. All James's ever felt for you was lust. Don't confuse lust with love --they're not the same."

"Damn!" muling mura ni James sabay hakbang palapit kay Francine. "Look, miss... what's your name again?"

Gusto niyang sampalin si James, tadyakan ito at suntukin. Ngunit hindi maigalaw ni Francine ang buo niyang katawan. Para siyang tuod na nakatayo lamang habang kitang-kita niya sa mukha ni James ang pagsisisi.

"I'm sorry," sabi pa ni James sa kanya. "Hindi ko naman alam na--"

"Pinaglaruan mo ang damdamin ko," bulong ni Francine.

"I didn't do anything, okay? Hindi ko naman kasalanan kung na misinterprete mo ang nangyari kagabi. I wasn't expecting you to... to..."

Fall in love with you, dugtong ni Francine sa isip niya. Oo, sa pinaka maiksing panahon ay na in-love siya kay James. Ngunit sa loob lamang ng isang araw ay nasaktan siya agad dahil sa pagmamahal na iyon.

Falling in love has its risk ika nga ng iba. Pero ano ba naman ito? Isang beses pa lang siya sumugal sa pag-ibig, natalo pa siya agad-agad? Siguro dahil ipinusta na niya ang lahat at walang itinira, kaya ang sakit sakit ng nadarama niya dahil luging-lugi siya sa bandang huli.

Gaga! Ang laki mong tanga! galit na sigaw niya sa sarili. Masyado ka kasing nagpapaniwala sa pag-ibig! Ayan! Ayan ang napala mo!

Hiyang-hiya si Francine sa sarili dahil sa pagkakamaling nagawa. Kasalanan naman niya kung tutuusin dahil hinayaan niya ang puso niyang diktahan siya. Dahil hinayaan niyang mahulog ang sarili sa matatamis na ngiti't salita ni James Madrigal.

Pinahid ni Francine ang mga luha sa kanyang pisngi, tumalikod at dinampot ang purse na naiwan sa couch kagabi. Walang lingon-lingon, tinungo niya ang pinto at lumabas.

"Wait!" dinig niyang sigaw ni James, ngunit dire-diretso siyang naglakad papuntang elevator. Mabuti na lamang at bumukas ito agad kaya hindi na siya nahabol pa ni James.

Napasandal na lamang si Francine. Ito ang una at huling beses na magpapadala siya sa mga matatamis na salita ng mga lalaki. Tama na ang isang beses siyang nagpakatanga.

Bumukas ang elevator at naglakad na siya palabas ng building. Nang nag-aabang na siya ng taxi na masasakyan, saka lang niya napansin ang suot na pambahay na tsinelas ni James. Sa pagmamadali niyang umalis kanina ay nakalimutan niyang suotin ang itim na stilletos niya.

Nagbuga na lamang ng hangin si Francine at napatingin sa langit. Cinderella lang ang peg?

***

#ThePastMistake

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top