Chapter Thirteen

James now knew who she was. The woman Monique reminded him of. It was her, the woman from long time ago. The one who had been haunting his dreams most of the night. It was her. At hindi siya nagkakamali. Si Monique at ang babaeng iyon ay iisa lamang. Imposible namang kamukha lamang ni Monique ang babaeng iyon. They were very the same.

The moment he led Monique into his room, the minute he stripped her of all her clothing and the second he let his eyes beheld her glorious nakedness, a pang of déjà vu swept over him again. Noong una ay hindi niya pinansin iyon, ngunit nang pumaibabaw siya sa babae, doon na niya napansin ang pagkakahalintulad nilang dalawa.

Of course he couldn't forget the sexy moan that girl had made. It sounded just like how Monique made it when they were making love. The small gasp Monique made in between his thrusts... the way she panted for breath and with the way she clung to his shoulders... the way her black hair was wantonly spread against his white pillow... the way she looked at him as he drove inside her for the last time until he came into a million pieces... They were very much the same.

Now that Monique was stripped of all her clothing and glasses, and her thick hair unbound, he couldn't be mistaken as to who she really was.

Monique was her--the girl he had been looking for but couldn't be found.

Pinilit niyang hanapin ang babaeng iyon dati dahil gusto niyang humingi nang tawad dito. At dahil na rin sa kanyang sariling kuryosidad. He wanted to know her better, find an answer as to why he felt something towards her that he couldn't exactly explain what it was. Or why he felt it in the first place.

At hindi niya man lang matandaan ang pangalan nito, hindi ito nakatulong sa kanyang paghahanap. Kahit pa ang investigator na tinawagan niya ay sinabing wala rin siyang magagawa dahil kahit ni first name man lang ay walang pinanghahawakan si James. Kahit sa CCTV sa loob ng Bar ay naging mailap ang mukha ng babae. At ayaw namang ilabas ng building ng condong kanyang tinutuluyan dati ang kanilang mga videos dahil kailangang dumaan muna ito sa tamang proseso.

He let go of the idea of finding her. Kung mismo ang pagkakataon na ang nagsasabing hindi niya dapat hanapin ang babae, baka hindi talaga nakatadhanang makita niya ang babaeng iyon noon.

Pero ngayon, nakita na niya ito. And she was working right under his nose!

Damn! Bakit kailangan pa ni Monique na magbalat-kayong bilang ibang tao? And was Monique even her real name?

Magkatabi pa rin silang nakahiga sa kama ngayon, ang likod ni Monique ay nakaharap sa kanya. Alam niyang gising ito, ngunit hinayaan na lamang niya itong manahimik.

Why? Why did she do it? Why did she hide her real identity from him? Maaaring dahil nahihiya ito sa ginawa nila years ago? Dahil akala ba nito na kapag namukhaan niya ang babae ay sisisantehin niya ito? Or was there something else?

Si Monique ang unang bumasag sa kanilang katahimikan. "Akala ko ba ay magbabago ka na?"

Hinawi niya ang buhok na tumatabing sa likod ng leeg ni Monique. "I guess you were just too irresistible."

"Hindi dahilan iyon. Papaano kapag kasal ka na nga talaga? Ganito rin ba ang gagawin mo? Ang lokohin ang asawa mo?"

"Monique–"

"Bakit? Bakit nagawa natin ito?"

"Monique this was a–"

"A mistake? Isa ba itong panibagong pagkakamali, James?"

Bumuntong-hininga si James at hinapit papalapit si Monique sa kanya. "Look, what happened between us was not a mistake. What happened was something special, and I will never, ever forget it. I... I think the reason why this happened between us is because we felt something for each other, an attraction perhaps."

"Ganyan na ganyan din ang mga sinasabi ng mga lalaki sa mga librong nabasa ko. Sa huli, iiwan din niya ang babae. Ano ang espesyal doon? Mali ka--ang nangyari sa atin ay isang pagkakamali, at dapat itong kalimutan. Ikakasal ka na, James. At gusto kong makasal ka sa fiancée mo, maging maligaya at makabuo ng pamilyang pinapangarap mo."

"Why are you saying this? Can't we just enjoy what we are having right now? Even just this once?"

"Hindi puwede, James. Dahil walang patutunguhan ang kung ano man ang namagitan sa atin ngayon." Humarap sa kanya si Monique. "Hindi mo ako lubusang kilala. At may mga bagay akong ginawa na hindi maganda. Masama akong tao."

"Bakit? Isa ka bang serial killer?"

Umiling ang babae.

"Isa ka bang magnanakaw?" muli niyang tanong na siya namang ginantihan ng isa pang iling ni Monique.

"Are you a rapist, then? Because if you are one, magpapa-rape ako sa 'yo," biro niya.

Napangiti si Monique. "Hindi ako killer, magnanakaw at higit sa lahat rapist." Humugot ng malalim na hininga si Monique bago nagpatuloy. "Makinig ka sa akin. Naging isntrumento ako para sirain ang buhay ng isang tao. Ayokong... ayokong madamay ka sa mga nagawa ko kaya kalimutan na natin ito at ang nangyari sa pagitan natin."

"Kung ano man iyon, nasa nakaraan na iyon."

"Hindi James. Hindi mo naiintindihan," desperada nitong sabi. "Ikakasal ka na."

"So?"

Nakita niyang kumunot ang noo ni Monique, at saka niya napagtantong mali pala ang naisagot niyang iyon.

"At kapag ikinasal ka na, ano ang mangyayari sa akin?" bulyaw nito sa kanya. "Magiging ano ako? Kerida mo? Kabit mo? Other woman? Ano!"

Walang maisagot si James. He was a bastard –he had always known that. He never had any serious relationship before after Grace had left him alone in the altar on their wedding day. He was left devasted and bitter. Matapos no'n ay napagtanto niyang hindi dapat sineseryoso ang pag-ibig dahil sakit lang ang dulot nito sa huli.

Then that woman from six years ago came into his life. At nakadama siya ng kakaibang comfort at ease noong nakasama niya ito. It was refreshing to be with someone like her. Walang kalandiang ipinahiwatig. Walang kaartehang ipinakita. Kumportable lang silang nag-usap, at bihira para sa kanya ang makatagpo ng babaeng ganoon. Noong mga panahong iyon, naisip niyang bigla "why not give love a try one more time?" Kung hindi man sa babaeng iyon, baka sa iba. He was attracted to her. Hindi sa hitsura niya o sa ganda niya, kundi sa personalidad niya. Then he felt the need to kiss her. At doon nagsimula ang lahat.

Ngayon, nasa tabi na niyang muli ang babae sa kanyang nakaraan. At hindi pa rin pala nagbabago ang kanyang nararamdaman pa ra rito. He was still attacted to her.

Inangant niya ang isang palad at hinaplos ang pisngi nito. "Monique–"

"Oh my god! James? What is the meaning of this?"

Sabay pa sila ni Monique na napatingin sa may pintuan kung saan nakatayo ang gulat na si Margaret.

"Ah fvck it!" mura ni James, napabangong bigla at mabilis na isinuot ang pantalon. "Margaret, I can explain."

"What is there to explain, James? The answer is already right here in front of me." Nanginginig pa ang mga labi ni Margaret ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagsalita. "How could you? I trusted you! I did not believe a single rumor about you and your philandering ways. I was already starting to fall for you..."

"Margaret--"

"Pero tama sila... Tama si Darwin... You will never change, James. Dapat sa umpisa pa lang ay nakinig na ako sa kanya."

"Papaanong nasali si Villanueva rito, ha, Margaret?"

"The wedding is off, James. And you can kiss the investment  goodbye."

"Margaret, wait!" Pilit niyang hinabol si Margaret ngunit nagsara na ang pinto ng elevator. "Shit! Goddammit!" Muli siyang napatakbo at bumalik sa loob ng kuwarto kung saan ay nakita niyang nakabihis na pala si Monique.

"I'm sorry, James," ang sabi pa sa kanya ni Monique sa pagitan ng kanyang mga hikbi. "I'm so sorry..." Tuluyan na ring lumabas ng kuwarto si Monique at hinayaan na lamang niya itong umalis. Bukas na lamang niya kakausapin ang kanyang sekretarya.

He was so fucked up. It was like history was repeating itself. Or did karma liked to play nasty tricks on him?

Monique said she was sorry. At pakiramdam ni James ay may ibang bagay itong tinutukoy sa pag-sorry nito sa kanya.

***

"Karma really works fast, James. Not once, but twice in your case."

Napalingon si James sa gawing pinto ng kanyang opisina at nakita niyang pangisi-ngisi pa sa kanya si Lawrence. Nakapamulsa ito at halatang masayadong natutuwa sa kanyang pinagdadaanan.

Tinapunan niya ng matalim na titig si Lawrence. "If you're here to piss me off, better think twice—I'm in the mood to commit murder."

Hindi naman nagpaapektado si Lawrence, bagkus ay tumawa pa ito. "Kung papatayin mo ako, mawawalan ka ng isang kakampi sa pamilya natin. Your dad wants to disown you, my dad wants fire you, grandpa wants to ship you to Iraq, granny is disappointed with you... and, oh yes, your sister said you're a fvcking A-hole."

"Thanks. Pingaan mo ang kalooban ko. Sobra." But he doubted her sister, Bianca, had called him as such—she was too refined to say things like those.

Umupo sa sofang nasa gilid si Lawrence. "Bakit pa ba kasi hindi ka natuto, James? That was the second engagement that was cancelled because you can't control your goddamn testosterone."

"Oh, please. Testosterone my ass. I was just at the wrong place at the wrong time. Besides, bakit ba sa akin nakasalalay ang pagpapalawig ng negosyo? Bakit hindi ikaw ang ipinakasal?"

"Because I'm already happily married. And even if I wasn't married I would probably be in a serious relationship unlike you."

Napabuntong-hininga si James. Tama si Lawrence. Ang pinsan niya ay may karelasyon na umabot ng tatlong taon bago sila naghiwalay at saka dumating sa buhay nito si Abigail, ang babaeng tunay ni minamahal nito. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Bianca naman, sa edad na bente, ay masyado pang bata para ipakasal. Which leaves him as the only suitable bait for the rich daddies out there looking for an equally rich husband for their daughters. Alam niya ang obligasyon niya sa pamilya, sa negosyo nila. But this was his life, goddammit! Why couldn't he find his own fvcking bride? Pero alam na niya kung bakit hindi niya magawa-gawa iyon—dahil matagal na niyang isinara ang kanyang puso para umibig; dahil matagal na niyang isinuko ang kanyang pagmamahal para sa natatanging babaeng inibig niya, si Grace. Kasabay nang pag-iwan sa kanya ni Grace ay ang pagbaon naman ni James sa kanyang puso upang hindi na umibig pang muli. Mas mabuti pang magloko siya, makatikim ng babae kaliwa't kanan kaysa magkakaroon ng matinong nobya't mamahalin niya nang lubos at iiwanan naman pala sa bandang huli.

Para saan pa ang umibig kung masasaktan ka lamang?

But fvck it! Bakit naman siya kina-karma ng ganito?

"Where is she, anyway? The girl that got away again?" natatawang tanong sa kanya ni Lawrence.

"Gone. Again. Five days na hindi pumapasok si Monique."

Naikuwento na ni James ang mga pangyayari kay Lawrence, at naidetalye na rin niya ang dumating na resulta ng imbestigasyong ipinagawa niya.

Napag-alaman niyang Francine Monique Montojo pala ang tunay na pangalan ng kanyang sekretarya, at dating nagtatrabaho kay Darwin Villanueva. Sa masusing pag-iimbestiga ay nalaman niyang nag-iispiya pala si Monique sa kanyang opisina. Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na puro mga detalye ng pribadong buhay ni James ang nire-report ni Monique kay Villanueva. Inaakala nila no'ng una na nais ni Villanueva na putulin ang engagement nila ni Margaret, ngunit sa mga huling ebidensya, iba pala talaga ang agenda ni Villanueva—nais nitong hindi matuloy ang pag-i-invest ng pamilya ni Margaret sa kanilang hotel expansion.

Ang babaeng taga HR na madalas naman siyang dinadalaw sa opisina ay nagtatrabaho rin kay Darwin, at napag-alaman ni James na pang-iispiya rin ang ginagawa nito. Nang na-interrogate niya ang babaeng iyon at binantaan na ipapakulong, saka ito umamin sa mga nagawa. At inamin rin nitona nagsabwatan si Monique at ang babaeng iyon upang aktong mahuli si James ng kanyang fiancee na nakikipagtalik sa iba.

At nang dumating na ang pagkakataong hinihintay ng dalawa, ang babaeng si May ang nagbalita kay Darwin na kasama ni James si Monique noong araw na iyon, na siya namang ibinalita ni Darwin kay Margaret.

Villanueva—that sneaky little rat. Iyon pala ang tunay nitong layunin? Kahit kailan talaga ay hilig nitong hilain siya pababa. Hindi na rin magugulat si James na marinig isang araw na engage na pala si Villanueva kay Margaret.

Well, James didn't give a shit anymore about Villanueva and Margaret. But Monique? That's a different story. Who would have thought that she was so willing to use her body for bait?

"So ano ang plano mo ngayon?" tanong sa kanya ni Lawrence.

Nagdilim ang mukha ni James at nag-igting ang mga panga. "I'm going to kill that bitch!" pangako niya sa sarili.

***


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top