Chapter Ten

Minasahe ni Francine ang kanyang sentido. Ang sakit-sakit ng ulo niya. Parang may mabigat na bato ang nasa loob ng ulo niya. Bakit pa ba kasi siya naglasing kagabi? Naalala niya na wala naman siyang balak uminom ng alak, kaso ang nag-udyok sa kanya ay ang pinoproblema niyang hospital bills at ang pag-pressure sa kanya ni Mr. Villanueva tungkol sa kanilang pinag-usapan. Naiinip na raw si Mr. Villanueva dahil sa mabagal na pagre-report ni Francine rito. Hindi na rin niya nagustuhan ang ginawang banta ng kanyang totoong boss na babawiin nito ang suporta sa pagpapagamot sa kapatid niya kung hindi siya tutupad sa napag-usapan. Ngayon pa na nagigising-gising na ang kapatid niya, ayon sa doktor ay kailangan tuloy-tuloy na ang treatment upang lubusang gumaling at manumbalik ang dating lakas ng kapatid niya.

"Good morning, Monique!" masayang bati sa kanya ng boss niyang si James. "How's your head?" Pero hindi na nito hinintay pang sumagot si Francine. Matapos nitong nilapag ang isang starbucks coffee sa mesa niya ay dumiretso na ito sa loob ng opisina nito.

Tumaas ang isang kilay ni Francine at mas lalo pang sumakit ang ulo niya. Isa pa 'yan sa nagpapadagdag sa kirot sa ulo niya. Kaninang umaga, pagkagising niya ay takang-taka siya kung nasaan siya hanggang sa maalala niya ang mga pangyayari kagabi. Kinabahan pa siya no'ng una. May nangyari ba sa amin ni James? ang una niyang itinanong sa sarili. Nagising siya kanina na nakahiga sa kamang hindi naman sa kanya, tanging panloob na camisole lamang ang suot niya -may nagtanggal ng kanyang blouse. Suot-suot pa naman niya ang mahaba niyang palda, ngunit nakaangat ito hanggang binti niya. Baka dahil sa paggalaw niya habang tulog kaya umangat ang laylayan ng palda niya. O 'di kaya'y may nag-angat nito? Pero wala naman siyang naramdamang kakaiba sa katawan niya no'ng paggising niya. At isa pa, alam niyang hinding-hindi siya papatulan ni James kahit pa lasing din ito. Hindi nga ba? Shit! Papaano nga kung mayro'n? Hindi na niya ginising pa si James at nagmadali siyang makaalis sa tinutuluyan ni James.

Kaya heto siya ngayon sa opisina, thirty minutes late dumating kanina, litong-lito sa mga pangyayari. Kasabay pa no'n ay parang may martilyong pumupukpok sa ulo niya. At higit sa lahat ay nakikisabay pa si James sa panggugulo sa kanyang isipan.

Bakit masaya siya nitong binati no'ng dumating ito?

Bakit may nilapag pa itong starbucks coffee sa desk niya? Lason kaya ito?

At bakit pasipol-sipol pa ang putek at mukhang masayang-masaya pa?

Nakabukas ang pinto ng opisina nito at mukhang may hinahanap sa mga drawers nito sa desk. Nang nakita na niya ang kung ano man ang hinahanap nito, tumayo ito at pumunta sa isang bahagi ng opisina kung saan ay hindi na ito makita pa ni Francine. Wala pang ilang segundo ay lumabas na rin ito ng opisina, hawak-hawak ang isang basong tubig.

Tumigil ito sa harapan niya. "Headache -I know, right? It's a real killer." Nilapag nito ang basong tubig at dalawang paracetamol sa mesa niya, kinindatan siya at saka bumalik sa loob ng opisina.

End of the world na ba? Sinapian ba ng anghel ang kanyang boss at biglang... bumait? Hindi. Hindi lang bumait. Concerned pa sa kanya ang lalaki.

Baka naman nananaginip lang si Francine? Baka ang totoo ay natutulog pa siya sa kama niya at panaginip lang ang lahat ng ito.

Una ang kape. Pagkatapos, wala pang lagpas sampung minuto, itong gamot naman na may kasama pang tubig. Ano na ba ang nangyayari sa mundong ito?

Kilala ni Francine ang pag-uugali ni James. Hindi ito basta-basta kikilos ng ganoon kung wala itong kailangan sa kanya. O baka naman may binabalak ito? Hindi niya alam. Pero isa lang ang malinaw para kay Francine: Dapat ay doble-ingat siya kay James at baka mauwi na naman siya sa sakit sa puso.

Dahil masakit naman ang ulo niya, ininom na lang niya ang gamot na ibinigay ni James. Sa susunod na lang siya magpapasalamat dito -'yon ay kung maaalala pa niyang magpasalamat.

Itinuon niyang muli ang atensyon sa trabaho at pinilit na isinantabi ang kanyang duda sa tunay na intensyon ni James.

***

James did enjoy seeing the confused look on Monique's face. He liked the idea of messing up with Monique's brain. Marahil ay takang-taka ito kung bakit ganoon ang ikinilos niya sa babae. At siguro ay pinipigilan lang ng babae na tanungin siya kung ano ang nangyari kagabi... at kung may nangyari kagabi.

He smirked at that thought. Bahala itong mag-isip ng kung ano-ano. Hindi naman niya ginalaw si Monique. Hinubad lamang niya ang blouse nito dahil nadumihan ito no'ng sumuka ito. Ang sabi pa niya kagabi sa sarili ay wala namang malisya ang gagawin niya. He was just being a good Samaritan by doing her a favor. Pero nang naitanggal na niya ang blusa nito, nagulat pa siya sa nakita niya. He wasn't expecting dragon lady to be hiding such a glorious body! Damn, she had a nice pair of breasts, -and it was just the perfect size for his palm. He was tempted to touch her last night. He definitely was. Ang mga ganoong dibdib ay hindi dapat itinatago sa mga malalaki at maluluwag na blouse. She should flaunt her assets to everyone! No, she should only flaunt her assets to him...

Now where did that come from?

Marahas na napailing si James. Holy shit! Tumigas bigla ang alaga niya sa kakaisip sa malulusog na dibdib ni Monique.

Napatingin siya sa umbok sa harapan ng pantalon niya. "Down, boy. She's not your type of woman, remember that."

Ngunit mas lalo pa siyang tinigasan nang naalala niya ang mahahaba at makikinis na binti ni Monique nang umangat ang palda nito kagabi. She had the longest legs he had ever seen, fit to belong to a Las Vegas showgirl. Kung aayusin siguro nang husto ang mukha ni Monique, at bibihisan ng tamang kasuotan, she would definitely become a very hot woman, the kind of women he would want to date -and have sex with of course.

Crap. He was still hard.

Dapat na ba siyang magsariling sikap nito? No -nasa opisina pa siya at baka may makakita. But, damn, he needed some relief! Siguro kung hihimasin lang niya ay makukuntento na ito?

Fvck. The hell with it! He was going to do it. Now!

Tinanggal niya ang pagkakabutones ng pantalon niya at ibinaba ang zipper. Sisimulan na sana niyang ipasok ang kamay sa loob ng boxers niya nang biglang bumukas ang pinto.

"What are you doing?" Nakatayo si Monique sa may bukana ng opisina niya, nakataas ang isang kilay.

"Just... adjusting my pants. Sumisikip na kasi, eh. Kailangan ko na siguro magpapayat."

"Talaga? 'Yon lang ba? Parang hindi kasi, eh."

"Fine. Ang totoo, natanggal ang butones ng pantalon ko, kaya sinusubukan kong ayusin. Happy with my answer?"

Nagkibit ito ng balikat. "May sewing kit ako sa bag. Gusto mong hiramin?"

Ngumisi si James kay Monique. "I have a better idea. Bakit hindi na lang ikaw ang magtahi ng butones ko? Habang suot-suot ko ang pantalon. Me sitting down here, you kneeling infornt of me while doing your thing. How's that sound?"

"Sigurado ka bang ipagkakatiwala mo sa akin ang pagtahi sa pantalon mo, habang suot-suot mo ito, you sitting there, me kneeling infront of you to do my thing, habang hawak-hawak ko ang karayom at gunting?"

Napalunok si James. Baka mag-ala surgeon pa si Monique at aksidente may maputol pa ang babae. "Point taken, Monique. Now, bakit ka pumasok dito sa opisina? Miss me, sweetheart?"

Naningkit ang mga mata ni Monique. "Magkalinawagan nga tayo, sir. May nangyari bang unusual kagabi sa pagitan nating dalawa?"

Dinala ni James ang mga kamay sa likod ng ulo at ngumising muli. "I don't know... Siguro mayro'n, siguro wala. I don't remember at all..."

"Sino ang nagtanggal ng suot kong blouse?"

"Malamang ako. Sumuka ka kasi kaya nagmagandang loob ako na linisan ka. Don't worry, you're not very interesting to look at anyway."

"Sira ulo ka talaga. Sir." Iyon lang ang ganti ni Monique sa kanya bago ito tumalikod at lumabas ng opisina niya.

That woman just insulted him by calling him crazy! At least magalang ito at may karugtong na sir ang comeback insult nito sa kanya.

Napangiti siya. Muntik na siyang mahuli ni Monique sa binabalak sana niyang gawin. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kung tuluyan nga niyang hinawakan ang sarili at nakita ito ng babae? What would it be like to have Monique's long and slender fingers ran up and down his hard member?

Damn! Si Monique? Pinagnanasahan niya? Double damn! Tama nga siguro si Monique -sira na ata ang ulo niya! Bakit ba ganito ang nararamdaman niya ngayon para sa babaeng dati naman ay kinaiinisan niya? Ang plano niya ay si Monique ang mahuhulog sa kanya. Pero ang nangyayari naman ngayon ay kabaligtaran.

Nasasabik ka lang makatikim uli ng babae, James, paliwanag niya sa sarili. Matagal ka na kasing walang naka-sex.

Simula no'ng ginawa ng pormal ang engagement nila ni Margaret, tatlong linggo na sinusubukan ni James ang mag-abstain. Sure he entertained some ladies in his bar, or he accepted their calls in his office but sex was already out of the question for him. Ang huling babae ata ay 'yong panahon na pumunta si Monique sa bahay. There was also this girl from HR who went in his office before... but kissing doesn't count, right?

Tama. Three weeks of celibacy for a guy like him was already too long. Kaya siguro kahit ang tipo ni Monique ay nagpapa-arouse na sa kanya.

Snap out of it, James! May kailangan ka pang gawin. Kinuha niya ang cellphone niya at may numerong pinindot. Sa pangatlong ring ay sumagot na rin ang kanyang tinatawagan. "Dave, si James ito. May ipapa-investigate ako sa 'yo... Si Monique Montojo... and I also want you to check her connection with Darwin Villanueva."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top