Chapter Six

Pinahid ni Francine ang mga luhang bumakat sa kanyang pisngi. Ang walang hiyang lalaking 'yon! Ang kapal talaga ng mukha ni James para sabihan siyang... Oo, aminado naman si Francine na wala siya sa kalingkinan ng mga babaeng madalas na dumadalaw kay James sa opisina. Puro magaganda at sopistikada ang mga babaeng dine-date nito. Pero bakit pa kailangan nitong ipamukha sa kanya na hinding-hindi ito maaaring magkagusto sa kanya?

I don't like you. Iyon ang sinabi nito sa kanya. Gusto sana niyang sumagot ng "the feeling is mutual!" pero hindi niya magawang sabihin iyon. Hindi alam ni Francine kung bakit pero hindi niya masabing hindi rin niya gusto si James. At hindi niya alam kung bakit nasaktan siya sa sinabing iyon ng binata. Parang tumagos pa ito sa puso niya, nagdulot ng maliliit na kirot sa kanyang puso.

Tangina! Limang taon na 'yon, Francine! Tama na! sigaw niya sa sarili. Bakit ba nasasaktan pa rin siya? Sa tuwing nakikita niya ang mga ngiti ni James na ibinibigay nito sa ibang babae, bakit selos na selos siya? Bakit inggit na inggit siya sa mga atensyong ibinibigay ni James sa ibang mga babae nito? Bakit sa tuwing naririnig niya ang mga tawa nito habang kausap ang isa sa mga babae nito sa telepono, hindi niya makalimutan ang mga tawa na tila musika sa kanyang pandinig limang taon ang nakakaraan?

Five years na ang nakalipas, pero bakit parang kahapon lang no'ng una silang nagkakilala ni James? Bakit parang kahapon lang niya unang nakita ang mga matatamis na ngiti nito na para lamang sa kanya, narinig ang mga halakhak nito habang nagkukuwentuhan silang dalawa? Bakit sariwa pa rin ang alaala ng mga halik nito sa kanya? At sariwa pa rin ang sugat na ibinigay nito sa kanya...

Bakit ganoon? Ang hirap makalimot. Ang hirap magpatawad. Ang hirap makapag-move on. Mabuti sana kung six months ago lang nangyari iyon--matatanggap pa niya kung bakit nagkakaganito siya. Pero limang taon?

Bakit ba hindi niya mabura-bura sa alaala niya si James Madrigal?

Matapos ng kanilang huling pagkikita five years ago, pinilit niyang makalimot. Pinilit niyang patatagin ang puso upang hindi na muling maloko pa ng iba. Naging matigas siya --naging bitter kung minsan, ngunit hindi naman niya maiwasan ang hindi maging bitter. Dahil naging mapait din naman ang kanyang nakaraan. Hindi na siya naniniwala sa mga true love, love at first sight at sa forever. At mas lalong hindi na siya naniniwalang mayroong The One dahil sa kanyang unang pagkabigo sa pag-ibig.

Pero pinilit niyang mag-move on. Ngunit hindi niya pa rin maialis ang galit sa kanyang puso dahil sa ginawa ni James. At hindi pa rin niya mapatawad ang sarili dahil nagpaloko siya, nagpauto siya, dahil nagpakagaga siya.

Kasalanan naman niya, 'di ba? Isa siyang novice noong panahong iyon --isang baguhan sa larangan ng pag-ibig. Pero ang laki naman niyang tanga para bumigay agad sa isang lalaking magaling magpaikot ng damdamin ng isang babae!

Huminga nang malalim si Francine nang tuminog ang kanyang cell phone. Marahil ay hinahanap na siya ng kasamahan niya. Idinukot niya ang cell phone sa kanyang bulsa at bahagya siyang nagulat nang nakita niya ang pangalan ni Mr. Villanueva sa screen.

"Hello, sir?" sagot niya sa tawag.

"Let's meet this evening. Six p.m. Same place. You know what to bring." Iyon lamang ang sinabi ng kanyang kausap at binaba na nito ang telepono.

Napabuntong-hininga na lamang si Francine. Noong una ay nababaitan siya kay Mr. Villanueva, at naaawa pa siya sa sitwasyon nito. Mahal niya ang babaeng pakakasalan ni James, at nais nitong tulungan ang babae na hindi gumawa ng isang maling hakbang. At ang pagpapakasal nito kay James ay isang pagkakamali. Kaya naman ay nag-iipon si Francine ng ebidensya ng mga panlolokong ginagawa ni James kahit na engage na ito. At hindi nga nagkamali si Mr. Villanueva na mag-alala para sa minamahal nito. Hindi pa rin nagbabago si James. Isa pa rin itong babaero, womanizer, isang player.

Pero nitong mga huling linggo, may kakaibang nararamdaman si Francine sa dati niyang boss. Naging mas agresibo ito sa mga pinapagawa sa kanya. Inutusan ba naman siya na sundan si James kahit saan ito magpunta. Minsan pa nga ay inalok siya nito ng malaking halaga para lamang akitin si James upang madagdagan ang kanilang ebidensyang ipapakita sa fiancée ni James. Siyempre tumanggi siyang gawin iyon. Humingi ng paumanhin ang lalaki at sinabing desperado lamang siyang ilayo ang babaeng mahal niya sa mga kamay ni James.

Pero may iba talagang nararamdaman si Francine. Isang bahagi ng kanyang utak ang nagsasabing mag-ingat siya kay Mr. Villanueva. Kaya naman, kahit lantaran na sa kanyang harapan ang mga ginagawang kalokohan ni James ay hindi naman niya lahat ini-re-report kay Mr. Villanueva.

Lumabas na ng CR si Francine at tinungo ang kanyang desk. Nakabukas pa rin ang pinto ng opisina ni James at naroon ang binata, nakaupo sa likod ng mesa nito at salubong ang kilay habang tutok na tutok sa laptop nito.

Pagkaupo pa lang ni Francine ay agad na tumunog ang kanyang telepono. Alam na niya agad kung sino ang tumatawag. Sa ganitong oras, alas-onse ng umaga, si Babe number one ang tumatawag. Mayamaya nang kaunti ay si Babe number two naman, susunod naman si Babe number three. Ayaw naman kausapin ni James si Babe number four dahil napaka-clingy raw nito at gusto na nitong iwasan ang babaeng 'yon. Si Babe number five naman ang pinaka-hot sa lahat ayon kay James. Si Babe number six ang pinakamaganda. At si Babe number seven naman ang pinakamagaling sa kama.

Oo, alam lahat 'yon ni Francine, dahil madalas itong ipinagmamayabang sa kanya ni James. Minsan nagpapanggap na lamang siya na hindi niya pinakikinggan ang mga sinasabi ni James, pero sa araw-araw na pagmamayabang nito ay halos memoryado na niya kung sino-sino ang mga babae nito.

Babe ang tawag ni James sa mga girlfriends nito. Mas madali raw na tawagin silang lahat ng babe para raw hindi ito madulas at mahuli. Napapa-snort na lamang si Francine tuwing naaalala niya ang mga sinabing iyon ni James. Womanizer talaga, through and through. Walang duda, saloobin niya.

"Sir, si Diana on the line," ang sabi pa ni Francine nang tinawagan niya sa kabilang linya si James.

"Diana who?"

Inikot na lamang niya ang mga mata. "Babe number one. Two weeks ka na niyang tinatawagan ng ganitong oras, hindi mo pa rin ma-memorize ang pattern?"

"Chill, dragon lady. Sabihin mong nasa meeting ako. And if any of them calls me, tell them the same thing. Darating si Margaret ngayon, and you know what to do."

Makalipas ng tatlongpung minuto ay dumating na nga si Margaret Antonio, ang fiancée ni James na isang shopping mall heiress. Maganda ito at sopistikadang tingnan. Matangkad at maputi, halatang lumaking mayaman. Mabait naman itong si Margaret, kaya naman ay kahit papaano ay gusto niyang tulungan si Margaret na hindi tuluyang mabulag sa panlabas na anyo ni James.

Pumasok sa loob ng opisina si Francine, dala-dala ang isang tasa ng kape para sa panauhin ng kanyang boss.

Iba ang pakikitungo ni James kay Margaret. May distansya ito sa babae, halatang nirerespeto naman niya kahit papaano. Pormal ito kung kausapin si Margaret, hindi tulad sa mga ibang babae nito. Kung sa bagay, si Margaret ay pormal at disenteng tao, habang ang iba namang babae ni James ay disente nga kung titingnan pero nasa loob naman ang kulo at kalandian.

"Sigurado ka bang walang iodized salt 'yan?" biglang baling sa kanya ni James. "I will not appreciate you playing one of your pranks on my fiancée."

Hindi na lamang umimik si Francine at inilapag ang tasa ng kape sa coffee table. Palabas na siya nang narinig pa niya ang sinabi ni Margaret.

"James, you should be nice to her. Mabait naman siya sa akin."

"You don't know her the way I do, Margaret," giit ni James. "She's a pain in my ass. If only I can get rid of her..."

Hindi na nagawang ituloy ni Fracine ang pakikinig sa sasabihin pa ni James. Ang huling narinig niya ay sapat na para muling umigting ang pagkamuhi niya para sa lalaki.

***

Parating dinadapuan ng last song syndrome si Francine. Kapag may isang kantang pumukaw sa kanyang atensyon, buong araw niya itong hindi makakalimutan. Tulad na lamang no'ng palabas na siya ng bahay, bago siya nakaalis ay ang kanta ni Britney Spears na Womanizer ang huli niyang narinig. Kaya mag-aalas dose na ng tanghali ay iyon at iyong kanta pa rin ang paulit-ulit na kanyang ikinakanta na parang isang sirang plaka.

Patuloy siya sa pagkanta nang may narinig siyang galit na boses mula sa kanyang gilid.

"Nang-iinis ka ba?" bulalas ng boses ng isang lalaki sa kanya.

Iniangat niya ang kanyang paningin mula sa screen ng computer at tiningnan kung sino man ang nang-istorbo sa kanyang pansariling konsyerto. Tumambad sa kanya ang mukha ng demonyong boss niya na si James. "Po?" taas kilay niyang tanong.

"Ang sabi ko nang-iinis ka ba? Pati ba naman sa kanta mo, pinaparinggan mo 'ko?" usal nito.

Ano raw? Siya, nagpaparinig? Wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang kumanta ng--ah. Iyon pala ang dahilan. Ang akala ng boss niya ay pinaparinggan niya ito ng womanizer.

"Affected ka? Sir?" mataray niyang tanong. Kahit pa boss niya ito, tinatarayan niya ito nang madalas.

Suminghal ang kanyang boss. "Ako? Affected? Hindi ko na kasalanan na habulin ako ng mga babae!"

Ang yabang! Itinuon niya muli ang atensyon sa computer screen. "Sir, may trabaho akong tinatapos dito. Sayang naman ang pinapasweldo sa akin ng kumpanyang ito kung makikipagkwentuhan lang pala ako. Kayo rin, magtrabaho na kayo."

"Anak ng--!" Hindi na naituloy ng kanyang boss ang sasabihin. Nakita niya sa dulo ng kanyang paningin na pagalit nitong isinuklay ang mga daliri sa buhok nito, na tila bang gusto nitong sabunutan ang sarili. "Kung hindi lang talaga nahihirapan ang HR na hanapan ako ng sekretarya, matagal ka ng sisante! Matagal na kitang pinalamon sa Doberman ko!"

"Wala po kayong Doberman. Sir. May inaalagaan po kayong babaeng Japanese spitz. Kalalaki n'yong tao, iyon ang pet n'yo?"

"How did you know?"

"Pinapunta n'yo ako sa lugar n'yo last week para ipadeliver ang mga papeles n'yo. Kawawa nga ang aso, eh. Gutom na gutom. Halatang hindi pinapakain nang maayos. Paano ba naman kasi, busy kayo at ng girlfriend-of-the-week n'yong mag-exhibition sa loob ng kuwarto. Hindi na kayo nahiya sa aso? Sa sala pa lang, dinig na dinig ang mga ungol n'yo."

"Why you--!"

"Pero alam ko naman na mahilig kayo sa mga babaeng aso, eh. Kitang-kita naman sa mga ebidensya."

Ipinatong ng kanyang boss ang dalawang kamay nito sa desk. "And exactly what do you mean by that?"

Inilayo niya muli ang mga mata sa computer at tinitigan ang boss niya sa mga mata. "'Di ba nga sir, mahilig kayo sa mga bitch? Mga girlfriend n'yo, magaganda nga, bitch naman ang ugali." Nang makita niyang rumehistro ang pagkalito sa mukha ni James, idinagdag pa niya, "Ang ibig sabihin ng bitch, sir, is female dog. Kahit i-google n'yo pa."

Kumunot ang noo ng kanyang boss at sumalubong ang kilay nito, taimtim pa ring nakatitig sa kanya. Nagulat na lamang si Francine nang bigla itong ngumiti nang nakakaloko.

"I think you like me. Are you in love with me Ms. Monique Montojo?"

Tumawa ng pagak si Francine. Aba naman! "Wow, sir. Hindi naman tayo masyadong assuming, ano? H'wag po tayo maging masyadong feelingero. Masakit man ang katotohanan, eh, hindi lahat ng babae ay in love sa inyo."

"No. I think you like me. And the reason why you act like that is because I don't give you that much attention compared to the other girls."

"Feelingero na nga, mayabang pa! Kung iyon lang po ang mga qualities n'yo, magpapaligaw na lang ako sa aso. At least sila, LOYAL sa amo nila." Nilagyan niya ng emphasis ang salitang loyal, dahil alam ng lahat ang pagiging babaero ni James Madrigal.

"Careful, Ms. Montojo. They say the more you hate, the more you love." Nilapit nito ang ngayo'y seryosong mukha kay Francine, ang mga mata nito ay may pangakong kalakip. "You might be surprise one day to find you already became one of my bitches, sweetheart." Ngumiti muna ito na tila nang-aakit bago umalis at pumasok sa silid nito.

Tinapunan ni Francine ng matalim na tingin ang pinto ng opisina ni James. Hinding-hindi mangyayari iyon! Tama na ang isang beses na nahulog ako sa 'yo. Hinding-hindi na mauulit iyon. At sisiguraduhin kong babagsak ka...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top