Chapter Seven
Subsob na naman sa trabaho si Francine. At sa hindi niya malamang dahilan, ngayon pa napili ng kanyang boss ang um-absent. Kanina pa niya tinatawagan si James sa cellphone nito ngunit hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya.
Naku! Malamang may hangover na naman ang bruhong 'yon! saloobin niya.
Walang magawa si Francine kundi ang puntahan na lamang sa tinutuluyan ang kanyang boss dahil may kailangan itong pirmahan. Hindi siya maaaring umasa sa kanilang messenger na ide-deliver ang mga papeles kay James –masyadong maselan ang impormasyong nakapaloob dito. Kaya kahit may kalayuan ang penthouse na tinutuluyan ng boss niya, pinuntahan pa rin niya ito.
Nang nakarating na si Francine sa tinutuluyan ni James, dali-dali niyang tinungo ang pinto at pinindot ang doorbell. Walang sagot.
Nakakainis!
Pinindot niyang muli ang doorbell. Wala pa ring sagot. Sinubukan niyang buksan ang pinto at nagulat pa siya na hindi pala ito naka-lock. Pumasok na lamang siya sa loob, at ang unang sumalubong sa kanya ay si Ramen, ang Japanese Spitz ni James. Winawagayway pa ni Ramen ang buntot nito at paikot-ikot pa sa paanan niya.
Kilala na siya ni Ramen dahil hindi ito ang unang beses na pumunta siya rito. Ito ang pangalawa beses na naghatid siya ng papeles dito. Noong huli siyang pumunta rito ay may ginagawang milagro si James kasama ang isa sa kanyang mga girlfriend.
Yumuko si Francine at hinimas-himas ang ulo ni Ramen. "Nasaan na ang walang hiyang amo mo? Hindi ka na naman ba pinakain?"
"Ang walang hiyang amo niya ay nasa harapan mo."
Napatili pa si Francine at nawalan ng balance na siyang naging dahilan at napaupo siya sa sahig. Nakatayo sa kanyang harapan ang halos hubad na si James. Basa pa ang dulo ng buhok nito at tanging tuwalya lamang ang nakatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Napalunok si Francine habang naglakbay ang kanyang mata sa matipunong katawan ni James. Hindi niya maikakaila na maganda talaga ang pangangatawan nito bukod sa pagiging guwapo, kaya naman ay maraming babaeng nagkakandarapa rito. Kahit mismo ang mga kasamahan niya sa opisina ay pinagpapantasyahan ang kanyang boss.
Tumikhim si James, at nang bumalik sa tamang ulirat si Francine, nakita niyang nakangisi sa kanya ang lalaki. "I know, right? Katawan palang, ulam na. Gusto mo ng kanin?"
Tinaasan niya ng kilay si James at tumayo. "Huwag na. Baka sumama pa ang sikmura ko."
Sa halip na mainsulto, tumawa pa nang malakas si James na animo'y aliw na aliw ito sa sagot ni Francine. "Oh c'mon. Just admit it. Naglalaway ka kanina –kitang-kita ko 'yon." Humakbang pa ito palapit kay Francine. "Tell me, do you still remember what I told you before? That you might become one of my bitches?"
Oo, tangdang-tanda pa iyon ni Francine. Hindi niya iyon makakalimutan dahil pilit niyang pinapaalalahanan ang sarili na huwag mahulog sa patibong ni James.
"I think you like me. Are you in love with me Ms. Monique Montojo?" naaalala niyang kantiyaw pa nito sa kanya. Tinarayan lamang niya ito ngunit halatang nag-e-enjoy itong asarin siya.
"No. I think you like me. And the reason why you act like that is because I don't give you that much attention compared to the other girls," natantanda pa niyang giit nito.
At ang huling sinabi ni James ang ikinabahala ni Francine."Careful, Ms. Montojo. They say the more you hate, the more you love. You might be surprise one day to find you already became one of my bitches, sweetheart." Natatakot si Francine na mangyari ito, dahil alam ni James kung papaano gamitin ang karisma nito sa mga babae. At kahit mismo si Francine ay aminadong kayang-kaya ni James tunawin ang pusong bato ng kahit sinong babae. Kahit sino –puwera ang puso niya. Dahil manhid na siya, at wala siyang dapat ikabahala o katakutan. At sakit lang sa damdamin ang kahihinatnan niya kung mahuhulog siyang muli kay James. Dahil sa bibig na mismo ni James lumabas na hinding-hindi ito magkakagusto sa kanya.
"For your information Ms. Montojo, you're not my type, either." At dahil nasisiyahan ito kapag nasasaktan si Francine, hindi pinalampas ni James na punahin ang panlabas niyang anyo. "Have you seen yourself lately in the mirror? You're not attractive, Monique." At ang pinaka masakit sa lahat ay ang sabihan siyang "...and I don't like you. So deal with it."
Manhid na si Francine. At kahit kailan ay hindi siya magpapatianod sa mga salita ni James.
Hinampas ni Francine ang hawak niyang folder sa ipinagmamayabang na abs ni James. "Mga papeles. Pirmahan mo." At nang nakangising kinuha ni James ang folder sa kamay ni Francine, dire-diretso naman niyang tinungo ang kusina at binuksan ang mga shelves.
"I'm deeply touched, Monique," ang sabi pa ni James na sumunod pala sa kanya sa kusina. "Hinatid mo na nga ang mga papeles, ipaghahanda mo pa ako ng brunch? You must really like me a lot."
"I like your dog," ganti niya habang naghahanap pa rin ng dog food sa mga cabinet. "Ayokong mamatay sa gutom si Ramen."
"Sana pala naging aso na lang ako para pakainin mo rin ako," sabi pa nito at halatang pinilit mag mukhang kaawa-awa. "Oh well. I'll just have the usual, then."
Nang nakita ni Francine na nagbubukas ng isang paketeng ramen si James, hindi niya napigilang sitahin ito. "Ramen na naman? Wala ka bang ibang alam lutuin hanggan ngayon kundi ramen? Pati aso mo, dinamay mo pa sa katamaran mong magluto! Ipinangalan mo pang ramen ang kawawang aso!"
"How did you know that I have absolutely no idea how to cook? Aside from making istant ramen?"
Dahil iyon ang una mong pinakain sa akin. "Dahil pinuno mo ng ramen ang pantry mo. Malamang 'yon ang isisipin ko. Umupo ka na nga lang diyan at ako na ang magluluto."
Pagkatapos niyang pakainin si Ramen, sinimulan na ni Francine ang paggawa ng omelet. Nag-toast na lang din siya ng tinapay dahil wala namang bigas si James. Nakahanap naman siya ng isang pack ng bacon at sunod na niluto iyon. Inihanda niya ang mesa habang titig na titig naman sa kanya si James na nakangiti.
"Ano?" tanong niya dahil naalibadbaran siya sa pangisi-ngisi ni James.
"Wala naman. Nakakatuwa ka lang panooring magluto. It's actually the first time a woman cooked breakfast for me."
"So ngayon isa na akong woman at hindi na dragon lady?" mataray niyang tanong.
"Bakit mo ba kailangang sirain ang magandang mood ko? You're just like my mom –nag, nag, nag."
"May nanay ka pala? Akala ko isa kalang kabute na biglang tumubo sa kahoy na pinag-ihian ng aso."
"That was way below the belt, Monique."
Pinamulahan ng mukha si Monique. "Sorry. Hindi ka ba ipinagluluto ng breakfast ng nanay mo?"
"She died when I was ten. And no –she's too refined to cook meals for her only son."
Tumigil sa pagtimpla ng kape si Francine. Hindi niya alam iyon. "S-sorry."
Ngumiti lamang sa kanya si James na parang hindi ito apektadong nabanggit ni Francine ang namayapang nanay nito. "It's alright. I don't remember her that much. Ang naalala ko lang ay yung mga panahon na parati silang nag-aaway ng tatay ko. She was never really a mother to me –I haven't felt her love for me, as a matter of fact."
Kaya ba maraming babae si James? Dahil naghahanap ito ng pagmamahal ng isang babae?
"Kaya siguro hindi ko rin siya na mi-miss," dugtong pa nito.
Nilapag ni Francine ang kape sa tapat ni James. "Pero iba pa rin yung may nanay na nagpalaki sa 'yo..."
"Nah, it's alright. Besides, I have granny. You know her, right? Dad's mom? She's the coolest grandma in the entire planet. But dad and grandpa Edward don't get along well that much. That's why dad moved out of their home when he turned eighteen. Granny is also a great cook. She always likes shoving food in my mouth. Ang sabi niya nangangayayat daw ako." Halata sa mga ngiti ni James na naging malaking bahagi ng buhay niya ang lola nito, at hindi maiwasan ni Francine ang mapangiti rin sa mga ikinukuwento ni James sa kanya kung papaano sila sabay lumaki ng pinsan nitong si Lawrence sa pangangalaga ng kanilang lola.
Bahagyang nagulat pa si Francine nang napagtanto niyang naaaliw na pala siya sa pinagkukwento ni James. Muli niyang binalutan ng pader ang kanyang sarili upang hindi siya tablan ng karisma ni James. "Sa dami ng mga babae mo, ni isa hindi ka man lang ipinagluto?"
"Iba kasi ang gusto nilang ipakain sa akin, eh," sagot nito sa kanya. Isang nakakalokong ngiti pa ang ibinigay nito sa kanya.
May pakiramdam si Francine na hindi na pagkain ang tinutukoy ni James sa sinabi nito. Manyak talaga ito kahit kailan! sa loob-loob niya.
"Damn, this is the best breakfast I ever had!" eksaheradong sabi ni James matapos siyang sumubo ng kapirasong omelette.
"Huwag kang exagge. Itlog lang 'yan na ipinirito. Kahit sinong bobo marunong gumawa niyan."
"Bakit ka ba ganyan? Pinupuri ko na nga ang luto mo, binabara mo pa ako."
"Marinig ko pa lang ang boses mo, maamoy ko pa lang ang matapang mong pabango, masilayan ko pa lang ang dulo ng buhok mo, naaalibadbaran na ako," diretso niyang sagot. "Kontento ka na sa sagot ko?"
Dinala ni James ang isang palad sa tapat ng dibdid nito. "Ouch! You just hurt my feelings, Monique." Pero sa ekspresyon nito, hindi naman ito mukhang nasaktan.
Inikot niya ang mga mata. "Kung okay na ang iyong agahan, kamahalan, maaari na po ba akong umalis na at marami pa akong tatapusing trabaho?"
"Why not join me for breakfast." Bago pa man nakatanggi si Francine ay muli nagsalita si James. "Please, I insist."
Walang nagawa si Francine kundi ang umupo at samahan si James. Nakakapanibago talaga ang ugali ni James ngayon. Sa opisina ay madalas itong nagsusungit sa kanya, at hindi rin nito pinapalampas na ipamalas kay Francine ang pagiging antipatiko nito. Pero ngayong umaga, tila hindi naaapektuhan ang binata sa mga pagtataray niya, at mukhang nasisiyahan pa ito sa pakikipagbiruan sa kanya. Naaalala niya tuloy ang James ng five years ago...
Hindi. Hindi niya maaaring isipin ang nakaraan. Marahas na napailing si Francine at pinilit iwaksi ang alaala ng kahapon.
"Is there something wrong?" narinig niyang tanong ni James.
"Wala. Kailangan ko na talaga umalis. Baka hahanapin na ako sa opisina."
"Sino naman ang maghahanap sa 'yo? You're with the boss, and it's your duty to stick with the boss."
"Technically, sir, may mas mataas pa ako na boss bukod sa iyo –nandiyan ang Chairman, ang lolo mo; ang President and CEO na tito mo, ang COO na tatay mo... at oo nga pala, minsan ako ang hinahanap ng VP for Operations na pinsan mo. Madalas ka raw kasi nawawala sa trabaho. In demand akong tao sa opisina, sir, lalo na't minu-minuto ako kung tawagin ng COO para alamin ang whereabouts mo."
Tumaas ang isang kilay ni James. "Are you my dad's spy, Monique?"
Hindi, ispiya ako ng kalaban ninyo. "Of course not! Ang loyalty ko ay nasa iyo, oh great one," sarkastiko niyang tugon.
Ginantihan lamang siya nito ng isang mapaglarong ngiti. "Kaya naman kahit matagal na kitang gustong sibakin ay hindi ko magawa dahil maaasahan ka talaga."
"Huwag mo na akong bolahin. Ano na naman ba ang ipapagawa mo sa akin?" Kabisado na ni Francine ang pag-uugali ni James. At kapag ganito na ang buwelo nito, may kasunod itong pabor. "Sinong babae na naman ang hahatiran ko ng bulaklak?"
"May dinner kasi ako mamaya with my dad and Margaret's parents. I want you to go to the restaurant and pretend that there is a slight problem that I need to address."
"In short gusto mo akong magsinungaling para makatakas ka sa dinner niyo? Gano'n?"
"That's right. Say yes to me, please?" sabi pa nito sa tono na animo'y nagpo-propose ito sa isang babae. Ngumiti pa ito nang nakakaakit at tuluyan nang nalunok ni Francine ang mga unang sinabi niya kanina na hinding-hindi na siya magpapaapekto sa mga charms ni James.
"Fine. May kapalit yang extra day-off," sagot niya na padabog.
Napa "yes!" pa si James sabay taas ng isang nakakuyom na kamay na para bang isang malaking bagay ang napagtagumpayan nito. "So mamaya, ha? Six p.m. sa restaurant ng main Hotel branch natin."
"Fine." Nagpauto ka na naman, Francine. Kailan ka ba matututo? saloobin niya habang masayang kumakain si James ng agahan nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top