Chapter Nine
Dinala ni James si Monique sa bar na pagmamay-ari niya at ng pinsan niyang si Lawrence. Dahil maaga pa, kakaunti pa lamang ang tao; which was a good thing -ayaw niyang makita siya ng ibang taong may kasamang dragong nagbabalat-kayong bilang sekretarya.
"May balak ka bang lasingin ako, Mr. Madrigal?" mataray na tanong ni Monique nang inabot niya rito ang isang bote ng beer.
A feeling of deja vu swept over him. Bakit pakiramdam niya ay nangyari na ito dati?
"May balak ka bang lasingin ako?"
It was like he heard that before... somewhere... with someone else...
Why the fvck couldn't he remember it?
Napailing si James. "Fine! Order whatever you want and put it on my tab."
"Dapat lang, noh! Sa laki ba naman ng pabor na hiningi mo sa akin. Dapat pa nga taasan mo pa ang sahod ko, eh."
"Don't push your luck, Monique," banta nito.
Nag-ikot lang ito ng mata bago ibinaling ang atensyon sa cellphone nito. Mabilis ito sa pag-type sa screen ng cellphone. Paminsan-minsan ay napapakunot ito ng noo habang binabasa ang mensaheng natanggap nito. Sino kaya ang ka-text nitong sekretarya niya? Boyfriend ba nito? At kaya ba ito napapakunot ng noo dahil may LQ sila?
Pero imposible atang magka-boyfriend itong si Monique. Ang binansagang dragon lady at ice maiden ng finance department, may boyfriend? Hindi kaya end of the world na?
"Boyfriend mo?" hindi niya natiis na itanong.
"Ano?"
"'Yang ka-text mo riyan -boyfriend mo ba?"
"Hindi. Nanay ko ang ka-text ko. Kinukumusta ko lang ang kapatid kong nasa ospital." Nahalata ni James ang paglungkot ng mukha ni Monique. "Naaksidente kasi siya mga ilang buwan na'ng nakaraan. May head injury at dislocated ang mga buto kaya nakaratay pa rin si Jonas sa kama."
"How is he?"
"Stable naman. Nagigising na rin siya. Pero matatagalan pa bago siya makakapaglakad muli."
"Pero okay naman siya. So try not to worry that much. Take a rest away from stress," sabi pa niya bago ininom ang beer.
"Bagong moto mo? Kaya pala lagi kang petiks sa trabaho, eh," mataray na puna ni Monique. Bigla naman nitong inagaw ang bote ng beer na ibibigay sana ni James sa waiter upang palitan ng ladies drink para rito.
"O, akala ko ko ba ayaw mo ng beer?" tanong niya kay Monique.
"Nagbago ang isip ko. Gusto kong malasing para makalimutan ang stress ko -at ikaw ang stress na tinutukoy ko."
Sa tingin ni James ay matindi ang problema ni Monique. At siguro, kung hindi lang ito nangangailangan ng pera't trabaho, matagal na itong nag-resign sa trabaho bilang sekretarya niya. Sa araw-araw ba naman na pambu-bully nito sa sekretarya, kahit sino ata hindi tatagal sa posisyong iyon. Pero andoon pa rin ito, hindi natitinag sa mga pasaring niya't pamimintas sa hitsura nito. Sa katunayan siya ang nagbansag ng pangalang dragon lady at ice maiden dito, which was only a fairly appropriate name for her if you ask him.
That woman could freeze any guy to death with her piercing eyes! That's why no guy in the office ever dared to make a pass at her, ask her out, flirt at her or whatever... dahil gusto pa nilang lahat mabuhay! But James, well, as time flew by, he became curious as to why Monique acted cold and aloof towards guys like him.
Now, he wouldn't be James Madrigal, the notorious lady's man, the charming prince of the Madrigal Family and the despoiler of the innocent for nothing! Ang huli ay bansag sa kanya ng kapatid niyang babae dahil hindi raw ito sang-ayon sa pamamaraan ni James sa paglalaro ng damdamin ng mga babae. Her words, not his. Hindi naman niya pinaglalaruan ang mga damdamin ng mga kababaihan -hindi na niya kasalanan na nami-misinterprete ng mga babae ang mga ikinikilos niya sa kanila. He loved charming his women, making love with them all night long if he could. Pero hindi naman niya sinabi sa mga ito na gusto niya ng lasting commitment. A month was already a maximum for him. Pero ang pakiligin ang mga kababaihan ay isa sa mga natatanging talento niya. At malakas ang paniniwala niya na walang babae ang makakapag-resist nang matagal sa kamandag ng kanyang karisma. Si Monique? Bibigay rin ito sa kanya.
Napasimangot siya nang napansin niyang nakadalawang bote na pala ng beer ang babaeng kasama niya. Halata ring hindi ito sanay na uminom dahil mamula-mula na ang mukha nito. Ang dalawang bote ay naging tatlo, hanggang naging apat. "Tama na 'yan, Monique. Kung may pinoproblema ka, huwag mong idaan sa alak."
"Tangina mong gago ka!" singhal sa kanya ni Monique.
What the hell was wrong with her? Siya na nga itong nagmamalasakit sa babae, tinawag pa siyang gago at minura pa? "That was uncalled for, lady. Watch your language."
"Ikaw, ikaw ang problema ko! Manloloko ka!"
Lasing na ata si Monique. Mali ata na dito niya dinala ang babae. Kung alam niyang maglalasing lang pala ito, hindi na sana niya ito dinala sa Bar. "Tara na, ihahatid na kita sa inyo."
"Pakyu!" huling sabi nito bago ito sumandal sa upuan at... nakatulog?
Nag-ikot na lang ng mata si James. One of the reasons why he disliked Monique was her unsophisticated way on how she handles herself. "Maglalasing, hindi naman pala kaya," bulong niya sa sarili. Sinenyasan niya ang isa sa mga kilala niyang waiter at nakisuyo na i-drive sa harapan ng Bar ang sasakyan niya. Binuhat niya si Monique, at dahil nagsisipagdatingan na ang mga customers, dinig na dinig niya ang mga nagtatakang bulung-bulungan ng mga tao.
"Isn't that James Madrigal?"
"Who's that girl with him?"
"He has a new girl? But I thought I was his girl!"
Hindi niya pinansin ang mga matang nakatuon sa kanila at dire-diretso lang siya sa paglalakad. Nang kumportable na niyang nainupo si Monique sa passenger's seat, pinaandar na rin niya ang sasakyan.
"Saan ka nakatira, Monique? Saan kita ihahatid?" tanong niya sa babae.
"Sa puso mo..." antok na bulong ni Monique.
Sa puso ko? Humalakhak si James sa sinabi ni Monique. Lasing nga ata talaga si Monique. "Mahal ang upa sa puso ko -baka hindi mo kayang bayaran ang renta." Umungol lamang si Monique bilang tugon.
Now what? Saan niya ihahatid ang babaeng ito? Wala siyang nagawa kindi ang umuwi na lamang sa penthouse niya at doon na lamang patulugin ang babae. Tiyak niyang magugulat si Monique paggising nito sa umaga. Napangiti naman siya nang nagsimula siyang mag-imagine sa mga posibleng magiging reaksyon ni Monique.
Nang nakarating na sila sa penthouse, inihiga na niya sa Monique sa kama ng bakanteng kuwarto. Kinumutan niya ito at akmang aalis na sana ng kuwarto nang biglang umungol ang babae.
"Minahal kita, pero sinaktan mo lang ako..." bulong ni Monique.
Naiintriga si James kung sino ba itong minahal ng babae. Ang totoo, nakakagulat na may minahal pala si Monique. Ang akala niya ay walang kakayahang magmahal ng lalaki si Monique. O 'di kaya mga babae ang type nito?
Umupo siya sa tabi ng babae. "Sino'ng nanakit sa 'yo?" tanong niya.
"Ikaw... ikaw na babaero ka..."
Tumaas ang kilay ni James. "Ako?"
"Ibinigay ko ang sarili ko sa 'yo... ang puso ko... ang pagmamahal ko... ang pagkababae ko... pero sinaktan mo lang ako..."
What the hell was she talking about? It's either Monique was too drunk and she was having an out of this world delusions or he really did have an affair with her a long time ago. Pero kahit sa dami naman ng babaeng nakarelasyon niya, o mga babaeng naka-sex niya, siguro naman ay maaalala niya ang isang babaeng tulad ni Monique. And beside that, Monique was really not the type of girl he would date -heck, she was not the type of girl he would have sex with! Period.
Itinanggal niya ang salamin ng babae, kasabay no'n ay ang pagmulat nito ng mga mata. "James..."
Iyon ang kaunaunahang pagkakataong tinawag siya nito sa pangalan niya. Usually, she would address him as Mr. Madrigal or sir, but never in his given name. He kind of like how she said his name, how it sounded to his ears...
Marahas siyang napailing. Ano ba itong mga pinag-iisip niya? Pati ata utak niya ay tinamaan na ng alak. Muli niyang tinitigan ang babae; kumurap ito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ni James. Bakit parang nag-iba ang hitsura ni Monique kapag walang suot na salamin. Bakit parang pamilyar sa kanya ang babaeng ito?
"James..." muling bulong sa kanya ng babae.
"Yes, Monique?"
Naramdaman niyang pumulupot ang braso ng babae sa kanyang leeg at marahan siyang hinila nito. Unti-unting naglalapit ang kanilang mukha at tila nahihipnotismo siya sa mga titig ng babae sa kanya. Sultry, sedutive with a hint of innocence... Everything seemed so familiar to him.
Umangat ang ulo ni Monique hanggang sa ilang dipang layo na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Nang sisiilin na niya ng isang halik ang mga mapupulang labi ni Monique, bigla naman nagduwal ang babae hangang sa tuluyan nang sinukaan ni Moniqe ang kanyang puting polo.
"Fvck! Monique! You just ruined an expensive shirt!" mura niya.
Narinig niyang humagikgik si Monique bago ito humiga sa kama at nakatulog muli.
Bumuntong-hininga na lamang si James. Ganito na ata talaga ang papel niya sa mundo: Ang maging babysitter ng mga lasing, ang maging tagapagsalo ng mga suka nila. Katulad na lamang ng pinsan niya si Lawrence na naglasing noong hiniwalayan ito ng nobya.
Walang nagawa si James kundi ang hubarin ang polong pinagsukaan ng kanyang sekretarya, matapos ay kumuha siya ng basang bimpo at pinunasan ang mga labi ni Monique.
Mariin niyang pinagmasdan ang mukha ng babae. "Sino ka bang talaga, Monique? Ano ang lihim mo?" Hinaplos niya ang mukha ni Monique at napahalinghing naman ang babae at mas lalo pang inilapit ang mukha nito sa palad niya. May kakaibang naramdaman si James, at hindi niya mawari kung ano iyon. "Ano ba itong ginagawa mo sa akin, Monique?"
Ang tunog mula sa cellphone ang nagpabalik kay James sa tamang ulirat. Narinig niyang nagri-ring ang cellphone ni Monique. Idinukot niya ang cellphone sa bag nito sa akalang baka ang kamag-anak nito ang tumatawag at hinahanap na si Monique. Nagulat siya ng nabasa ang pangalan ng tumatawag kay Monique. Nagdilim ang kanyang mukha nang ibinalik niya ang telepono sa bag.
"Ano ang ugnayan mo kay Darwin Villanueva?" nangingitngit niyang tanong sa natutulog na si Monique.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top