Chapter Fifteen

Finally, they met again. Face to face.

She was still the same beautiful female who had dazzled him with her innocent beauty, but she was also the very same female who tried to destroy his life.

James gave her an arrogant smirk when he saw her stunned expression. His gaze fell on her slightly parted soft lips, and went down even further on her rising and falling chest.

Matagal pa siguro bago siya masasanay na pagmasdan ang totoong hitsura ni Monique. Nakatali pa rin ang buhok nito, ngunit hindi na tulad ng dati. Hindi na rin makapal ang make-up nito at tamang-tama lamang ang tint ng pink lipstick nito sa mga labi. Wala na rin ang malaking salamin nito; ngayon ay malaya na niyang nakikita ang kulay tsokolateng mga mata nito.

He dipped his head again and he gave her an appreciative glance. Oh he definitely liked how she dressed herself. Kitang-kita niya ang hubog ng dibdib nito sa suot nitong navy blue silk blouse, at naglalaro rin sa kanyang isip ang korte ng katawan nito na natatakpan ng hapit na black pencil-cut skirt.

He already liked the old dragon-lady Monique. But he liked this new Monique even better.

He cocked his head to the side and braced an arm on one side of the doorframe. "How's my bitch doing?"

Bahagyang napaatras si Monique. "A-ano'ng ginagawa mo rito?"

"Is this how you treat your customers in this godforsaken resort?"

"Pero ang nasa register... si Mr. De Leon-"

"Is my new assistant," pagputol niya kay Monique. "Don't tell me you expect me to leave the secretarial position vacant after you left. It's as if gusto mong bumalik sa pagtatrabaho sa akin."

Agad namang nakabawi si Monique at nawala na ang gulat na ekspresyon nito sa mukha. "Wala akong panahon para sa mga laro mo, Mr. Madrigal. Aalis na ako."

"Just hold on a sec, lady," sabi niya sabay hablot sa braso ni Monique. "We still need to talk."

"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan? Bitiwan mo 'ko kundi sisigaw ako! Tatawag ako ng security!"

"Why not call the police instead? At nang maipa-blotter kita, o masampahan ng kaso dahil sa panloloko at pang-iispiya mo sa akin."

Nanlaki ang mga mata ni Monique at napasinghap sa tinuran ni James. "H-hindi mo gagawin iyon! Wala ka namang kasong puwedeng isampa sa akin."

"Oh, believe me, marami akong magagawang kaso laban sa 'yo. Now, get in or I'll carry you myself inside. You choose."

Lihim na napangisi si James nang nakita niyang napapikit ng mata si Monique at halatang kinokontrol ang emosyon nito, pero wala pa rin itong nagawa kundi ang sumunod kay James at pumasok sa loob ng cottage.

Naupo si James sa isang loveseat, isinandal ang likuran at ipinatong ang isang paa sa kabilang tuhod. He appeared relaxed now that he had finally found her. Ilang buwan din niyang pinaghahanap ang babaeng ito. Halos ma-obsessed na siya sa paghahanap. But finally, he found his bitch. And to his surprise, dahil pa sa tulong ni Granny kaya niya nahanap ang babae!

"I know where she is," ang sabi pa sa kanya ni Granny noong isang linggo.

"Why are you helping me?" naitanong niya.

His granny simply smiled and said, "Because I want you to be happy."

And yes, he was definitely happy alright-he was extremely ecstatic now that he could finally wring her neck!

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan nating dalawa?" tanong nito. Bagamat halatang na-i-intidimate ito sa paraan ng pagkakatitig niya rito, halatang pinipilit na lamang nitong iwasan ang mga tingin ni James.

Inilahad niya ang isang palad upang ituro ang upuang nasa tapat niya. "Why won't you have a seat, Monique. Or is that even your real name?"

Nag-aalinlangan itong umupo no'ng una, ngunit marahil ay napag-isipan nitong wala na siyang ibang magagawa kundi ang sumunod. Kaya naman ay umupo na rin ito. "Oo, Monique ang pangalan ko. Pero Francine ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko."

"Francine..." Alam niyang iyon nga ang tunay nitong pangalan, ngunit ito ang kaunaunahang pagkakataon na ibinigkas niya ang pangalang iyon. And he found he liked the way her name sounded. Pero kahit gaano pa kaganda ang pangalan nito, kahit gaano pa kaganda ang totoo nitong hitsura, hindi pa rin ito sapat para palampasin niya ang ginawa ni Francine.

"Ang sabi ko, mga kaibigan ko ang tumatawag sa akin ng Francine," biglang saad nito. "Hindi tayo magkaibigan, Mr. Madrigal, kaya Ms. Montojo ang itawag mo sa akin. Hindi tayo close."

Umangat ang isang dulo ng labi niya. Mataray pa rin ito hanggang ngayon-iyon ang isang bagay na hindi nagbago sa babae. "Right. As far as I remember, dalawang beses ng nagsama ang katawan natin at naging isa-sa lagay ba no'n ay hindi pa tayo close? Francine?"

He saw her cringed at his words. "Puwede ba-'wag mo ngang ipaalala sa akin iyon? Kung alam mo lang kung ilang beses kong kailangang maligo para mawala lang ang bakas ng mga kamay mo sa balat ko."

"I don't quite believe you. Ang naaalala ko ay ang pagmamakaawa mo sa akin na hawakan pa kita..." He lowered his eyes and let them linger on her breasts. "...diyan sa dibdib mo..." He dipped them lower still, gazing on her belly. "...diyan sa tiyan mo..." He lowered them still, until he was now picturing that piece of heaven between her thighs. "...at diyan sa pagitan ng mga hita mong basang-basa."

Napatayo si Francine na tila nais sugurin si James. "Ang bastos talaga niyang bibig mo! Manyakis! Pervert! Wala kang galang sa mga kababaihan!"

"Hindi ba't tama lang naman na ganito ang itatrato ko sa 'yo? Sa isang babaeng ginamit ang katawaan bilang pain para magkapera lang?" Naningkit ang mga mata ni Francine, ngunit hindi naman nagpaapekto si James. "Pero sige. I promise to watch my mouth if you promise to listen to what I have to say. Deal?" Inilahad pa niya ang isang kamay niya na animo'y makikipagkamay siya sa babae.

Tinapunan ni Francine ng isang mabilis na tingin ang kamay ni James na nakalahad, at saka napatingin sa mukha niya. Mayamaya pa ay lumapit na ito at tinanggap ang pakikipagkamay. Ngunit iba ang nais gawin ni James. Nang nagkadaupan ang kanilang palad, mabilis niyang hinila si Francine hanggang sa nakaupo na ito sa kandungan niya.

"Ano ba!" sigaw nito na pilit kumakawala sa pagkakahawak niya. "Bitiwan mo nga ako at nang makatayo na ako!"

"I realized I kind of like you sitting on my lap. Do you want to sit on my lap forever, Francine?"

"Mamamatay muna ako!"

"That can be arranged."

Napasinghap ang babae, marahil ay natakot sa banta niya. "T-talagang magagawa m-mo 'kong ipapatay?"

Isang nakakalokong ngiti ang ganti niya. "With the things I plan on doing to you, you might say you have died and gone to heaven." Pinakawalan na rin niya si Francine at mabilis itong umalis sa kandungan niya.

"Ano ba talaga ang pag-uusapan natin, ha?" naiiritang tanong nito sa kanya, nakapamaywang pa sa harapan niya.

"I want to propose to you."

"Propose? At ano'ng pumasok sa isip mo na tatanggapin ko ang proposal mo? Na magpapakasal ako sa 'yo?"

Humalakhak ito. Kailan pa natutong magpatawa itong si Francine? "Kasal? You actually think I would want to marry you? That I am proposing marriage to you?" Bahagyang nagulat si Francine sa kanyang sinabi, at kung hindi siya nagkakamali ay tila parang nasaktan pa ito sa mga sinabi niya. Pero alam niyang namalikmata lamang siya dahil muling naningkit ang mga mata ng babae. "No Francine-it's not what you think. But you were quite right on one point."

"Hindi kita maintindihan. Ano ba ang proposal mo?"

"A job. I want you to take it."

"Hindi ko tinatanggap ang alok mo."

"This is not an offer, Francine. It's an order. I'm ordering you to accept the job."

Humalukipkip ang babae. "Kahit ipilit mo pa sa akin ang gusto mo, bakit ko naman gagawin?"

"Dahil may atraso ka sa akin," simpleng sagot niya. "Dahil malaki ang pakakautang mo at ng pamilya mo sa akin." Inobserbahan niya ang mukha ni Francine, at tila unti-unting nagkakaideya ang babae kung ano ang itinutukoy niya.

"Ikaw ang..."

"Yes, Francine," sagot ni James. "Ako ang nagbayad ng utang ng pamilya mo. At isa pa bukod pa roon, may matinding pagkakasala kang nagawa sa akin. O nakalimutan mo na ang maliit na bagay na iyon?"

"Gipit ako no'ng mga panahong iyon. Kailangang gawin ko iyon-hindi ko naman gustong saktan ka o mapahiya ka o ano man. Ginawa ko iyon dahil kailangan ko ng-"

"Pera?" pagputol niya kay Francine. "Pera lang naman ang katapat mo, hindi ba? Kaya ibinenta mo ang katawan mo para sa pera. What I don't get is why you have to disguise yourself?" Akmang magsasalita si Francine ngunit inunahan na niya ito. "But that doesn't matter anymore. You will accept the job and the position I am offering or else I will make sure you and your family will rot in jail."

"Bina-black mail mo ba ako?"

"Obviously, yes. I am blackmailing you. Now what is it going to be?"

Niyakap ni Francine ang sarili na para bang giniginaw ito o natatakot. "A-ano ba ang trabahong sinasabi mo? Ano'ng posisyon ba 'yan?"

He gave her his most wicked grin. "My wife."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top