Chapter Eleven
"Ano'ng gayuma ang ginamit mo kay James?"
Tumaas ang isang kilay ni Francine nang inangat niya ang mukha sa pagkakasubsob sa mga papeles na kanyang binabasa. Nakatayo sa harapan niya ang magandang si May. Ano na naman ba ang ginagawa ng babaeng ito rito? Ang layo ng departamentong pinagtatrabahuhan nito, pero nagawa pa rin nitong pumunta rito para asarin siya. Alam kaya ng boss nito na andito na naman ang empleyado nito para lumandi kay James?
At bakit ba naiinis si Francine tuwing may ibang babae ang lumalandi sa boss niya? Pakialam ba niya kung gumawa na naman ng milagro at kababalaghanan ang dalawang ito. Bahala na sila sa buhay nila at nang tuluyan nang masunog ang kaluluwa nilang dalawa sa impyerno.
At bakit ba ganito na lamang katindi ang inis niya sa dalawa?
"Wala kang maisagot?" muling banat ni May sa kanya. "Baka naman binarang mo?"
Ang walanghiya, ginawa pa siyang mangkukulam? Mukha ba siyang bruha para mapagkamalang marunong mambarang? "Office hours pa ngayon, May. Ibig sabihin ay oras pa ng trabaho. At ang ibig sabihin no'n, bawal ang loitering dito kung wala ka namang pakay rito na work related."
"Si James ang pakay ko. It's reason enough para pumunta ako rito."
"Close na kayo para tawagin mo siya sa first name niya? Kung sabagay nagpalitan na nga pala kayo ng laway dati, kaya ganyan mo na lang kung tratuhin ang isa sa mga boss mo."
Ngumisi sa kanya si May. "If I know, pinagnanasahan mo rin ang boss mo. Halata naman, eh. 'Yung pagtataray mo sa kanya? Defense mechanism lang 'yon."
"Wow, psychologist ka na ngayon? May pa-defense defense ka pang nalalaman."
"It doesn't need a psychologist to analyze your actions. Babae rin ako, kaya alam ko ang ibig ipahiwatig ng mga ikinikilos mo." Ipinatong ni May ang mga palad sa mesa ni Francine at bahagyang yumuko. "Sabihin mo nga sa akin, may nangyari sa inyo no'ng isang gabi nang sinundo mo si James sa dinner nila ng fiancée niya, hindi ba?"
Kumunot ang noo ni Francine. "Papaano mong nalaman 'yon?" Sigurado si Francine na wala siyang ibang sinabihan tungkol doon.
"May nakakita sa inyo. Nagawa mo pa ngang magsinungaling sa COO, hindi ba? May fax mula sa Batanggas project? No'ng tinawagan ko naman ang architect, wala naman siyang fax na ipinadala."
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, May? At papaano mo nalaman ang mga 'yan? Stalker ba kita?"
"Basta ang lahat na tungkol kay James ay inaalam ko. Ang totoo, balak ko siyang agawin sa mapapangasawa niya. Kaya huwag ka nang sumagabal pa sa mga binabalak ko, okay?" Ngumisi muli si May kay Francine na para bang wala lang ang mga sinambit nito at dumiretso sa opisina ni James.
Naiwan namang nakanganga si Francine. Ang ambisyosang 'yon! At talagang may balak itong agawin si James sa fiancée nito? As if naman magagawa talaga nitong maagaw si James kay Margaret. Natigilan si Francine sa ideyang iyon. Hindi malayong mangyari iyon –depende pa rin sa self-control ni James. At knowing her boss, wala namang self-control ang kanyang boss pagdating sa magaganda at sexy na babae.
Shit! Baka nga magtagumpay si May! Napakunot naman siya ng noo. Bakit ba pinoproblema pa niya kung magtagumpay si May?
Ang totoo, si May na sana ang solusyon niya sa problema tungkol kay Mr. Villanueva. Tumanggi na kasi ito na bayaran ang medical expenses ng kapatid niya kung hindi ito magbibigay ng isang malaking pasabog tungkol kay James. Ayaw na ni Francine na ipagpatuloy ang kanilang pinagkasunduan dahil nakokonsensya na siya sa kanyang ginagawang pagsisiwalat ng mga sikreto ni James kay Mr. Villanueva. Pero kung hindi naman niya ipagpapatuloy iyon, papaano na lang ang kapatid niya? Ang alam ng mga magulang niya ay nakapag-loan siya ng malaki upang mapagamot ang kapatid.
Ngayon nakaschedule ang isa sa mga kinakailangang operasyon ng kapatid. Simpleng operation sa buto lang naman daw ang gagawin ngayon sa kapatid niya, matapos no'n ay dapat tuloy-tuloy pa rin ang treatment na gagawin para sa kapatid. Saan siya ngayon kukuha ng malaking halaga para mabayaran ang lahat ng gastusin sa ospital?
Bahagyang nagulat si Fracine nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag. "Hello, Ma. Bakit po?"
"Anak... ang kapatid mo..."
"Po? Bakit po?"
"May nangyayari daw na problema ngayon sa kapatid mo sa loob..."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Francine at kinabahan sa maaaring nangyayari sa kapatid ngayon. "Po? A-akala ko ba hindi naman komplikadong operasyon ang gagawin. Papunta na po ako riyan. Magpapaalam lang po ako."
Agad-agad na ibinaba ni Francine ang telepono at tinungo ang opisina ni James. Nakalimutan niyang nandoon pala si May, kaya nang binuksan niya ang pinto, nakaupo na naman si May sa paborito niyang puwesto: Sa kandungan ni James.
Pero wala ng panahon pa para punan niya ang nakita. "Sir, puwede po ba akong mag-half day? M-may emergency lang po –kailangan ko pong pumunta sa ospital."
Tumayong bigla si James, dahilan kung bakit tila tumilapon si May mula sa pagkakaupo sa kandungan ng binata.
"Ano ba, James!" daing ni May habang nakaupo pa rin sa sahig.
Ngunit hindi ito pinansin ni James. "Why? What happened? Is it your brother?" Nang tumango si Francine bilang tugon, muling nagsalita si James. "Ihahatid na kita."
"Hindi na po, sir. Kaya ko na pong mag-isa."
"I insist, Monique. Mas makakarating ka nang mabilis sa pupuntahan mo kung ihahatid kita." Kinuha ni James ang susi ng sasakyan nito sa loob ng drawer at lumabas ng opisina.
Walang nagawa si Francine kundi ang sundan ito palabas ng opisina. Hindi na niya napansin pa ang mga naniningkit na mga mata ni May na nakatuon sa kanya.
***
Lihim na nagbunyi si James, dahil ang pagkakataon na mismo ang gumawa ng paraan para sa kanya upang makalikom ng mga kasagutan sa bumabagabag sa kanyang isipan. Ayon sa kanyang private investigator, si Darwin Villanueva ang gumastos sa pang-ospital ng kapatid ni Monique. Ngunit bakit? Bakit ginagawa iyon ni Villanueva? Magkakilala ba si Monique at Darwin? Pero noong sinundo siya ni Monique sa family dinner nila, ni hindi naman binati ni Darwin si Monique. Dahil ba gusto lang ni Drawin na makatulong sa kapwa kaya nito nagawa iyon? But Darwin doesn't seem to be the type of man to throw his money at ramdom people out of the goodness of his heart. Malayo sa pag-uugali ni Darwin ang pagiging isang philanthropist. May binabalak si Darwin, iyon ang kutob ni James. Hindi pa nga lang niya alam kung ano iyon.
Nang nakarating na sila sa ospital, nagmamadaling bumaba si Monique sa sasakyan. Ang sabi naman ni James ay maghihintay siya sa cafeteria ng ospital. Tumanggi si Monique, ngunit mapilit si James hanggang sa walang nagawa ang dalaga kundi ang sumang-ayon sa binata.
Kailangang madikitan ni James si Monique. Marami siyang katanungan sa sarili. Kahit pa ginagawa naman ng kanyang private investigator na ungkatin ang nakaraan ni Monique at ang ugnayan nito kay Villanueva, gusto pa rin ni James ng first hand information.
Mahigit isang oras siyang naghintay sa cafeteria. Nang inakala niya na nakalimutan na ni Monique na nandoon siya at naghihintay, saka naman dumating si Monique at umupo sa tabi niya.
"Hindi mo naman kailangan maghintay rito, sir," mahinang sabi ni Monique sa kanya. "Baka nakakaabala na ako sa 'yo."
"No. I don't mind being here, Monique. Besides, you could use a friend now. So how is he?"
"Stable naman siya ngayon. Nasa recovery room siya. Si mama, medyo exaggerated lang kung minsan. Nasa recovery room na si Janus nang bumaba daw ang oxygen level niya. Pero nagawan naman agad ng paraan ng mga nurses doon. Pero, salamat sir sa paghatid sa akin. Napakalma ko na rin si mama, sir."
"Why not call me James?"
Tila naguguluhan ang babae. "H-ha?"
Ngumiti si James kay Monique. "I said, why not call me by my name? Ilang buwan na rin natin kilala ang isa't isa. And you know all my dirty little secrets para maging pormal pa rin ang pakikitungo mo sa akin."
"Boss pa rin kita."
"But we're outside the office now, right? Rules don't apply here. We could be good friends, you know?"
Napabuntong-hininga ang babae. "Sige, James."
Ipinatong ni James ang kamay niya sa ibabaw ng mga kamay ni Monique na nasa mesa. Marahan niyang pinisil ito dahilan upang pamulahan ang pisngi ng babae. So, you are like the rest of the ladies –you are not resistant to my charms and touch after all, saloobin ni James.
"Since magkaibigan na tayo," sabi ni James, "kung may kailangan kang tulong puwede mo 'kong lapitan. Puwede ka rin mag-apply ng loan sa company natin. I'm sure they'll give it to you."
"Hindi na James. Kaya pa naman namin, eh."
So, totoo ngang may finacer sila. "Okay. How about I treat you lunch?" suhestiyon niya.
"Dapat nga ako ang manlibre sa 'yo dahil pinayagan mo na nga akong mag-half day, hinatid mo pa ako rito."
"No. Please, I never allow my ladies to pay for the meals."
Isang snort ang pinakawala ni Monique. "Chauvinistic ka pa rin."
"Chauvinistic? I though I was being a gentleman," nakangiti nitong tugon.
Nang pumayag na si Monique na sumama sa kanya, lihim siyang napangiti. Ngayon na unti-unti na niyang nakukuha ang tiwala ng babae, magagawa na niya ang susunod na hakbang para sa kanyang pinaplano.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top