Chapter Eighteen
Siguradong-sigurado na ngayon si Francine-bipolar at may sayad sa utak ang napangasawa niya. Napatunayan iyan ni Francine kinaumagahan. Linggo ng umaga, at nagising si Francine na nakahiga pa rin sa isang bahagi ng kama. Laking pasasasalamat niya na hindi siya nagising na nakapulupot ang mga braso't binti sa lalaking katabi niyang natulog buong magdamag.
Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang dresser upang kumuha ng pamalit niyang damit. Narinig naman niya ang paghikab ni James at saglit siyang napasulyap sa asawa. Gising na pala ito at nag-stretching pa ito ng mga braso't mukhang napakasarap ng naging tulog nito.
"Good morning," masayang bati nito sa kanya.
Kahapon ay halos lamunin na siya nito ng buhay dahil lamang sa tubig sa sahig, ngayon naman ay may pabati-bati pa ito sa kanya? At nakangiti pa ang putek! "Walang good sa morning ko."
Ngumiti lamang ito sa kanya at itinanggal ang kumot na tumatabing sa katawan nito. "Oh look-someone wants to say good morning to you, too."
Naka-boxer shorts lamang si James, at kitang-kita ni Francine ang umbok nito sa may bandang ibaba. Nakahiga pa rin si James at inilagay pa ang mga kamay sa likod ng ulo nito na para bang isang pagkain ang katawan nito na nais nitong ibalandra sa mesa.
"Puwede ba, takpan mo nga 'yang sarili mo at nakakasuka kang tingnan!" sita niya sa lalaki.
Ngumisi lamang ito sa kanya. "Hindi mo ba babatiin ang alaga natin? Bakit hindi ka makipagkamay rito?"
Idinampot niya ang isang pares ng gunting na nakapatong sa katabing tokador at ibinuka ito. "Good morning daw sabi ng gunting. Gusto niya ring makipagkamay sa anaconda mo. Puwede ba raw?"
Humalakhak si James at itinakpang muli ang kanyang katawan. "Sorry. Exclusive lang ito para sa kamay mo-o kamay ko."
"Eh, 'di magsarili ka!" Padabog naman siyang pumasok ng banyo upang magpalit ng kasuotan. Naaalibadbaran na talaga siya sa pabago-bagong ugali ni James. Sana maging consistent naman ito ng ugali. Kung ugaling halimaw ito, sana'y ityloy-tuloy na nito! Para naman hindi siya malito ng ganito't hindi niya alam kung maiinis sa lalaki o kikiligin sa mga banat nito.
Lalabas na sana siya ng banyo nang narinig niyang nagsalita si James.
"Francine, huwag ka munang lumabas ng banyo hanggang hindi ko pa sinasabi."
"At bakit, aber? Nagugutom na ako't gusto ko nang kumain!"
"Eh, kung gusto mo ba makakita ng isang lalaking nakahubad, sige lumabas ka."
Hindi alam ni Francine kung nagbibiro lang ang lalaki o kung seryoso ito. Ngunit minabuti na lamang niyang manatili muna sa loob. Mahirap na't baka hindi siya makatulog dahil sa maaaring makita niya sakaling lumabas siya ng banyo.
Ibinaba ni Francine ang toilet seat at naupo roon. Ilang minuto na rin siyang nakaupo at halos nabilang na niya ang lahat ng tiles sa sahig. "Matagal ka pa ba?" sigaw niya.
"Malapit na," sagot nito na parang namimilipit sa sakit. Maya maya ay narinig niyang umungol ito. Ano bang-
Napalundag siya nang bumukas ang pinto at pumasok si James sa loob, isang malawak na ngiti ang nakaukit sa mukha nito. Pasipol-sipol pa ito at itinapon sa sahig ang isang maliit na tuwalya, matapos ay pumunta sa lababo at naghugas ng kamay.
Wala talagang kuwenta ang lalaking ito. May hamper naman, sa sahig pa talaga itinapon ang tuwalya. Tumayo na lamang si Francine. Pinulot niya ang tuwalya, ngunit binitiwan ito nang may naramdaman siyang hindi kaayaaya sa kanyang mga daliri. "Eeew! Kadiri ka talaga!" Napatalon at napatili naman siya habang pinupunas-punas ang daliri niya sa braso ni James.
"Akala ko ba 'look only, no touch' tayo? Ba't mo hinihimas-himas ang muscles ko?" nakangising sabi ni James sa kanya.
"Huwag mong sabihing... talagang nagawa mo 'yon!"
Narinig naman niya ang bungisngis ni James. "Sabi mo magsarili ako. Masunurin naman akong asawa kaya sinunod ko ang sinabi mo."
"Kadiri ka talaga, alam mo ba 'yon?" Itinulak niya si James palayo sa lababo at hinugasan ang mga kamay niya. Tawa naman nang tawa ang lalaki sa likuran niya na akala mo'y parang wala ng bukas.
"Siya nga pala, kina Granny tayo manananghalian mamaya." Iyon lang ang sinabi nito at lumabas na ng banyo.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Francine. Kaya ba niyang magpanggap sa harapan ng pamilya ni James kung ang gusto naman talaga niya ay totohanin na lamang ang lahat?
Bago magtanghali ay narating na nila ang tinutuluyan ng lola ni James. Laking pasasalamat ni Francine na nandoon din si Abigail kasama ng asawa nitong si Lawrence. Natutuwa siya na masaya na ngayon ang kaibigan niyang iyon. Sino ang mag-aakala na makakatuluyan nga ni Abigail ang lalaking matagal na nitong hinahangaan noong nagtatrabaho pa itong private nurse ng lola ni Lawrence? Batid ni Francine na hindi naging maganda ang umpisa ng pagsasama nina Abigail at Lawrence bilang mag-asawa. Katulad niya, isang arranged marriage lamang ang nangyari sa dalawang iyon-napilitan si Lawrence na pakasalan si Abigail dahil nahuli sila ng lolo ng lalaki na magkatabi sa kama. Tinanggap naman ni Abigail ang alok na kasal ni Lawrence kahit alam nitong hindi ito mahal ng lalaki, dahil matagal na itong may gusto kay Lawrence.
Naaalala pa nga niya na madalas niyang pinapagalitan ang kaibigan sa kagagahan nito't ka-martyr-an. Napapamura pa siya kung minsan kapag nagkukwento ang kaibigan nito sa kaliwa't kanang pambabae ng asawa nito. Ngunit patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng mga advise sa kaibiga. Isang beses pa nga ay sinabihan niya itong hiwalayan na ang asawa. Mabuti na lamang at tumino na ang lalaki at natutunang mahalin si Abigail.
Kung iisipin nga naman, hindi ba't kahalintulad din ng sitwasyon ngayon ni Francine ang naranasan ng kaibigan? Tinanggap niya ang alok ni James na kasal dahil gusto niyang itama ang maling nagawa niya. Hindi ba siya ang naging sanhi kung bakit dalawang beses nang hiniwalayan si James ng dalawang magkaibang fiancée nito? Nais ni Francine na itama iyon, na baka sakaling mapanatag ang konsensya niya dahil nakabayad na siya sa kasalanang nagawa niya rito. Na kahit papaano ay natulungan niya ang lalaki na maibalik ang tiwala ng ama rito at mabago ang masamang imahe nito sa pamilya at sa sektor na ginagalawan nito.
Oo, inaamin niya na may nararamdaman pa rin siya sa antipatiko, arogante at bastos na lalaking iyon. Magpapakatotoo siya't sasabihin na gusto niya ang higanteng kumag na iyon. At kaya siya pumayag na magpakasal dito hindi dahil takot siya sa mga banta nito na ipapakulong siya, kundi dahil ang nararamdaman niyang iyon para sa lalaki ang nag-udyok sa kanya na tulungan itong maka-recover sa pagiging isang laughing stock sa mayamang lipunang kinabibilangan nito. Na-ikuwento pa nga ni Abigail sa kanya na binansagang The Jilted Groom-to-be si James ng mga tao sa isang pagtitipong dinaluhan nila. Ngumiti lamang daw si James na parang hindi apektado sa mga nangyri, ngunit kitang-kita raw ni Abigail ang pagkuyom ng mga kamay ni James at halatang pinipigilan lamang ang magalit. Ngunit ang pagkadismaya ng ama ni James sa anak nito ang naging malaking dagok para sa binata ayon kay Abigail.
Kaya heto siya't pinipilit na matulungan ang lalaki. Kahit sa ganitong paraan ay makabawi siya sa lalaki, at sa ganitong paraan ay maaari siyang magpanggap na totoo ang lahat, na totoong mahal siya ng lalaki at mahal din siya nito. Kapag nasa harapan sila ng ibang tao, ibinababa ni Francine ang kanyang maskara at nagpapakatotoo sa kanyang nararamdaman. Ngunit kapag tapos na ang lahat, kapag silang dalawa na lamang ni James ang magkasama, isinusuot niyang muli ang maskara at ikinukubli ang totoong nararamadaman para sa lalaki sa pamamagitan ng pagtataray niya rito't pagsasabog ng mga maaanghang na salita kung kinakailangan. Hindi na siya tulad ng dati na nagpapaniwala sa true love at mga kalokohan niya tungkol sa kanyang 'the one', at ayaw niyang makita ni James sa katauhan niya ngayon ang babaeng nakilala nito almost six years ago na basta-basta na lamang lumundag sa kama dahil lamang sinabihan siyang be my girl ng lalaki.
Pero sa harapan ng mga tao, bumabalik ang Francine ng nakaraan na mabilis pa sa alas-kwatro kung sundin ang tibok ng puso. Tulad ngayon, ramdamn niyang nais niyang hawakan ang kamay ni James habang naglalakad sila papuntang mesa sa may hardin. At ginawa nga niya iyon-hinawakan niya ang kamay ni James at nginitian ito nang tumingin ito sa kanya na bahagya pang nagulat sa ginawa niya. At nang nakaupo na silang lahat sa may mesa upang kumain, naramdaman ni Francine na gusto niyang asikasuhin ang asawa. At ginawa niya iyon-nilagyan niya ng pagkain ang plato ni James at nagbiro pa't sinabing "kumain ka lang-alam mo naman na kahit matakpan ng bilbil 'yang abs mo, patay na patay pa rin naman ako sa 'yo."
Nagsipatawanan naman ang lahat sa sinabi niya. At nagbigay naman ng komento si Lawrence at sinabing "ipinagmamalaki pa naman ni James ang abs nito!" na dinagdagan naman ng babaeng kapatid ni James ng "sige, ate Francine-patabain mo 'yang si kuya para tumaba't mabawasan ang kayabangan at pagiging guwapong-guwapo sa sarili!"
Pakiramdam ni Francine ay totoong parte na nga siya ng pamilya, lalo pa't mismong ama ni James ang nagparamdam nito sa kanya. "Thank God my son finally settled down. Kung alam mo lang, hija, ang daming babaeng pumupunta sa opisina't sinasabing si James ang ama ng dinadala nila. But of course those were only lies. That's why I was forced to look a suitable wife for my son because he seemed to be enjoying his being a bachelor so much."
Napangiti si Francine sa mga sinabi ng father-in-law niya. Pero mas nagpataba sa kanyang puso ng may ikinuwento pa ito habang kumakain sila. "I can see how much my son had changed since he married you. Thank you for helping my son become a better man."
Pero mayroon ring pagkakataong titig na titig ang tito ni James sa kanya at sinabing "you know, you look like someone I know-did you happen to work at Madrigal Hotels before?"
Narinig niya ang pag-ubo ni James na mukhang nabilaukan dahil sa tanong ng tito nito na ama ni Lawrence. Nakita naman niyang nagkatitigan sina Abigail at Lawrence at gustong matawa dahil alam ng dalawa ang nakaraan at ang lihim ni Francine.
Dumating din ang pagkakataong nagka-usap si Francine at ang lola ni James. Inimbitahan siya nito na samahan ito sa may halamanan at nag-usap ang dalawa.
"I guess, I have to apologize to you," ang sabi pa nito sa kanya.
Nalilito si Francine sa sinasabi ng matanda. "Po? Bakit naman po?"
"When Margaret broke the engagement with James, galit na galit ang ama ni James sa kanya. Si Gilbert-he only wants what is best for his son. Kaya niya nagawa ang areglong iyon na ipakasal ang anak nito. That and also because ayaw nitong malamangan ito ng kapatid niyang si Richard. I always see it as a healthy competition between my sons, but sometimes Gilbert's ways are... extreme. Pero hindi ko pinigilan iyon, because I can see that James needs a little guidance when it comes to women."
Hindi pa rin maintindihan ni Francine ang nais sabihin ng lola ni James. Nahalata ito ng matanda sa mga kunot sa noo niya kaya nagpatuloy ito sa pagsalaysay. "Si James-he is a loving person... when he loves someone, he will give his entire heart to that person he cares."
"Parang hindi naman po ata si James iyon. Baka po si Lawrence ang tinutukoy n'yo."
"No, hija. You don't understand. To some, my apo may seemed like a playboy. But he was just born a charmer. Kahit sa akin, tuwing may nagawang kapilyuhan 'yang si James no'ng bata pa, ngingitian lang ako't yayakapin nakakalimutan ko nang pagalitan ang batang 'yon. Pero nag-aalala ako sa batang iyon. Bigla itong nagbago simula noong..."
"Simula noong ano po?"
"Simula no'ng iniwan siya ni Grace."
Nakaramdam ng kirot at selos si Francine. Minsan sa buhay ni James ay may minahal pala ito ng totoo? Ayaw sana ni Francine na ungkatin pa ang nakaraan ni James at baka masaktan lamang siya, ngunit tinatagan niya ang loob at nagtanong sa lola ni James, "Sino po si Grace?"
"Grace is his high school sweetheart. Grace and James were very much in love, and you could see that they were meant for each other. They were still young when they decided to get married. Parehong twenty-two ang dalawa-barely out of college. And we all gave our consent, dahil nasa tamang gulang naman sila para magdesiyon para sa sarili nila. But then, sa araw ng kasal nila, hindi nagpakita si Grace..."
Dama ni Francine ang sakit sa mga ikinukwento ng lola ni James sa kanya. Iniwan si James sa altar ng babaeng nais nitong pakasalan at makasama habambuhay. At marahil dahil sa kaganapang iyon ay nagbago si James. Ayon sa matanda, lagi nitong nakikitang masaya at nakangiti ang apo, ngunit kitang-kita niya sa mga mata nito na hindi totoo ang mga ngiting iyon.
"What I see in his eyes is that hollow empty space that he tried so hard to fill in by seeking love and affection from other women, by surrounding himself with different women but not seeking any lasting commitment with them," dagdag pa nito. "Iyon ang nakikita ko. So you see, hija, dahil maagang naulila sa ina si James kaya ako na ang tumayong nanay ng batang iyon. And it pains me to see him throwing himself to random women after Grace left him. Kaya hindi ko na pinigilan si Gilbert na gumawa ng paraan upang tumino si James."
Tumango lamang si Francine. "Naiintindihan ko po. Pero ang hindi ko po maintindihan ay kung bakit po kayo nagso-sorry sa akin?"
"I overheard James and Lawrence talking about a certain lady, and this lady was the reason why James lost another fiancée for the second time." Napakagat-labi lamang si Francine. Parang alam na niya saan patutungo ang usapan nila. "And my apo became so obsessed with finding this certain lady. Matapos no'n ay hindi ko naman sinasadyang marining ang pag-uusap ni Abigail at ng isang kaibigan nito sa telepono..."
Yumuko na lamang si Francine. Pati ang lola ni James ay may alam na sa nagawa niya. Tatanggapin pa rin ba siya nito dahil sa mga nalaman?
Hinawakan nito ang kamay ni Francine. "I saw the way James was looking at you during Abigail's wedding reception. I even saw the way you look at him. What I'm trying to say is, ako ang nagsabi kay James sa kinaroroonan mo."
"B-bakit po?"
"Dahil kailangan ka ni James. The Madrigal men are all stupid and blind when it comes to love. They don't easily recognize that the best thing in their life are already right in front of them! Masakit para sa isang ina na makita ang mga anak nito na pumasok sa isang miserableng relasyon, kaya hindi ko hahayaang maulit iyon na mangyari sa aking mga apo." Pinisil pa nito ang kamay ni Francine. "James needs you. You can help him fill that empty gap in his heart. Teach him how to love again, hija."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top