13

Gilbert's P.O.V.



"Berto! Anak, ang aga mo naman pumasok," sabi ni mama habang inaayos yung uniform ko.



"Ano kasi ma, na-miss daw kami ni Angel kaya maaga raw po dapat kaming pumasok hehe!" Napakamot nalang ako sa ulo.



Well, kahit ako rin naman na-miss ko sila.



"Oh! siya, Ingat palagi. Isuot mo na 'to," utos ni mama.



"Ito tubig, isabay mo na rin 'tong rosaryo para gabayan ka naman ng Diyos sa unang pasok mo." Sabi ni mama habang inaabot sa akin.



Yeah! Masyado talagang religious 'yung family ko. Mostly, umaattend kami sa mga fellowships and church services. 



"Ma! Parang saan naman ako pupunta niyan. Pero sige na nga." I kissed my mom and I went outside. Wala naman kasi akong magagawa kung tututol pa.



"Good Morning, manong guard!" Bati ko kay kuyang guard sa gate.



"Magandang Umaga, Gilbert! Mukhang marami ka na namang makukuha dito." Kuya guard, joked.



I laughed at him.



Hindi naman sa pagmamayabang. Kapag kasi may mga binibigay na pagkain yung mga admirers ko, eh sa mga kaibigan at kay Kuya Guard ko binibigay. Ayoko kasi magkaroon ng utang na loob sa kanila at sa huli sisingilin din ako. What the freak, diba?



Oh! Gulat ka? Religious fam. pero nagmumura? Hays! I'm changing naman my words though. If I want to say P*tangina? I'll say Potangama! G*gi/o/a ?, I'll say Jaji. F*ck? I'll say freak.



I messaged my barkada's GC.



-TFL,WRO-



gilbertxanche: guys! Nasa school na ako. Nasaan na ba kayo?



trix: omw



lance: I'm here at the corridor na bro



gilbertxanche: thanks! Coming in a few secs



Pagkatapos ko i-chat yung groupchat ng gc namin eh kaagad ko nang pinatay yung phone. Gano'n pa rin. Dumaan ako sa slide pataas and nakita ko 'yung mga Grade 10. Mamimiss ko yung mga barkada ko ro'n. Excited na rin ako makita yung mga bagong S.T.E. Students. 



Nakita kong nasa S.T.E. Corridor na sina Angel, Lance and Vincent.



"Hi guys!" I whispered to them.



I glimpsed to the class of Grade 7- Avogadro. Wala lang para bully-hin sila mamaya. Paano ba noong Grade 7 din kami binubully din kami, hinayupak!



"You guys! I will tell you something!" Angel hurriedly said, Hindi ko alam diyan. Maganda naman, matalino pero napaka-arte.



"What is it?" Lance asked.



"I bumped a girl when I entered our campus!" Angel said, inaayos pa niya yung necktie niya.



There she goes again...



"Arte mo, bangga lang naman." Vincent mentioned.



Thanks, bro. Buti na lang talaga nababasa mo 'yung nasa utak ko.



He's Vincent. My closest and best friend since Elementary. He's supportive and too kind, makulit nga lang at least walang arte sa buhay.



"I don't fucking care with your opinion! Share ko lang," Angel replied and rolled her eyes.



"Hei!" Trix is already here. Actually, he's Patrick pero gusto niya raw itawag namin sa kaniya ay Trix. Yup! He's bisexual pero it doesn't mean na hindi namin siya tanggap sa circle of friends.  



Ngayon ko lang na-realize kung bakit TFL, WRO yung pinangalan ni Angel sa Group chat namin. Together For Life, We R One. Kasi kapag walang baon yung isa nandiyan 'yung isa para bigyan. Kapag walang assignment, papakopyahin 'yung isa.



"Hi! babe!" Angel greeted Trix and kissed each other cheeks.



Hindi sila mag-jowa. Sadyang ganyan lang yung tawagan nila. Na-influence na sila masyado ng western culture.



"Hi!" I saw Trix kissed Angel on the cheeks.



"I'm telling a story, Trix. Buti na lang that you're here. Someone will kinig na." Angel said, giggling 'cause her best friend came.



"From the start please, na-late ako. You saw naman, guys." Trix told us.



We nodded.



"When I entered our campus, I bumped a girl. I followed my eyes on her, when I looked to the classroom, she's there. I don't know pa her name. Pero ugh! She's stressing me. Like it's too early para ma-buwisit ako." Umirap pa siya, Kina-ganda ba niya 'yon? 



"Uh! Babe, If I were you I'd tell it to the Manong Guard." Trix replied.



"Pucha! Tama na nga. Kapag kayong dalawa talaga nagsasama para kaming natingnan ni Medusa." Singit naman ni Vincent.



Thanks, Vincent.



"You're so epal! I'm not finish pa nga eh." Angel said, she's rolling her eyes.



"Go lang, babe. Just continue. Isipin mong wala tayong katabing boys... except me." Trix mentioned.



"I said that mag-ingat siya sa dinadaan niya, babe." Angel pouted.



"And what she replied? " Trix replied.



"Babe, you will be shocked. She just said 'What the fuck is your problem you li'l ass girl?' " Umiiyak na ngayon si Angel.



Hays! Jaja. Napaka-potangama.



"Pinapasok mo ba kami para mag-inarte ka?" Vincent asked.



"No! I just said it only." Angel replied.



"Let's haunt that girl, Babe." Trix said.



"Thank you, Trix. That's why you're my bff!" Angel said, she hugged her.



"Fuck! Bros. My blood is rising up between these two." Lance immediately said to us.



"Girls are girls." I replied.



"Guys! Let's go to canteen. Para hindi natin maabutan yung mga Grade 7. Mahirap na makabili no'n." Sabi ko sakanila, hindi na kasi ako nakapag-almusal kaka-madaling makita sila.



" G!" They replied.



"Where are you going?" Angel said, Pinupunusan pa 'yung luha niya. When I noticed it, I offered her my panyo. She wiped it immediately and she gave it back to me.



"Canteen, why?" Lance answered.



"Sama ako, wait for me!" Jaji! Balak pa ngang sumama.



"Tingnan mo muna sarili mo." Vincent said  "Lika na, pabayaan na natin 'yan."



We went to the canteen and I bought Macaroni only dahil may baon naman akong tubig sa bag. Kinumusta namin yung isa't isa habang pabalik kami sa room. We're walking upstairs looking at Vincent's phone kasi nga may pinapakita siya. 



"What the fuck!" Narinig ko 'yung babae. She's the Grade 7- S.T.E Angel's talking 'bout, I guess. Dahil nakita ko yung  babae na may pulang salamin na katabi niya. Exactly no'ng tumingin ako sa room namin nakita ko 'yung babae. I can feel my guts they're S.T.E!



Dahil mabait naman ako...



"I'm sorry!" sabi ko. Nakatingin sa akin yung mga barkada kong boys.



"Can you 'look' carefully while you're walking? dumbass," Sabi no'ng babae. She even emphasized the word 'look'.



Jajo? Ako pa talaga dumbass? Kasalanan ko pala na umiinom siya habang naglalakad? 



"Hey, you Grade 7! It's not my fault, okay?", Pinagtanggol ko sarili ko. Ikaw ba naman pag-sungitan ng Grade 7? Grade freaking Seven!



"What's your year, you blind?" tanong niya. Taena! Kulang na lang umusok ilong niya sa galit, eh.



"I'm Anche, from 8-Bohr, Why'd you ask, huh?" kuro ko. Bakit ba siya curious? Sabagay gwapo naman ako.



"Oy, Natasha Shane! Halika na nagugutom na ako. Basa lang 'yan. Matutuyo rin 'yan, maglalakad naman tayo sa initan, oh!" Narinig ko 'yung may babaeng may pulang salamin. Tama naman 'yung babae. May point siya.



"Uhm, Kuya! Ako na mag-sosorry on behalf with my fresh friend." Sabi no'ng may babaeng nakasalamin, fresh pa raw? Ampotchi!



We just passed them, pretend something didn't happen. Feeling ko talaga napapalibutan na ako ng mga maarteng tao. Pero ayos lang, mataas na grades lang naman hangad ko para makapasok ako sa inaasam kong university school sa Maynila. And that is University of Sto. Tomas.



"That's the first year!" Angel shouted.



"Let's go, babe. We better smash her." Trix replied.



"Mga isip-bata ba kayo? Don't even lay a hand on her," sabi ko sa kanila. Nakakainis naman na kasi.



Normal day lang parang nung ginawa namin nung Grade 7. Simple orientation. Cleaners pala ngayon 'yung Grade 7 kaya naabutan ko sa room. Ang bilis pala mapikon HAHA!



"Vincentius! Samahan mo 'ko sa canteen," Yaya ko.



"Si Angel na lang yayain mo. Kinokopya ko pa Fili, oh," sabi ni Vincent, napakamot pa sa ulo.



"Sige! Makakakopya ka pa sa akin," biro ko.



"Luh! Wala naman 'yan sa usapan." banggit niya, tumatawa pa.



"Copy well," Balik ko.



"Angel! Samahan mo ' ko canteen. Ano angal ka? Dali na!" Yaya ko naman sa kaniya.



Napapayag ko naman siya. Kilala ko na rin 'yung babae dahil binanggit nung lalakeng kasama niya ding kasama maglinis. 



She's Natasha Shane.



Bibili sana si Angel ng Iced tea nang may marinig kami.



"So, cheap," bulong no'ng babaeng nabangga ko kanina.



"Ano!? Cheap daw, Angel?" Parinig ko sa kaniya. Mukhang mayaman ata yung bata pero ang attitude. Wala pa rin, maganda pero mukhang pangit ugali tsk!



Lumingon siya sa likod. Si Natasha nga. Confirmed. Umalis sila ng kaibigan niya. Tinawag ko siya pero yung kaibigan niya sumagot. Mataas daw standards no'n pero wala naman akong balak ligawan yon, oy! Mag-sosorry nga lang ako, eh! Hays, ako na nga nagpapakababa.



Pagkauwi ko sa bahay hiningi ko kaagad number ni Mama para makagawa ng bagong Twitter account. Ayoko talaga nang may taong masama ng loob sa akin, 'no? Ambilis ko kayang makonsensya.



"ohsnapitzberto? Ayos na atang username, hindi naman ata niya mahahalata," banggit ko sa ere.



Minessage ko siya sa Twitter. Nalaman ko username ni Natasha dahil kay Vincent. Thanks to him. Ayoko kasing maging stalker.



ohsnapitzberto: Sorr—



Huwag na muna. Kaya hindi ko tinuloy i-type. Attitude siya, eh.



ohsnapitzberto: Can I have an Iced tea?



Hehe. She better taste her own medicine.



Lumipas 'yung mga araw at hindi pa rin siya nagrereply. Kaya tinext ko na lang si Vincent.



Vinshit.



Gilbert: bro, send help.



Vincent: talaga lang?



Gilbert: oo nga, potangama ka naman. I don't know if bad texter lang ako or what.



Vincent: Nahingi mo na lahat yung accounts nung babae, ano pa ba gusto mo?



Gilbert: 'yon na nga problema.



Vincent: Pota! May problema?



Vincent: Basted?



Vincent: madami pa riyan



Vincent: hanapan kita, brb



Gilbert: Jajo, bro! Ayaw niyang sumagot.



Vincent: Nag-hi ka ba? Or hello manlang?



Gilbert: hindi



Gilbert: sabi ko lang naman kung pwede makahingi ng Iced tea



Vincent: Potangina mo ka, bro! Ang bobo mo. Ang bobo mo literal.



Vincent: Twitter yan! Bawal ka mag-bura



Gilbert: ik



Vincent: Say Hi! 'Yung formal. Then pampalubag ng loob. Ayan.



Gilbert. Thanks talaga bro!



Pagkatapos kong i-chat si Vincent pumunta kaagad ako sa dummy Twitter ko



ohsnapitzberto: Hello! Miss.



Sana naman mag-reply siya.



Natashane: WTF? What do you need?



Buti naman. Salamat Vincent! Hindi naman kasi talaga ako marunong sa mga ganitong bagay.



Tinanong sa akin ni Natasha kung paano ko raw nakuha pero jinajo ko lang siya. Tripper ako 'no, hindi ako papatalo. Tinawag niya akong Psychopath kaya nilagay ko sa Personal Twitter bio ko:



'I'll be your own Psychopath someday.'



Pagkatapos ko siyang i-message ng 'Ako lang 'to si Berto yung mahal na mahal ka' naghintay ako no'n pero dahil sa pagod naka-idlip na din ako



Pagkagising ko wala si Mama, namalengke ata. 'Yung kapatid kong bunso naman nasa sala, nanonood ng cartoons.



"Kuya!" Bati sakin ni Ezekiel, tumakbo siya sa akin para yakapin ako.



"Morning! Bunso." Sabi ko. I even caressed his hair.



"Nasaan pala si Mama?" Tanong ko, Naninigurado lang.



"Palengke po!" Tipid niyang sagot.



"Ah! Okay po! Kain muna si kuya. Kumain ka na bang bata ka?" 



"Opo!" sagot niya, tumingin na ulit siya sa pinapanood niya.



Masyado atang kinilig kagabi si Natasha kaya hindi na nakasagot, ano?



Dahil alam ko naman FaceBook niya, inadd ko na rin. Naglagay na din ako ng bio:



'otreb'



Kapag binaliktad, Berto. Hindi ko alam pero gusto ko siyang bigyan ng clue na ako 'yung kausap niya sa dummy Twitter.



Pagkatapos ko gumawa ng mga gawaing bahay, naligo na rin ako.



Gumagawa ako ng mga gawain sa Filipino nung biglang nag-pop up notifications ko sa Twitter. For sure si Natasha lang naman yon.  Ayaw niya pala sa mga tragic movies.



Hays, hanggang ngayon hindi pa rin niya ako finofollow back kaya para makuha ko 'yung attention niya, pinalitan ko yung berto ng FOLLOW BACK NAMAN NATASHA.



Ayaw pa rin niya ako i-follow ha. Gumana na naman yung pagiging tarantula ko.



ohsnapitzberto: liked my new tw...



Sinadya ko talagang i-bitin. Sino ba yon? Gusto ko lang naman talaga mag-sorry, eh.



Until nagkaroon kami ng conversations. Nag-sorry na rin ako. And sabihin ko lang daw kung anong gusto ko para matahimik daw ako. Sakto naman may project kami sa Science na interview.



Hanggang sa inadd ko na din siya sa totoong Twitter account ko at siya lang yung naka-follow ro'n.



Kinabukasan yung interview for my Science project at dahil doon nagkamabutihan kami ni Natasha. Hindi ko naman itatanggi, mabait kasi siyang tao na siyang nagpahulog sa akin nang tuluyan. Kailangan lang talaga niya nang may tutulak sa kaniya to push her into limits. We will discover the world together and I'll make her everyday happy.



One time, general rehearsal na nila 'yon para sa Interpretative Dance. May practice kami para sa roleplay sa E.S.P. Ang pinakamagandang subject namin. Isama na rin yung Filipino.



Nakuha man nila yung 2nd place pero chineer up ko pa rin siya. First time pa lang ata niya sumali sa mga dance competitions, ang naalala ko lang mga Literary and battle of the brains lang mostly yung mga sinasalihan niya. 



Hanggang dumating 'yung time na hindi ko ineexpect. Matagal ko na talagang prinepare yung tula. Mukhang good mood naman siya noong English Month Awarding kaya napagpasyahan ko na roon ibigay. Ipinaabot ko 'yon sa kaibigan niya.



Maraming araw at buwan na akong hindi pinapansin. Hinihintay ko pa din yung reply niya. Hindi ko talaga alam. Nagulat ba siya? Or ano?



Ginood luck ko nalang siya para sa exams niya bukas. Yung mga plano ko sana, wala na.



Pero hindi nagpatinag yung puso ko. Gusto ko yung tao eh. Gusto ko.



I'll do my best for her to come back to me. No matter what happens, no matter what the odds. I'll do everything. Every single thing.

————————————————————————————————————

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top