9
"Anong nangyari?" Tanong ko.
"Ha?"
"Anong nangyari kako."
"Ano bang nangyari?"
"Malay ko. Kaya nga tinatanong ko kung anong nangyari."
"Ano bang pangyayari ang sinasabi mong nangyari?"
"Yung pangyayari na nangyari sayo."
"Alin sa mga pangyayari na nangyari nga sakin ang tinutukoy mo."
"Edi yung pangyayari na dahilan na kinaibigan mo ako."
"Ha?"
"Wala."
"Napaka-gulo mong kausap kahit kailan, Cara."
"Wow."
Napailing na lang ako at itinuloy ang pagkain sa ice cream na nilibre sakin ni Carlo. Naglalakad-lakad lang kami ngayon sa mall habang kumakain ng ice cream.
"Carlo, sabihin mo nga pano tayo naging close agad?"
"Ehm, nagsimula tayo dun sa building ng Stem tapos umuulan tapos binigyan kita ng panyo tapos tinataboy mo ako. Tapos sumunod na yung inaaya kita mag-lunch hehe tapos yung sa Clinic na kasi pinalo ka ng bote sa ulo nung GF ni Rey tapos dun na sa feild nung binabato tayo tapos naghuhugutan pa tayo tapos dinala kita sa hospital tapos naglaro tayo sa wheel chair tapos kahapon dun sa puno sa likod ng school tapos eto na tayo!"
"Tapos ka na?"
"Yup!"
"Narealize ko lang, magkaibigan na tayo pero wala pa akong kaalam-alam sayo maliban sa ikaw si Carlo, maingay at makulit na feeling close."
"Wow, flattered ako sa compliment mo."
"Welcome."
"Well, sige, magpapakilala ako. Hi Ako si Carlo Mateo, Grade 12 at Stem ang strand ko. May dalawang kapatid na babae, singer sa banda ng school at nagte-theatre arts. Hmm yun na."
"Pano mo ako nakilala?"
"Grade 10 kasi nung nag-transfer ako sa school tapos para kang artista na pinag-chichismisan ng mga kaklase ko pati yung mga nakakasalubong ko na estudyante pinag-uusapan ka kaya sinearch kita sa social media at beym! Sikat! Akala ko model ka tapos napanood ko yung ano yung ano niyo yung ano basta yung—"
"Scandal," tinuloy ko ang sasabihin niya.
"Yun nga, hehe."
"Okay."
"Cara, pwede mag tanong?"
Magtatanong na siya tungkol sa ex ko at sa dating buhay ko.
"3 questions only, choose wisely then in return ako na ang magtatanong sayo mamaya after mo mag tanong."
"Ang hirap naman."
"Kaya nga choose your best question and I'll answer it honestly."
"Sige, wait."
Tumalikod siya at nag-isip ng tatlong tanong na itatanong niya sakin. Habang nag-iisip pa siya ng itatanong niya ay inubos ko na ang ice cream ko.
"Okay na!"
"Let's start."
"Anong pangalan nung Ex mo?"
"Chad."
"Ilang months naging kayo?"
"8 months. Yan lang ba ang mga tanong mo? Last question mo na."
"Nagka-anak ba kayo?"
No.
"I-I."
Hindi, hindi kami nagka-anak. Why can't you say it, Cara? Alam ko sa sarili ko na hindi kami nagka-anak.
"Cara?"
"Hindi."
"Hindi?"
"Hindi—ko alam."
"Ano?"
"No. Hindi. Hindi kami nagka-anak."
"Ooowkay?"
Natahimik ako. Anong problema, Cara?
"Uhm, ako naman," pag-iiba ko ng usapan.
"Sigiii."
"Bakit ako ang pinili mo kapalit ng dating mga kaibigan mo?"
"Pakiramdam ko kasi, hindi ako belong. Kaya kinaibigan kita. Pakiramdam ko kailangan ko pang baguhin ang sarili ko para lang matanggap nila. At least sayo, open na open ako."
"Hmm. Nandidiri ka ba sakin?"
Hindi siya sumagot. I caught him.
"Hindi."
"Hindi?"
"Hindi."
"Bakit?"
"3 questions na!"
"Bakit nga."
"Ginagawa mo naman yun para sa sarili mo, hindi ba?"
"Oo."
"See. Kain tayo, Cara, libre ko."
"Kakakain lang natin."
"Gutom pa ako eh."
Hinila niya ako papasok sa Mang Inasal at pinaupo, siya na daw ang mag-oorder. Hinintay ko na lang siya hanggang sa dumating na ang order niya na sisig at 2 piece chicken at 2 barbecue with 2 halo-halo and leche flan.
"Bat ang dami naman? Hindi ko mauubos yan."
"Edi akin na lang."
Kinamay niya ang kinakain niya na parang isang linggong hindi kumain at dere-deretso sa pagsubo.
"Uy, bes, si Cara oh."
"Omg sino yung kasama niya?"
"Yung singer sa banda ng school yun."
"My gosh may biktima nanaman siya sa kalandian niya."
"Siya yung Carlo. Hindi niyo ba napanood yung video na kumakalat sa facebook yung nasa field sila?"
"Flirt alert."
"Kawawa naman si kuya cute pa naman."
"Papatol lang sa isang fuckgirl, my god so cheap."
"Hahaha sinabi mo pa."
Nilingon ko ang grupo ng mga babae na nasa tabi lang ng table namin at bigla silang umiwas ng tingin.
"Carlo."
"Wagsh mio lsang shilang fanshinin," sabi niya habang ngumunguya. Tumango lang ako at inubos na ang kinakain ko hanggang sa matapos na ako.
"Cr lang ako."
"Ge," sabi niya habang ngumunguya parin.
Pumunta ako sa banyo at nag-hugas ng kamay saka umihi. Pag labas ko ay nabangga ko ang batang lalaki na lumabas din sa CR ng mga lalaki na katapat lang ng CR ng mga babae.
"Uwaaaah!" Iyak ng batang maliit.
"Hala! Sorry!"
Yumuko ako at binuhat patayo ang bata na natumba dahil nabangga ko. Hindi ito tumitigil sa pag-iyak kaya naman ay dinaluhan ko ito.
"P-Papaaaa! Uwaaah!"
Naka-pikit siyang umiiyak at pinupunasan ko ang mata niya.
"Sshh baby, sorry hindi sinasadya ni Ate."
Tumigil ito bigla sa pag-iyak at nakita ko ng maigi ang itsura niya. W-Wha-What the.
"Mommy?" Nagulat ako ng tinawag niya akong Mommy. K-Kamuka ko ang batang lalaki. Kamukang kamuka. No. T-This can't be.
"Cane? Cane! What happe—"
Tila tumigil ang pag-tibok ng puso ko ng makita ang lalaki na tumatakbo palapit sa amin.
"C-Cara?"
Napaupo ako sa sahig at hindi matanggal ang tingin ko sa lalaki. Binuhat niya ang bata at tumingin din sakin.
"C-Cara, Okay ka lang?"
Lahat ng alaala sa nakaraan ay biglang bumalik pati ang sakit at paghihinagpis na parang kahapon lang nangyari ang lahat.
After 2 years. He's here again.
"I love you, Cara."
"I love you more, Chad."
"Chad, a-ano nang gagawin natin? Pano na? Papatayin ako ng parents ko! Malaking kahihiyan ang naidulot ko sa pamilya ko, Chad! Ano ng gagawin natin? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Please, Please help me, Chad."
"Sorry, Cara. But we're over."
"What?"
"Wala nang tayo, Cara. Sorry."
""I have no time for jokes, Chad."
"Hindi kita binibiro, magma-migrate na kami ng pamilya ko sa States."
"P-Pero pano tayo? Pano ako?"
"Im sorry."
"So ano? Ha? Pinatawad kita kahit kinalat mo yung scandal natin. Pinatawad kita kahit sinira mo ang buhay ko. Pinatawad kita kahit nawala pati mga kaibigan ko at alam ko na sa susunod, pati pamilya ko mawawala na din. Itinaya ko ang lahat ng meron ako para sayo. You're all that I have, Chad. Don't do this. Hindi ko kaya. Please."
"Im sorry."
"SORRY?! MAIBABALIK BA NG SORRY MO ANG MGA KAIBIGAN KO?! MAWAWALA BA NG SORRY MO ANG KAHIHIYAN SA PAMILYA KO?! MAAAYOS BA NG SORRY MO ANG BUHAY KO?!"
"Im sorry."
"Look, Chad, babe. Kahit ano pang mangyari, papatawarin at papatawarin kita. All you have to do is stay. Please. Im begging you. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko kung pati ikaw mawawala."
"Im very, very sorry, Cara. But I can't."
"Fuck. You."
"Good bye, Cara."
"Die."
"WALA KAMING ANAK NA KATULAD MONG MAKATI! LUMAYAS KA! NAKAKAHIYA KA! SINIRA MO ANG PANGALAN NG PAMILYANG TO! LUMAYAS KA!"
"Cara? Cara? What's happening to you?"
"L-Lumayo ka sakin! Lumayo ka!" Nag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko.
"Cara, calm down!"
"Cara! Hoy anong ginawa mo sakanya?!"
"I did nothing!"
"Anong nothing?! Cara? Cara?"
Agad akong niyakap ni Carlo at itinayo.
"Cara, Hindi ako si Chad. Naaalala mo pa ba ako? Kapatid ako ni Chad, Si Chase."
Hindi ko siya nilingon at nagmamadali kaming lumabas ng Mang Inasal ni Carlo.
"Chad is in an Asylum. If you're interested, tawagan mo lang ako sa dati kong number."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top