7

"Cara, ano na? Tara na magsumbong sa Principal."

"Para saan pa, Carlo."

"Anong para saan? Syempre para malaman nila yung ginawa niya sayo! Pinalo ka ng bote sa ulo, Cara. Muntik ka na kayang mamatay!"

"Muntik lang, buhay pa ako."

"Kahit na no! Pano kung hindi kita agad naisugod sa hospital? Edi nadeds ka."

"Edi thanks."

"You're welcome. Pero dapat parin na magsumbong tayo para makulong na ang babaeng yun."

"Hindi siya agad ikukulong."

"Ha? Eh ano?"

Nag-kibit balikat ako. "Rehab? Ewan."

"Edi ba pag nirehab ka parang kinulong ka na din?"

"Oo."

"Oh pala eh, edi parehas lang."

"Hindi."

"Bakit hindi? Parehas na nakakulong lang din naman."

"Sa rehab, ikukulong ka para turuan ng leksyon, ituro ang dapat at hindi dapat."

"Eh sa kulungan?"

"Kulong ka, pwedeng hindi ka na makalaya. Isa kang criminal."

"Edi dapat nasa kulungan yung gf ni Rey?"

"Balik ka na lang sa Junior High para malaman mo, pero mas maganda kung pati elem balikan mo na din."

"Bakit naman?"

"Wala."

"Cara naman eh, pabitin ka!"

"Wag kang maingay, matutulog ako."

"Iiih. Wala akong kausap!"

Itinuro ko ang puno na pinagsasandalan namin.

"Bakit yang puno?" Tanong niya.

"Kausapin mo."

"Hmp!"

Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang sariwang hangin. Kasalukuyan ang vacant ko at nagkataon na vacant ni Carlo kaya sumabay na siya sakin. Nandito kami sa ibaba ng puno sa likuran ng school at pinag-uusapan ang kung ano-anong bagay, sa sobrang daldal ni Carlo ay hindi siya nauubusan ng topic. Para siyang bata na curious sa lahat ng bagay.

"Cara mamaya ka na matulog, pleease."

Hindi ko siya pinansin at umidlip lang, Maya-maya ay pinisit niya ang ilong ko,   Hindi ko parin siya pinansin nang isara niya din ang mga labi ko. Patagal ng patagal ay nawawalan na ako ng hininga kaya't pinalo ko ang kamay niya at humagilap ng hangin.

"Wahahahaha!"

"Papatayin mo ba ako?!"

"Sorry na, Cara. Hahaha! Cute mo!"

"Lumayo ka nga sakin, Carlo."

"Ala galit na, Uy sorry na. Eh wala kasi talaga akong makausap eh, pinagtripan na lang kita."

"Huy, Cara sorry na."

"Caraaaaaaaaaaa."

"Cara, Cara, Cara, Cara, Cara, Cara, Cara, Cara, Cara, Cara, Cara, Caraaaaaaaaaaaaaaa."

"Ayaw mo ha."

Hindi ko parin siya pinansin at umidlip lang, bahala ka sa buhay mo.

"Labis na naiinis, nayayamot sa bawat saglit~" bigla siyang kumanta kaya kunot noong tumingin ako sakanya.

"Kapag naaalala ka wala naman akong magawaaa~ Sorry na oh Cara, Sana naman ay pansinin na ako mahirap ang mag-isaaa~ bawat oras hinahanap hanap kitaaa~" iniba niya ang lyrics ng kanta at hindi sinasadyang mag naaalala ako.

"Cara sorry na oh."

"Huy Cara, pansinin mo nako. Pleeease!"

"Tatlong araw mo na akong hindi kinakausap, please naman, Cara. It's like I've been suffering in hell these past 3 days. Sabihin mo, Cara maynagawa ba ako?"

Humarap ako sakanya at nakita ang maluha-luhang mga mata niya.

"Ano nga bang nagawa mo, Chad?"

"E-Ewan ko. Meron ba?"

"It's for me to know, and for you to suffer."

"Cara, please! Please, nakikiusap na ako. Patawarin mo na ako kung ano man ang kasalan ko. Cara maawa ka naman oh!"

"Forgive you? Pity you? Forgive you even though you don't know what is your freaki'n fault? Pity you even though you're the one who's at fault? C'mon, Chad. I ain't no kind of that girl."

"What do you want me to do then? Cara? Babe?"

"I don't know. Why don't you figure out yourself?"

Nagulat ako ng agawin niya ang gitara na bitbit ng lalaking dumaan sa gilid.

"K-Kuya yung gitara ko."

"Ibabalik ko. Paheram lang muna. Cara, Im sorry for whatever I have done wrong to you. But I dedicate this song to you so that you'll know how I feel."

"Hindi mo na ako madadala sa mga ganyan mo, Chad."

He began strumming, unti-unti ay pinapanood na kami ng ibang estudyante. Ang hilig talagang umeksena ng lalaking to.

"Labis na naiinis, nayayamot, sa bawat saglit. Kapag naaalala ka wala naman akong magawa. Umuwi ka na baby, hindi na ako sanay na wala ka, mahirap ang mag-isa~"

I felt his heart while singing the song. I felt his pain. Hindi lang siya ang nagtiis sa tatlong araw na hindi ko siya pinansin. Pati ako.

"Im really sorry, Love. I-I'll give you some space para naman mabawasan ang sakit na nadulot ko sayo. I love you, Cara."

Ibinalik niya ang gitara sa lalaki saka tumalikod at nag-lakad palayo.

"Halla war si Chad at Cara."

"Ano kayang ginawa ni Chad?"

"Magbati na sana sila, look at Chad's face oh. Naluluha na. Kawawa naman si fafa Chad."

"Baka naman kasi mabigat ang kasalanan."

Hindi ko na pinansin ang mga nagbubulungan sa tabi ko at tumalikod na din at nagsimulang maglakad. Come on, Cara. Keep your pride high. Tiisin mo muna si Chad. Siya ang may kasalanan hindi ba? Siya dapat ang nagsusuffer, pero... pero bakit pati ako sobrang nahihirapan?

"Chad!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tawagin ang pangalan niya. Agad siyang lumingon sakin.

"B-Bakit?"

Naglakad ako muli palapit sakanya hanggang sa tumatakbo na ako pati din siya. Ibinuka niya ang mga braso niya at handa na akong yakapin pero pag lapit namin sa isa't-isa ay isang malutong na sampal ang ipinadapo ko sa pisngi niya.

"Ooh!"

"Ouch!"

"Lakas non, pare!"

"W-What the—"

"Gago ka," niyakap ko agad siya pagkatapos sampalin. Niyakap din niya ako pabalik.

"Im sorry. Im so so so sorry. P-Pero ako ba yung kasalanan ko?"

"Nakalimutan mo ang first monthsarry natin!"

"Ha? First monthsarry? What the hell, Cara?"

"Anong what the hell! Kinalimutan mo! Hinintay ko na isosopresa mo ako ng kung ano o magbibigay ng chocolates o flowers o kung anong kakornihan pero wala!"

"Hey, hey, sssh, stop crying. Look, hindi ko nakalimutan o kinalimutan ang monthsarry natin dahil in the first place hindi ko naman alam na meron pala tayong ganun."

"A-Ano?" Pinunas ko ang mga luha sa muka ko.

"I don't believe in such things, Cara. Monthsarry, Weeksarry, Daysarry, I don't believe in those dahil ang mga ganun na bagay ay sinecelebrate lang ng mga taong hindi nagtatagal. At tayo? We will last forever, babe. I want to spend and celebrate our anniversaries with you, and only you."

I was dumbfounded. Sinayang ko ang tatlong araw dahil lang sa monthsarry na yan.

"O-Okay."

"Are we okay now? Bati na ba tayo?"

Tumango ako at nagpunas ng mga luha. Iniyuko ko ang ulo ko para itago ang namumulang muka ko. Nakakainis ka, Chad. Pati ba naman sa eksenang ganito pinapakilig mo pa rin ako.

"Tumingin ka sakin, Cara."

Hindi, hindi pwede. Makikita niya ang namumulang muka ko at malalaman niyang kinikilig ako.

"Huy."

Pilit niyang inaangat ang baba ko para tumingin sakanya pero nilalabanan ko siya.

"Cara, tumingin ka sakin."

"No."

"Anong no?"

"Wala."

"Cara."

"No."

"Ano bang problema?"

"Wala."

"Eh bakit hindi ka makatingin sakin?"

"Wala."

"Ayaw mo?" Ipinilig ko ang ulo ko. Nagulat ako ng kilitiin niya ang leeg ko at automatic na napatawa ako at naiangat ang muka ko. Shit!

"Bakit namumula ang muka mo?"

"W-Wala."

"Anong wala? Namumula oh."

"Wala nga."

"Kinikilig ka no?"

"Di ah."

"Weeeh."

"Hindi nga. Ang kulit mo rin eh."

"Kinikilig ka na nga eh."

"Hindi sabi. Bahala ka nga dyan."

"Uuy, wait. Ito naman, di mabiro. Basta sorry na ha? Babe? I love you. I love you sooo much."

"I love you more, Chad."

"Forever?"

"Forever."

"Promise?"

"Promise."

Promise, forever. Where's the love? Where's the promise? Where's the forever? Pangakong nasira, pag-ibig na nakamamatay. At ako, ako ang biktima. Biktima nang nakamamatay na trahedya.

"Cara, Cara, huy okay ka lang?"

"A-Ah, oo."

"Kanina ka pa tulala, nagandahan ka sa boses ko no?"

"Oo, maganda. Magaling ka palang kumanta."

"Oo naman, singer kaya ako sa banda ng school."

"Ah, ganon ba."

"Oo, hindi mo ba ako nakikita o napanood man lang? Tsaka nagte-theatre arts din ako."

"Okay."

"Alam mo, ang bastos mo!"

"Bakit?"

"Hindi mo man lang ba sasabihin na 'Wow, Carlo! Ang galing mo at ang talenteeed!"

"Ang galing mo at ang talented mo, Carlo."

"Sarcasm ba yon?"

"Hinde, diba sabi mo sabihin ko dapat yun."

"Nakakaasar kang kausap, Cara."

"Ako dapat ang mag-sabi niyan sayo."

"Ha?"

"Wala."

"Ang gulo mo naman eh!"

Umidlip akong muli at hinawakan ang ulo kong nakabenda pa dahil sa konting pagkirot.

"Masakit ba?" Tanong niya.

"Medyo."

"Isusumbong ko talaga ang gf ng Rey na yun. Ano bang ginawa mo at ganyan kalala ang ginawa niya sayo?"

Iminulat ko ang mata ko at tumingin sakanya ng deretso.

"Ano ba sa tingin mo?"

"Inagaw? Bf mo ba si Rey?"

"Hinde."

"Eh ano? Galit sayo yung gf—"

"Nakipag-sex ako sakanya," hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero natahimik ito.

Ano kayang iniisip niya at natahimik siya? Alam ko na, Siguro ay pinandidirihan na niya ako ngayon, nagsisisi kung bakit niya pa ako kinaibigan, I know, Maya-maya ay lalayuan na din niya ako.

"I know," sabi niya.

"Ano?"

"Alam ko."

"Alam ang alin?"

"Alam ko na nakipag-sex ka kay Ret ag sa mga kaibigan niya."

"Pan—"

"Ako sumisitsit sayo nung isang gabi na pumunta ka sa likuran ng school. Pauwi na din ako nun pero nakita kitang naglalakad sa field kaya sinundan kita hanggang sa pumunta ka sa likod."

"Bakit mo ako sinundan?"

"Curious lang."

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at tumingin lang sa langit habang dinadama ang simoy ng hangin. Walang nagsasalita.

"Cara."

"Carlo."

"Ikaw na mauna."

"Nagsisisi ka na ba?"

"Ha?"

"Nagsisisi ka na ba na kinaibigan mo ako?"

"Bakit naman?"

"Dahil... Dahil nakita mo yung noong isang gabi. Hindi ka ba nandidiri? Nadudugyot?"

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman."

"Ah."

Katahimikan. Dead air. May kirot sa puso ko sa sinabi niya. I knew it, hindi magtatagal makikita at makikita niya kung sino talaga ako at lalayuan na din ako. Since from the start, I knew. Wala talagang magtatagal sakin.

"Sige, Carlo, una nako may klase na ako."

"Sige."

Bakit hindi mo ako kinukulit, Carlo? Narealize mo na ba? Nagsisisi ka na ba? Ang sakit. Kahit simula't sapul ay alam na alam kong ganito din ang mangyayari, aalis siya. Pero umasa ako, na baka sa wakas ay may kaibigan na ulit ako. At the end of the day, maiiwan nanaman ulit ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top