6
"Doc, doc, doc, doc."
"Bakit, iho?"
"Ano pong oras magigising ang kaibigan ko?"
"Maya-maya lang, iho."
"Kelan po yung 'maya-maya'?"
"Basta mamaya."
"Anong eksaktong oras po yung 'mamaya'?"
"Hindi ko alam, iho."
"Bakit po hindi niyo alam?"
"Alam kong magigising ang kaibigan mo mamaya, iho. Pero hindi ko alam kung ano ang eksaktong oras,"
"Bakit nga po hindi niyo alam, Doc?"
"Dahil hindi ko nga alam ang future ng kaibigan mo!"
"Ayyy, galit?"
"Haay. Pasensya na. Kanina pa kasi ako nakukulitan sayo."
"Apology accepted, Doc. Eh doc hindi niyo ba man lang papalitan ang damit ng kaibigan ko? Tignan niyo oh, puro dugo. Sigurado akong malansa ang pakiramdam niya."
"May ipang papalit ba na damit sakanya?"
"Ba't ako tinatanong niyo? Kayo nga dapat tanungin ko eh."
"Tsk. Sige na, iho at may importante pa akong gagawin."
"Hindi po ba importante ang kaibigan ko?"
"Inportante syempre, importante ang bawat pasyente dito. Pero nasa ligtas na kalagayan na ang kaibigan mo."
"Eh bakit hindi pa po siya nagigising?"
"Ay jusqo kang bata ka nanggigigil na ako sayo!"
"Carlo," hinawakan ko ang kamay niya upang tigilan na niya ang pangungulit sa matandang doctor.
"Cara, gising ka na! Doc yung kaibigan ko gising na!"
"Ano ang nararamdaman mo, iha?"
"Okay na po, Doc."
"Mabuti, sige at maiiwan ko na kayo."
"Babye, doc! Uy, Cara okay ka lang? Gutom ka ba? Nauuhaw ka ba? Ano? Sabihin mo lang."
"Wala, okay lang ako. Salamat pala sa pag dala mo sakin dito."
"Ano ka ba, wala yun no. Ganun talaga kapag kaibigan. Hehe."
"Anong oras na pala?" Sumilip siya sa relo niya.
"6:20 na ng gabi."
"Ha? Ganun na ba ako katagal natulog?"
"Oo, gusto na nga kitang sampalin para gumising ka na eh...... Char!"
"Ah."
"Uy, grabe. Tawa ka naman ah, joke yun."
"Haha."
"Wow, naappreciate ko ang pag tawa mo ha."
"Sige."
"Hmp!"
"Bakit? Ay, pwede na daw ba ako lumabas?"
"Malay ko, tanong mo sa gaurd."
"Bakit si gaurd?"
"Syempre sila yung nasa pinto ng hospital, malamang sila ang magdedesisyon kung papalabasin ka o hinde."
"Joke din ba yun?"
"Ha?"
"Wala."
"Ang weird mo, Cara."
"Ako pa talaga ang weird."
Bumaba ako ng kama at sinubukan mag lakad pero natumba ako kaya napahawak ako kay Carlo.
"Uy, ano ba, humiga ka lang baka mapano ka," sabi niya.
"Hindi, okay lang ako."
"Okay? Eh hindi ka nga makatayo eh. Wag ka daw masyadong gumalawa galaw at baka mapano yang ulo mo, tinahi kasi yan kanina."
"Talaga? Magkano daw ang babayaran ko dito?"
"Wala na, nabayaran ko na lahat."
"Bakit mo binayaran?"
"Kasi binayaran ko."
"Bakit mo nga binayaran."
"Syempre kasi dapat bayaran, alangan hindi tayo magbayad edi pinalabas pa tayo dito."
Naipikit ko ang mata ko at hinilot ang sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sayo, Carlo.
"Okay ka lang? Masakit ba ulo mo? Sandali tatawagan ko si Doc," pinigilan ko siya sa paglabas ng kwarto.
"Hindi, wag na."
Humiga akong muli sa puting kama at pumikit. Dinadama ang kirot mula sa pagkatahi ng ulo ko. Pakiramdam ko ay bumukas ang tahi sa ulo ko dahil sa sakit. Wala ba silang nilagay na anestisya? Pag mulat ko ng mga mata ko ay naduling ako sa sobrang lapit ng muka ni Carlo sa muka ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Tinitignan ka."
"Bakit mo ako tinitignan?"
"Kasi gusto kitang tignan."
Namimilosopo ba siya o sadyang sa ganun na paraan talaga gumana ang utak niya?
"Uwi na tayo."
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Bakit tayo uuwi?"
"Para magpahinga, kumain, matulog. Ano pa nga ba."
"Oo nga no, sige tara, uwi na tayo."
Lumabas siya ng kwarto at iniwan ako. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya, seryoso ba siya na iiwan ako dito at uuwi na siya? Dahan-dahan akong bumaba sa kama ko at dahan-dahan ding naglakad papunta sa nakabukas na pinto ng kwarto.
"Uy, Cara bat ka tumayo? Sinabing dun ka lang eh," tulak tulak niya ang wheel chair na pumasok sa kwarto.
"Oh sakay na," sumakay ako sa wheel chair at lumabas na kami ng kwarto.
"Doc, punta na kami. Okay na daw po itong kaibigan ko. Bye, Doc!"
"Sige, iho."
Itinulak ni Carlo ang wheel chair habang tinitignan ko ang mga pasyente na nadadaanan namin sa hallway, Pinagtitinginan nila kaming dalawa.
"Cara."
"Oh?"
"Gusto mo ba ng mabilis?"
"Ano?"
Mabilis? Mabilis na ano? Mabilis na pagkayod? Sabi ko na, sex lang ang habol sakin ni Carlo. On the second time, I thought—I assumed na kaibigan ko talaga siya—at kaibigan din niya—
"Yung mabilis na mabilis! Wahaha!"
Nagulat ako ng bumibilis ang pagtulak niya sa wheel chair, pabilis ng pabilis hanggang sa—
"Carloooooo!"
"Yoohooo!"
"Carlo itigil mo!"
Napakapit ako sa wheel chair dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako.
"Wahahahaha!"
"Carlo, mahuhulog ako!"
"Wag ka mag-alala, Cara, hindi kita hahayaang mahulog, basta kumapit ka lang and enjoy the ride. Pero kung sakali man na mahulog ka, sasaluhin kita."
Tila dumoble ang tibok ng puso ko, may double meaning ba yun o binibigyan ko lang ng kahulugan?
"Ready?"
Nagkunwari pa siyang may kambyo sa gilid ng wheel chair.
"Broom! Broom! Broooom!"
Itinulak niya ang wheel chair at mabilis na tumakbo. Umalingawngaw ang hagalpak niya sa hallway at pinagtitinginan kami ng mga pasyente. Tinignan ko siya at deretso lang ang tingin niya pero kitang-kita sa mata niya ang saya at hindi maalis ang ngiti sa labi niya. Isip bata. Mapang-asar. Makulit. Yan ang ugali ni Carlo, ng kaibigan ko.
"Cara madaya ka, ako naman ang itulak mo!"
Tumayo ako sa wheel chair at siya ang umupo, nagpalit kami ng pwesto.
"Bilisan mo, Cara!"
Kahit kumukirot ang ulo ko pinilit kong itulak ang wheel chair pabilis ng pabilis hanggang sa tumatakbo na ako.
"Wahahahaha wooooh!"
Napangiti ako at nadala sa saya ni Carlo. Hindi alintana ang mga tingin sa amin ng ibang pasyente, tawa namin ni Carlo ang maririnig sa buong hallway. Mabuti na lang at walang Doctor o Nurse na rumoronda.
"Bilis, Cara! Bilis! Broom! Broom!" Para siyang bata na naglalaro ng motor.
Nakita ko ang hagdanan na pababa sa dulo ng hallway, binilisan ko pa lalo ang pagtakbo at natigil si Carlo sa paghagalpak kaya ako naman ang humagalpak ng tawa. Kitang kita sa muka niya ang kaba at takot na mahulog sa hagdanan.
"C-Cara may hagdan!"
"Ha? Hahahaha!"
"Cara! Waaah!"
Nasa dulo na kami ng hagdanan at nakapikit na si Carlo nang itagilid ko ang wheel chair niya at tumigil bago pa mahulog sa hagdanan.
"Hahaha tsura mo, Carlo! Hahaha!"
"Oh my god. Muntik na akong atakihin dun!"
"Hahahahaha!"
"Oh my god," tinakpan niya ang bibig niya at tinuro ang muka ko.
"Bakit?"
"Tumawa ka."
"Ha?"
"Ngumiti ka."
"Ha?"
"O. M. G. For the first time nakita kitang tumawa, Cara!!!"
Napahinto ako pati siya, saka ko narealize, Ngumiti ako. Tumawa ako. Sumaya ako. Totoong saya. Totoong ligaya.
"Oo nga," nasabi ko at nginitian siya.
"Salamat ulit, Carlo."
"Para saan?"
"Napangiti mo ako. Napasaya. Sa loob ng isang araw na nakasama kita, ang dami kong nailabas na emosyon na hindi ko inakala na maipapakita ko sa harap ng ibang tao. Lalo na sayo. Pero, heto tayo ngayon, nagtatawanan. Kanina lang sa school, naglalabas ako ng mga sakit na nararamdaman ko sayo, ngayon naman. Napasaya mo ako."
"Walang ano man, Cara."
"Salamat, maraming salamat sa panandaliang saya, panandaliang pagkalimot saking mga problema. Salamat sa lahat."
"Ano ba, Cara. Para namang sinasabi mo na last na to. Hindi no. Hangga't kasama mo ako, marami pa tayong emosyon na ilalabas, mararamdaman. At sabay natin yun ibabahagi sa isa't-isa. Sabi ko naman sayo, kasama mo ako sa hirap, lungkot at saya," tinanguan ko siya.
"So ano, friends?" Inabot niya ang kamay niya.
Nakapasok ka na sa mundo ko, Carlo. Tinanggap mo lahat ng pwedeng mangyari sayo. Bakit? Para kaibiganin ako? Kung ganon, salamat. Maraming maraming salamat.
"Friends," hindi ko tinanggap ang kamay niya sapagkat niyakap ko siya.
Kaibigan. Natatakot ako para sayo, Carlo. Baka mapahamak ka lang din kagaya ng ginagawa nila sakin. Pero mas ikinakatakot ko na baka balang araw ay pagsisihan mo na kinaibigan mo pa ako, pagsisihan mo ang mga bagay na mangyayari sa pagpasok sa mundo ko.
"Sabi ko naman sayo, kasama mo ako sa hirap, lungkot, at saya."
Sana nga. Sasamahan kita, Carlo. Pero alam ko, isang araw. Magsasawa ka din, iiwan mo din ako at babalik ka sa mundong kinagisanan mo. Kagaya nang ginawa nilang lahat. Magsasama-sama kayo, at ako, maiiwan muling mag-isa sa sariling mundo ko.
Pero sa ngayon, sulitin na lang muna natin ang saya sa isa't-isa. Pagkakaibigan na nabuo sa pagitan ng dalawang tao mula sa magkabilang mundo. Isang salot at isang iniidolo.
Tinalikuran niya ang mundo niya at pumasok sa mundo ko para kaibiganin ako. Pero... kaibigan nga lang ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top