5

"Cara, sabay tayo mag-lunch!"

"Wala akong pera."

"Libre ko naman eh."

"Busog ako."

"Sige na, Cara. Pleeease!"

"Busog nga ako."

"Kahit konti lang kainin mo, basta sabayan mo ako."

"Bakit ba ang kulit mo? Hindi naman tayo close."

"Kelangan ba close tayo para kulitin kita?"

"Oo."

Inakbayan niya ako at inilapit ng sobra ang katawan niya sakin.

"Ano nanaman ba yang ginagawa mo?"

"Sabi mo dapat close tayo para kulitin kita. Ito oh, sobrang close na natin."

Inirapan ko si Carlo. Palagi na lang siyang sunod ng sunod sakin. Ang dami dami niyang sinasabi at lagi niya akong kinukulit. And yet, I know. Plastic. Purong ka-plastikan lang ang pinapakita niya sakin. Gusto niyang mapaniwala ako na kaibigan talaga ang tingin niya sakin tapos makikipag-sex lang din sa dulo. Too clićhe. Ba't kasi hindi niya pa sabihin na gusto niya lang akong maka-sex.

"Tama na ang ka-plastikan, Carlo."

"Paulit-ulit na lang ba, Cara? Hindi nga ako nagpapaka-plastik."

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Then give me a valid reason. Yung mapapaniwala mo ako."

"Hindi pa ba sapat yung gusto ko lang makipag-kaibigan sayo?"

"Hindi. Makipag-kaibigan sa katulad kong malandi? Marumi? Fuckgirl? I know meron kang hidden agenda. Sabihin mo, sex diba? Sex ang habol mo. Lahat ng tao dito sa school, mapa-senior, junior, babae, lalake, bakla, teachers ayaw sakin. Pinandidirihan ako, tapos ikaw nandito ngayon sa tabi ko, kinukulit ako. Sabihin mo nga kung pano kita papaniwalaan," tinitigan ko siya at naghintay ng sagot niya pero nanatili lang siyang tahimik.

"Ni hindi ka maka-sagot kasi tama ako. Sunduin mo ako mamayang hapon pagkatapos ng klase sa gate. Idala mo ako kahit saan mo gusto, basta bayaran mo ako at siguraduhin mong hindi mo na ako lalapitan kahit kailan."

Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Sa aking paglalakad ay may pumalo sa ulo ko ng kung anong babasagin mula sa likuran.

"Malandi kang babae ka! Pati ba naman si Rey aagawin mo sakin! Hayop ka! Lahat na lang ng mga boyfriend ko inaagaw mo! What did I do wrong to you?! Papatayin kita!"

Naramdaman ko ang sabunot, tadyak, sampal sa akin. Naramdaman ko din ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko. Kirot, hapdi, sakit.

"Oh my gosh bes, Cara is bleeding!"

"Hala ang OA naman ng dugo sa ulo niya!"

"Duh! She deserves that."

"Uy girl tao parin siya."

"Pinalo siya ng bote sa ulo nung girlfriend ni Rey!"

"Bote? Oh my god! Idala na natin siya sa Clinic!"

"Cara!" Nakita ko si Carlo na tumatakbo palapit sakin.

"Bitawan mo nga siya!" Tinulak niya ang girlfriend ni Rey at naramdaman ko ang pag-buhat niya sakin.

"Ouch! Im not done with you, bitch!"

"Tabi! Tabi!" Tinutulak niya ang mga estudyante na nakaharang sa daanan at sobrang bilis na tumakbo papunta sa Clinic.

"Nurse! Nurse! Tulong!"

"Maryosep! Anong nangyari sakanya?"

"Pinalo po ng bote ng coke sa ulo."

"Hala! Ano ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Pumapatay na!"

"Mrs. Nurse tulungan niyo po si Cara."

"Oo, iho."

Ipinikit ko ang mata ko at naramdaman ko ang pag-hawak sa ulo ko ng matandang nurse, naramdaman ko din na may humawak sa kamay ko. Iminulat ko ang aking mata at nakita ang nag-aalalang muka ni Carlo. Still, plastic.

"Nako, iho. Mukang doctor na ang kailangan niyo. Critical na ang kondisyon ng batang to. Pasensya na iho."

"Sige po, salamat."

"Tatawag na ako ng ambulansya."

"Wag na po, Mrs. Nurse. Matagal pa po bago dadating ang ambulansya baka maubusan na ng dugo ang kaibigan ko."

Kaibigan. Kelan ba ako huling nagkaroon ng kaibigan? Kaibigan na kasama ko sa pag tawa, iyak, at mag-aalala sayo kapag may nangyari. Yung mga kaibigan na kasangga ko, Kaibigan  na pwede kong pag sandalan. Nawala. Lahat sila nawala. Wala ng natira sa akin. Ano pa bang silbi ng buhay ko?

"Putangina naman," galit na bulong ni Carlo. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkislap ng tubig mula sa mga mata niya at ang pagtulo nito.

"B-Bakit ka ba umiiyak?" mahinang sabi ko dahil nang-hihina na ako.

"Hindi ah. Pawis yon."

"Wag mo akong iniiyakan, hindi dapat ako iniiyakan. M-Mas mabuti na din siguro kung mamatay na lang—"

"Wag mo ngang sinasabi yan! Hindi ka mamamatay! Malapit na tayo oh, Nandyan na yung gate. Sasakay na lang tayo sa tricycle tapos makakarating na tayo sa hospital at gagamutin ka na. Hindi ka mamamatay!"

Huminto siya saglit sa pagtakbo at inayos ang pagbuhat sakin.

"Pinapagod mo lang sarili mo, ibaba mo na ako."

"Baliw ka ba? Bakit kita ibababa?"

"Ibaba mo na ako, kaya ko ang sarili ko."

"Hindi mo kaya. Nanghihina ka na nga oh, halos hindi ka na makapag-salita."

"Kaya ko."

"Wag mo ng ipilit, Cara. Hindi mo kaya!"

"Kaya ko!" Sigaw ko sakanya kaya napahinto siya. Kahit nanghihina ay itinulak ko siya kaya nabitawan niya ako.

"Ah!"

"Cara! Sorry sorry!"

"Wag kang lalapit!"

"Pero Cara—"

"Sinabi ng wag kang lalapit!"

"Hindi mo kaya."

"Kaya ko!"

Kahit nanghihina ay tumayo ako pero natumba din ako. Tumayo ako muli kahit nanginginig ang mga tuhod ko at bibigay ano mang oras.

"Cara, please. Hayaan mo akong tulungan ka. Hindi mo kayang mag-isa."

"Hindi ko kaya? Gago ka ba? Ako pa? Hindi ko kaya? Bobo! Dalawang taon! Dalawang taon kong tiniis lahat ng sakit! Lahat ng paghihirap sa paaralang to!"

Tumingin ako sa mga estudyante na kanina pa kami pinapanood mula ng lumabas si Carlo sa Clinic at tumakbo sa field habang buhat ako.

"Nawala ang pamilya ko, nawala lahat ng kaibigan ko. Naging fuckgirl ako. Nilait, binully, sinaktan. Nakita mo bang umiyak ako? Nakita mo bang may isang patak man lang ng luha na lumabas sa mata ko? Wala. Wala akong  pinaglabasan ng mga sakit, lahat ng paghihirap ko, kinimkim ko sa sarili ko. Dahil malakas ako at kaya ko!"

"Ilang beses ko na bang inisip ang magpakamatay? Milyon-milyon na. Inisip ko kung mawawala na ako sa mundong to, maaalis na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala ng problema, wala ng pokpok, prostitute, ahas sa paaralan na to. Wala ng mang-aagaw sa mga boyfriend nila. Pero nandito ako, nakatayo sa harapan niyo, buhay na buhay."

Kami lang ni Carlo ang nasa field at yung mga nanonood sa amin ay nasa mga bench at mga hallway, pinag-uusapan ako, vinivideo, kinuktya.

"Buhay ako, buhay na buhay. Sana pala sinaksak na lang ako kanina ng bote sa ulo para mamatay na agad eh. Ang tanga ng girlfriend ni Rey."

"Cara..."

"Sabihin mo sakin, Carlo. Hindi ko ba kaya?"

"Car—"

"Sabihin mo!" Sigaw ko sa kanya.

Sa pinaka-unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, ngayon lang ulit ako naglabas ng sakit ng loob. Sa harap ni Carlo. Sa harap ng madaming tao.

"Kaya ko, Carlo. Kahit mahirap kinakaya ko. Kahit hindi ko na kaya, kakayanin ko. Hangga't nabubuhay ako, makakaya ko."

"Bitch! Nagpapaawa lang yan!"

"Oo nga!"

"Ulul! Di mo kami maloloko!"

"Layuan mo yan, Carlo!"

"Pokpok!"

"Malandi!"

"Prostitute!"

"Ahas!"

"Pa-Yours!"

Nag-batuhan ang mga estudyante ng kung ano-anong bagay papunta sa direksyon namin... sa akin.

"Ito, ito ako, Carlo. Salot, kalaban ng buong mundo. Ngayon, sabihin mo sakin. Kaibigan parin ba ang tingin mo sakin?"

Tinitigan ko siya at nilabanan din niya ang tingin ko. Kahit na inuulan kami ng kung ano-anong gamit mula sa mga estudyante ay nanatili parin kaming dalawa na nagtititigan sa gitna ng field.

"Dun ka nararapat," tinuro ko ang mga estudyante na binabato kami.

"Dito ako nararapat," tinuro ko ang kinatatayuan ko.

"Nasa mundo ka dapat ng mga masasayang kabataan, nagtatawanan, sinusulit ang pagiging teenager, I-enjoy mo ang buhay mo hangga't kaya mo. Wag mong sayangin ang buhay na kinagisnan mo para sa taong walang kwenta katulad ko. Mas mahirap ang magsisi kesa mang-hinayang. Sige na, sumama ka na sakanila. Kagaya nila, batuhin mo din ako ng kung ano-ano kung magkakasalubong tayo, patidin mo ako, laitin. Gawin mo lahat kung yun ang ikakasaya mo. Sundin mo kung anong sinasabi ng isip mo. Mahalin mo kung anong meron ka."

Tumalikod ako sakanya at iika-ikang naglakad palayo. Kahit  na kumikirot ang ulo ko ay hindi ko ininda. Sige na, Carlo. Sumama ka na sakanila. Wag kang gumaya sakin. Dahil ang pagiging isang kaibigan ko ay pagpasok sa mundo ko. At sa pagpasok mo sa mundo ko, sinira mo na din ang buhay mo.

"Cara!"

Isang malaking bato ang tumama sa ulo ko, Naipikit ko ang mga mata ko sa sobrang sakit at tumumba sa damuhan. Pero bago pa ako matumba ay may sumalo sakin.

"C-Carlo, a-ano ba—"

"Mali. Ang totoong kaibigan ay nandyan sa tabi mo kahit anong mangyari. Sa saya, lungkot, at hirap. Wala akong pake kahit mag-hirap ako. Wala akong pake kahit batuhin din nila ako ng kung ano-ano, laitin, kutyain. Basta sabay tayong mahihirapan, sabay tayong tatawa, sabay tayong iiyak. Yun ang totoong kaibigan. Alam kong maiintindihan ako ng mga kaibigan ko dahil totoo sila, kagaya ko. At kahit ipagtulakan mo ako palayo, wala ka nang magagawa dahil kaibigan kita at kaibigan mo ako."

"Carlo..."

Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay nang pag-tulo ng luha ko. Ito ang kauna-unahang beses na lumuha ako, sa harapan pa ng isang lalaki, sa harapan ni Carlo, sa harapan ng kaibigan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top