34



"Wow, nice drama, award winning ang acting!" Pumapalakpak pa si Doc. "Anyways, sorry to interupt the drama, pero may iba pa bang may gustong magtanong?"

"A-Ako po," Tumingin kami kay Carlo na mukhang kinakabahn na natatawa na natatakot na ewan.

"Wow, Carlo. Ano naman kayang itatanong? Siguraduhin mong may silbi yan."

Pinanlakihan ni Talia ng mata si Carlo.

"A-Ah, a-ano po kasi, ano..."

"Nahihiya ka ba? Aba! May hiya ka pala, hahahaha."

"Ikaw lang naman 'tong walang hiya na magsusuot ng all white na outfit sa all white na room tapos ang itim pa ng muka mo, ano ka cookies and cream?" Dere-deretsong sabi ni Carlo na para bang wala siyang kasama.

Kumunot ang noo ni Doc at agad akong napalunok. Kahit kailan talaga yang bunganga mo, Carlo!

"Joke! Hehe, Wala po akong tanong, Kuya Bruce Lee, ayoko lang po kasing mapahiya ka kasi baka walang magtanong kaya nagtanong na lang po ako kahit wala akong tanong."

"May panahon para sa biro, at hindi ngayon ang panahon na 'yon," seryosong sabi ni Doc.

Ngumisi naman si Carlo ng nang-aasar, jusko po, Carlo, manahimik ka na lang kung gusto mo pang mabuhay!

"Ikaw Bruce Lee may paganyan-ganyan ka na ha, kelan lang nung suma- Sarah Geronimo ka ng acting ah, sample, sample, sampl—"

"Ako may tanong," Sabi ni Chase kaya nalipat sakanya ang atensyon namin.

"Ay wow, sumasapaw," Nag-make face si Carlo kay Chase pero hindi namn siya pinansin.

"Si Cane, he's my son, tell me, anak ko siya 'diba? I can see my features in him, hindi pwedeng hindi ko siya anak."

"Sad to say hindi ikaw ang ama, Chase. The father of Cane is your twin brother," Napa-kunot ako ng noo.

How come? Isang beses lang may nangyari sa amin at yun yung—

"Ang plano niyo ng anak kong si Melanie ay napaka-tanga, naunahan ka ng kapatid mo, Chase. Nung blinock-mail mo siyang makipag-sex kay Cara at i-video, he bursted inside her. At kamalas-malasan na fertile noon si Cara."

"No way shit, pinutukan ko din siya! Napakaraming beses para masigurong may mabubuo, at ngayon na meron na si Cane, ako na ang pipiliin niya, sa akin na siya mapupunta—a-and the features on his face, kuhang-kuha niya sa 'kin, so ako ang ama!"

"Tanga ka talaga, ano? Hindi niya nakuha sayo kundi sa kapatid mo, kambal nga kayo, diba? kambal. At kahit ilang beses mo pa siyang putukan, she was comatose that time. Kapag patay ang utak ng isang tao, patay din ang cells at orgasms sa loob nito kaya imposibleng magka-anak kayo."

"Tangina ka! Sinabi mong ako ang ama! Gago ka!"

"Of course, para mapahaba ang istorya niyo. At kung sinabi ko mang si Chad ang tunay na ama ni Cane ay baka magpakamatay ka pa."

"TARANTADO! PAPATAYIN KITA!!" Muli ay nag-wala si Chase. Napapikit na lamang ako.

Anak ko si Chase, anak namin ni Chad. Medyo lumuwag ang puso ko sa nalaman.

"Anyways, sino pang may tanong?"

"Bakit kinailangan ko pang pumunta sa states? At yung mga gamot na ibinibigay mo sakin, sabi mong yun ang gamot ni Chase. Was it also an experiment?" Sabi ni Chad.

"Ah, I did my daughter a favor. Sinabi niya sakin ang plano nila ni Chase, gusto niyang magkalayo kayo ni Cara kaya naman sinabi ko na lamang sa mga magulang niyo na mas mapapabilis ang pag galing mo sa states." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Grabe, iba ang kamandag ng isang Cara Del Valle. Alam mo bang nadespress din si Chad dahil sa'yo? Pagkatapos niyang ikalat yung scanda ninyo at malaman ang mga nangyari sayo, halos magpakamatay siya dahil sa awa. Pinapatay niya ang sarili niya. Hindi kumakain, palaging puyat, palaging umiiyak. Kinakain siya ng lungkot, galit at awa. And so I helped him, binigyan ko siya muli ng gamot na ibinibigay ko kay Chase nung lumipad kaming papuntang states. Nakikita ko ang pagbabago niya, hanggang sa napansin kong bumabalik nanaman siya sa dati, hindi niya iniinom ang mga gamot na ibinibigay ko," Pa-iling iling siyang tumingin kay Chad.

"Without us knowing, may connection pa pala siya sa pilipinas, mino-monitor ka parin niya. Naisip kong gawin ang room na 'to para sakanya. Actually, hindi si Chase ang nag-uutos sa akin na idala dito ang mga gamit na nakita ninyo sa laboratory, siya ang inuutusan ko, alam ko ang pasikot-sikot sa hospital na 'to dahil nga tumulong ako sa pag-gawa, may underground dito na siyang pinagdadaanan ni Chase sa tuwing may ipinadadala ako sa room na 'to. And the tank that you saw? I made that."

"Ang tubig na nasa loob ay hindi lang basta tubig, may halong gamot ang tubig na siyang tine-take ni Chase. 1 week ang kailangan para ma-digest ng utak ang gamot, alam niyo bang last day na dapat ngayon ni Chad pero dahil sainyo, back to zero na naman. My main goal is to make a medicine na kapag tinake ay tuluyan kang mababaliw? Unsuccessful pa si Chase dahil may naiiwan pang emosyon sa kanyang puso. May awa pa. But I do have an experiment na hindi ko akalaing magiging succesful."

Medicine? It's not a medicine because medicine is for medication, It's a fucking drug!

"Meet my successfull human experiment, my daughter."

Nanlaki ang aking mga mata nang bumukas ang pintuan at pumasok sa kwarto si Melanie. Napa-singhap ang iba dahil kilala nila si Melanie kagaya ko.

"You freak? Pinageksperimentuhan mo si Melanie? Ang sarili mong anak?!" Sigaw ni Chad, maging ako ay hindi makapaniwala.

Baliw nga siya, sinong matinong tatay na gagawing experiment ang anak?

"Well, at least it was succesful," Ngumisi siya at kinuha ang baril ng gaurd niya.

A-Anong gagawin niya?!

Inabot niya sa walang ekspresyong si Melanie ang baril at itinutok ni Melanie ang baril sa amin.

"Hoy puta, i-ibaba mo nga yan!"

"M-Melanie put the gun down."

"Kapag ako natamaan dyan sinasabi ko sayo, sinasabi ko sayo ha, sinasabi ko talaga sayo. Matatamaan ka rin sakin."

"This is my goal, ang tuluyang mabaliw ang isang tao. No emotion left, no mercy, no sadness, no heart, empty. Let me show you how amazing my first ever successful human experiment is, daughter, shot whom you want to shoot," Ngumisi siya at kinasa ni Melanie ang baril na hawak.

Nanlaki ang mga mata namin at nagsisisigaw.

"M-Melanie! Listen! Ibaba mo ang baril! W-Wag mong hayaan— Waaaaah!" Napatili na lamang ang iba sa amin ng kalabitin ni Melanie ang gatilyo ng baril at natamaan sa dibdib ang isang lalaki na kasama namin.

"Stop this! Stop! Tulooong!" Sunod-sunod na putol ng baril ang halos bumingi sakin at umalingawngaw sa buong kwarto.

Iyakan, sigawan, at paghihingi ng pagmamakaawa ang naririnig, ngunit sa kabila ng ingay ay umaapaw ang malakas na paghalakhak ng demonyong nagngangalang Bruno. This is shit. This is a fucking massacre. Nawala ang putok ng baril, nawala ang sigawan at iyakan. Nanginginig man sa takot ay iminulat ko ang aking mga mata, bloods were everywhere.

Nanginginig akong lumingon, wala ng malay ang mga lalaking kasama namin, duguan sila at may mga tama ng baril sa iba't-ibang parte ng katawan. Nanginginig at tahimik na umiiyak sina Talia at Sheryl, naka-pikit ang mga mata ni Marc at Carlo, habang sila Chase at Chad ay nangingig man, galit at masama parin ang tingin kay Doc.

"Ah, history do really repeats itself, I remember the days when my father killed his own family, and now, anak ko naman ang pumatay. This feels so good."

Kasalanan ko 'to, kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kung hindi dahil sa akin hindi mapapahamak ang mga kaibigan at mahal k sa buhay, kung hindi dahil sa akin hindi mababaliw si Chase. This is all my fault.

"A-Ako na lang, ako ang puno't-dulo ng lahat ng 'to, ako na lang. Wag mo ng idamay ang mga kaibigan ko," Humihikbi kong wika, narinig ko ang tawa ni Doc.

"Cara ano bang sinasabi mo?!"

"Shut up, Cara, shut up!"

"H-Hindi, wag na si Cara, ako na lang!"

"Cara, Cara, Cara. Such a damsell in distress, with two knight in shining armor, ah, tatlo pala. Kasama ka pala, Carlo? Hahahaha! Iba talaga ang kamandag ng babaeng 'to."

"Wag mo na silang idamay, Bruce, ako na lang!" Sigaw ko sakanya.

"No! Hindi pwede, ako na lang Kuya Bruce Lee!"

"Wag kang magpaka-hero Cara, hindi pwedeng mapahamak ka, ako na lang!"

Napahalakhak si Doc at lumapit kina Carlo at Chad.

"At ano naman ang dahilan mo Carlo para i-riska ng buhay mo para kay Cara?"

"May kasalanan ako sakanya, niloko ko siya, ginamit ko siya. Sa kabila ng mga paghihirap niya dinagdagan ko pa. Hindi niya deserve ang mga nangyayari sakanya. Hindi niya deserve mabuhay ng ganito. Mabuting tao si, Cara, b-binago siya ng mga hayop na katulad niyo!" Umiiyak si Carlo ganun din ako.

"Wow, hero of the year na ba ito? Eh ikaw naman, Chad?"

"I-I'm the worst, sinira ko ang buhay ng taong mahal ko, ako ang dahilan kung bakit naging ganito siya, kung bakit nagbago ang buhay niya. Sorry is not enough for the paina and problems I've done to her, maybe my death will do," Umiiling akong tumingin si umiiyak ding si Chad.

"Ooh, wow, eh ikaw Chase? Gusto mo sali?"

Bahagyang nanlaki ang mata ko at kumabog ang dibdib ko ng maramdamang lumuwag ang taling nasa kamay ko.

"I don't have to save her, If you kill her, kill me too. If she suffers, I suffer too."

"Consistency is really the best. Oh, alam niyo ba na bago gumana ang gamot sa utak niyo, kailangan meron kayong goal na gawin? Just like Chase, Ang goal niya ay mapasakanya si Cara no matter what it takes, At ang goal ni Melanie? Say it daughter," tumingin kami kay Melanie na lumapit sa akin.

"Own Chad and kill Cara," Napa-pikit na lamang ako ng itutok niya ang baril sa aking ulo. Nagsigawan ang mga kasama ko.

"Mommy!" Tila ba nag-slow motion ang lahat nang lumabas si Cane mula sa passage at tumakbo papunta sa gawi ko.

"N-No, No, Cane no!"

Huli na nang tuluyan niya akong niyakap at pumutok ang baril, naramdaman kong tuluyan ng lumuwag ang tali sa mga kamay ko at sinalo ko si Cane na natamaan ng bala na dapat sa akin tatama.

Natumba ako sa sahig dahil nakatali parin ang aking mga paa, yakap-yakap ko si Cane na nasa ibabaw ko, naramdaman ko ang dugo mulo sa kanyang likd na siyang tinamaan ng bala.

"N-No, no, no, C-Cane."

"Cane!"

"Demonyo ka! Sinaktan mo ang anak ko!"

"M-Mommy?"Bumabagsak ang talukap ng mga mata niya.

"Wag, don't sleep, baby. Gumising ka lang."

"M-Mommy? Why you cry? I-I saved you."

"Sssh, you shouldn't have done that. Keep awake."

"Mommy, Im sleepy."

"N-No."

Naramdaman ko ang dulo ng baril na naka-dikit sa noo ko.

"Melanie, itigi mo na 'to nakikiusap ako! Wag mo ng saktan ang mag-ina ko!"

Natigil si Melaine at lumingon kay Chad. "Pero may anak din tayo, Chad." Halos hindi ako maka-hinga sa narinig. A-Ano?

"What the fuck are you saying? Walang nangyari sa atin kahit minsa—"

"My daughter is right. She's two weeks pregnant with your child, Chad."

"Anong kagaguhan 'to? Walang—"

"I'm the father," napatingin ang lahat kay Chase na tulala.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Melanie sakanya.

"Ako ang ama ng batang dinadala mo."

"No! Si Chad ang ama nito! Papatayin ko ang mag-ina mo, Chad, para kami na lang ang pamilya mo. Watch me kill your beloved Cara and Cane."

"Melanie!"

Napa-igtad ako ng kinalabit na niya ang gatilyo, tumunog ito pero... wala ng bala.

"The hel—"

Narinig ko na lamang na may bumalibag at baril na pumutok, pinakiramdaman ko kung ako ba ang natamaan pero hindi. Napamulat ako ng mata at nakitang napaluhod si Melanie sa aking harapan at lumabas ang dugo mula sa kanyang bibig. Saka napadapa.

"Lahat ng baril niyo ibaba! Walang gagalawa!" Pumasok ang mga pulis at pinalibutan kami, kinuha nila ang baril nina Doc at ng mga kasama nito.

Kasunod ng mga pulis ay pumasok ang lalaking hindi ko inaasahang makiita sa ganitong sitwasyon, nag-aaalala at tila ba may hinahanap siya.

"C-Cara?"

"Art?"

Lumapit siya sa akin at nag-dilim na ang aking paningin.


_____

A/N: Omg omg omg, epilouge is next!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top