33


"Nagulat ba kayo, guys?" Sarcastic niyang sabi sa 'guys' at humalakhak.

"K-Kuya B? P-Pano?" Wika ni Sheryl. Hindi lang ikaw ang naguguluhan Sheryl.

"Ang galing ko, diba? Hahahaha! Naku naman, ang dami ko ng iniwan na signs hindi man lang kayo nagtaka? Ang mga kabataan nga naman ngayon, matalino sa pagbibiruan bobo sa trayduran."

"Puta ka, Kuya B! Ang puta mo! Ang puta puta mo!" Galit na sigaw ni Marc sakanya.

"Kuya B?" Tanong ni Chad at tumingin sa akin.

"Gaurd siya, sakanya kami nagpatulong para makapasok dito," pag-amin ko.

"Gaurd? Panong naging gaurd si Doc? Siya ang may-ari ng asylum at siya din ang private doctor namin."

Nagtinginan kami nina Marc at Sheryl. The hell?

"Sadyang bobo ba ang mga botong 'to o magaling lang akong manloko?" Nagtawanan sila kasama ng mga gaurds niya.

Naka-suot ng black tuxedo at shades ang mga lalaking kasama niya at white tuxedo at white slucks ang suot ni Kuya Bruno... or Doc?

"Anong ginawa mo sakanila, Doc?" Halata sa boses ni Chad ang pagpipigil ng galit.

"Well, natripan ko lang naman magpanggap na gaurd nung araw na 'yon, tapos dumating ang tatlong 'to," tinuro niya ako, si Marc at si Carlo na unti-unti'y nagigising na hanggang sa tuluyan na nga siyang magising.

"Hayop ka, Kuya B! Manloloko! Bakit?! Bakit mo kami sinaktan? Bakit mo kami niloko? Ano bang ginawa namin sayo, ha? Sabihin mo, ano?! Minahal kita pero ito pa ang igaganti mo?!" Sunod-sunod na sigaw ni Carlo na muling nagpahalakhak kay Doc.

"Nakakatuwa kang bata ka, kahit sa mga ganitong sitwasyon nagagawa mo pang mag-biro."

Humagalpak ng tawa si Carlo kaya't natigil kami at napunta sakanya lahat ng atensyon, maging si Talia na kanina'y walang malay ay nagising dahil sa lakas ng tawa ni Carlo na umaalingawngaw sa buong kwarto.

"Anong nakakatawa?" Seryosong tanong ni Doc kay Carlo.

"Ikaw."

"At sa panong paraan ako naging nakakatawa?"

"Muka ka kasing clown, isa kang malaking patawa!" Muling humagalpak si Carlo ng tawa, tawa niya lamang ang naririnig sa buong kwarto dahil siya lang naman ang nag-iingay, natigil lang siya ng mabulunan sa sariling laway at umubo-ubo. Tumingin siya sa amin na naka-tingin sakanya at umiwas naman siya ng tingin saka nag-'ehem'.

"Plinano ko ang lahat ng 'to, maliban nung araw na dumating ang tatlong 'to at nagtatatanong sa 'kin. Dun ko lang naisip na gawin 'to."

Natahimik ang lahat at nag-abang sa susunod niyang sasabihin.

"I want to say something, Chase."

"What is it?"

"Hindi mo anak si Cane."

Halos malaglag ang panga namin ng dere-dretsong niyang sabihin iyon kay Chase, wala man lang pa-suspense o ano.

"What the fuck are you saying?"

"Gusto mong ulitin ko? Hindi mo anak—"

"Anak ko siya! Ako ang ama! Dugo ko ng dumadaloy sa kanya, wag mo akong pinuputangina!"

Napa-igtad ako ng magwala siya at akmang susugurin ang matanda. Ngunit agad siyang pinigilan ng mga gwardya nito.

"No, no, no. Sasaktan mo ang sarili mong amo? That's a no, no. I made you, I'm the one who made you a monster. Hindi pwedeng saktan ng halimaw ang gumawa sakanya."

"Amo? Monster? Gago ka ba? I'm not a monster, neither a pet and you're not my master!"

Tumango si Doc sa mga gaurd, lumabas ang isang gaurd at kumuha ng upuan at may hawak na tali. Nanlaban si Chase kaya naman ay binugbog siya ng mga gaurd hanggang sa tuluyan siyang mang-hina at itinali siya sa isa pang wheel chair.

"Walang hiya ka, Doc! Anong ginagawa mo? Akala ko ba magkakampi tayo?!" Sigaw ni Chase sa Doctor.

Now you know kung ano ang nararamdaman namin.

"Akala mo lang 'yon."

Hindi na nakapagsalita pa si Chase dahil sa panghihina.

"Let me tell you all a story, kids." Tinignan niya ang bawat isa sa 'amin.

"On the earlier days, may isang batang lalaki na nagngangalang Bruce, mahirap lamang ang pamilya ng batang lalaki. Ang nanay niya ay labandera at ang tatay niya ay tricycle driver, anim silang magkakapatid at siya ang panganay. Tumutulong si Bruce sa mga magulang sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga basura at pamamalimos, sa kabila ng hirap ay nag-aaral parin si Bruce sa pampublikong paaralan. Isang gabi, nakita niya ang kanyang tatay na nagsasalita mag-isa, hanggang sa sunod-sunod na ang pagbabago sa kanyang tatay. Tila ba wala sa sarili. Nababaliw."

Tumigil siya saglit at mukang naaalala ang kanyang kinekwento.

"Isang araw, ginabi ng uwi si Bruce dahil mayroong mabuting tao na nanglibre sakanya sa mamahaling pagkainan habang siya'y namamalimos. Tuwang-tuwa si Bruce habang hawak ang supot na itinake-out sakanya ng mabuting tao para sa kanyang pamilya, nang malapit na siya sa maliit nilang bahay ay nakarinig siya ng sigawan at iyakan sa loob ng bahay."

Maging ako ay napatulala. Bakit ganito kalupit ang buhay? May mga taong sobrang naghihirap, merong nag-eenjoy lang, napaka-unfair.

"Sumalubong kay Bruce ang kanyang mga kapatid na duguan at puro saksak ang katawan. Nakita niya ang nanay niyang nakaluhod habang nasa harap nito ang kanyang tatay na hawak ang kutsilyong nakasaksak sa dibdib ng nanay, sabi ng kanyang tatay sa kanyang nanay 'Dahil ako ang padre de pamilya gagawin ko ang lahat, hindi na tayo maghihirap, hindi na tayo magtitiis sa kahirapan' nakita ni Bruce kung paano laslasin ng kanyang tatay ang leeg ng kanyang nanay," Napahinto siya dahil sa pag-piyok at nag-clear throat.

"Nakita siya ng kanyang tatay, hindi niya alam kung tatakbo ba siya o ano, walang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. Ngumiti sakanya ang tatay niya at sinabing 'Hindi na kami mag-hihirap, wag mong hahayaang lumaki ka ng walang alam at mangmang. Wag mong hahayaang magtiis sa kahirapan, anak, paalam' Napasigaw na lamang si Buce ng itutok ng kanyang tatay ang kutsilyo sa noo nito sinaksak ulo."

Nabaliw ang kanyang tatay dahil sa kahirapan. Meron pa bang mas lalala 'don?

"Alam niyo ba kung sino ang batang si Bruce?" Isa-Isa niya kaming tinignan.

"Ako," ngumiti pa siya sa amin.

"B-Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to, Doc?" Napatingin ako kay Chad na siyang nagsalita.

"Experiment?"

"Anong experiment?"

"Ang kambal, sila ang ginawa kong experiment."

"Anong pinagsasasabi mo, Doc?"

"Experiment? Puta, pano kami naging experiment? Doctor ka namin gago!"

"Mga hangal! Doctor ako sa inyong mga paningin habang ako'y pinageeksperimentuhan na kayo."

"Tangina, anong sinasabi mo? Baliw ka din ba kagaya ng kapatid ko?"

Sinamaan ng tingin ni Chase ang kapatid at napatingin naman si Doc kay Chad.

"Tama."

"Sinasabimue," bulong ni Carlo pero narinig namin kaya't sinamaan siya ng tingin ni Talia.

"Baliw nga ako," Pagtutuloy ni Doc.

Walang naka-imik sa amin at nakinig na lamang kay Doc.

"Itinatak ko noon sa utak ko na mag-aaral ako ng mabuti, gagawin ko lahat para hindi ako maging mahirap kagaya ng mga magulang ko, na hindi ako magagaya sa tatay kong nabaliw dahil sa kahirapan," Nag-pause siya at natulala. "Nag-aral ako ng mabuti, wala akong ibang ginawa kundi mag-aral ng mag-aral, kumuha ng iba't-ibang kurso, na-ipasa ang mga board exams, pinag-aralan kong maging mechanico, kalpintero at kung ano-ano pa, dahil naisip ko, paano kung dumating ang kamalasan at maghirap nanaman ako? At least kung maghirap man ako, hindi na pamamalimos at pagiging basurero ang gagawin ko," Humalakhak pa siya.

Kaya pala, kaya pala alam niya ang pasikot-sikot sa buong hospital. Meron siyang mga bagay na ibinigay sa amin kagaya ng earpiece, at tracker na sinabi niyang ginamit niya kay Chase.

"Naging doctor, nurse, psychologist, at scientist ako. Yumaman ako ng yumaman ng yumaman, natupad ko ang pangarap ko, hindi na ako maghihirap muli, ginawa ko ang sinabi ni tatay. Pero sa kabila ng tagumpay na meron ako ngayon, nahawa parin ako kay tatay. Nabaliw ako. Kung si tatay ay nabaliw dahil sa kahirapan, ako naman nabaliw dahil sa sobrang katalinuhan," Naka-ngiti siya sa kawalan.

And I was wrong, mas may lalala pa pala sa mabaliw dahil sa kahirapan.

"Noong lumalala na ang sakit ko sa utak, doon ko naisip na gumawa ng gamot, gamot na magpapabalik sa normal na daloy na pag-iisip ng utak ko. Nakabuo naman ako. Mabuti na lamang at matalino ako, kung hindi ay paniguradong isa na din ako sa mga pasyente sa hospital na 'to. Hahahaha."

"Eh yung gamot na ipinapainom mo sakin? Yun diba ba ng gamot mo?" Tanong ni Chase. Naalala ko ang sinabi niya sakin.

"Something's  up here. Iisa lang ang gamot na binigay niya sa akin since the first day na pumunta kami sa hospital sa states. At first akala ko normal na gamot lang iyon para gumaling ako. Hanggang sa sabi niya I shoud take atleast three tabs every morning, lunch and dinner. Hindi ba nakakapag-taka? Tatlong tabletas pero iisang gamot lang."

"Maybe para mapabilis ang pag-galing mo?"

"Pag galing ko? That's nuts. It even made my situation worse. Ang bilis kong maka-limot, sobrang panlalabo ng paningin ko. Sobrang busog ko kahit di naman ako kumakain. Nangangayat ako, yung lungkot na nararamdaman ko ay mas lumalala, ang dali kong magalit. Hindi ko control ang sarili ko."

"That's the first year, sa pangalawang taon ay dun ko itinigil ang pag-inom, bumabalik na ako sa dati. Dun ko naisip na humanap ng koneksyon dito sa pilipinas para pagmatyagan ka. And then this year, bumalik ako. For you."

"Nope, ang gamot na ibinibigay ko sa'yo ay ang gamot ni Chase. Kung ang gamot ko ay para mawala ang aking pagka-baliw, ang gamot niyo ng kambal mo ay para mabaliw kayo."

"What the hell?"

"Noong mga bata pa kayo, pinuntahan ako ng mga magulang niyo para ipa-check si Chase. Kilala ako bilang magaling na psychologist. Siguro ay nasa 5 or 6 pa lang kayo noon. Masayahing bata si Chase, makulit, mabait. Habang si Chad ay masungit, tahimik. Pinunta sa akin si Chase dahil daw gabi-gabi na lang daw umiiyak ang bata at hindi naman nagsasabi sa magulang niya. Nagkakaroon ng depression si Chase dahil sa sobrang insecurity sa kapatid. Walang gamot ang depression kundi aruga at pagmamahal lamang sa mga tao sa paligid niya, but then, binigyan ko siya ng gamot, hindi nireseta ang gamot dahil wala naman ito sa mga botiques because I'm the one who made it, at si Chase ang una kong page-eksperimentuhan."

Napatingin ako kay Chase na tahimik lang.

"At dahil bata pa si Chase noon, isang tabletas sa isang araw lang dahil kapag masobrahan ay may side effect na maaaring hindi kayang i-digest ng katawan niya. Nakikita ko ang pagbabago sa bata, mas nagiging agressive siya, mabilis uminit ang ulo. Until my daughter, Melanie, became friends with Chase, along with Talia," tinignan niya si Talia.

"Tila ba nawala ang epekto ng gamot kay Chase, bumalik siya sa dati. Kaya naman sinabi ko sa mga magulang niya na gawin tatlong beses ang pag-inom sa isang araw. Iniba ko pa ang disenyo ng gamot at sinabi sa parents nila na kung meron mang iba pang kapatid si Chase, palaging painumin ng vitamin na ibibigay ko. Malaki ang benefit ng vitamin na 'yon sa mga bata kako sa mga magulang nila. Uto-uto naman at binigyan nga si Chad, at unti-unting umeepekto sakanya ang gamot, kaya dinala na din siya sa hospital kasama ang kambal."

Ano sila? Guinnea pigs para pag experiment-an?!

"Mas nagiging agressive na nga si Chase dahil mas dinagdagan ko pa ang mga gamot niya, mas bumilis uminit ang ulo, hanggang sa nakakasakit na nga siya."

Naalala ko ang kwinento ni Talia sa 'min nung mga bata pa sila. Nagbabago si Chase. Hanggang sa dumting yung time na sinuntok niya si Talia at tinusok ng lapis sa balikat si Melanie.

"Ang alam ng mga tao ay pinaaalis ko sa hospital ang kambal dahil sa nangyari sa anak ko, but no, sinabi kong maghohome service na lamang ako. Pinalabas ko lang na na-ban na ang pamilya nila sa hospital dahil ang ibang investors sa hospital ay nakakahalatang bumababa ang ratings ng hospital dahil nagastos ko ang almost 40 percent ng pera ng hospital at ipinambili ng mga device na kakailanganin para maperfect ang experiment sa gamot. Ang sinasabi ng investors ay ginagasatos ko daw sa pasyente kong kambal dahil palagi akong pumupunta sa room nila."

"Sa bahay nila mismo ko ginawa ang experiment without them knowing, ang alam ng parents nila ay inaaalagaan at minementain ko ang magandang kalusugan ni Chase. But nah, I'm actually creating a monster. Nag-focus ako kay Chase at nakalimutan ko na si Chad. Hanggang sa nagbibinata na sila, kwinento sa akin ni Chase na may dinala raw na babae ang kambal niya sa bahay nila. At ikaw 'yon, Cara," Nginitian niya ako at sinamaan ko lamang siya ng tingin.

"Hindi lang ako naging Doctor ni Chase, I also became his bestfriend, sa akin niya kwine-kwento ang lahat ng hinanakkt niya sa kapatid niya, na sobra-sobra ang galit niya dito. Na bakit siya na lang palagi, sakanya na lang napupunta lahat. At ikaw, Cara, ang nag-trigger sa demonyong nasa loob ni Chase. Ikaw ang gumising. Sabi niya kung kaya niya lang pumatay ay pinatay na niya ang kapatid niyang inaagaw lahat sakanya, So he told me na gawin ko lahat, para mawala ang awa niya, para pwede niyang gawin lahat ng gusto niya, kahit manakit o pumatay ng hindi nakokonsensya. Sabi niya tulungan ko siyang tanggalin ang bait sa pagkatao niya. Na tulungan ko siyang mamuhay na parang walang puso, ganun siya kadesperadong makuha ka, Cara."

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Chase na naka-tingin din sakin.

"H-How could you? Hinayaan mong gawin kang halimaw ng demonyong 'to?" Sabi ko sakanya, rumagasa ang mga luha mula sa kanyang mata.

"N-Nagmamahal lang ako, Cara. Mahal na mahal lang talaga kita."

"Nagmamahal? Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagmamahal? You don't love me, Chase. You're obsessed with me! Kung mahal mo ako hindi mo gagawin ang lahat ng 'to, kung mahal—"

"Tama na."

"—mo ako hindi mo ako bababuyin at gagahasain para lang makuha mo ak—"

"Tama na sabi."

"—Kung mahal mo ako hindi mo ibo-block mail ang kapatid mo na ikalat ang scandal namin para lang mapaghiwalay kami."

"Sinabi kong tama na!"

"Kung mahal mo ako hindi mo gagawin ang lahat ng 'to in the first plac—"

"Manahimik ka na! Tama na!"

"Kung mahal mo ako iisipin mo ang nararamdam—"

"Puta sinabi kong manahimik ka na!!"

Nagsimula siyang magwala sa kanyang inuupuan habang lumalandas ang mga luha sa kanyang mga mata, at maging ang sa akin ay rumagasa na din. Bakit? Bakit kailangan ganito kahirap ang pinagdadaanan ko? Bakit kailangan ganito kasakit ang nararamdaman ko? Anong kasalanan ang nagawa ko para mangyari ang lahat ng ito sa akin?

"K-Kung mahal mo ako iingatan mo ak—"

"Tumahimik ka na, please, Cara, nasasaktan din ako, hindi lang ikaw, hindi lang kayo, manahimik ka n—" nanghihina ang kanyang boses at dahan-dahan siyang huminto sa pagwawala.

"Kung mahal mo ako hindi mo ako papahirapan ng ganit—"

"Hindi ka mananahimik? Ha?! Hihintayin mo pang makawala ako dito?!" Nagulat ako ng magwala ulit siya. Bumalik ang galit sa muka niya ngunit hindi parin tumitigil sa pag luha ang kanyang mga mata. Mas lalo lamang lumakas ang pag-iyak ko.

Ito ba ang dulot ng experiment sayo, Chase?

"Kung mahal mo ako hindi mo ako sasaktan ng ganito!"

"C-Cara," pag tawag ni Chad sa pangalan ko.

"Tama na, Cara," sabi ni Carlo.

Nakakatawang isipin na kasama ko sa iisang kwarto si Carlo, si Carlo na kinaibigan ako para sa ex niya pero sa huli ay nagkagusto din sakin, ngunit tinanggap niya kahit pagkakaibigan lang ang mabpibibigay ko sakanya.

Si Chad na pinakamamahal ko mula sa umpisa. Na kasama kong nag-hirap at nasaktan kahit na malayo man kami sa isa't-isa. Inakala kong hindi na maibabalik pa sa dati ang lahat, pero muli ko siyang tinanggap sa kabila ng lahat.

Si Chase, si Chase na mahal na mahal ako. Ginawa ang lahat para lang mapunta ako sakanya. Nagpaka-baliw para sa akin. Halos handang ibigay ang kaluluwa sa demonyo makuha lang ako.

Ito ba? Ito ba ang nadudulot ng pag-ibig? Grabe. Nakamamatay.

"K-Kung mahal ninyo ako... tatanggapin niyo gaano man kasakit, gaano man kahirap, kahit hindi kayo, basta't masaya ako sa piling ng taong mahal ko. Alam kong masakit na hindi mo makuha yung taong pinakamamahal mo, pero alam niyo kung ano yung mas masakit?"

Tinignan ko si Chase na naka-pikit at hindi tumigil ang pag-agos ng mga luha niya.

"Yung nakuha mo nga yung taong mahal mo, pero hindi naman siya masaya sa piling mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top