32


"Anong sinabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Putangina?!"

"W-What the fuck."

Tumayo si Chase at binuhat si Cane pababa sa passage, ilang saglit ay bumalik siyang muli. "You don't remember that night? That was the best day of my life, Cara, a night with you," hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin parin siya sa akin.

Pilit kong inalala ang kanyang sinabi pero hindi ko maalala, wala akong maalala, "W-Wag ka ngang gawa-gawa!" Galit na bulyaw ko sakanya, umapoy ang kaba sa aking dibdib. Humalakhak siya na mas nakapagpakaba sa akin.

"At bakit naman ako magsisinungaling?"

"Ano bang pinagsasasabi mo?!" Galit na sigaw ni Chad sa kapatid.

"The night na pinalayas ka sa bahay ninyo, Cara, naaalala mo ba?"

Napatulala ako ng maaalala. Oo, naaalala ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang gabi na pinalayas ako ng mismong mga magulang ko dahil sa kumalat na scandal at picture ko.

It was raining that night at backpack lang ang dala ko, nag-lalakad ako sa gitna ng kalye, sinasalubong ang mga mabibilis na sasakyan. Sinisigawan at binubusinahan ako ng mga drivers. Pero wala akong pake. I was so lost that night, umalis na si Chad tapos ay pinalayas pa ako.

Until maramdaman ko ang pag-bangga sa akin ng isang sasakyan. Ang huli kong maalala ay pinapalibutan na ako ng mga tao at may sirena ng ambulansya.

"Nabangga ako, yun ang huli ko naaalala."

"That's right, nabangga ka, you were hit by me."

"Ano?!" Sigaw muli ni Chad.

"Tarantado ka sinadya mo ba siyang banggain? Kaya ba hindi ka agad sumunod sa amin sa states?!"

"Bobo ka ba? At bakit ko naman siya babanggain? Ang taong mahal ko? It was an accident, umuulan 'non, madulas ang kalsada, nagpaikot-ikot ang sasakyan ko hanggang sa nabangga nga siya."

"Ang tanga mo! Paano kung may nabali sakanya? Paano kung mas malala pa ang nangyari sakanya? Maibabalik mo ba an—"

"Oh, shut up, brother. Tapos na, wag mo ng ibalik, kita mo namang buhay na buhay ang babaeng mahal natin diba?"

Humihingal at masamang tingin ang ipinukol ng kanyang kapatid sakanya at nagtuloy sa pagsasalita.

"After that, ano pa ang naaalala mo?" Tanong niya sa 'kin.

"N-Nakatira na ako sa isang boarding house malapit sa school, s-sabi sakin nung matandang mag-asawa nakita daw nila akong nabangga, t-tapos dinala ako sa hospital, after 1 week daw ay inuwi na lang nila ako sa boarding house na pagmamay-ari nila dahil hindi na nila kayang bayaran yung bills sa hospital."

Naalala ko ang pag-gising nang araw na 'yon. Mukha ng mag-asawang medyo may edad na ang bumungad sa 'kin. Dahil wala na din naman akong matitirahan ay pinatira na lamang nila ako sa boarding house na tinitirahan ko ngayon dahil nga pinalayas ako. Sabi nila ako na din daw ang mag manage sa iba pang boarders dun, ako ang kumukuha sa bayad ng renta at ibinibigay ko sa mag-asawa.

Pero alam ko, ramdam kong may kulang. Merong mali.

"Hahahaha! Funny, effective naman ang sinabi ng mag-asawang 'yon at napaniwala ka."

"A-Anong sinasabi mo?"

Kinkabahan. Kinakabahan ako ng sobra. Sobra sobra. Gusto kong tumakbo palabas ng kwartong 'to dahil ayaw kong marinig ang sasabihin niya, pero may parte sa 'kin gusto kong malaman ang totoo. Pero kaya ko bang tanggapin kung ano man ang sasabihin niya?

"Na-comatose ka for 6 months, Cara, nabagok ang ulo mo that was led to comatose. Inako ko ang lahat. Hindi kita dinala sa hospital, instead, I brought you home. Ang private doctor namin ang tumingin sayo. Ako ang nag-alaga sayo. Ako ang araw-araw na nagbibihis at nagpapaligo sayo," Naka-ngiti siya sa akin. At halos hindi mag-sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya.

"You're lying, why are you lying?! Ang sabi ng mga kumupkop sa ak—"

"Hindi ka nila kinupkop, inutusan ko sila, binayaran ko sila para magsinungaling at sabihin sa 'yong 1 week kang walang malay, binayaran ko sila para patirahan sa boarding house nila. Hindi ka man lang ba nagtataka na palaging merong rosas sa may pintuan mo?"

Naalala ko ang isang pulang rosas na palaging nasa may pintuan ng boarding ko tuwing umaga, ang akala ko ay meron lang bata na siguro'y nagkakagusto sa akin kaya nilalagay ang rosas sa pinto ko o may kung sino man nagkakagusto sakin at
napagtitipang magbigay ng rosas.

"Ikaw ang nagbibigay 'non?" Hindi makapaniwalang sambit ko at nakangiti naman siyang tumango.

"Who else? Dapat nga boquet ang ibibigay ko instead sa isang rose lang, napaka-cheap ng isang rose, pero naisip ko din na baka makahalata ka kapag boquet ang ibibigay ko."

"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to?! Si Chad! Si Chad ang mahal ko, hindi ikaw, alam mo 'yon simula pa nung una!" Hindi mapigilang mag-umapaw sa aking dibdib.

"Alam ko, alam na alam ko! Kaya nga nagawa ko ang lahat ng 'to! Simula pa nung bata, puro na lang si Chad. Si Chad dito si Chad doon. Porque ba ako ang panganay ako na lang ang palaging magpaparaya? Na kahit nasa akin na kapag gusto niya ibibigay ko parin? Ibibigay ko ang mga materyal na bagay sakanya, huwag lang ikaw, Cara, wag lang ikaw."

"Hindi mo naiintindihan, Chase, si Chad ang unang nakilala ko at ang minahal ko, kapatid ka ni—"

"Wala akong pakielam kung siya ang nauna mong nakilala o ano! Kasalanan niyang dinala ka niya sa bahay noon, yung araw na ipinakilala ka niya sa mga magulang namin ay ang araw na nagkagusto agad ako sa 'yo. Kaya sabi ko sa sarili ko, this time, ako naman, hindi na ako magpaparaya pa, aagawin kita sakanya no matter what it takes."

Naalala ko ang araw na dinala ako ni Chad sa bahay nila para ipakilala sa kanyang parents, at ang araw na nakilala ko si Chase, ang kambal ni Chad.

Flashback

"Chaaad, iiiiih, ayoko kinakabahan akooo," hila-hila ako ni Chad papasok sa bahay nila at nilalabanan ko naman ang lakas niya.

"Tara na kasi, ba't ka naman kakabahan? For sure magugustuhan ka ng parents ko," sabi niya at ngiti-ngiti pa, halata ang excitement sa kanyang muka.

"P-Pano kung tarayan ako ng Mama mo? Tapos sasabihin niya 'My son doesn't deserve a girl like you, he deserves better, he deserves the best, and you're just a commoner na gustong huthutan ng pera ang anak ko'," iniba ko pa ang boses ko at with action pa.

"Bakit? Nasa teleserye ba tayo? Ang cliché ha," napa-pout ako at humalakhak naman siya.

Nakakainis! Eh ganun naman kasi talaga yung mga nanay sa tv, kapag pinakilala nung anak yung babae eh rararatratin yung girl, tapos gagawin nung nanay lahat para mapaghiwalay sila nung anak. Mga kontrabida. Hmpf.

"Come on, Cara, wala ka bang bilib sa sarili mo? First hindi ka commoner, at hindi ka mahirap kagaya ng mga napapanood mo sa teleserye na 'yan. Matalino ka, talented, maganda, SSG president, complete package, trust me baby, they will love you," naka-ngiting sabi ni Chad sa 'kin habang hawak-hawak ang magkabila kong pisngi.

He's right, so I surrendered. Nagpahila na lang ako sakanya hanggang sa makapasok kami sa loob ng kanilang maganda at malaking bahay. Wow. That's all I can say.

"Mom, Dad! She's here!" hindi nawala ang kaba sa aking dibdib.

"Here, son, at the back!" narinig namin ang boses ng isang lalaki, na sa tingin ko ang papa ng boyfriends ko.

Oh my god, oh my god, oh my god, sana magustuhan ako ng parents ni Chad. Cross my heart mamatay man yung nagbabasa neto...

Joke.

"Oh hi, son, is that your girlfriend?" Hindi ko makita ang muka ng mama niya dahil nasa likuran niya ako.

"Yes, Mom, meet my almost perfect girlfriend, Cara Del Valle."

"Ehe, h-hi po."

Pilit akong ngumiti at kumaway sakanila, napaka-formal ang suot ng kanyang mga magulang, itsura pa lang nila ay kagalang-galang na. Maganda at gwapo sila, pero sa features ng muka ay mas kamukha ni Chad ang kanyang Dad. Sa mata naman ay nakuha niya sa kanyang Mom.

"Wow! So sexy and pretty!" Compliment sa 'kin ng Mama niya.

"Nice one, Chad. Upo ka, iha."

Pinaghila ako ng upuan ni Chad at umupo naman ako don, saka siya tumabi sa 'kin.

"So tell us about your background, Iha," sabi ng mama niya at nagsimula na silang kumain kaya naman sumabay ako.

"I'm—"

"Valedictorian sa room namin ever since grade 7, tumakbo as SSG pres nung grade 8 kami and guess what? She won! Amazing right? Ang dami niyang kalaban from other grade levels, meron siyang mga kalaban sa grade 12, 11, 10 etc na mas matatanda sa amin. Pero nagawa niyang maging posible ang imposible. My girlfriend won. Nalagay pa siya sa school news paper, at alam niyo ba kung ano ang title ng article? 'The youngest SSG President of all time, Cara Del Valle' hanep diba? Mom? Dad? Nung grade 9 sumali siya ng pageant, nanalo ulit, naka-ilang sali na din siya ng debate sa school, lumaban pa siya ng regionals at nationals, she won! May sinalihan siya dancing and singin, and guess what again? She freakin won—"

"And she also won your heart, right son?"

"Hahahaha, she surely has, Mom."

"Ay, where's your kuya? Call him na."

"Okay!"

Tumayo siya at umakyat sa second floor nila. Naiwan lamang kaming tatlo.

"I can see that my son really likes you, dear," naka-ngiti sa akin ang mama niya.

"And I like him too as well, Ma'am."

"Nako, hahaha, you're too formal, Tita na lang, and call my husband Tito."

"Okay po, Tita, Tito."

Nagtawanan kami at napatingin ako ng bumalik siya sa tabi ko at tahimik na tinignan ako.

"Where's your brother?" Tanong ng papa niya sakanya, nagkibit balikat lang siya nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.

"Cara, my dear, sa narinig ko mula sa anak ko kanina ay mukang matalino ka namang bata, please do know your limits okay? Okay ang magkaroon ng bf gf, pero focus more sa studies okay? Lalo pa't malapit na kayong mag-senior, huwag na huwag papabayaan ang pag-aaral. Keep that in mind."

"Yes naman po, Tita. Noted."

"Oh, andito ka na pala eh," napa-kunot ang noo ko nang bumalik si Chad. So sino itong katabi ko?

"Cara, meet my kuya Chase. Twins kame, mas nauna siyang lumabas ng 6 minutes pero mas gwapo ako."

Pinag dikit ni Chad ang muka nila ng kapatid at humarap sakin. Napatawa naman ako. "Kapal mo, mas gwapo daw ang mga panganay," pang-aasar ko.

"Ah, so nagkamali yung doctor at ako talaga ang naunang lumabas?" Nagtawanan kami maliban kay Chase na hindi inalis ang tingin sa 'kin.

"Oy kuya, ako dyan," lumipat ng upuan si Chase sa harapan namin. Nakakailang ang kanyang tingin.

"Kuya baka naman malusaw yang girlfriend ko ha."

End Of Flashback

"Inalagaan kita, ako ang katabi mo halos buong araw, kapag may iba man akong pinupuntahan ay mabilis ko agad tinatapos kung ano man 'yon dahil ku g pwede lang ay hindi ko iiwan ang tabi mo."

Napatulala na lamang ako sakanya. Tila ba pinagtagpi-tagpi ang mga katanungan sa isip ko. Yung mga kasagutan na hinahanap ko, sinasabi na niya.

"Then one night, binihisan kita, hindi mo alam kung gaano katindi ang pagpipigil ko sa sarili sa tuwing hinuhugasan at binibihisan kita. And so naisip ko, wala naman na kayo ng kapatid ko, iniwan ka na niya at pumunta sa states. Wala ng makakapigil sa 'kin. At kapag ginawa ko ang bagay na 'yon, mapapasakin ka na. Wala ka ng kawala."

"You shit! You fucking shit! Tarantado kang hayop ka! Wala kang awa!" Muling nagwala si Chase sa kanyang kinauupuan pero walang pumansin sakanya. Ang lahat ay taimtim na nakikinig kay Chase.

"I raped you, Cara. I raped you."

"H-Hayop k-ka, binaboy mo ako!" Sa sobrang galit sa aking dibdib ay nag-unahan ang mga luhang tumulo. Gusto kong magwala. Gusto kong manakit. Gusto ko siyang patayin, pero hindi ko magawa.

"Binaboy? Hindi kita binaboy, I fucked you with all my love. At nakakatuwang isipin na may nabuo ang pag-ibig ko sayo."

"N-No."

"Cane is your son, Cara. Our son. I named him after you, Kinuha ko ang dalawang first letter ng pangalan mo, actually, Chane yung una kong naisip kaso pangit, kaya nag-end na lang sa Cane."

"Hindi 'yan totoo, hindi pwedeng magka-anak ako sa 'yo, kay Chase. Kung magkakaanak man ako ay si Chase lang ang magiging ama, hindi ikaw!"

Napatingin ako kay Chase na nakatulala. "C-Chase, wag kang maniwala hindi to—"

"Tsk, tsk, tsk. Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo, Cara? Alam mo na ang katotohanan, tanggapin mo na lang."

"Hindi! Kahit kailan hinding hindi ko matatanggap na ang anak ko ay magkakaroon ng tatay na katulad mo, katulad mong demonyo! Walang awa! Bali—"

"Cara!"

"Gago ka!"

"Walang hiya ka! Putangina mong tarantado ka, papatayin kita! Papatayin talaga kita!"

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Hindi lang ang pisngi kong sinampal ni Chase. Pero pati ang puso ko. Pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit at galit. Tama siya, nasa harapan ko na ang katotohanan, pero hindi ko matanggap, hindi ko matatanggap. Paano? Paano ko tatanggapin na may anak ako kay Chase? Paano si Chad? Si Chad lang ang gusto kong makasama habang buhay, siya ang gusto kong maging ama ng mga anak ko in the future.

Paano ko matatanggap na na-comatose ako at habang wala ako sa huwisyo ay ginahasa ako ng demonyong si Chase? Hindi. Hindi ako naniniwala.

"Tanggapin mo na lang! Ang dami dami ko ng sinugal para sayo, Cara. Mula sa umpisa. Nahirapan at nasaktan din ako, hindi lang ikaw, hindi lang kayo. Nakipag-kampihan ako kay Melanie noon dahil gusto niya si Chad. Nagplano kaming paghiwalayin kayo. Blinock-mail ko ang kapatid ko na yayain kang mag-sex at kuhanan ng video at picture ang nangyari sainyo. Yun lang ang pinakamabisang paraan para mapag-hiwalay kayo. Alam mo ba kung gaano kasakit? Ha? Alam mo ba kung gaano kasakit makita na yung taong gustong-gusto mo ay nakikipag-sex sa mismong kapatid mo?"

Napatigil ako ng lumuhod siya sa harap ko at lumandas ang mga luha mula sa mata niya. Sa kabila ng sakit ng pisngi ko dulot ng pagsampal niya sa 'kin, napasabay na lang din ako ng pag-iyak sakanya.

Nakakagulat makita siyang umiiyak. Ngayon ko lang siya nakitang mahina. Kahit papaano ay naging kaibigan ko naman siya, noon. Nawala ang nakakatakot niyang awra. Tila ba gumuho ang napaka-laking dingding sa paligid niya at nakikita ko, namin ngayon ang tunay na nararamdaman niya.

"Nagtagumpay kami, naghiwalay kayo, iniwan ka na niya. Ang saya-saya ko, sobra. Kaso mas sobrang sakit pa pala yung kapalit. Naaanakan nga kita, kaso nung gumising ka, nawala na yung Cara na nakilala ko. Hindi ka na ngumingiti. Hindi ka na tumatawa. Hindi ka na masaya. Nakita ko kung paano ka tratuhin ng ibang tao. Nakita ko kung paano ka nagbago. Ang sakit. Sobra."

Naalala ko ang mga araw na binubully ako ng mga tao sa school, lait-laitin, apak-apakan.

"Sumunod ako sa states at pinalaki ko si Cane habang ang kapatid ko ay nagpapagaling, kahit nasa malayo ay alam ko kung ano ang nangyayari sayo, gustong-gusto kong patayin yung mga hayop na nanakit sa 'yo. Hindi nagtagal bumalik din kami, pagbalik namin ay pinakuha ko ang mga lalaking gumagalaw sayo. Plano ko silang pahirapan lahat, kaso dumating ka."

Napatingin ako sa mga lalaki na kasama namin na nakikinig lang.

"Alam ko kung gaano kahirap ang nangyari sayo. Pero inisip ko, pagkatapos ng paghihirap mo, natin. Mapapasakin ka rin. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap, wala na akong pake. Basta ang importante, maging akin ka."

"Kahit kailan, hindi. ako. magiging. sayo." Diniinan ko ang bawat salita at seryosong tumingin sakanya. Bumalik sa pagiging seryoso ang kanyang muka at bumalik din sa pwesto.

"Meron na si Cane, Cara. May dahilan na para mapunta ka na sakin, hindi ka ba naawa sa bata? Iiwan mo siya dahil lang sa walang kwenta kong kapatid? Hahayaan mong lumaki ang anak natin ng walang ina?" Desperadong sabi niya sakin

"Unang beses pa lang na makita ko si Cane, meron ng luksong dugo akong naramdaman. Naniniwala akong anak ko siya, pero hindi ako naniniwalang ikaw ang ama," deretso kong sabi sakanya.

Nilabas naman niya ang kanyang celphone na aking ipinagtaka at parang may hinahanap saka hinarap sakin.

"Nakikita mo yan? Ha? Yan yung lumalaki na ang tyan mo, nandun ako sa tabi mo, tapos ito sabi ng doctor lalaki daw ang baby. Tuwang-tuwa ako ng malaman kong lalaki, paniguradong gwapo ang anak natin kasi gwapo ang tatay at maganda ang nanay eh, hahaha! Tapos ito, ito. Lumabas na si baby! Si baby Cane, ang baby natin. Nakikita mo yang tahi sa tiyan mo? Diyan kasi kinuha si baby. Cesarian ang ginawa sayo ng private doctor namin kasi hindi ka naman pwedeng umire kasi nga comatose ka, may binigay sakin si Doc na cream na palagi ko daw ilalagay sa tahi mo para mawala ang sugat."

Ipinakita niya sa 'kin ang pictures ko sa phone niya. Tulog ako at may tube sa bibig ko sa mga pictures, malaki ang tiyan ko sa ibang picture. Ang iba ay kasama siya tapos may picture na maliit na ulit ang tiyan ko habang buhat niya ang baby. H-Hindi.

"Naniniwala ka na? So ano? Magpapakasal na tayo, ha? Bukas na bukas din. Invited lahat ng tao dito, bro, best man kita ha? Sandali tatawagan ko lang yung secretary ni Mom para i-ready na lah—"

Natigil siya dahil sa tatlong katok sa pintuan. Napatingin ako kay Chad na kanina pa umiiyak, nagka-tinginan kami nina Marc at Sheryl maging sina Rey at ang mga kasama niyang lalaki.

"Tulong!!! Tulungan niyo po kami!"

"Heeeelp! Hinohostage kami dito!"

"Putangina tulungan niyo kami!!!!"

"Tumawag kayo ng pulis! May baliw dito papatayin kami!"

"Raaaaaaaaape!"

Sabay-sabay kaming natigil at napatingin sa isang lalaki na kasama namin.

"Mga puta manahimik kayo!" Sigaw sa amin ni Chase at tumayo saka lumapit sa pinto. Hindi kami tumigil sa pagsigaw hanggang sa binuksan ni Chase ang pintuan at pumasok ang dalawang lalaki na hindi namin kilala habang tulak-tulak ang mga wheel chair kung saan walang malay at nakatali sina Carlo at Talia.

"Carlo? Talia?!"

"Anong ginawa ninyo sakanila?!"

Mabilis na kumabog ang puso ko ng makumpirmang tama nga ako ng hinala. "Hello, Doc," bati ni Chase sa taong pinagkatiwalaan namin. Pumasok siya sa kwarto ng may malaking ngiti sa labi.

"Hello, Chase, hello sa iyong mga bisita, lalo na sa 'yo, Cara, ano, exciting ng mission diba?" tuwang-tuwang bati niya sa amin at nginisihan ako.

"Sobra, kaso mas masaya sana kung walang traydor sa grupo, hindi ba, Kuya Bruno?" Pagdidiin ko sa pangalan niya at nginisihan ko din siya.

"The fuck?" Rinig kong sabi ng isa sa aking mga kasama.

Akala ko ay malala na ang kaganapan kanina, pero hinde, mas may lalala pa. Sa pag-upo niya sa kaninang kinauupuan ni Chase at paglabas ng mga salita mula sa kanyang bibig, all hell breaks lose.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top